Allyson's Point of ViewPagkatapos umalis ni Travis ay minabuti ko na lang din na umalis. Mabuti na lang at naghihintay naman si Zia sa akin sa labas kaya hindi ako natagalan sa restaurant.Nagpahatid ako sa bahay dahil gusto ko munang maikalma ang sarili ko at para na rin hindi ko muna makita si Travis."Kumusta ang usapan niyo ni Travis? Nakita ko siyang nakangiti kanina habang papalabas sa restaurant." panimula ni Zia at awtomatiko akong napangiti."Kinakabahan ako nang makita ko siya, pero nang makita ko sa mata niya kung paano niya tingnan ang babaeng kasama niya ay kumalma naman ang sistema ko." nakangiting sagot ko sa kaniya at inabutan niya ako ng wine."May dala siyang babae? Kilala mo ba kung sino ito?" pang-uusisa ni Zia at umiling ako.Totoo naman kasing hindi ko kilala ang babae na kasama niya at wala rin akong pake kung sino ito dahil halata namang walang pake si Travis sa kaniya."Hindi ko naman kailangang kilalanin ang babae dahil halata namang malayo ang agwat namin s
Travis Point of ViewSaglit kaming binalot ng katahimikan ni Chad. Hindi niya naman ako ginugulo sa iniisip ko.Sabay kaming napatingin ni Chad sa folder nang may maalala ako."Ano nga pala ang nangyari sa Jewel at mga Velasco?" kunot noo kong tanong kay Chad at umiling siya. Halatang medyo hindi maganda ang nangyayari."Ayon kasi sa pag-iimbestiga ko ay palaging lumalabas si Xia at Matt. Sinubukan kong maghanap pa ng mas matibay na ebidensya sa mga hinala ko at talagang malapit ng makuha ni Matt ang partnership."Mawawalan na sana ako ng pag-asa kung hindi ko lang naalala ang ginawa ko kaninang umaga sa bahay."Kunin mo ang folder sa drawer ko at pupuntahan ko si Xia ngayon. Titingnan ko lang kung may magagawa ba ako." utos ko kay Chad.Nagpahatid ako sa company driver dahil may iba akong ipinagawa kay Chad. Magsasayang lang kami ng oras kung isasama ko pa siya.Nagpakawala ako ng buntong hininga bago kumatok sa unit ni Xia. Sana lang talaga ay umepekto ang plano ko."Mr. Tan? Ano an
Allyson's Point of ViewKinakabahan ako habang naglalakad papasok sa bahay ni Travis. Hindi ako sigurado kung nakauwi na ba siya o hindi pa, dahil hindi ko naman nakita ang sasakyan niya sa parking area.Sinubukan kong buksan ang bahay at mabuti na lang ay hindi niya naisipang palitan ang passcode. Kaagad akong dumiretso sa kusina upang simulan ang pagluluto. Inihanda ko ang mga sangkap para sa adobo. Hindi ko kailanman makakalimutan kung gaano kagusto ni Travis ang luto kong adobo noon. Sana lang ay hindi ito nagbago.Ilang oras din ang ginugol ko sa pagluluto ng iba't ibang pagkain. Baka sakaling gutom siya pag-uwi niya ngayon.Napatingin ako sa aking cellphone na inilapag ko sa lamesa nang tumunog ito. Dali-dali kong inayos ang kusina at kaagad na kinuha ang cellphone upang magtago. Pinagbantay ko kasi si Zia sa labas upang malaman ko kung dumating na ba si Travis o wala.Bumukas ang pinto ng bahay at nakatingin lamang ako sa sahig. Naglakad ito papunta sa kusina at kaagad din nama
Third Person's Point of ViewInimbitahan ni Matt ang lahat ng kaniyang mga kaibigan sa isang mamahalin na bar. Gusto niyang ipagmayabang sa lahat kung gaano siya kayaman na kahit anong gawin niya ay hindi siya mauubusan ng pera."Everyone! Lahat ng inumin na nakikita niyo na nasa loob ng bar na 'to ay pwede niyong inumin! Huwag kayong mababahala sa bayarin dahil ako mismo ang sasagot sa lahat!" malakas na anunsiyo ni Matt at kaagad namang naghiyawan ang mga tao sa saya."Thank you si much, Mr. Velasco!" sigaw halos ng lahat maliban lang kay Austin na tahimik na umiinom sa gilid. Seryoso ang mukha nito at hindi mo mababasa kung masaya ba siya o hindi.Patuloy sa pagsasayaw nang lahat. Ang tanging sasalubong sa iyo sa lugar ay ang malakas at punong hiyawan ng mga tao.Sinenyasan naman ni Matt ang dj dahil sa biglaang pagtawag ng tatay nila ni Austin. Lahat ng mga tao sa loob ay nakatingin sa kaniya habang nakikinig sa tawag."Bakit po kayo napatawag?" masayang tanong ni Matt sa kaniyang
Someone's Point of ViewPauwi na sana ako galing sa gala nang mahagip ko ang mga Velasco kaya naisipan ko na sundan muna ito.Pinatigil niya si Austin sa pag-alis nito at kaagad niyang kinausap. Medyo malayo ako sa kanila kaya hindi ko masyadong kuha kung ano ang sinasabi nila.Umabot pa ang ilang minuto at tuluyan na ngang umalis si Matt. Sa bawat pagtapak nito ay mararamdaman talaga ang galit niya.Austin's Point of ViewMedyo kinakabahan ako habang masama ang tingin ni kuya sa 'kin. Alam ko naman na hindi siya bobo upang hindi maisip na ako ang may pakana sa lahat ng nangyayari sa kaniya ngayon."Huwag kang titingin ng ganiyan sa 'kin, Austin. Ikaw ba ang nagsabi kay Dad tungkol sa lahat ng ginagawa ko?" galit na tanong nito habang diretso ang titig sa akin. Sinikap ko naman ang sarili ko na tingnan siya sa mga mata at labanan ang galit nito."Kuya? Anong pinagsasabi mo? Hindi ko naman yata kayang gawin ang sinasabi niyo. Nagkakamali po kayo ng naiisip." dali-dali kong sagot sa ka
Allyson's Point of View"Kung hindi ako nagkakamali ay hindi dapat naririto si Mr. Velasco." saad ni Travis mula sa aking tabi kaya naitulak ko si Austin sa gulat.Payak na tumawa si Austin at tiningnan si Travis na puno ng pang-aasar. Ginagalit niya na naman ang bata."Masama ba na bisitahin ang kaibigan ko? Wala namang nagsasabing polisiya na hindi pwedeng maging magkaibigan ang dalawang empleyado mula sa magkaibang kompanya." sagot ni Austin at hindi ko rin mapigilan ang sariling hindi matawa dahil sa pagiging seloso ni Travis. Tinutulak pa ako palayo, pero magagalit naman pala kapag may kayakap akong iba."Wala pa akong ginagawang batas tungkol sa sinasabi mo, pero dahil sa sinabi mo ay naisipan ko tuloy na gumawa ng ganiyang batas para naman wala akong makitang umaaligid sa teritoryo ko."Napainom ako ng tubig ng wala sa oras. Ibang klase talaga kapag ang isang Tan ang nagseselos. Nalalayo sa prinsipyo."Kanina ka pa umiinom ng tubig. Gusto mo bang uminon ng kape? I'll bring your
Allyson's Point of ViewBuong akala ko ay magtatanong pa si Zia tungkol kay Austin kaya inihanda ko na ang sarili ko, pero biglang nag-iba ang hitsura niya at ang kaninang seryosong Zia ay napalitan nang nanunuksong Zia."Magkwento ka naman tungkol sa progress niyo ni Travis." excited na saad niya kaya napailing ako."Wala pa rin namang pagbabago sa set-up namin, pero sa tingin ko ay malapit ko nang magalaw ang baso." proud kong sagot sa kaniya at mas lalo naman siyang ginaganahang makinig sa akin."Marunong ka na palang manuyo ngayon. Akala ko pa naman dati ay palagi ka na lang galit at hindi marunong magbaba ng pride." natatawang tukso nito sa 'kin.Sasagot na sana ako nang lumabas ang anak ko kaya sabay kaming napatingin dito.Nagising na naman siguro siya dahil sa sleep paralysis niya. Nakapikit lang kasi ito na tila wala siyang alam kung saan pupunta ang katawan niya."Bukas mo na lang ipagpatuloy ang kwento, dahil mukhang hinahanap ka na ng unico ijo mo." saad ni Zia at pinuntah
Allyson's Point of ViewNakaalalay sa akin si Travis papasok sa kompanya kahit na siya ang nasaktan sa aming dalawa. Sinalo naman kasi niya ang plywood na dapat ay sa 'kin tatama."Ayos ka lang ba talaga?" tanong ko kay Travis habang papasok kami sa kaniyang opisina.Ngumiti si Travis sa akin at pinaupo muna ako bago siya umupo sa aking harapan at tiningnan ako na puno ng pag-aalala."Huwag mo na akong alalahanin. Hindi naman masyadong malakas ang hampas. Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya at tumango naman ako.May ibinulong siya kay Travis kaya umalis naman ito kaagad."Bakit ka bumaba nang hindi ako kasama?" seryoso ang mga titig niya sa 'kin.Pakiramdam ko tuloy ay parang hinahaplos ang puso ko sa pag-aalala niya sa 'kin."Hindi ko naman inaakalang magiging ganito ang sitwasyon. May mga gwardiya naman kasi sa tabi namin ni Zia." paliwanag ko sa kaniya pero parang hindi niya ito pinansin dahil hindi pa rin nagbabago ang kaniyang seryosong tingin."Paano na lang kung hindi ak
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan