Allyson's Point of ViewNapaiwas ako ng tingin sa sinabi ni Travis. Hindi ako sigurado kung nakikita ba niya na hindi pa ako gaano ka sigurado sa desisyon ko na nagbabakasakali siya na maiiba niya ang isip ko o hindi."Tumingin ka sa 'kin at sabihin mo ulit ang desisyon mo." seryosong utos niya at mararamdaman mo talaga ang awtoridad na ipinapakita niya.Sa nakikita ko ay hindi asawa ko ang kausap ko ngayon kung hindi ang CEO ng Soul Empire."Hindi ko basta-bastang mababago ang desisyon mo Ally kung talagang buo na ang loob mo sa plano mo. Now, look at me at sabihin mo sa 'kin ang sinabi mo kanina." muli niyang utos at napapikit ako sa inis sa aking sarili.Masyado lang namang madali ang utos niya, pero bakit hindi ko kayang gawin ito. Napakadali lang namang sabihin sa kaniya na pagod na ako at hindi ko na kayang gumawa pa ng bagong mga damit, pero bakit parang pakiramdam ko ay pagsisisihan ko ang gagawin ko kapag humarap ako kay Travis."I'n fully aware na asawa kita at mahal kita, p
Allyson's Point of ViewPagkatapos kong magsinungaling sa harapan ni Travis ay mas pinili kong tingnan siya ng seryoso upang hindi na siya mag-isip ng kung ano-ano."Talaga ba na hindi ka na masaya sa ginagawa mo?" paniniguradong tanong niya at tipid naman akong tumango sa kaniya habang seryoso pa rin ang mukha."Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi mo sadyang nagsisinungaling ka lang sa akin, pero hindi pa kita nakitang masaya habang ginagawa ang ibang bagay maliban sa pagtatahi. Iba ang ngiting nagagawa ng pagtatahi sa 'yo Ally kaya hindi mo 'ko maloloko sa bagay na 'yan." saad niya sa 'kin at mabilis aking umiling sa kaniya."Kung dati ay nakikita mong masaya ako habang nagtatahi, pwes hindi na ngayon. Nawala na ang saya ko habang gumagawa ng damit. Iba ang noon at ngayon, Trav." puna ko sa kaniya pero alam ko naman na hindi niya talaga sasakyan ang sasabihin ko. Kahit ano pang gawin at sabihin ko ay pipilitin niyang manalo siya ngayon at hindi ko alam kung magpapasalamat ba ak
Allyson's Point of ViewMas pinili ko na hindi sumagot sa sinabi ni Travis. Hindi sa wala akong maisagot sa kaniya, kung hindi dahil ay tama nga siya ng sinabi. Ngayon ko lang naisip na baka ay masyado ko lang pinapagod ang sarili ko kaya kahit anong gawin ko ay wala talaga akong maisip na ideya. Ngayon ko lang din naalala na halos isang buong linggo na rin akong nakaharap sa mga papel habang pinipilit ang sariling gumawa ng mga panibagong damit. Minsan nga ay napagsasabihan na ako ni Zia na baka raw mabaliw ako kapag hindi ako nagpahinga kahit sandali."Sa nakikita ko ngayon ay masyadong puno ang utak mo sa pag-aalala sa mga bagay na wala ka namang dapat ipag-alala." kalmadong saad ni Travis kaya napatingin ako sa kaniya."Masyado kang nag-aalala sa expectations ng ibang tao sa 'yo na minsan ay nakakalimutan mong magpahinga at sundin ang kung ano talaga ang gusto mo. Minsan kasi ay dapat mong isantabi ang ideya ng ibang tao lalo na't mas kilala mo ang sarili mo. Hindi naman mawawala
Zia's Point of ViewPauwi na sana ako sa bahay ko galing s opisina nang hinarangan ni Travis ang daan ko kaya kunot noo ko siyang tiningnan. Hindi na office hours at hindi rin ako nag-file ng overtime kaya malaya ko ng magagawa ang gusto ko. Kahit siya ang lalaking pinakasalan ni Allyson ay kailangan ko pa ring maging maingat lalo na't kaibigan siya ni Chad at minsan niya na rin namang nasaktan si Allyson."Anong kailangan mo?" pigil inis kong tanong sa kaniya pero alam ko pa rin sa sarili ko na nahalata niya ang inis ko sa kaniya.Imbes na sumagot siya ay ibinalandara niya sa mukha ko ang supot ng pagkain. Base sa tatak na nakikita ko ay galing ito sa mamahaling restaurant. Sa pagkaka-alam ko ay magkasama sila ni Allyson pumunta doon, kaya baka hindi kay Allyson ang pagkain na 'to. Medyo nawala ang balanse ko nang may maisip akong hindi kanais-nais. Mukhang masasabunotan ako ni Allyson kapag nalaman niya ang ginagawa ng asawa niya. Siguro rin naman ako na wala akong nararamdaman para
Allyson's Point of ViewParehong nawala sa isipan namin ni Zia ang matulog kagabi. Buong gabi kaming uminom ng kape kaya hanggang sa hindi na kami nakaramdam ng antok. Kada oras din naman ay may punapasok na guard sa opisina ko upang magbigay ng kape. Sa tingin ko ay inutusan din ni Travis ang mga guwardiya kaya palagi itong nakabantay sa amin."Sana lang talaga ay wala ng problemang dadating ngayong araw. Hindi na yata kakayanin ng katawan ko ang panibagong trabaho." saad ni Zia habang yakap-yakap ang isang maliit na unan. Alas singko na kasi kami natapos sa pagtatahi at sa pagpapaganda ng mga damit kaya ngayong alas sais lang kami nakapagpahinga ng maayos. Mamayang alas otso rin dadating ang mga empleyado at may mga kailangan pa kaming imonitor pagdating nila."Huwag na lang tayong mag-isip ng nga negatibong bagay dahil kahit utak ko ay pagod na rin sa pagt-trabaho." dagdag ko sa kaniyang sinabi at pagod siyang tiningnan.Sabay kaming napapikit ni Zia pero ramdam ko na hindi rin siy
Allyson's Point of ViewPagkatapos naming kumain ay inihatid namin ni Zia ang aming mga pinagkainan sa canteen at dumiretso na kami sa opisina.Pagdating namin doon ay naabutan namin silang nakatayo lahat habang nakapalibot at nakatingin sa damit na natapos namin ni Zia kagabi. Awtomatiko kaming nagkatinginan ni Zia at hindi namin mapigilan ang hindi mapangiti sa kanilang mga reaksiyon."Sa tingin ko ay worth it lahat ng pagod at puyat natin kagabi." mahinang bulong ni Zia bago kami tuluyang pumasok sa loob."Good morning sa lahat!" masiglang bati ko sa kanila kahit na wala na talaga akong lakas. Gusto ko lang makuha ang atensiyon nila dahil masyado silang namangha sa damit."Good morning Miss Ally! Hindi niyo naman po sinabi sa amin na nag-overnight pa kayo para matapos ang damit na 'to. Edi sana po ay nakatulong kami sa inyo." saad ng isang empleyado na kaagad namang sinundan ng isa pa."Nakakahiya naman po na parang hindi namin deserve ang malaking sahod tapos pinapabayaan lang nam
Chad's Point of ViewInis akong naglakad pabalik sa opisina ni Travis matapos ang ginawa ni Zia sa akin. Ang buong akala ko at matutuwa siya sa ginawa ko pero mukhang nagalit pa yata siya sa ibinigay ko. Siya na nga itong binigyan ng regalo pero siya ang may ganang mag-reklamo sa akin at muntik pa akong mabugbog ng wala sa oras."Anong mukha na naman 'yan? Mukha kang nakahanap ng away kanina." natatawang biro ni Shiloah kaya awtomatiko ko siyang tiningnan ng masama."Ewan ko talaga sa inyong mga babae kung bakit palagi kayong nagrereklamo sa mga bagay-bagay." saad ko dito at napataas kilay siya."Aba, wala akong kinalaman sa kapalpakan ng love life mo, Chad. Hindi ko naman masisisi si Zia kung bakit hindi ka niya magawang magustuhan." dagdag panira niya sa araw ko.Mukha na lang talaga ang kulang at papasa na silang dalawa ni Zia bilang mav-kapatid. Walang araw na hindi nila sinisira ang araw ko kahit wala naman talaga akong ginagawang masama sa kanila."Normal lang ba sa inyong babae
Allyson's Point of ViewSeryoso akong humarap sa kanilang lahat. Kaagad na lumapit sa akin si Zia."Hindi ko ginusto na marinig ang usapan niyo, pero talaga ba na hindi niya tayo matutulongan?" tanong ni Zia at gusto ko mang magsinungaling ay wala rin namang magbabago sa sinabi ni Xia kaya dismayado akong umiling sa kaniya."Oh no! Wala na talaga tayong pag-asang manalo bukas." saad ni Ryan at agad namang sumunod ang iba.Dahil sa inis ko ay hinampas ko pa ang lamesa upang makuha ang atensiyon ng lahat. Wala kaming magagawang solusyon kung lahat kami ay matataranta kaya kailangan ko munang ipakita ang masamang ugali ko. Paniguradong alam na nila 'to."Wala tayong mapapala kung magiging paranoid tayong lahat. Sa mga ganitong panahon ay dapat nating isipin ang solusyon sa problema natin imbes na maging balisa tayo." panimula ko at natahimik silang lahat.Napapikit muna ako ng mariin bago nagpatuloy. Kailangan kong makita kung sino sa kanila ang traydor sa kompanya bago pa lumala ang pin
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan