Ramdam ni Emerald ang pagkulo ng kanyang dugo.
“Kapag hindi ka tumigil, ikaw ang susunod na paglalamayan,” aniyang inirapan si Mitch at naglakad palapit sa mga pagkain.
Ngunit hinablot nito ang buhok niya. Mabilis ang kamay nitong lumipad pasampal sa kanya. Ngunit bago pa ito dumapo sa pisngi niya ay naawat ito ni Lucian.
Nagulat ang lahat ng empleyado sa pagdating ng CEO. Hindi ito nagpupunta sa canteen. Ito ang unang pagkakataon.
“Anong gulo ‘to Mitch?”
“Si Emerald ang nagsimula. Kakabalik lang nananakot na agad.”
“Walang kahit sino ang mambubuly kay Emerald. Tandaan ninyo ‘yan!”
Ano naman ang nakain ng amo at ipinagtanggol siya sa unang pagkakataon na hindi naman niya kailangan. Mas malala pa sa sampal ang mga naranasan niya sa mga kasamahan noon.
Lumayo na siya at kumuha ng pagkain. Nawala ang mahabang pila. Kumuha siya ng ilang slices ng tinapay, egg, bacon and salad. Naupo siya sa pinakadulo.
Nanlaki ang mga mata niyang mabilog namang talaga ng makita ang CEO na may hawak na tray at may pagkain din.
Alam na niya ang pakay nito, ang mawalan siya ng ganang kumain. Hindi pa niya ito nakakasabay kumain ever kahit naging mag-asawa siya. Sunod sunod ang pagsubo niya ng mabilis na makaalis sa harap ng boss. Napaso ang dila niya sa paghigop ng maiinit na kape.
Ngumunguya pa ay tumayo na siya at dinala ang kape na nasa styro cup naman. Tumataas ang stress level niya kapag nakikita si Lucian at ang mga kasamahan.
Sumunod si Lucian sa kanya. Iniwan na nito ang pagkain na akmang titikman pa lang.
“Bakit ka nagmamadali?”
Nanatiling tikom ang kanyang bibig.
“Bakit hindi ka sumasagot? Para akong nakikipag-usap sa hangin.”
“Sayang ang ibinabayad ng kumpanya kaya nagmamadali ako,” aniyang pinindot ang elevator.
Itinulak siya nito sa loob. Dahilan upang tumapon ang kape sa kanyang dibdib. Namula ang balat niya sa dibdib at braso na tinamaan ng mainit na kape.
“I’m so----”
Napatitig siya sa mukha nito. Tatalon siya ulit sa ilog kapag nadinig niya ang salitang sorry mula kay Lucian. He never apologized, not even once sa lahat ng sakit na idinulot nito sa kanya. Maliit na bagay ang mabuhusan ng mainit na kape.
“Hindi ka nag-iingat!” bulyaw nito na hindi niya pinansin.
Nag-isang guhit ang labi niya. Lumabas siya sa elevator. Tila robot na bumalik siya sa upuan. Inilabas ang sketch pad. Gagawa siya ng slippers na pwedeng ipangsampal sa mga bully. Iyong stylish at durable na maaaring maging weapon. May gigil ang bawat guhit niya.
Sakto alas dose ay aalis na siya. Mabuti at wala si Lucian.
“Ms. Emerald, pakihintay po si Sir Lucian.”
“Bakit? Hanggang 12noon lang ang pasok ko.”
“May papapirmahan po siya sa’yo.”
“Ano ‘yun?”
“Pakihintay na lang po siya.”
Kinuha niya ang folder sa kamay ni Keil. “Akina at pipirmahan ko na.”
Natigalgal siya sa nabasa sa kasunduan. Bed partner.
Ibinalik niya sa secretary ang papel. “Naku, hindi ko pipirmahan ‘yan.”
“Ms. Emerald, kailangan po ito para sa treatment ni Sir Lucian.”
“Kailangan ng ka-sex sa treatment? Anong kalokohan ‘yan?”
“Hindi po ninyo naiintindihan. May sakit po si Sir Lucian na erectile dysfunction. Hindi po gumagana ang pagkalalaki niya kaya kayo ang posibleng makatulong sa kanya.”
“Alam mo, huwag ninyo akong niloloko. Bata at walang sakit si Lucian, imposible ‘yang sinasabi mo.”
“Ipapadala ko po ang medical records para maniwala kayo.”
“Hay, hindi na at wala akong balak pumirma at tumulong sa treatment.”
“Ms. Emerlad, alalahanin po ninyo ang pinagsamahan ninyo ni Sir Lucian.”
“Niloloko mo ba ako? Kapag inaalala ko ang pinagdaanan ko na saksi ka, alam mong walang magandang karanasang pwedeng balikan. Wala akong balak tulungan ‘yang amo mo!”
Nagmamadali siyang lumabas ng opisina ngunit nakasalubong niya si Lucian. Nahuli nito ang pulsuhan niya.
Agad na lumabas si Kiel ng dumating ang boss. Nagpumiglas siya.
“Bitawan mo ako! Tapos na ang oras ko sa kumpanya mo!”
“May pag-uusapan tayo saglit.”
“Ano?” asik niya.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I need a woman. Be my woman. Babayaran kita!”
“Hindi na din ako mahihiyang magsabi ng hindi! Ayoko kaya maghanap ka ng ibang papayag sa kagustuhan mo.”
“Name your price. Kahit magkano.”
“Ayoko nga! Maghanap ka ng iba.”
“Baka nakakalimutan mong mag-asawa tayo.”
“Uuwi na ako.”
“Kailangan ko ang tulong mo. Wala kang karapatang tumanggi. May malaking bayad tapos masasarapan ka pa!”
“Weh? Masasarapan? Parang hindi naman.”
Namula ang tenga ni Lucian ng madinig ang sinabi niya.
“Huwag mong sabihing hindi ka nasaparan? Sumisigaw ka pa nga.”
“Aaminin ko na, akting lang na kunwari nasasarapan ako. Malaki ‘yan tapos namamalo ka pa sa puwet. Hindi ako nasiyahan sa totoo lang. Kaya humanap ka ng iba.” Kinilabutan din siya sa mga sinasabi niya ngunit kailangan niyang ipamukha kay Lucian na ayaw niya.
“You’re lying!”
“Bahala ka kung ayaw mo maniwala, basta, ayokong maging parausan mo uli!” muntik ng mabasag ang boses niya ng maalala ang mga ginawang katangahan.
Lucian never kissed her na tila ba may nakakahawa siyang sakit. Katawan lang niya ang ginagamit nito. Ginawa niya ang lahat para mapaligaya ito sa kama. Nagreserach, nanood ng malaswang panoorin, nagbasa, at nagtanong sa iba upang maging magaling sa kama.
Nasarapan naman siya sa ilang beses na p********k nila pero hindi niya iniintindi ang pansariling kaligayahan. Ang iniisip niya ay kung paano mapapaligaya ang asawa. Usually ay siya ang nagtatrabaho sa kama. But these days were gone. Wala siyang planong magkaroon ng ugnayang emosyonal at pisikal kay Lucian.
“Nauubos na ang pasensya ko sa kaartehan mo! Kung tutuusin hindi ko kailangan ng pirma mo. Kasal tayo at dapat lamang na tugunan mo ang pangangailangan ko!”
“Mamamatay muna ako bago pumayag na maging parausan mo ulit!”
“Bakit nagbago ka na? Anong ipinagmamalaki mo?”
“Ikaw nagbago ka din. Bakit mo pa ako pinipilit makisama sa’yo? Ayoko na! Mas mainam pang mamatay kaysa ang makasama ka ulit! Pabayaan mo na ako, please lang!”
“Akin ka! Susunod ka sa mga gusto ko kagaya noon!”
“Patay na ang Emerald na asawa mo noon!”
“Be my woman again, please?”
Nanibago siya sa tonong iyon ni Lucian. Papayag ba siya muling magpagamit dito?
Mula sa puso, maraming salamat po sa suporta sa aking bagong aklat. Godbless po!
Tila pumasok sa time machine si Emerald ng maalala ang unang karanasan niya kay Lucian. Malakas ang ulan noon, may bagyo. Pinapunta siya sa condo unit nito. Kilig ang ferson kahit pa halos lumangoy siya makarating lang sa condo nito. Naabutan niya itong umiinom ng alak at naninigarilyo. Why he looked so hot? Wala itong damit pang-itaas. ‘Yung tipong kahit demonyo ito ay willing siyang sumama sa impyerno.Unti-unti siyang pumasok sa loob ng kwarto. Nagwawala ang puso niya.“Lumapit ka dito.”Hindi siya makatingin ng deretso sa boss dahil sa halip na sa mukha nito siya tumingin ay napapasulyap siya sa dibdib at six packed abs nito.“Pirmahan mo ‘yan,” anitong hinagis ang dokumento sa kama.Dinampot niya ang ilang piraso ng papel. Isang kasunduan para sa pagiging bed partner niya. Tinanggap nito ang alok niya. Hindi na niya binasa ng buo. Kinuha niya ang ballpen sa bag at agad na pumirma.“Bakit hindi mo man lang binasa?”“Okay na po Sir Lucian. Tiwala po ako sa’yo.”“Walang dapat makaal
Hindi pa handa si Emerald, pisikal at emosyonal. Hindi ganito ang mga napapanood niya sa drama na puno ng pagsuyo ang unang karanasan. Ngunit si Lucian Monteverde ang lalaking nasa ibabaw niya. Handa siyang gawin ang lahat para sa binata.“Wait, masyadong malaki ‘yan. Parang braso ko na.” Hindi siya makagalaw dahil nasa ilalim siya ng boss. Amoy niya ang pabango, alak, at sigarilyo na nakakaadik. She’s under his spell. Pangarap niya ang ganitong eksena at heto na at nagkakatotoo na. Napalitan ng excitement ang kanyang kaba.“Ssshhhhhh. Kasya ‘to. Akong bahala.”Ipinilit nitong idiin ang kalakhan. Ngunit pikit na pikit pa ang kanyang pussy kaya’t bigo itong maipasok.Nanlaki ang mata niya ng basain ni Lucian ng laway ang ulo ng pagkalalaki nito at ikiskis sa kanyang biyak.Bumaon ang ulo. Pakiramdam niya ay bumuka ang kalamnan niya. Nakagat niya ang labi. Nakita niya ang ekspresyon ng mukha ni Lucian na nananabik at nasasarapan. Bahagyang nakaawang ang labi nito. Handa siyang tiiisin a
Inilapit ni Lucian ang tenga sa pinto upang madinig ang sagot ni Emerald.“Matagal na kaming wala. Hindi ako mahal ni Lucian. Dalawang taon niya akong naging sekretarya at limang taong naging asawa. Kilalang kilala ko siya. Alam mo, may makapal na notebook ako na puro impormasyon niya ang nakasulat. Lahat ng gusto at ayaw niya. Hahanapin ko lang kung naitabi pa at ibibigay ko sa’yo, just in case kailanganin mo.”Pinigil niya ang ngiting sumilay sa labi.“Bakit ipinapamigay mo na si Lucian, ang pinakamayamang negosyante sa bansa. Parang imposible namang ayawan siya ng kahit sinong babae.”“Hindi kailanman naging akin si Lucian. Hindi mo ako kailangang kausapin pa. Huwag kang mag-alala. Tatapusin ko lang ang napirmahang kontrata. Pupunta ako sa canteen, baka gusto mo ng coffee?”“Hindi na, kakatapos ko lang. Can I get your contact number?”“Sure. Kapag may kailangan ka, magsabi ka lang.”Nadinig niya ang palayong hakbang ni Emerald. Pumasok sa loob si Nathalie.“Lucian, kilala kita sa s
Parang may sumuntok sa sikmura ni Lucian. Selos ba ang tawag doon? Yung tipong gusto niyang sugurin at gulpihin ang lalaki at sakalin hanggang malagutan ng hininga. Hindi. Never. Galit ang nararamdaman niya para kay Emerald sa hantarang pagtataksil nito. Kitang kita niya ang ngiti nitong hindi ibinibigay sa kanya.Makakatikim ang magaling niyang asawa. Papasok pa lamang siya ng harangin siya ng staff.“Sir, sorry po at maaga po ang closing namin ngayon. Birthday po kasi ni Ma’am Emerald. Balik po kayo bukas.”Napaatras ng ilang hakbang ang kanyang paa. Muli siyang tumingin sa loob na ang walls ay yari sa salamin.Nakapalibot na ang mga empleyado ng coffee shop kay Emerald. Katabi nito ang lalaki na may dalang cake. Kumakanta ang mga ito ng birthday song. Emerald closed her eyes to make a wish. Ano kaya ang wish nito? Ipinilig niya ang ulo. Hindi niya ito gustong makitang masaya.Pumasok siya sa loob ng kotse at nag-park sa hindi kalayuan. Dinampot niya ang cellphone at tinawagan ang s
Iniwas ni Emerald ang mukha sa tangkang paghalik ni Lucian.“Lasing ka ba? Nakalimutan mo bang hindi mo ako hinahalikan? Never. Not even once,” malamig niyang sabi. Ungas na ito may balak pa siyang halikan. Ibinaon niya ang mukha sa unan.Napapikit siya ng maalala ang kapangahasang ginawa noon. Lucian was her first kissed. Tapos na silang magsiping ng nakatulog ito. Bago siya umalis sa kwarto nito ay dinukwang niya ang labi nito at dinampian ng halik. Marahan lamang dahil takot siyang magising ito. Ngunit sa tamis ng labi ng asawa ay natangay siya at lumalim ang halik. Hanggang sa magising ito. Itinulak siya ng nagulat na si Lucian. Sa lakas ng tulak nito ay tumama ang ulo niya sa dulo ng mesa at dumugo. Muntik siyang himatayin ng makita ang dugo sa ulo ng kanyang hawakan. Putok ng ulo ang kapalit ng halik niya.“Hindi ba sabi ko sa’yo, no kissing! You’re disgusting!” bulyaw nito.Natulala na lamang siya. May dumating na duktor upang gamutin siya. Magmula noon ay hindi na niya inulit a
“At kung titignan ang credibility ni Emerald Diaz na kaklase ko noong high school. Cheater ‘yan, ilang beses nahuli ng teacher namin. Anyway, hindi din kaila na wala itong credibility dahil sa mga isyung kinasangkutan habang nasa LM Corporation. Nakakapagtakang nakabalik ito sa kumpanya at kasali pa sa prestigious competition,” banat pa nito na namukhaan niya ng lumapit siya. Ito si Rachel Sanchez, halos hindi niya nakilala dahil tumangos ang ilong nito at naging hugis bigas ang dating bilugang mukha.Hinintay niyang matapos ito sa pagsasalita. Ibinigay ng judge ang mic sa kanya.“Rachel Sanchez, ikaw pala iyan, hindi kita nakilala kung hindi ko nakita ang name plate mo. Ang layo ng itsura mo noong high school. Iba na talaga ang nagagawa ng technology ngayon. Anyway, pwede namang ipaulit ang design at kung sino ang may pinaka-accurate na design at sukat, siya ang original. Bigyan ninyo kami ng papel at lapis ngayon din.Nagsimula silang dalawa ni Rachel na magdrawing. Fifteen minutes
“Vincent, sino nagsabi sa’yong magpaputok ka ng baril? Paano kung may natamaan? Ang dami ninyo ding dalang armas parang susugod kayo sa gyera!” bulyaw ni Lucian sa kabilang linya sa inutusang goons.“Boss, sound effects ang putok ng baril at walang bala ang armas namin. Alam naming kabilin bilinan mo na walang masasaktan lalo ang pinakamamahal ninyong asawa.”“Okay, matagumpay ang plano kaya may bonus ka sa akin! Magbakasyon at magpalamig ka muna.”“Sir Lucian, bakit ninyo ginipit ang tatay ni Ms. Emerald?” tanong ni Kiel habang nagmamaneho.“Well, iniligtas ko siya dahil binayaran ko ang utang niya sa casino. Hindi iyon pangigipit. Ako lang ang nanakot.”“Ano po ang balak ninyo?”“Simple lang, kapalit ng dalawampung milyon ang pagpayag ni Em tulungan ako sa treatment.”“Pumayag na po siya?”“Hindi pa, mag-uusap palang kami.”“Sir Lucian, hindi po ba mas mainam na pakawalan na lamang ninyo si Ms. Emerald? Matagal na din po siyang nagtiis sa inyo at sa tingin ko wala na siyang feelings
Hawak ni Cayden ang kanang kamay ni Emerald at hinabol naman ni Lucian ang kaliwa. Dalawang napakagwapong lalaki ang naghihilahan sa kanya! Kung iba ang makakakita ay tiyak na mapapasana-all. Ngunit sa balasik ng mukha ni Lucian, ayaw niyang mapahamak si Cayden. Kilala niya ang asawa.“Lucian, gutom na ako, kumain tayo,” ani Nathalie sabay hila dito na ipinagpasalamat niya.“Bakit hindi kayo sumama sa amin?” kaso ay bumalik ito.“Sure,” sagot ni Cayden. Mayaman ang binata ngunit hindi nito kayang pantayan ang kapangyarihang hawak ni Lucian.Nasa table silang pang-apatan habang nasa kabilang table si Kiel at ang dalawang bodyguards ni Lucian. Umiwas siyang makatabi ito ng upuan ngunit talagang pumagitna ito sa kanila ni Nathalie. Tila siya naging palaman ng dalawang lalaki. Kakaupo pa lamang ay sumasakit na ang ulo niya.Sabay na inabot ng mga ito ang menu sa kanya. “Bahala na kayong umorder.”Gusto niyang magpunta ng CR kaso baka magsuntukan ang dalawa. Dumating ang mga pagkaing pang
Nakahanda na papasok si Lucian sa opisina. “Em, tinatamad akong pumasok.”Natatawang inayos ni Emerald ng kurbata nito. “Ayusin mo muna ang mga problema tapos ay tsaka ka magpahinga. Bawal tamarin”Napatitig siya sa gwapong mukha nito na nakasimangot. “Ayusin mo ang mukha mo,” aniyang hinawakan ang dalawang pisngi nito. Dinmapian niya ito ng halik sa labi.Hindi pa siya makahanap ng timing upang kausapin ng masinsinan si Lucian at ipaliwanag dito ang lahat ng nangyari pati na ang problema sa kalusugan ng kanilang anak. Ayaw muna niya makadagdag sa bigat ng dalahin nito.“Teka, tulog pa ba si Zoey?” Nakita niya ang kislap sa mga mata nito.“Oo, mamaya pa gising noon.”Pagkasabi ay sinunggaban siya ng halik nito sa labi. “Hoy! Ma-le-late ka na,” aniya ng magsimulang maglikot ang kamay nito sa kanyang katawan.Ngunit tila ito bingi at sarap na sarap sa paglaplap sa labi niya.“Quickie lang ‘to. Please, I need you now,” anitong muling lumapat ang labi sa kanya na mas mapusok at maalab.In
“Sa totoo lang siya din ang pinaghihinalaan ko. Huwag ko lang malaman at papalayasin ko siya sa kumpanya. May sarili ng negosyo at hindi ko alam kung bakit nagsisiksik pa din sa LM Corporation ‘yan si Elton.”Bumalik siya sa ospital upang magbantay kay Lolo Fernando at busy daw ang lahat. Hinahanap niya ang nurse na nagsabing hindi si Abby ang nagligtas sa kanya. Gusto niyang malaman kung sino upang bigyan ng pabuya. Nagtanong siya ngunit resign na daw ang nurse. Tinawagan niya si Kiel upang hanapin ang nurse.Naabutan niya ang abuelo na kausap ang isang abogado at may pinipirmahang papel.“Lucian, tamang tama at andiyan ka. Heto ang ilang mahahalagang dokumento kasama ang last will ko. Babasahin ng abogado ko sa sandaling---”“Lo, ano ba ‘yang sinasabi ninyo. Huwag ‘yan ang intindihin ninyo. Ang dapat ninyong unahin ay ang magpagaling.”“Lucian, apo. Halika dito at makinig ka,” mahina ang tinig, pero malinaw.“Lolo, huwag kang masyadong magsalita. Kailangan mong magpahinga,” aniyang
“Wala kang utang na loob! Magpasalamat ka at nabuhay ka dahil sa amin! Wala ka sa mundong ito kundi dahil sa aming magulang mo!” bulyaw ni Don Mateo.“Hindi ko sinabing ilabas ninyo ako sa mundong ito. Kung papapiliin, hinding hindi ko kayo gugustuhing maging ama!”Mag-aabot na sana ang mag-ama ng umawat si Elton. “Dad, tama na ‘yan. Pinapatawag tayo ng duktor.”“Ha? Bakit mamamatay na ba ang matanda? Hindi maaari, hindi pa niya naisasalin ang ari-arian kay Lucian!”Tinignan niya ng matalim ang ama at tumakbo na papasok ng ospital.Sa loob ng silid ni Lolo Fernando. Tahimik ang paligid, may tunog ng heart monitor sa background. Nandoon sina Donya Leticia, Don Mateo, Lucian, Abby, at Elton.Dahan-dahang dumidilat ang mga mata ni Lolo Fernando.Agad kumilos ang nurse at tumawag ng duktor. Nanlaki ang mata ni Lucian at agad lumapit sa kama.“Lolo? Lolo Fernando? Naririnig n’yo po ba ako?” aniyang naluluha.“Lucian,” anitong garalgal ang boses.Naluha siya pero may bahid ng tuwa at ginhaw
Kinabukasan ng umaga, maliwanag ang araw, may tunog ng cartoon show sa background. Amoy pancake sa buong bahay. Sa maliit na dining table, nakaupo si Zoey na naka-braids habang ginuguhit ang isang larawan gamit ang krayola.Masayang tumawag si Zoey. “Mommy! Tingnan mo oh! Ginuhit ko tayo. si Mommy, si Daddy Lucian, tapos ako! May crown ako kasi princess ako lagi!”Nakaluhod si Lucian sa tabi ni Zoey, nakangiting nakatingin sa drawing ng paslit.“Wow! Ang ganda naman, anak. Pero parang mas mahaba ‘yung buhok ni Daddy kaysa kay Mommy?” aniyang inilapag ang luto ng pancake na may hugis puso at bituin. Umupo siya sa tabi ni Lucian at nilapag ito sa harap nila. Si Zoey ay napatalon sa tuwa.Excited na dinampot ni Zoey ang heart pancakes. “Mommy, ikaw ang best chef sa buong mundo! Yummy!”Biglang naging seryoso si Zoey. “Mommy, happy ako na may daddy na ako. Happy family tayo,” habang ngumunguya.Natigilan sandali silang dalawa. Nagkatitigan. Ngumiti si Lucian, hinalikan si Zoey sa ulo. Niy
“Matagal ko na 'tong alam. Matagal ko na rin 'tong tinanggap. Pero sa tuwing pinipili ka ng mundo. Ng ama natin na piniling pakasalan ang mommy mo at ngayon, si Emerald. Kumukulo ang dugo ko, bilang kapatid mo at bilang taong hindi kailanman pinili,” ani Cayden at itinulak siya.“Anong pakay mo sa pagpapakilalang anak ka ng daddy ko sa labas? Pera? Magkano ang kailangan mo?” tanong ni Lucian.“Hindi ko kailangan ng pera ninyo. Kaya kong kumita at magtayo ng sariling kong negosyo. Hindi ako kagaya mong nakatago sa anino ng mga magulang mo!”“Monteverde ka nga, mayabang ka!” aniyang tumaas ang sulok ng labi.“Anyway, wala namang mababago kahit kapatid kita. Si Em ay sa akin lang,” patuloy niya na may tono ng pagbabanta.“Ang tanong hanggang kailan mo siya kayang ipaglaban? Alam mo ang sagot. Hindi kailanman magkakaroon ng tahimik na buhay si Em sa piling mo! Sa akin pa din siya tatakbo sa dulo,” anitong nakakalokong nakangisi bago siya iniwan.Napaupo siya sa upuang iniwan nito. Bukod k
Agad naagaw ni Kiel ang hawak na baril ni Abby. Dinaluhan nila Emerald at Lucian si Lolo Fernando na hawak ang dibdib. Mukhang inatake ito sa puso.Tumawag sila ng ambulansya. Ilang saglit lang ay nasa ospital na sila at isinugod sa emergency room si Lolo Fernando. Lahat sila ay nakaabang sa labas. Napatingin siya sa mga tao sa paligid. Andoon si Don Mateo at Donya Leticia.Kung si Don Mateo ang nag-uutos kay Abby, ibig sabihin ay kalaban ito. Ngunit bakit? Tatay ito ni Lucian kahit pa halatang hindi nito mahal ang anak at palaging pinapaboran si Elton.At bakit nga pala ipapasa agad kay Lucian ang kayamanan at hindi kay Donya Leticia muna. Tapos ang mga ito ang magpapamana kay Lucian. Naputol ang pagmumuni niya ng may lumabas na nurse at nagpapirma ng waiver sa pamilya.“Ikaw talagang babae ka! Pahamak ka!” ani Don Mateo na lumapit sa kanya. Mukhang sa kanya pa ibabagsak ang sis isa nangyari.“Dad, si Abby ang nanutok ng baril kaya natakot si Lolo Fernando,” ani Lucian upang ipinagta
Nagkatinginan sina Lucian at Emerald. Hindi pa man sila nagsisimulang muli ay mukhang magwawakas na agad ang relasyon nila.“Diyan ka lang. Ako ang bahalang humarap kay Lolo Fernando.”Tumango si Em na hindi maitago ang pangamba. Nilapitan niya ito at hinalikan sa noo.“Akong bahala,” aniyang lumabas na ng kwarto.“Lolo, bakit napasugod kayo? Kinakabahan ako,” aniyang niyaya ang matanda sa study area.“Hindi ba at ikaw ang ilang beses ng naghahanap sa akin? Trenta ka na sa susunod na buwan. Binabalewala mo ba ang utos ko na kailangan mong mag-asawa kung gusto mong makuha ang kabuuan ng mana? Asawa at anak ang hinihiling ko sa’yo kapalit ng bilyong ari-arian.”“Lolo, hindi po sa ganoon. Sino ba ang tatanggi sa kayamanan? Kaya lang po ay –”“Alam mong ikaw ang lehitimong tagapagmana. Anak ko si Leticia at mas mayaman ang pamilya namin kaysa sa mga Monteverde na side ng daddy mo. Alam kong nais hatian ni Mateo ang mga anak niya sa labas. Ipamigay niya ang kakarampot nilang yaman ngunit hu
May gyera sa pagitan ng puso at isip niya. Lahat ng plano niya ay nagbago sa isang iglap.Ngunit naglaho ang anumang gumugulo sa isip niya ng ilapat ni Lucian ang labi sa kanyang labi. Sa sarap ng halik na ipinagkaloob nito ay wala ng kahit anong pagdadalawang isip. Tumugon siya sa mainit na halik. Kusa niyang ibinuka ang labi ng igiit ni Lucian ang dila sa loob ng kanyang bibig. Nagsipsipan sila ng dila. Nag-aalab ang kanilang mga damdamin.Inihiga siya ni Lucian sa sofa. Hinila nito ang tirante ng kanyang bestida. Lumuhod ito sa gilid at nilantakan ang malusog niyang dibdib. Pinaikutan nito ng halik ang kanyang mga bundok. Nilaro ng dila ang dunggot. Dumede ito sa isa habang nilalamas naman ang isa pa. Ilang minuto itong nagpakasawa sa kanyang dibdib bago bumaba ang palad sa kanyang hiyas na basa na.Iniupo siya ni Lucian. Dahil naka-dress ay madali lang nitong nahila ang kanyang panty. Hinalikan muna nito ang kanyang singit at hita bago sumisid. Pinasadahan ng dila nito ang kanyang
“Bitawan mo si Em,” ani Lucian na hinila si Emerald ngunit hindi siya pinakawalan ni Cayden! Literal na pinag-aagawan siya ng dalawang lalaki.“Em, sumama ka sa akin at ilalayo kita sa lalaking ito!”“Gago ka ba?! Si Em ang lumapit sa akin. Bumalik siya ng kusa at maayos na kami. Huwag mo kaming guluhin!” bulyaw ni Lucian na matigas ang mukha.“She’s my wife!” hila ni Cayden sa kanya. For the first time, nakita niyang magalit ito. Tila ito torong manunuwag. “You’re not married! Let her decide!” Natulig siya sa nadinig. Alam ni Lucian na hindi sila kasal!Napatingin sa kanya ang dalawang lalaki. Bumaha ng kalituhan ang kanyang isip. Alam ng puso niya kung sino ang dapat piliin. Ngunit tumututol ang isip niya.“Cayden, umalis ka na. Mag-usap tayo bukas,” aniyang nanginginig ang labi.“Hindi ako aalis dito ng hindi kayo kasama ni Zoey! Em, mapanganib ang lalaking ito,” ani Cayden na pilit siyang sinasakay sa kotse.Inundayan ito ng suntok ni Lucian at gumanti si Cayden. Ang mga suntok at