Bumaba ng dyip si Emerald at napatitig sa matayog na gusali. Lahat ng tao sa kanilang lugar ay nangangarap na makapasok sa LM Corporation. Malaki ang sweldo at todo ang benefits ng kumpanya. Idagdag pa ang gwapo at bilyonaryong CEO nito na si Lucian Monteverde.
Habang naglalakad palapit sa gusali ay muli siyang napatigil. Naalala niya ang unang araw sa kumpanya. Lahat ay nanghula na hindi siya tatagal sa pagiging mainitin ng ulo ng CEO. Pero siya lamang ang tumagal na assistant nito.
Naging malapit si Abby sa kanya na kasintahan ni Lucian. Alam naman niyang gusto lamang siya nitong gawing spy sa CEO.
“Emerald, ang gwapo talaga ni Lucian ano?”
“Yes, Ms. Abby. Agree po ako.”
“Don’t you find him attractive? I mean, madalas kayong magkasama.”
“Ms. Abby, assistant lang po ako ni Sir Lucian. Wala pong anumang namamagitan sa amin maliban sa pagiging boss at assitant. Huwag po kayong mag-alalala.”
Naging mailap ang mata niya dahil alam niya sa sariling may lihim siyang pagtingin sa boss. Ngunit ang lihim na pagtingin niya dito ay mananatiling sikreto na isasama niya sa hukay. Wala siyang planong ipakita ang pag-ibig sa CEO na alam niyang may kasintahan na. Bukod pa sa langit at lupang pagitan nila.
“May sasabihin ako sa’yo,” hinila siya ni Abby sa sulok.
“Ano po ‘yun?”
“I will go abroad. Alam mo na fashion shows at may kasama akong ibang boyfriend.”
Nalaglag ang panga niya sa nadinig. Nagtataksil si Abby sa amo niya. May bumabangong inis sa kanyang dibdib.
“Yes, magpapakasal sana ako kay Lucian for security ng buhay at pamilya ko kaso na-in love ako sa iba,” anitong ipinakita pa ang larawan ng nobyo sa cellphone na isa ding modelo. Pero hindi hamak na mas nakakahigit si Lucian.
“Bakit po ninyo sinasabi sa akin ang mga bagay na ‘yan?”
“Tulungan mo akong sirain ang engagement namin. Masamang magalit ang mga Monteverde, pero kung si Lucian ang magkakamali, makakalaya ako sa relasyon namin ng walang hirap,” anito.
“Pasensya na po, hindi ko magagawa ang inuutos ninyo.”
“Anong mahirap sa pang-aakit kay Lucian? Maganda ka at sexy. Makipagrelasyon ka sa kanya ng lihim. At kunwari ay matutuklasan ko tapos ay makikipag-break ako.”
“Baka magalit si Sir Lucian sa akin. Mahal ka niya.”
“Nasa ospital ang tatay mo hindi ba? May tubig sa baga? Hindi maituloy ang gamutan dahil sa mahal? Ako ang sasagot sa pagpapagamot niya. Pati pagpapaaral ng kapatid mo.”
“Pag-iisipan ko po muna. At mas mainam na pag-isipan din ninyong mabuti.”
“Buo na ang pasya ko. Ngayon kung ayaw mo, gagawa ako ng paraan na maalis ka sa trabaho para mapalitan ka ng babaeng papayag sa gusto ko. Alam mong hindi madaling lumapit sa isang Lucian Monteverde. Kaya kita binabayaran ay dahil ikaw ang nasa posisyon na madaling makakagawa ng inuutos ko.”
Nasindak siya. Hindi niya kayang mawalan ng trabaho sa panahon ngayon.
“Sige po, payag po ako. Pero magpirmahan po tayo ng kasulatan,” sagot niya kahit puno ng agam agam ang dibdib.
“Hindi na kailangan, marunong akong tumupad sa usapan. Ipapaayos ko na ang hospitalization ng tatay mo at scholarship ng kapatid mo. Papadalahan kita ng gamit upang maakit mo si Lucian. Hindi mo siya maaakit sa mga cheap mong kasuotan.”
Nang araw din na iyon ay dinala siya sa spa at salon ni Abby. Binilihan din siya ng mga damit at pabango.
Kinabukasan ay napansin ni Lucian ang pagbabago sa kanya.
“Emerald, akala ko ba kaya ka nag-advance ng sahod mo ay dahil nasa ospital ang tatay mo pero mukhang bago lahat ng gamit mo at mamahalin pa,” sita nito.
“Bigay lang po ito sa akin.”
“Anyway, anong schedule today?” anitong napatagal ang titig sa kanya. Nakahapit at maiksi siyang dress, bakas ang magandang hubog ng kanyang katawan. Nataranta siya at nahulog ang hawak na ballpen sa paanan ng boss kaya napayuko siya at bago pa ma-out of balance at napahawak siya sa tuhod nito.
“Are you seducing me? Tigilan mo ako. Alam mo ang nangyayari kapag lumagpas ka sa boundaries.”
“Hindi po, Sir Lucian. Alam ko po kung saan ako dapat lumugar,” aniyang mabilis na tumayo ngunit napatid sa sariling mga paa kaya nahulog siya sa kandungan ng amo.
Lihim niyang kinurot ang sarili. Mag-uumpisa pa lamang ay palpak na siya. Dapat ay maakit ang boss sa kanya ng hindi nito namamalayan. Ngunit paano? Wala naman siyang alam sa flirting.
Binuksan niya ang laptop at nag-search. Libre na lamang ang matuto ngayon. Aaralin niya ang art of flirting. Madami siyang manliligaw pero dahil si Lucian Monteverde ang target niya, kailangan niyang galingan.
“Tama bang ubusin mo ang oras mo sa ganyang bagay?” anang baritonong tinig sa likuran! Naihagis niya ang mouse sa gulat!
“Art of flirting? Magaling ka na diyan. Simpleng galaw ng balakang at titig mo sa akin. Alam kong pinagnanasaan mo ako,” anitong bumulong sa kanyang tenga. Tumama ang mabangong hininga nito sa kanyang pisngi. Tila siya naparalisa.
Kailangang gamitin niya ang pagkakataong ito. “Sir Lucian, busy po si Ms. Abby sa kanyang career. Baka kailangan po ninyo ng reserba. Kaya kong punan ang pagkukulang niya,” matatag at mapang-akit ang kanyang tinig kahit pa tila may naghahabulang daga sa kanyang dibdib.
Humarap siya sa CEO at hinila ang necktie nito. “Walang nakakaalam. Ikaw at ako sa paraiso. Bayaran mo ako at nakahanda akong pagsilbihan ka hindi lang sa loob ng opisina kundi maging sa kama.”
“Disguting! Ulitin mo pa ‘yan at tanggal ka sa trabaho!” anitong itinulak siya.
Hindi niya inasahan na ganito kahirap akitin si Lucian. Inilaan niya ang mga araw sa simpleng pang-aakit dito at pag-alam ng lahat ng gusto nito na pinagsisihan niya dahil sa bawat araw ay mas lalo siyang nahuhulog sa CEO. Huli na upang iahon ang sarili. She’s crazy in love na handang gawin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig.
Natauhan lamang siya ng mabangga siya ng isang empleyadong nagmamadaling pumasok sa loob. Tulala ang lahat ng makita siyang pumasok sa loob ng ML Corporation. Sinalubong siya ni Luna at sinamahan sa opisina ni Lucian.
Mabigat ang bawat hakbang ni Emerald. Akala niya ay hindi na siya makakarating sa lugar na nagpabago ng buhay niya.Nakatalikod si Lucian ng pumasok sila ni Luna. Tinatagan niya ang tayo. Hinding hindi niya ipapakita ang takot sa asawang kinawawa siya noon. Matapang siya. Matapang siya.Humarap ito. Muntik mahulog ang panty niya sa labis na kagwapuhang nasilayan pero kakainin muna siya ng lupa bago aminin ang hindi mapigil na paghanga sa mala-adonis na lalaki sa harapan. Pilit niyang iniisip kung gaano ka-halimaw ito noon!“Makakaalis ka na, Ms. Luna. I’ll handle this,” ani Lucian.“Balita ko, kailangan mo daw ng tulong ko.”“LM Corporation is offering you a decent job. Malayo sa pagiging kahera mo sa coffee shop.”“Okay, I’ll sign the contract dahil sa kaibigan ko. Pipirma lang ako on my own terms.”“Mayabang ka na talaga ngayon.”“Mr. Monterverde, I just know my worth. Makinig ka. Una, six months lang ang contract. Pangalawa, I will work at home. Pangatlo, triple the payment.”“Brav
“Masayang hapon! Ano po ang order nila?” ani Emerald nakangiting inangat ang mukha upang pagsilbihan ang sumunod na costumer sa coffee shop.Napalis ang ngiti niya at tila nag-teleport siya sa impyerno ng makita ang mukha ng asawang si Lucian na dalawang taon niyang hindi nakita.Bakas ang sindak sa mukha nito. Nakabuka ang bibig nito ngunit walang lumalabas sa bibig.“E-Eme- Emerald? Ikaw ba ‘yan?”Hinaplos nito ang kanyang pisngi. Tila nais matiyak na totoo ba siya o aparisyon lamang. Ibig niyang matawa sa itsura nitong parang nakakita ng multo na apparently totoo naman dahil akala nito ay patay na siya.“Naaalala mo ba ako? Kilala mo ba ako? Akala ko patay ka na!” bulalas nitong manghang mangha.Huminga siya ng malalim. Kung hindi lang niya kilala ang masamang ugali ni Lucian Monteverde ay iisipin niyang masaya itong makita siyang muli which is so impossible! Mamumuti ang uwak ngunit never itong matutuwang makita siya.Magpapanggap ba siyang may amnesia? O hindi kaya ay nababaliw?
“Ah, ayaw mo niyan at madugo. Madudumihan ang magara mong damit. Heto, last na. Lisensyadong baril ‘yan. Sa ulo mo ako barilin. Dalawa o talong bala para sure,” aniyang kinuha ang baril sa loob ng bag.“Baliw ka ba?” litong tanong ni Lucian.“Oo! Putang ina! Matagal na akong baliw! Nagpakamatay ako pero nabuhay pa din! Kaya ngayon, ikaw na ang pumatay sa akin para matapos na ang lahat!” aniyang naghihisterya na.“Hindi ko magagawa ‘yan! Hindi ako kriminal na kagaya mo!”“Iutos mo sa iba kung hindi mo kaya!” bulyaw niya. Huminga siya ng malalim. Hindi niya dapat ipakita na nawawalan siya ng kontrol.“Kung hindi mo ako kayang patayin, pabayaan mo na ako!”“Kasal pa din tayo! At hindi ko hahayaang maging masaya ka lalo sa piling ng iba! Subukan mo lang dumihan ang pangalan ng mga Monteverde.”“Kasal? Walang nakakaalam na kasal tayo. Maliban sa pamilya mo, at sa mayor na nagkasal, at sa tattoo artist na inutusan mong isulat ang pangalan mo sa dibdib ko!”“Huminahon ka at mag-usap tayo ng
Hindi maihakbang ni Emerald ang paa papasok ng bahay. Tila nang-uusig ang tingin ni Lucian.“Linisin mo ang sugat ng asawa mo,” utos ng Tatay Mariano niya habang abala ito sa pagluluto at ang kapatid niyang si Peter.Napahawak siya sa ulo. Ito ang unang pagkakataon na nakaharap ni Lucian ang kanyang pamilya.“Bakit ka nandito? Dapat sa ospital ka nagpunta.”Inabutan siya ni Tatay Mariano ng first aid kit na hindi niya pinagkaabalahang buksan. Ayaw ni Lucian na hinahawakan niya.“Linisin mo ang sugat ko,” utos nito.“Ayoko nga. Hindi ako nurse,” napayuko siya ng maalalang sinampal siya nito ng mapadiin ang paglilinis niya ng sugat nito noon.Kumurap ang kanyang mga mata. Pilit niyang iwinawaksi ang mga pangit na alaala.“Umalis ka na,” taboy niya.“Nagluluto pa si Tatay Mariano. Gusto niyang matikman ko ang luto niya.”“Tay, hindi basta basta kumakain ng kung ano ang bisita natin. May cook at dietician siya. Nakakahiya sa kanya. Baka sumakit ang tiyan niya, kasalanan pa natin,” baling
“Sir Lucian, may appointment po kayo kay Dr. Mendoza,” anang secretary na si Kiel.Dumating ang duktor sa kanyang opisina.“Mr. Monteverde, wala akong makitang mali sa pisikal mong pangangatawan ayon sa test results. Kaya maaaring psychological ang problema ng iyong erectile dysfunction. Pero pwede nating subukan ang treatment o maaaring kumuha ka ng babaeng makakatulong sa’yo. Ang sabi mo ay maayos ang sex life mo noong nabubuhay ang asawa mo kaya posibleng makatulong na kumuha ka ng babaeng kahawig ng asawa mo upang ma-stimulate ang iyong pagkalalaki. O baka may video o larawan ka niya na ---”“Maraming salamat Dr. Mendoza. Ipapatawag ko na lamang kayo ulit. Sa tingin ko, nakita ko na ang gamot sa sakit ko,” nakangisi niyang sabi.“Kiel, investigate Emerald Diaz at kung ano ang ginawa niya sa nakalipas na dalawang taon.”“Sir, dalawang taong na pong patay ang asawa ninyo,” litong sabi ng secretary.“Nakita ko siya. Palabas lamang niya ang pagkamatay niya para makatakas sa akin. She

Bumaba ng dyip si Emerald at napatitig sa matayog na gusali. Lahat ng tao sa kanilang lugar ay nangangarap na makapasok sa LM Corporation. Malaki ang sweldo at todo ang benefits ng kumpanya. Idagdag pa ang gwapo at bilyonaryong CEO nito na si Lucian Monteverde.Habang naglalakad palapit sa gusali ay muli siyang napatigil. Naalala niya ang unang araw sa kumpanya. Lahat ay nanghula na hindi siya tatagal sa pagiging mainitin ng ulo ng CEO. Pero siya lamang ang tumagal na assistant nito.Naging malapit si Abby sa kanya na kasintahan ni Lucian. Alam naman niyang gusto lamang siya nitong gawing spy sa CEO.“Emerald, ang gwapo talaga ni Lucian ano?”“Yes, Ms. Abby. Agree po ako.”“Don’t you find him attractive? I mean, madalas kayong magkasama.”“Ms. Abby, assistant lang po ako ni Sir Lucian. Wala pong anumang namamagitan sa amin maliban sa pagiging boss at assitant. Huwag po kayong mag-alalala.”Naging mailap ang mata niya dahil alam niya sa sariling may lihim siyang pagtingin sa boss. Ngun