Nakuyom ni Emerald ang kamao sa pagpipigil na sagutin si Lucian sa harap ng mga kasamahan.“Nandito ako para tapusin ang trabaho ko. At kung gusto mong maging productive ako ay hayaan mo ako dito. Nga pala, pakipirmahan,” mahina niyang sabi sabay abot ng kasunduang ginawa niya na nagsasabing kapag natapos ang limited edition project ay pinapayagan na siyang hindi tapusin ang pinirmahang kontrata at hindi na siya guguluhin pa ni Lucian. Sa pagtatapos ng proyekto ay tapos na din ang ugnayan nilang dalawa.“Pipirmahan ko sa opisina ko, sumunod ka sa akin. Wala akong dalang ballpen,” anitong lumakad ng palayo dala ang papel.Sabay sabay na nag-abot ng ballpen ang lahat ng empleyado.“Heto ang ballpen, Sir Lucian.”“Thank you pero babasahin ko pa bago pirmahan,” sabi nitong lumabas na.Mabigat ang paang sumunod siya sa opisina nito. Papasok na siya sa elevator ay may humila sa kanya. Si Abby!“Emerald, mag-usap tayo. Babawiin ko na ang sa akin. Huwag kang magkakamaling isumbong ako kay Luci
Lumapit si Emerald sa kotse ni Lucian.“Alam ba ni Abby na kinukulit mo ako? Wala ka ng dahilan para lumapit sa akin.”“Get into the car!” iritableng sabi ni Lucian.Sa halip na sumunod ay itinaas niya ang middle finger. Pinalayas siya sa mansyon tapos ginugulo siya ngayon.Naglakad siya ng mabilis at hindi pinansin ang tawag nito. Nang biglang na-shoot sa butas ang kanyang high-heeled shoes. Bilis naman ng karma niya samantalang ang ibang taong masama ang ginagawa sa kapwa ay ni hindi man lang madapa ng una ang mukha! Life is unfair! She should get use to it.Nasalo siya ni Lucian. Nagpumiglas siya at hinakbang ang paa ngunit namilipit siya sa sakit. Napakapit siya sa braso nito. Kinarga siya nito sa waiting shed. Hinilot nito ang kanyang paa. Napatitig siya dito.Muli siyang binuhat at ipinasok sa loob ng kotse.“Saan po tayo?” ani Kiel na may pilyong ngiti sa labi.“Sa condo,” sagot ni Lucian.“Bakit sa condo? Ayoko!”Naalarma siya. Ayaw niyang magsolo kasama ito at baka kung saan
“Nasa proseso na ang annulment nila. Alam ng lahat na ako ang mahal ni Lucian. Hindi ba, babe?” kumpyansang sabi ni Abby.“Yes, Miss Abby saksi po ako sa pagmamahalan ninyo ni Sir Lucian. Welcome po,” ani Jona, ang numero unong s****p sa department nila.“I’m so happy to be back. Buti na lang at may mga natitira pa akong kaibigan. Matagal akong nawala. Hindi ko alam na may umagaw ng lahat ng sa akin. Dahil nandito na ako, our department will surely soar high. Magtutulungan tayo upang tulungan ang aking asawa sa pagpapalago ng LM Corporation,” anunsyo ni Abby na tila ba nagpatawag ng meeting.Pumalakpak si Jona kaya nagsunuran na din ang iba.“Miss Abby, naabutan ko din kayo. Kung naaalala ninyo, magkatabi po tayo ng table. Welcome po! Sana po ay hindi na rejected ang ipapasa ninyo sa inyong pagbabalik,” banat ni Tina.“Aba’t, gusto mo bang ----” umusok ang ilong ni Abby.“Guys, back to work na,” ani Luna ng mapansin na aatakehin ng babae si Tina. “Em, papadalahan pa kita ng iba’t iban
Isinara ni Lucian ang pinto. Kumabog ang dibdib niya. Lumapit ito at itinaas ang kanyang baba. Nagtama ang kanilang mga mata. Nahilo siya ng maamoy ang pabango ni Lucian na dati namang gustong gusto niya.“Nagseselos ka ba kaya mo ginagantihan si Abby?”Tinignan niya ang mukha nito. Nakakabwisit! Ang sarap lamutakin. Hala! Ano ang nangyayari sa kanya? He’s devastatingly handsome. Daig nito ang mga artista sa kapogian.“Hindi ako nagseselos. Akina ang annulment at pipirmahan ko para makasal ka na sa babaeng pinakamamahal mo,” sarkastiko niyang sabi.“Bakit nagmamadali ka? May kapalit na ba ako agad?”“Sino ba ang nakipaghiwalay dahil sa iba? Hindi ba at ikaw? Bakit parang ikaw pa ang nagbabawal na makipagrelasyon ako sa iba?!”“Malay ko kung may reserba ka na. Dati ka pang excited na makipaghiwalay sa akin. Sino ba? Si Elton o si Cayden? Hindi ka na makakilala ng lalaking kagaya ko!” gigil nitong sabi na hinawakan ang panga niya.“Sana nga hindi na ako makakilala ng kagaya mo! Ang hira
“Kanina akala ko nasa sunog ulit ako,” ani Lucian. Naawa si Emerald ng makita niya ang takot sa mata nito.“Na-trauma ka at labis na natakot mamatay kaya kapag nalalagay ka sa panganib, bumabalik ang alaalang iyon.”“Sabi mo nasa concert ka din ng naganap ang sunog.”“Oo, sino bang hindi taga San Marcos ang wala sa concert? Lahat ng kabataan ay nagpunta doon kaya nga madaming nasawi. Isang malaking trahedya sa ating bayan”“Anong ginawa mo that time? Mabilis ka bang nakalabas?”“Suma-sideline akong usherette ng time na ‘yun kaya kabisado ko ang entrance at fire exit. Nauna akong makalabas pero bumalik ako. Tumulong ako sa mga na-trap. Nakailang balik ako para iligtas ng mga nakulong sa loob. Nang dumating ang mga bumbero hindi na ako pinayagan.”“Kilala mo ba kung sino ang mga iniligtas mo?”“Naku, hindi ko na inintindi o tinignan pa ang mga mukha. May babae at may lalaki. Bakit mo tinatanong?”“Wala naman. Baka kako nagkita tayo ng panahong iyon.”“Magkakilala na ba kayo ni Abby noon
Napakasarap ng halik na ipinagkakaloob sa kanya ni Lucian. Ipinasok nito ang dila sa loob ng kanyang bibig. Nilalaro ang kanyang dila. Lasa niya ang laway nito. Nakakaadik. Ngunit biglang naalala ni Emerald na hiwalay na sila. Inipon niya ang lakas upang itulak ito bago pa siya malunod sa matamis na halik at magpadala sa karupukan.Akmang hihilahin siya nitong muli ng may kumatok.“Em, kakain na ng dinner.”“Ah, sige, palabas na,” aniyang inayos ang buhok na nagulo at mabilis iniwan si Lucian.Tahimik silang kumakain na apat. Magaling magluto si Luna. Pero kahit masarap ang pagkain ay hindi niya malasahan. Nalilito siya sa ipinapakita at ginagawa ni Lucian.Malakas ang ulan sa labas. Nagsalin ng wine si Elton at inabot sa kanya.“Elton, hindi pwedeng uminom si Em,” ani Luna.“Bakit may sakit ka ba?” ani Lucian na bakas ang pag-aalala .Umiling siya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Kung may problema ka, magsabi ka sa akin. Kahit sa ibang bansa sasamahan kitang magpagamot.”Binawi ni
“At ikaw ang tunay na nagmamahal sa akin, ganoon ba?” sabi ni Lucian.Nawalan si Emerald ng kibo. Bakit nga ba siya umasa na papaniwalaan siya nito?“Hindi mo matanggap na nakikipaghiwalay ako sa’yo kaya gumagawa ka ng gulo,” gigil na sabi nito.“Lucian, tama na. Hindi sinasadya ni Emerald ang mga ginawa niya. Baka may pinagdadaanan siya kaya nakakagawa siya ng ganyan. Huwag kang magalit. Let’s be kind. Unawain natin siya,” paawang sabi ni Abby.“Hanga ako sa kapal ng mukha mo!” aniyang kumukulo ang dugo. Huminga siya ng malalim. Parang gusto niyang pagbuhulin ang dalawa.“Lucian, papirmahan mo na ang annulment papers. Ayaw ni Emerald. Nakiusap ako sa kanya para makasal na tayo at magsimula ng isang pamilya. Matagal tayong nagkahiwalay. Ayokong magsayang ng oras.”Kinuha ni Lucian ang papel sa drawer at bantulot na inabot sa kanya.“Abby, mag-uusap lang kami sandali ni Em.”“Bakit kailangan kong lumabas?” tila nagmamaktol na sabi nito.“Kiel, samahan mo si Abby sa clinic.”Mabilis nama
Nanlaki ang mata ni Emerald ng mabasa ang hawak na papel. Bago siya makapag-react at hinablot ni Kiel ang papel kaya tuluyang napunit.“Kieeelllllll!” aniyang hinabol ito ng hampas.“Ms. Em, papalitan ko ng bago. Hindi ko sinasadya.”“Heh! Nakakainis ka! Lucian, kukunin ko lang ang isa pang kopya, hintayin mo ako.”Ngunit ilang minuto lamang pagbalik niya ay wala na ito sa opisina at si Abby ang naabutan niya.“Nasaan si Lucian?”“Emerald, paano kong hindi iisipin na nagpapansin ka kay Lucian, panay ang display mo sa kanya. Binabalaan kita.”“Binabalaan din kita. Kapag hindi mo ako tinigilan. Ibubulgar ko ang mga kasinungalingan mo.”“With your reputation, no one will believe you. Nakita mo naman, ako ang palaging kinakampihan ni Lucian.”“Huwag kang papakasiguro. Hindi na ako magtatagal dito kaya huwag mo akong guluhin. Alam ko kung saan ako lulugar.”“Good! Do you want to work for me? Just like the old times. Malaki ang utang na loob mo sa akin ng ipagamot ko ang tatay mo.”“Wala ak
Natameme si Mayumi at ramdam ang bigat ng sinabi ni Cayden. Ngunit wala siyang ibang makakapitan kundi ito."Alam ko na, ihanap mo na lang ako ng kaibigan mo na pwede kong pagbentahan ng virginity ko.""Nadidinig mo ba ang sinasabi mo? Baliw ka ba?""Kailangan ko nga kasi ng isang milyon," aniyang desperada na."Huwag mo akong bigyan ng problema. Madami akong iniisip. Mag-advertise ka sa social media kung gusto mong gawing kalakal ang sarili mo."Agad niya ang dinampot ang cellphone nito at inilagay ang pincode."Hey! Paano mo nalaman ang passcode ng cellphone ko? Bitawan mo 'yan!""Sabi mo, mag-advertise ako.""Cellphone mo ang gamitin mo!" anitong hinablot ang telepono sa kamay niya."Pahiram lang. Wala akong cellphone, kinuha ng nanay ko.""See? Sinungaling ka talaga. Sabi mo ulilang lubos ka na?""Baka kasi ibalik mo ako sa amin. Ayoko na sa bahay namin. Sa social media mo ako magpo-post para mayayamang lalaki ang makakakita. Sasabihin mo lang naman helping a friend.""Sisirain mo
"Bitawan mo ako! Sa susunod dapat alam mo kung sino ang kausap mo. Matuto kang sumunod at magpakumbaba.""Yes, amo, master, boss Cayden. Hindi na kita aawayin at pagsasabihan ng mayabang," aniyang humihikbi ng peke."Tigilan mo ako sa drama mo! Pumasok ka na sa kotse bago pa magbago ang isip ko."Nagmamadali siyang pumasok sa sasakyan.Ilang sandali siyang nakaupo tsaka niya naramdaman ang pananakit ng tuhod. Nasira pala ang mumurahing jeans niya. Napatingin si Cayden sa tuhod niya. Hindi niya ugali ang magpaawa pero kailangang maawa at makunsensya ito para tumaas ang tsansa na pautangin siya."Ang sakeett, ang sakit sakit," aniyang nagbigay ng pekeng hagulgol.Natitiyak niyang gagamutin nito mamaya ang sugat niya. Tapos ay magtatama ang kanilang mga mata at tsaka niya bibitawan ang linyang. pautang ng isang milyon.Kaso ay huminto ito sa malaking ospital."Teka, huwag na. Malayo sa bituka ito. Gasgas lang. Ikaw na lang ang gumamot. Batadine lang okay na.”Wala siyang nagawa kundi ang
Naiinis man ay tinulungan si Mayumi ni Cayden na alisin ang seatbelt. Ininabot nito ang seatbelt at dikit na dikit ang mukha nito sa mukha niya hindi dahil sa malasakit, kundi dahil gusto nitong pababain na siya. Nalanghap pa niya ang mabangong hininga nito."Kahit 'yan, hindi mo pa kayang gawin,” anito habang inaalis ang seatbelt, malamig pa rin ang boses.Nalaglag ang seatbelt sa balikat niya. Lumingon siya kay Cayden, unti-unting napupuno ng luha ang mga mata pero pinipigilan niyang bumagsak. Nanay nga niya ilang beses siyang pinalayas. Hindi siya iiyak.Binuksan niya ang pinto at bumaba. Malamig ang hangin at tila mas malamig pa ang loob ng kotse na iniwan niya. Tumapak siya sa madilim na bangketa, walang direksyon at bawat hakbang niya ay mabigat.Naririnig pa niya ang mahinang tunog ng makina. Tila naghintay si Cayden ng ilang segundo. Binagalan din niya ang lakad, baka sakaling habulin siya nito. Pero walang salita, walang paghabol. Ilang sandali pa ay umandar na ang kotse.Ang
“Ang kapal. Ang kapal ng tela. Ibang klase talaga ang quality ng damit dito,” ani Cayden.Umusok ang ilong niya dahil alam niyang siya ang pinapatamaan nito. Nalula siya sa presyo na halos isang milyon ng binayaran ni Cayden. Parang ayaw niyang gamitin ang mga binili at ipa-refund. Isang negosyo na ang masisimulan niya sa perang iyon.Dinala siya ng mag-ina sa luxury fine-dining restaurant with elegant ambiance, silver cutlery, wine glasses, and a live string quartet softly playing in the background. Mas lalo niyang nakita ang pagkakaiba ng buhay niya sa sa mundo ni Cayden.Magkatabi silang nakaupo sa isang corner table na may view ng city lights. Si Mommy Cecil ay nasa kabilang table at may darating daw itong kaibigan pero halatang binibigyan sila ng space. Tahimik siyang tinitingnan ang menu, halatang nalulula sa mga French at Italian na pangalan ng pagkain na hindi niya kayang bigkasin.Mahina ang boses niya at nakakunot ang noo habang tinitingnan ang menu."Foie gras, hindi ba atay
Sa mansyon na siya ng mga Villamor umuwi. Manghang mangha siya sa nakikita."Ang yaman po pala ninyo.”"Mommy Cecil ang itawag mo sa akin. Dahil magiging asawa ka ni Cayden, sa'yo na din ang lahat ng nakikita mo kaya kumportable ka dapat dito. Sabi ni Cayden ay ulilang lubos ka at walang kapatid. Magmula ngayon ay kami na ang pamilya mo.”"Maraming salamat po,” aniyang tila anghel ang tingin sa babae. Nayakap niya ito.Binati siya ng benteng kasambahay na nakapila. Wow, feeling prinsesa siya. Kapag nga naman sinuswerte. Mukhang tapos na ang purita era niya. Babalikan niya lahat ng nang-api sa kanya! Huwag na pala at sayang ang energy niya. Basta ang importante ngayon ay masaya siya.Napatingin siya sa mukha ni Cayden na bakas ang iritasyon. Ngunit hindi niya pinansin. Inihatid siya nito sa kwarto nila."I'm warning you. Huwag kang ma-attach sa mga bagay at tao dito. Hindi ka magtatagal. You'll be gone in three months," asik nito."Cayden, alam ko kung saan ako lulugar kaya huwag kang
"Pasensya ka na, Millie. Nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng girlfriend ko. Sabi ko naman na si Mommy ko lang talaga ang nag-set ng date natin,” ani Cayden. Napaawang ang labi ni Mayumi. Pinandilatan siya ng lalaki."Oo, ako ang girlfriend ni -- ng baby ko," aniyang hindi maalala ang pangalan nito.Napamulagat ang babae at nagulat. "You're kidding. Sabi ng mommy mo, wala kang girlfriend, kaya siya nagse-set ng date para sa'yo.""Ayaw mo bang maniwala?" aniya sabay angkla ng dalawang kamay sa leeg ng binata at ginawaran ito ng mariing halik sa labi. First kiss niya ito at handa siyang ibigay sa hindi kilalang lalaki huwag lang siyang ipakulong.Namamartsang humakbang palayo ang babae.Masisiyahan siyang napatingin sa lalaki na agad napalis ng mapansin niya ang dugo sa labi nito na pinahid niya ng daliri.“I’m sorry, ang nipis naman ng lips mo.”"Don't touch me," anitong hinawi ang kamay niya.“Teka, punasan ko,” aniyang kinuha ang panyong nasa bulsa upang punasan ang dugo.Itin
Buod (Book 2: Never Fall Again to the Heartless Billionaire)Sa kagustuhang makatakas sa kahirapan at kalupitan ng ina ay naging matindi ang kapit ni Mayumi Olivares kay Cayden Villamor Monteverde. Ito na lamang ang tanging pag-asa niya. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pagtakas sa lusak ay mapapadpad siya sa impyernong buhay kasama ang lalaking ginawa siyang parausan. Tiniis niya ang lahat ng sakit na dulot nito. Hanggang nawalan na siya ng pag-asa sa pag-ibig ng mailap na binata. Nagdesisyon siyang iwan na ito ngunit sa bawat pagtatangka niyang umalis ay nananaig ang kagustuhan niyang manatili. Hanggang kailan siya magtitiis kasama ang walang pusong bilyonaryo? May pag-asa ba ang pag-ibig niyang harapan nitong sinasabing hindi nito kayang suklian?Ang SimulaBumaba ng bus si Mayumi. Hawak niya ang tiyan, kahapon pa ang huling kain niya. Kumakalam na ang kanyang sikmura. Nakiusap lamang siya sa driver upang makarating sa lungsod. Tinakasan niya ang inang ibinebenta siya sa mayamang
Ang silid ni Emerald sa ospital ay puno ng kagalakan sa pagdating ng bagong miyembro ng pamilya. Si Lucian ay kasalukuyang nakaupo sa tabi ng kama, yakap-yakap ang kanilang bagong silang na anak na si Ace Sebastian, habang siya ay nagpapahinga, ang kanyang mga mata ay puno ng saya kahit pagod.Dumating ang pamilya ni Emerald upang dumalaw. Si Tatay Mariano at ang kanyang kapatid na si Peter, pati na rin ang mga malalapit na kaibigan nilang sina Luna at Cayden. Bawat isa ay may bitbit na regalo at pagmamahal sa kanilang puso."Tatay, Peter, Luna, Cayden! Andito kayo!” nakangiting sabi ni Em."Hala, ang gwapo ng pamangkin ko! Hindi ko akalain na magiging kamukha ko," banat ni Peter na puno ng excitement habang nakatingin sa sanggol.Sumulyap sa baby at pagkatapos ay bumaling kay Lucian si Tatay Mariano."Lucian, salamat sa lahat ng ginagawa mo para kay Emerald at sa mga bata. Alam kong magiging mabuting ama ka sa kanila,” emosyonal nitong sabi.Nagpatuloy ang masayang usapan at halakhak
Hindi pa nakakalabas ng ospital si Don Mateo. Nagbabantay si Donya Leticia sa asawa. Hindi siya umalis sa tabi nito kahit na sinaktan siya ng labis noon.Si Don Mateo ay nakahiga sa kama at ilang araw ng comatose. Nagising ito mula sa isang malalim na pagkakahimbing at dahan-dahang tumingala. Natanaw nito ang isang pamilyar na mukha.Agad siyang lumapit sa asawa, ngumiti at nag-aalala."Mateo, gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba?"Tila nalilito, pilit na sinusuri ng paligid, may kalituhan sa mga mata nito at nagsimula siyang mangamba."Saan… saan ako? Anong nangyari? Bakit ako nasa ospital?" sabi nito sabay hawak sa ulo, parang walang naalala."Inatake ka sa puso at na-stroke. Na-comatose ka ng ilang linggo. Tatawag ako ng duktor,” malumanay niyang sabi."Bakit? Bakit ganito ang pakiramdam ko? Anong nangyari sa aking utak? Tila blangko at kulang ang memorya ko.”"Tumingin ka sa akin, Mateo. Kilala mo ba ako?" aniyang hinawakan ang kamay ng kabiyak."Oo naman mahal k