Allyson's Point of View
Pagkatapos namin kanina sa event ay minabuti kong magpahatid kay Zia sa bahay ni Travis. Naiprint ko na rin ang agreement kakailanganin ko para mamaya.
"Sigurado ka ba talaga na hindi na kita hihintayin dito? Baka lang kasi nakakalimutan mo na lumipat na po ako ng bahay at wala na akong bahay malapit dito." tanong ni Zia at diretso akong umiling sa kaniya.
"Huwag na, Zi. Tatawag na lang ako kapag tapos na ang pakay ko kay Travis." sagot ko dito at tumango naman siya.
"Okay, sa malapit na lang ako maghihintay sa 'yo. May nakita naman akong bagong bukas na restaurant kaya doon na lang ako." saad ni Zia at tumango naman ako.
Minabuti kong bumaba na sa kotse at dumiretso sa harap ng bahay ni Travis. Ang sabi sa 'kin ni Zia ay hindi pa raw umuuwi si Travis kaya maghihintay na lang
Travis Point of ViewHindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kaniyang sinabi. May parte sa akin ang nagsasabing kaya niya ang sinabi niya, pero may parte rin sa akin ang nagsasabing baka mawalan ako ng asawa kapag pumayag ako sa gusto niya.Gusto kong takasan ang oras na sinabi niya sa 'kin ang plani niya, pero hindi ko rin gustong magmukhang tanga sa harapan niya kaya kinuha ko ang folder at pinirmahan ito. Pakiramdam ko tuloy ay para akong binawian ng buhay sa ginawa ko, pero hindi ko rin gustong ipahalata sa kaniya na masyado akong takot na mawala siya.Third Person's Point of ViewMaagang nagising si Allyson dahil hindi siya makatulog ng maayos. Naisip niya na kailangan niya ng simulan ang plano niya upang hindi siya mabigo at hindi mawala ang kasal nila ni Travis. Maaga siyang pumasok sa opisina upang maaga niyang masimulan ang kaniyang trabaho."Miss Flare!"Gulat na napatingin si Allyson sa kaniyang likod nang makita niya si Shiloah nakangiti sa kaniya. Nginitian niya rin
Allyson's Point of ViewBuong linggo akong nakatira sa kompanya. Hindi na rin ako inabala ni Zia dahil sa kaniya ko ibinilin si Tyrell. Kasalukuyan nga akong may lagnat dahil sa buong linggo ko dito sa opisina ay hindi naman ako nakakatulog ng maayos. Maya't maya rin akong gigising dahil kailangan kong tapusin ang dalawang designs sa isang araw para naman may pagpipilian ako."Ano itong nabalitaan ko na hindi ka raw kumakain ng maayos?'Napatingin ako sa kapapasok lang na Zia. Naiinis ang mukha niya na tila may nalaman siyang hindi niya nagustuhan."Kumakain ako ng maayos. Hindi nga ako pwedeng magutom dahil marami pa akong gagawin na damit." kalmado kong saad sa kaniya at inirapan niya naman ako. Ililigpit ko na sana ang mga gamit ko dahil kailangan ko pang tingnan ulit ang mga damit dahil baka may problema, pero bigla na lang akong hinila ni Zia patayo ay walang pasabing pinaupo sa sofa. Inilapag niya ang dala niyang supot kanina na ngayon ko lang din naman namalayan."Kumain ka sa a
Allyson's Point of ViewMatapos ang gabing iyon ay mas pinili kong umuwi na sa bahay. Mas pinili ko ang anak ko keysa ang abutin ang expectations ni Travis. Ibinibigay ko pa rin naman ang best ko sa mga damit na ginagawa ko kaya sa tingin ko ay ayos lang na umuuwi na ako sa bahay."Kanina ka pa yata tahimik. May problema ka ba?" biglang tanong ni Zia mula sa aking likuran kaya napalingon ako sa kaniya. Kasalukuyan kasing inaayos ang venue para sa third round kaya naisipan kong mamalagi muna sa opisina ko habang nakatingin sa main dress na katatapos ko lang gawin kanina."Wala naman. May naiisip lang ako." kalmado kong sagot kay Zia at muling sinuri ang damit kung may mali ba."Ayan ka na naman sa pagiging tahimik mo. Kinakabahan ka ba sa magiging resulta mamaya?" muling tanong niya at tahimik naman akong tumango."May tiwala kaming lahat sa talento mo at isa pa, hindi rin madali ang ginawa mo. Hindi ka nga binigyan ni Travis ng assistant pero nagawa mo pa rin namang tapusin ang lahat
Third Person's Point of ViewPagkatapos ng event ay kaagad na dumiretso sa backstage ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ni Allyson. Galit ito habang may tinatawagan."Ano na ang balita sa inutos ko sa 'yo?""Ayos na boss, ilalabas na ngayon ang balita." sagot ng kausap nito at pinatay niya naman ang tawag.Mahirap na kung biglang may makarinig at magsumbong pa kay Allyson. Masyado pa namang mahirap ang pinagdaanan niya para lang makuha ang loob nito.Ilang minuto pa ang nakalipas nang muling tumunog ang cellphone nito. Hudyat na may bagong mensahe. Tiningnan niya ang mensahe at kaagad naman siyang napangiti nang nabasa niya ang balita tungkol kay Allyson."Hindi ako papayag na magtagumpay ka sa partnership na 'to." saad niya bago muling bumalik sa loob upang makipagtawanan kay Allyson.Allyson's Point of ViewPagbalik namin sa opisina ay kaagad akong nabahala sa sinabi ni Zia. Nakaramdam tuloy ako ng kaba dahil sa kaniyang sinabi. Pakiramdam ko ay may mangyayaring mali ngayon."Um
Allyson's Point of ViewSaglit na tumayo si Zia upang sagutin ang tumawag sa kaniya. Habang hinihintay siya ay napapaisip ako sa kung ano ang maaari kong gawin. Hindi pwedeng pabayaan ko na lang di Travis na ayusin lahat ng 'to, dahil ako naman talaga ang may kasalanan nito."Mamaya ka na mag-isip ng kung ano-ano diyan. Tumawag si Shiloah at nagkakagulo raw sa meeting room. Kailangan nating mag-isip ng paraan upang malinis ang pangalan mo." natatarantang saad ni Zia at ako naman itong mabilis maapektuhan ay nataranta rin."Sa tingin mo ano ang dapat kong gawin?" tanong ko sa kaniya dahil hindi ko rin alam ang una kong gagawin. Siguro kapag kumalma na ako ay makaisip ako ng maayos na solusyon."Gaga ka ba? Sa tingin mo ba mas pipiliin ni Travis ang kompanya keysa sa 'yo? Masyadong halata na patay na patay ang asawa mo sa 'yo, Ally." sagot nito kaya hindi maiwasan ang hindi tumawa na puno ng sarkasmo. Nagawa na nga niya dati na piliin ang kompanya keysa sa 'kin, kaya hindi na ako magta
Third Person's Point of ViewLumapit si Travis sa may bintana at doon ikinalma ang kaniyang sarili. Sa patuloy niyang pagtingin sa kawalan ay biglang sumakit ang kaniyang ulo kaya napahawak siya dito. Isang parte ng kaniyang ala-ala ang pilit na bumabalik sa kaniyang utak."Ally! Ally!" sigaw ni Travis habang papasok sa kanilang bahay. Kaagad siyang umuwi matapos mabalitaan na umalis ito."Allyson! Hindi ako nagbibiro! Lumabas ka naman." nagmamakaawang sigaw niya at kaagad na sinuyod ang bawat parte ng kanilang bahay. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman nang halos malibot na niya ang bahay ay wala pa rin siyang makitang Allyson.Huling tinungo ni Travis ang sala at doon niya nakita ang isang folder. Kaagad niya itong nilapitan at labis ang galit na dumaloy sa kaniyang isipan nang makita niya ang nakalagay doon. "Hindi 'to pwede! Walang maghihiwalay!" sigaw ni Travis at kaagad na pinunit ang folder at kaagad na lumabas sa bahay upang hanapin ang kaniyang asawa.Napapikit
Thid Person's Point of ViewHindi sinunod ni Allyson ang sinabi ni Travis at sa halip ay nagpanggap na bingi sa harapan nito upang tumigil na si Travis sa pagpapa-alis sa kaniya."Allyson, pansinin mo ang sinabi ko at umalis ka na ngayon din. Kailangan kong magpahinga." muling pakiusap ni Travis pero umiling si Allyson at tiningnan siya ng seryoso."May mga kakilala akong sikat na doktor sa ibang bansa. Pwede kitang ipakilala sa kanila upang magamot ka." suhestiyon ni Allyson kay Travis at umiwas ng tingin kay Allyson. Nahihiya si Travis sa kaniyang kalagayan. Hindi niya gustong magmukhang mahina sa paningin ni Allyson."Hindi ko kailangan ng awa mo, kaya pwede ka ng umalis." buong tapang na saad ni Travis at napabuntong hininga naman si Allyson."Huwag ka naman munang magmatigas ngayon, Travis. Nag-aalala lang naman ako sa kalagayan mo. Hindi ko naman sinasabi ang mga nalalaman ko kung ikakasira 'to ng buhay mo." bawing saad ni Allyson pero hindi pa rin tumitingin si Travis sa kaniya
Third Person's Point of ViewUmalis si Tyrell matapos ibigay kay Travis ang address ng lugar. Sigurado kasi ang bata na hindi mawawalan ng pake ang tatay niya kapag si Allyson ang pinag-uusapan."Naibigay mo ba kay Travis ang address?" kaagad na tanong ni Zia at nakangiti namang tumango si Tyrell."Ano naman ang reaksiyon niya? Sigurado ka ba talaga na pupunta siya?" kinakabahang tanong ni Zia at nagkibit-balikat muna si Tyrell bago sumagot."Kilala ko po siya, tita. Sure po ako na pupunta siya kahit gaano pa kalayo basta lang po ay makita niya na may kadate si mommy." kampanteng saad ni Tyrell at naniwala naman si Zia dito."Iuuwi na kita at ihahatid ko pa ang mommy mo." ani ni Zia at umuwi na sila.Sa kabilang banda naman ay ang balisang Travis. Nakaupo lang naman sana siya, pero hindi niya alam kung paano pakakalmahin ang kaniyang utak. Panay ang titig niya sa ibinigay na papel ni Tyrell.Saglit pa niyang tinitigan ang papel bago niya kinuha ang cellphone at tinawagan si Shiloah."
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan