“Masayang hapon! Ano po ang order nila?” ani Emerald nakangiting inangat ang mukha upang pagsilbihan ang sumunod na costumer sa coffee shop.Napalis ang ngiti niya at tila nag-teleport siya sa impyerno ng makita ang mukha ng asawang si Lucian na dalawang taon niyang hindi nakita.Bakas ang sindak sa mukha nito. Nakabuka ang bibig nito ngunit walang lumalabas sa bibig.“E-Eme- Emerald? Ikaw ba ‘yan?”Hinaplos nito ang kanyang pisngi. Tila nais matiyak na totoo ba siya o aparisyon lamang. Ibig niyang matawa sa itsura nitong parang nakakita ng multo na apparently totoo naman dahil akala nito ay patay na siya.“Naaalala mo ba ako? Kilala mo ba ako? Akala ko patay ka na!” bulalas nitong manghang mangha.Huminga siya ng malalim. Kung hindi lang niya kilala ang masamang ugali ni Lucian Monteverde ay iisipin niyang masaya itong makita siyang muli which is so impossible! Mamumuti ang uwak ngunit never itong matutuwang makita siya.Magpapanggap ba siyang may amnesia? O hindi kaya ay nababaliw?
“Ah, ayaw mo niyan at madugo. Madudumihan ang magara mong damit. Heto, last na. Lisensyadong baril ‘yan. Sa ulo mo ako barilin. Dalawa o talong bala para sure,” aniyang kinuha ang baril sa loob ng bag.“Baliw ka ba?” litong tanong ni Lucian.“Oo! Putang ina! Matagal na akong baliw! Nagpakamatay ako pero nabuhay pa din! Kaya ngayon, ikaw na ang pumatay sa akin para matapos na ang lahat!” aniyang naghihisterya na.“Hindi ko magagawa ‘yan! Hindi ako kriminal na kagaya mo!”“Iutos mo sa iba kung hindi mo kaya!” bulyaw niya. Huminga siya ng malalim. Hindi niya dapat ipakita na nawawalan siya ng kontrol.“Kung hindi mo ako kayang patayin, pabayaan mo na ako!”“Kasal pa din tayo! At hindi ko hahayaang maging masaya ka lalo sa piling ng iba! Subukan mo lang dumihan ang pangalan ng mga Monteverde.”“Kasal? Walang nakakaalam na kasal tayo. Maliban sa pamilya mo, at sa mayor na nagkasal, at sa tattoo artist na inutusan mong isulat ang pangalan mo sa dibdib ko!”“Huminahon ka at mag-usap tayo ng
Hindi maihakbang ni Emerald ang paa papasok ng bahay. Tila nang-uusig ang tingin ni Lucian.“Linisin mo ang sugat ng asawa mo,” utos ng Tatay Mariano niya habang abala ito sa pagluluto at ang kapatid niyang si Peter.Napahawak siya sa ulo. Ito ang unang pagkakataon na nakaharap ni Lucian ang kanyang pamilya.“Bakit ka nandito? Dapat sa ospital ka nagpunta.”Inabutan siya ni Tatay Mariano ng first aid kit na hindi niya pinagkaabalahang buksan. Ayaw ni Lucian na hinahawakan niya.“Linisin mo ang sugat ko,” utos nito.“Ayoko nga. Hindi ako nurse,” napayuko siya ng maalalang sinampal siya nito ng mapadiin ang paglilinis niya ng sugat nito noon.Kumurap ang kanyang mga mata. Pilit niyang iwinawaksi ang mga pangit na alaala.“Umalis ka na,” taboy niya.“Nagluluto pa si Tatay Mariano. Gusto niyang matikman ko ang luto niya.”“Tay, hindi basta basta kumakain ng kung ano ang bisita natin. May cook at dietician siya. Nakakahiya sa kanya. Baka sumakit ang tiyan niya, kasalanan pa natin,” baling
“Sir Lucian, may appointment po kayo kay Dr. Mendoza,” anang secretary na si Kiel.Dumating ang duktor sa kanyang opisina.“Mr. Monteverde, wala akong makitang mali sa pisikal mong pangangatawan ayon sa test results. Kaya maaaring psychological ang problema ng iyong erectile dysfunction. Pero pwede nating subukan ang treatment o maaaring kumuha ka ng babaeng makakatulong sa’yo. Ang sabi mo ay maayos ang sex life mo noong nabubuhay ang asawa mo kaya posibleng makatulong na kumuha ka ng babaeng kahawig ng asawa mo upang ma-stimulate ang iyong pagkalalaki. O baka may video o larawan ka niya na ---”“Maraming salamat Dr. Mendoza. Ipapatawag ko na lamang kayo ulit. Sa tingin ko, nakita ko na ang gamot sa sakit ko,” nakangisi niyang sabi.“Kiel, investigate Emerald Diaz at kung ano ang ginawa niya sa nakalipas na dalawang taon.”“Sir, dalawang taong na pong patay ang asawa ninyo,” litong sabi ng secretary.“Nakita ko siya. Palabas lamang niya ang pagkamatay niya para makatakas sa akin. She
Bumaba ng dyip si Emerald at napatitig sa matayog na gusali. Lahat ng tao sa kanilang lugar ay nangangarap na makapasok sa LM Corporation. Malaki ang sweldo at todo ang benefits ng kumpanya. Idagdag pa ang gwapo at bilyonaryong CEO nito na si Lucian Monteverde.Habang naglalakad palapit sa gusali ay muli siyang napatigil. Naalala niya ang unang araw sa kumpanya. Lahat ay nanghula na hindi siya tatagal sa pagiging mainitin ng ulo ng CEO. Pero siya lamang ang tumagal na assistant nito.Naging malapit si Abby sa kanya na kasintahan ni Lucian. Alam naman niyang gusto lamang siya nitong gawing spy sa CEO.“Emerald, ang gwapo talaga ni Lucian ano?”“Yes, Ms. Abby. Agree po ako.”“Don’t you find him attractive? I mean, madalas kayong magkasama.”“Ms. Abby, assistant lang po ako ni Sir Lucian. Wala pong anumang namamagitan sa amin maliban sa pagiging boss at assitant. Huwag po kayong mag-alalala.”Naging mailap ang mata niya dahil alam niya sa sariling may lihim siyang pagtingin sa boss. Ngun
Mabigat ang bawat hakbang ni Emerald. Akala niya ay hindi na siya makakarating sa lugar na nagpabago ng buhay niya.Nakatalikod si Lucian ng pumasok sila ni Luna. Tinatagan niya ang tayo. Hinding hindi niya ipapakita ang takot sa asawang kinawawa siya noon. Matapang siya. Matapang siya.Humarap ito. Muntik mahulog ang panty niya sa labis na kagwapuhang nasilayan pero kakainin muna siya ng lupa bago aminin ang hindi mapigil na paghanga sa mala-adonis na lalaki sa harapan. Pilit niyang iniisip kung gaano ka-halimaw ito noon!“Makakaalis ka na, Ms. Luna. I’ll handle this,” ani Lucian.“Balita ko, kailangan mo daw ng tulong ko.”“LM Corporation is offering you a decent job. Malayo sa pagiging kahera mo sa coffee shop.”“Okay, I’ll sign the contract dahil sa kaibigan ko. Pipirma lang ako on my own terms.”“Mayabang ka na talaga ngayon.”“Mr. Monterverde, I just know my worth. Makinig ka. Una, six months lang ang contract. Pangalawa, I will work at home. Pangatlo, triple the payment.”“Brav
Ramdam ni Emerald ang pagkulo ng kanyang dugo.“Kapag hindi ka tumigil, ikaw ang susunod na paglalamayan,” aniyang inirapan si Mitch at naglakad palapit sa mga pagkain.Ngunit hinablot nito ang buhok niya. Mabilis ang kamay nitong lumipad pasampal sa kanya. Ngunit bago pa ito dumapo sa pisngi niya ay naawat ito ni Lucian.Nagulat ang lahat ng empleyado sa pagdating ng CEO. Hindi ito nagpupunta sa canteen. Ito ang unang pagkakataon.“Anong gulo ‘to Mitch?”“Si Emerald ang nagsimula. Kakabalik lang nananakot na agad.”“Walang kahit sino ang mambubuly kay Emerald. Tandaan ninyo ‘yan!”Ano naman ang nakain ng amo at ipinagtanggol siya sa unang pagkakataon na hindi naman niya kailangan. Mas malala pa sa sampal ang mga naranasan niya sa mga kasamahan noon.Lumayo na siya at kumuha ng pagkain. Nawala ang mahabang pila. Kumuha siya ng ilang slices ng tinapay, egg, bacon and salad. Naupo siya sa pinakadulo.Nanlaki ang mga mata niyang mabilog namang talaga ng makita ang CEO na may hawak na tray
Tila pumasok sa time machine si Emerald ng maalala ang unang karanasan niya kay Lucian. Malakas ang ulan noon, may bagyo. Pinapunta siya sa condo unit nito. Kilig ang ferson kahit pa halos lumangoy siya makarating lang sa condo nito. Naabutan niya itong umiinom ng alak at naninigarilyo. Why he looked so hot? Wala itong damit pang-itaas. ‘Yung tipong kahit demonyo ito ay willing siyang sumama sa impyerno.Unti-unti siyang pumasok sa loob ng kwarto. Nagwawala ang puso niya.“Lumapit ka dito.”Hindi siya makatingin ng deretso sa boss dahil sa halip na sa mukha nito siya tumingin ay napapasulyap siya sa dibdib at six packed abs nito.“Pirmahan mo ‘yan,” anitong hinagis ang dokumento sa kama.Dinampot niya ang ilang piraso ng papel. Isang kasunduan para sa pagiging bed partner niya. Tinanggap nito ang alok niya. Hindi na niya binasa ng buo. Kinuha niya ang ballpen sa bag at agad na pumirma.“Bakit hindi mo man lang binasa?”“Okay na po Sir Lucian. Tiwala po ako sa’yo.”“Walang dapat makaal
“Lucian, totoo ba ang sabi mo?” aniyang hindi makapaniwala. Ngunit mahinang hilik ang naging tugon nito.Niyugyog niya ang balikat ng asawa ngunit tulog na talaga sa labis na pagod.Kahit pagod ay hindi siya dalawin ng antok, bumabalik siya sa baliw era niya! Agad niyang kinontrol ang utak ngunit tila ayaw sumunod ng kanyang puso. Hindi na siya dapat umibig ulit sa dating asawa. Hindi pa man ay alam na niya ang kakahinatnan ng damdamin niya.Kinabukasan ay hindi na niya naabutan si Lucian sa kanyang tabi. Bumaba siya at nakitang kumakain na ng agahan ang mga kasamahan. May isang araw na lamang sila upang tapusin ang lahat ng designs.Hindi maganda ang pakiramdam niya dahil siguro sa puyat. Inabutan siya ng plato ni Lucian na may lamang pagkain.Niyaya siya nito sa garden upang mag-agahan. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa malayo.“Bakit parang wala ka sa mood?”“Hindi maayos ang tulog ko kagabi.”“May gumugulo ba sa isip mo?”Umiling siya. Wala siyang lakas ng loob na tanungi
Naitulak ni Emerald si Elton.“Anong ibig sabihin nito?” gigil ang boses ni Lucian sa nasaksihan. Nagngangalit ang ngipin nito. Inawat niya ang asawa ng tangkang susugurin si Elton.“Nag-uusap lang kami,” aniya na nauna ng lumabas at hinila si Lucian.“Nag-uusap? Bakit sa loob pa ng banyo?” singhal nito ng makapasok na sa kwarto.“Kinausap ko siya tungkol kay Luna,” mahinahon niyang sabi.“Bakit?”“May relasyon sila at nakiusap akong layuan niya ang kaibigan ko. Ayokong masaktan siya kagaya ko. Napakahirap magmahal ng isang Monteverde,” aniyang pansamantalang nakalimot na isang Monteverde ang kausap niya.“Mahirap mahalin?”“Oo, mahirap kapag hindi ninyo mahal ang isang babae. Huwag mong sabihing mali ako. Mahina si Luna, hindi niya kaya ang mga pinagdaanan ko,” aniyang sinalubong ang mata ng asawa.“Teka, bakit ibabalik ang nakaraan? Hindi ba sabi ko gagawa tayo ng masayang memories para tabunan ang pangit na alaala?”Natahimik siya. Bakit gusto niyang maniwala kahit alam niyang wala
Agad naghiwalay sina Emerald at Lucian ng madinig ang boses ni Kiel.“Sir Lucian, sira po ba ang motor?” anitong sinisipat ang motor pagkababa ng tricycle.“Hindi, mukha mo ang sisirain ko. Konting konti nalang,” ani Lucian at pinauna siyang sumakay sa tricycle. Halos hindi sila kasya sa tangkad at laki ng katawan nito.Pagkaupo sa tricyle ay kinabig siya ni Lucian at tangkang hahalikan ng magsalita ang driver.“Sir Lucian, natatandaan po ba ninyo ako? Naging hardinero po ninyo ako dati noong bata po kayo. Nag-asawa na po pala kayo ng napakagandang dilag.”Ngumiti siya sa matanda. Nadinig niya ang hingang malalim na Lucian sa matandang nagkukwento at sumusulyap sulyap sa kanila sa loob ng tricycle. Hawak nito ang kanyang kamay na masuyong hinahaplos.Pagbaba nila sa villa ay nagpalakpakan ang lahat sa kanyang pagdating. Masaya ang team na nakabalik siya at nalinis ang kanyang pangalan. Ngunit patuloy pa din ang imbestigasyon kung sino ang traydor sa loob ng kumpanya.Nakaupo siya sa t
Pilit nilakasan ni Emerald ang loob. Inabala niya ang sarili sa ibang bagay. Sinisante na siya. Ayaw na din nitong makita ang mukha niya. Ibig sabihin ay malaya na siya? Bigla siyang napangiti. That’s the good side kahit hindi totoo ang bintang sa kanya. Bigla ding nawala ang ngiti sa kanyang labi. Bakit tila ayaw niyang lumaya? Natural, nasira ang pangalan niya. Wala siyang yaman at tanging ang pangalan ang kanyang maipagmamalaki at hindi siya papayag na masira ito.Napasigaw siya ng may naghagis ng kung ano sa kanyang paanan. Pababa niya ng tingin ay nakita niya ang kanyang sapatos. Napaawang ang labi niya ng mapagtanto kung sino ang may dala ng sapatos niya. Si Lucian!Hindi siya makagalaw. Hanggang sa biglang mangati ang kanyang paa. May langgam pala! Napasalampak siya sa kalsada at inalis ang mga langgam na gumapang hanggang binti.Kinuha ni Lucian ang mga paa niya at inalis ang langgam na kumakagat pa. Isinuot nito ang sapatos niya. Kikiligin na sana siya nang maalalang matindi
Ibinaon ni Emerald ang sarili sa kumot! Bakit kahit saan siya magpunta ay sinusundan siya ni Lucian?“Masama pa ba ang pakiramdam mo?” anito.Hindi siya kumibo. Nakuha pa nitong magtanong matapos siyang ihagis sa swimming pool kagabi.“Hindi ka ba nasaktan kagabi?”Kinagat niya ang labi. Gusto niyang magsalita ng hindi maganda ngunit inawat niya ang sarili. Hindi siya dapat magpakita ng pagrerebelde. Gugulatin niya ito sa kanyang mga hakbang.Lumabas siya sa kumot. “Okay naman ako.” Ngumiti siya ng matamis.May inabot ito sa kanyang paper bag na may damit at gamit niya. “Kung hindi mo pa kayang pumasok ay sa mansyon kita ihahatid para makapagpahinga ka. Pupuntahan ka din ng duktor.”“Papasok ako. Kaya ko na,” aniyang bumangon. Mabilis siyang naligo at nagbihis.Pilit niyang isinasara ang zipper ng dress. Lumapit si Lucian at tinulungan siya. Tila nagbabaga ang kamay nito ng dumampi sa balat niya na dahilan upang mapaigtad siya. Bahagya siyang lumayo ngunit niyakap siya nito mula sa li
“Elton, huwag mo ng galitin si Lucian. Ihatid mo ako sa mansyon. Kilala mo naman ang kapatid mo,” sabi ni Emerald.“Malakas ang ulan. Bukas na lang. Spending one night with me.”Kinapa niya ang noo. May lagnat siya dala ng pagkabasa niya sa ulan. Tumayo siya at dumungaw sa bintana. Malakas ang buhos ng ulan.“Em, bakit hindi na lang ako ang mahalin mo? I’ll treat you better.”“Hindi mo ako gusto. Ang gusto mo ay maagaw ang kung ano ang mayroon kay Lucian.”“Hindi totoo ‘yan. I really like you. Bigyan mo ako ng pagkakataon para patunayan sa’yo ‘yan.”Niyakap siya nito mula sa likuran. “Bitawan mo ako!” aniyang kumawala sa yakap ng lalaki. May bumabangong kaba sa kanyang dibdib sa isiping silang dalawa lamang ni Elton sa isang kwarto. Nag-iisip siya ng paraan kung paano makakauwi.Kumuha ng dalawang baso si Elton at nagsalin ng alak at inabot sa kanya ang isa. Ngunit hindi niya tinanggap.“Ano ang meron si Lucian na wala ako?” anitong tumabi sa kanya.“Magkaiba kayo ni Lucian. Huwag mong
Walang kibuan sina Emerald at Lucian habang nasa kotse pabalik sa mansyon. Nanlalaki ang butas ng ilong nito. Subukan lang nitong sitahin siya. Sino bang nauna? Huminga siya ng malalim. Dapat siyang kumalma.“Bakit ka sumama kay Elton?” mapanganib ang tono ng pananalita nito.“Bakit mo hinalikan si Ashley?” singhal niya.“Nagseselos ka ba?” anitong nagkaroon ng ngiti sa labi. Ibibigay niya ang kaligayahan nito.“Oo, nagseselos ako! Selos na selos ako! Gusto kong kalbuhin ang babaeng ‘yon!” hiyaw niya.Napatingin sa kanila si Kiel na nagmamaneho. May biglang tumawid na aso kay bigla ang pagpreno ng secretary kaya nagtama ang labi nilang dalawa.“Ewwww! Humalik ka sa iba tapos hahalikan mo ako!”“Hindi ko hinalikan si Ashley!”“Magsisinungaling ka pa! Kitang kita ng dalawang mata ko.”“Lumapit ka ba para makita mo? Inalis ko lang ang dumi sa mukha niya.”“Lokohin mo Lelang mong panot! Ipinulupot pa ni Ashley ang kamay niya sa leeg mo ng ganito!” aniyang ginaya ang ginawa ng babae.Mulin
“Lucian, ayusin mo ang tono ng pananalita mo! Tara na sa meeting room!” matigas ang boses ni Don Carlos. Muli nitong tinapunan ng nakakamatay na tingin si Emerald.“Wait for me. Sabay tayong kakain ng lunch,” ani Lucian sa kanya na mabilis siyang hinalikan sa noo.Tumango siya. Paglabas ng dalawang lalaki ay tsaka lamang niya naramdaman ang panlalambot ng tuhod. Uminom siya ng isang basong tubig upang maging regular ang tibok ng kanyang puso.Dumating si Kiel para kuhanin ang documents sa table ni Lucian at kinumusta siya. May ideyang pumasok sa kanyang utak. Hindi siya papayag na pagmukhaing tanga ni Lucian.“Ms. Emerald, kumusta po ang bakasyon?”Sa halip na sumagot ay may kinuha siya sa bag.“Heto ang tseke ng isang buwang sweldo ko.”Nanlaki ang mata ni Kiel ng abutin ang tseke. “Ibig pong sabihin ay in love na kayo ulit kay Sir Lucian?”“Sa tingin ko, hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Noon hanggang ngayon, si Lucian pa din ang tinitibok ng puso ko. Ganoon yata ang tu
Sunod sunod ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Emerald na agad niyang pinahid. Tang-ina! Parang sinaksak ng ilang beses ang puso niya. Akala niya ay totoo ang ipinapakita ni Lucian. Nakalimot siyang demonyo nga pala ang lalaking pinakamamahal niya. Napaniwala siya nito! Pinagmukha siyang tanga!At least alam na niya at hindi dapat lumambot ang puso niya. Lalaruin niya ang larong gusto nito. Pakitaan pala ng mabuti ah. Hindi siya dapat maging marupok. Sampung buwan. Kahit anong mangyari ay aalis siya.Naglakad siya palayo sa opisina. Kailangan niya ng sariwang hangin dahil nagsisikip ang kanyang dibdib. Pagbalik niya ay nakaupo si Lucian sa upuan niya at hawak nito ang sketchpad niya. Hindi naman siguro nito nakita ang kanyang drawing ng mukha nito. Pupunitin niya mamaya.“Ang tagal mo ah, na-miss kita,” bati nito sa kanya. Ulol! Muntik na niyang masabi. Buti ay napigil niya ang bibig. Nanggigigil siya. Gusto niyang pilipitin ang leeg nito. Ngunit talo siya kapag pinairal niya ang dam