Share

Chapter 4

Author: Reiner
last update Last Updated: 2023-02-16 05:39:46

Kuya Ash and I didn't interact with each other ever since.

Not because I was mad at him, but because I respect his space and choice. Iniisip ko nalang na baka nabigla lang siya at hindi niya gusto ang mga nasaksihan niya galing sa akin.

May mali naman talaga ako sa part ko. Kung sana ay itinaboy ko si Master Heins, hindi magkakaganito ang tahanan namin. Pero kapag tinaboy ko siya ay nababahala ako sa kung ano ang p’wedeng gawin niya pabalik sa pamilya ko. At t'yaka, hindi rin makakaya ng konsensya at takot ko kung sakali.

Biglang tumunog ang cellphone na binigay niya noong nakaraan at nakita ko ang mensahe ni Master Heins.

Master Hecy:

Nagkaayos na ba kayo dyan?

Oo nga pala, ilang araw na kaming ganito. Ayaw niya sumabay sa amin sa hapagkainan dahil nakikita niya raw ang pagmumukha ko. He never failed to make me remember that I was adopted, by mentioning it six to eight times a day. It wasn't really a big deal for me, because it was true. Pero hanggang kailan at saan ang kaya ko para tanggapin ang mga salitang ito? Sa mismong kuya ko pa?

Kaagad ko siyang nireplyan.

Me:

Hindi. Bakit mo natanong?

Wala pang ilang segundo ay nag vibrate ang cellphone na kanyang ibinigay. It was a call, at sino pa ba ang aasahan ko na tumawag? Edi siya rin. Sinagot ko ang tawag ngunit hindi ako ang unang nagsalita o kumibo.

“Hey.. are you still there?”

His cold voice made me remember that I was talking to him. Kaagad na bumagsak pabalik sa akin ang aking ulirat.

“O-Opo, nandito pa, Master.” sagot ko sa kaniya.

Narinig ko siyang napabuntong hininga. Maliban sa kaniyang paghinga at pagsasalita ay wala na akong ibang marinig kung ‘di ang ingay ng air-conditioning sa kaniyang tinutuluyang lugar.

“Oh, okay.. do you want to go out with me?”

Napabangon ako sa kaniyang sinabi. That was unexpected! “H-Ha?! Bawal ako lumabas!”

Inisip ko na lahat ng bagay na p’wede kong isipin. Maybe he'll invite me back to the mansion? And kill me? Baka naman sa kotse palang ay papatayin na niya ako? O pasabugin ang kotse sa gitna ng daan?

Kung naririnig lang ni Master Heins ang mga pinagsasabi nitong utak ko ay masasabi niya talagang sobrang judger ko. Humihingi na ako kaagad ng tawad, polluted na ‘ata utak ko sa pamilya niya.

“Ayaw mo ba ako makasama?” it's his charming voice once again, tempting me to accept his offer. H-How can I say no? But.. thinking all the possible things that could happen if I do that, what can I risk?

Tandaan mo, Asheia, yes, he is freaking handsome yet nefarious. Family comes first and remember, he is the son of the man who made you suffer all these years.

Ilang sandali pa ay narinig kong bumukas ang pintuan ng kaniyang tinutuluyan at sumunod no'n ang boses ng babae sa kabilang linya. Kaagad kong pinindot ang mute na nasa baba ng end call at tumahimik.

“Love, I think we should go na. Nagugutom na ako.”

The last reply from him was not clear that's why I ended the call. Sa sobrang kaba ko ay hindi ko namalayang nahulog ko na pala ang hinahawakan kong cellphone.

Shems! He was a lover yet he introduced himself as my boyfriend! You cheater! At sa akin pa talaga!

Yumuko ako at sinubukang abutin ang cellphone, ngunit maliban sa cellphone na iyon ay may iba pa akong nakuha sa ilalim.

Isang photo album na mayroong sandamakmak na litrato. Makapal iyon, at medyo mabigat kung isang kamay lang ang gagamitin sa pagbitbit. Bumaba ako sa kama at hinila papalabas sa madilim na parte ang album at ipinatong sa aking kama.

My Loving Ash Drix.

Iyon ang nakasulat sa baba ng kulay puting cover. Nang binuklat ko ito ay bumungad sa akin ang isang malusog na batang lalake na hawak-hawak ng mas batang Mommy Lexie at Daddy Al. Sa masungit na mukha palang nito ay mahahalata mo ang features ni Kuya Ash.

Grumpy Ashy

I giggled as I flip the next page. May mga title pa ang bawat litrato na nakikita ko!

Ang sumunod na litrato ay ang birthboy na si Kuya Ash, 6th birthday ang nakalagay sa tarpaulin na nasa background. Nakaharap ito sa kaniyang kulay blue na cake at may sombrero pa sa ulo. Nakasimangot pa rin ito, sa sumunod na litrato no'n ay nakasimangot pa rin.

The most interesting photo I have seen was the picture of him and Ate Miranda.

They're both standing, facing the camera, with a wide sunny smile plastered on their faces. Kulay pink pa ang mga ngipin ni Ate Miranda roon, ngunit makikita mo naman na may hawak siyang mga candies, halatang doon nanggaling iyon.

Ash & Miranda won the candies!

The next one was still him, of course, this is his album. He is now wearing a black tuxedo, looking good, while holding Ate Miranda's hands. Mukhang highschool na sila rito o senior high school? Hindi naman sila mukhang masaya, neutral lang.

Ash's first and last date.

So.. they knew each other before highschool? Childhood friends sila na nauwi sa lovers? What an interesting love story!

May ganito rin ba ako sa pamilya ko?

Kahit isang baby pictures lang na nandoon sila? Ginusto ba nilang ipamigay ako sa pamilyang Xenia at gawing alipin? Ginusto ba nila na iwanan ako at kalimutan? Hindi hanapin at ipaubaya nalang? Kahit ni-isang pruweba ay wala, kahit pangalan nila o kulay ng buhok, hindi ko alam.

Minahal ba nila talaga ako?

After hours of scanning the album, I have decided to grab some snacks. Nakakagutom pala makialam sa pictures ni Kuya, ang dami kasi, parang katapusan na ng mundo sa dami. May mga petsa rin na nakasulat, palagi ko tuloy na naalala na ang tanda na niya at nasanay siyang siya lang ang inaalagaan nila Mommy Lexie and Daddy Al.

Nang pababa na ako ng hagdan ay kitang-kita ko ang pagtakbo ni Ate Miranda papunta sa sink na nasa kusina. Nagduduwal ito at maya-maya pa ay nagsusuka na.

“Ate?”

She didn't stop puking until I caressed her back and kept asking her what happened. Hindi naman siya sumasagot sa mga tanong ko, uminom lang ito ng tubig at ilang sandali pa ay nilingon niya ako.

“I think.. I'm pregnant, Asheia.”

Ha?

Napatingin ako sa kaniya. May iilang butil pa ng luha ang nasa kaniyang mata at parang naiiyak siya. “A-Alam ba ni Kuya Ash, Ate?” tanong ko sa kaniya pero kaagad naman itong umiling.

Narinig ko siyang tumawa. “Feeling ko ay si Ash ang naglilihi kaya gano’n ang pag-uugali niya, pagpasensyahan mo na ha? Masungit naman ‘yon pero hindi siya naninigaw at nag t-tantrums. Mukhang naglilihi nga.”

Bigla kong naalala ang mga inasal ni Kuya Ash nitong mga nakaraang araw. Ang pagsusungit siya, paninigaw, pag iiba ng pag uugali at iba pa. It all makes sense now! Pati ako ay napatawa nang ma realize ko ang lahat ng iyon.

Ilang sandali pa ay bumaba ang nakabusangot na si Kuya Ash. Bitbit nito ang kaniyang unan at kumot. May iilang sinabi pa siya at humiga sa sofa ng bahay.

“Asheia, bigyan mo ‘ko ng tubig. May kaunting yelo at salihan mo na rin ng bilis.”

Kaagad ko siyang sinunod at nang maibigay ko sa kaniya iyon ay may pinapakuha na naman ito sa kanilang kwarto. Gusto niya raw ng chicken sandwich at orange juice. Hindi pa ako tapos sa pinapagawa niya at binigyan na naman niya ako ng bagong gawain.

Ate Miranda was trying to refrain herself from laughing when Kuya Ash turned to her and asked her.

“Anong tinatawa-tawa mo dyan?!”

Nag-iwas ng tingin si Ate at nag kunwaring walang ginagawa. “Ha?” sagot niya at tinuro ang kisame. “Tinitignan ko ang kisame, tumatawa ba ako? Pa check ka na kaya sa clinic, love?”

They're arguing with love in their eyes. Ilang sandali pa ay lumapit si Ate Miranda sa kaniyang asawa na ngayo'y umiiyak na at mahigpit itong niyakap. May binulong pa si Ate sa kaniya at nakita ko kung paano siya tumahan at naggulat.

“Naknang pucha!” malakas pa niyang mura.

Bumaba si Mommy Lexie at Daddy Al nang marinig nilang nagmura si Kuya. “Ash Drix! Utang na loob, mijo! Ang lakas mo magmura!”

“May buntis pala rito sa bahay, hindi ko sasabihin kung sino. No clue.”

Kaagad na inintriga ng aming mga magulang si Ate Miranda. May ipinakita itong pregnancy test, may dalawang line iyon, nagpapatunay na buntis nga si Ate. Hindi ko alam paano ako mag r-react dahil naghahalo ang nararamdaman ko para sa kanila.

Masaya rin ba ang mga magulang ko noong nalaman nilang pinagbubuntis nila ako?

I immediately erased my thoughts to avoid negative mindset. Ayokong sirain ang panahon na ito, lalo na't magiging apo na sila Mommy at Daddy. They look so grateful and excited. Sobrang halata na nasasabik silang madagdagan ang pamilya nila, mabilis silang nagpatawag ng pagpupulong.

“Domaine and Froilan? Punta kayo rito, may chocolate ako at bata.”

“Nebuchadnezzar, dude! Great news, my man.”

The whole house was busy that night. My family even introduced me to their close friends. Napag-alaman ko ring may pinsan pala si Ate Miranda, iyon ay si Ate Domaine at ang kaniyang asawa naman ay si Kuya Froi. Buntis din si Ate Domaine, ngunit mas malaki ang kaniyang tyan kung ikukumpara kay Ate Miranda.

“Bukas na pasok mo sa new school mo, Ashi?”

Si Ate Domaine iyon, tumango ako at nagpatuloy sa pagliligpit ng mga ginamit sa kusina. Habang abala sila Ate Miranda at Kuya Ash sa sala, kami naman dito ni Ate Domaine sa kusina, nagk-kwentuhan tungkol sa buhay mag aaral nila rati ni Ate Miranda.

She giggled and pointed my eyes. “Ang ganda ng mga mata mo! Hazel brown bhe! P’wede ba ipaglihi kita rito sa anak ko? Panigurado, sobrang ganda siguro nito.”

“S-Sige, Ate.”

“T’yaka alam mo? Huwag mo na isipin ‘yang mga lessons mo! For sure, isa kang matalinong bata. Ang galing mo pa mag english, walang-wala ang course ko dyan sa accent mo e, ganunin ba naman ako.”

Napatawa nalang ako sa kaniyang inaasal. Habang nagsasalita siya ay tumatango lang ako, pilit na pinapasok sa aking kokote ang mga pinagsasabi niyang tips para maging maganda ang first day mo sa school. May listahan pa siyang ginawa bago umuwi kasama ang kaniyang asawa.

Tips for Ashi's first day:

1. Smile, but don't approach anyone. Magmumukha nyan na ikaw ang nangangailangan sa kanila. Remember that you are ✨gold✨ pake ba natin sa kanila?

2. Kung may kaibigan ka o wala, ok lang! Mas kaunting circle of friends, mas mabuti, iwas backstabber.

3. Kapag may nakita kang matalino, mabango, tall and handsome as hell,  kaldagan mo kaagad.

4. Joke lang ‘yang number three, baka ilibing ako na buhay nila Tita Lex. Dapat maging cold ferson ka, mysterious effect ganern!

Good luck sa first day mo!

Napalunok nalang ako sa aking mga nabasa galing sa papel. Kahit papano ay may sense naman, good luck nga sa’yo, Asheia.

Related chapters

  • Nefarious Love    Chapter 5

    “Sigurado ka bang mas mainam sa’yo na magbaon kaysa bumili sa cafeteria niyo?”It was Mommy Lexie. Pang-ilang ulit na niya akong tinanong tungkol dyan. Ang para sa kaniya kasi ay mas maganda kung sa campus na ako bibili, pero mas ok siguro kung magbabaon nalang ako. Kung sakaling maubusan man ako ng benta, may makakain pa rin.“Lexie, let her be.” saway naman sa kaniya ni Daddy Al. “Ilang buwan nalang at mag di-dise otso na siya, tapos pinapakielaman mo pa? Edi sana ikaw nag aral.”“Mama mo aral.”Hindi pa sana sila titigil sa pagbabangayan nang malakas na bumusina ang sasakyan ni Kuya Ash na nasa labas. “Ano na? Papasok ka pa ba o makiki-chika?”I rolled my eyes and opened the front door of our home. “Papunta na po!” nilingon ko ang aking mga magulang at nagpaalam. “Babye, Mommy and Daddy!”“Good luck sa first day, ‘nak!”Nang makalabas ako sa bahay ay kaagad kong binuksan ang pintuan ng kotse ni Kuya Ash. Hindi raw sasama si Ate Miranda dahil nag aayos daw siya ng mga papeles, kaya'

    Last Updated : 2023-02-16
  • Nefarious Love    Chapter 6

    Clearly, there is someone after me.After what happened, I searched the whole library, looking for witnesses. Hindi naman ako natatakot na baka may nakakita sa ginawa ko, halata namang self defense ang ginawa ko laban sa babaeng iyon. Pati ang matandang librarian ay hindi ko na ulit nakita, nakabukas nalang ang backdoor ng silid bago ako lumabas doon.Naiwan ko lahat ng libro na nakita ko sa library at naglakad papalabas ng campus. Nang tignan ko ang cellphone na ibinigay ni Master Heins ay mag a-alas sais na pala ng hapon. Nasa loob ng aking bulsa ang gloves at mask na ginamit ko, kailangan ko itong sunugin bago pa ito makasakit sa ibang tao.At sino namang matinong librarian ang magtatago ng Schweinfurt green na libro sa silid-aklatan ng paaralan? May balak ba silang patayin na estudyante?I was about to fidget my brother's number when my phone suddenly rang out of nowhere. And there I saw the caller, it was Master Heins. Nagdadalawang isip akong sagutin iyon ngunit traydor ang akin

    Last Updated : 2023-02-18
  • Nefarious Love    Chapter 7

    “Honest question. Bakit hold and cold ka?” Mahina siyang tumawa. “What are you talking about? I'm always hot, Ninety Nine, you know that.”Hindi naman iyon ang tinutukoy ko. I was talking about his behavior towards me. Narinig ko pa sa mga estudyante na ang ganitong bagay daw ay tinatawag na mixed signals. Nagbibigay ng ibang pakiramdam sa’yo pero mukhang iba naman ang ibig sabihin nito.Mag a-alas singko na ng umaga at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi rin makatulog si Master Heins, kaya't nandito kami sa sala, nakaharap sa isa't-isa, nag-uusap. “Kaya ka ba busy dahil sa kompanya mo?”He nodded. “Yep.”“..O baka dahil sa girlfriend mo?”Napatitig siya sa akin, napaiwas ako ng tingin. Baka isipin niyang sobrang chismosa ko naman dahil nakikielam ako sa buhay niya. “I don't have a girlfriend, Ninety Nine. Para alam mo.”But I heard her! She called him love! Liar!“Si Grant.. is he your boyfriend?”Kaagad akong umiling. What is he talking about? “Hindi, ba't mo natanong?” At

    Last Updated : 2023-02-18
  • Nefarious Love    Chapter 8

    Hindi ko sinayang ang mga araw na ibinigay sa akin ni Sir Harrison na ayon sa kaniya ay utos ng kaniyang kuya. Abala ang mga kaklase ko sa booth na kailangan naming pagandahin upang manalo kami ng bagong cleaning materials galing sa committee at isang tubo ng ice cream, na sabi naman ni Grant sa amin. Ang napili naming booth ay ang throwback booth. Ang mga sasali sa booth namin ay magsusuot ng mga old styles kagaya ng retro, disco, jeje at kukuha ng litrato sa napiling background. Kaagad naman itong ip-print ng mga naka assign na pair at ilalagay sa frame na kaklase ko pa talaga ang mga c-carve sa harapan nila.Honest comment? It was wonderful watching them bond like that. Kahit free day lamang sa mansyon ng mga Xenia ay hindi ko kailanman naranasan. Kahit ngiti lang man ng mga kasamahan ko ay hindi ko lang man nasilayan. Ang naaalala ko lang ay ang mala-impyernong buhay namin sa kamay ng magkakapatid at mga magulang nito. Kung dito ay abala sila mag-ayos ng mga bagay na nagbibiga

    Last Updated : 2023-02-18
  • Nefarious Love    Chapter 9

    “Ninety Nine?” Narinig ko ang boses ni Master Heins, kaagad kong binuksan ang pintuan ng bahay at sinalubong siya ng malawak na ngiti. Lumapit ako sa kaniya. May hawak itong baril sa magkabilang kamay at nakatutok iyon sa akin. “Yes? Master–”Pakiramdam ko ay may tumama ulit sa aking katawan dahil sa kaniyang ginawa. Hindi rin ako nakasigaw dahil dahan-dahang nawala ang sakit sa aking katawan dahil bumagsak ako sa lupang tinatayuan ko. Kaagad akong napabangon dahil sa aking panaginip. It was awful and strange, to be honest. Alam kong hindi mabuting tao si Master Heins, ngunit hindi ko pa nakitang pumatay ng tao, kahit noong binata pa ito sa mansyon at pinagsisilbihan ko pa.“Kuya! She's awake!”I recognize that voice! Napatingin ako sa pintuan ng kwartong hinihigaan ko at nakita ko si Grant na nakatayo roon. Hindi ko maintindihan ang kaniyang ekspresyon, ngunit nangingibabaw doon ang pag-aalala niya. “Grant–”Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking pisngi. “I badly want to hug y

    Last Updated : 2023-02-20
  • Nefarious Love    Chapter 10

    Mommy Lexie and Daddy Al extended their vacation on Ate Miranda's new house. Iyon ang nakasaad sa letter na ibinigay ng mailman noong makauwi ako sa bahay namin. Bago ako tuluyang umuwi, chineck ko ulit ang mga letrang nakasulat sa likod ng pintuan, ngunit burado na ito. Nakakapagtaka lang dahil hindi iyon gaano kalinis noong napuntahan ko, unlike before. My first hope vanished, thanks to my stupid ideas. Kung sana'y naging wais ako ay mauunahan ko ang taong iyon.Noong makapasok ako sa kwarto ko ay kaagad akong bumagsak sa aking kama. To my surprise, my soft, comfortable bed I used to sleep in was now hard rock as solid. Muntik na akong mapasigaw sa sakit nang tumama ang likod ko sa matigas na bagay. Mabilis akong tumayo at binuklat ang bedsheet na naka cover dito.I guess mommy and daddy won't be home tonight...Nanlaki ang aking mga mata sa salitang nakasulat sa kahoy na pinalit sa aking malambot na kama. Nang bumaba ang tingin ko sa sumunod na nakasulat ay halos himatayin ko sa t

    Last Updated : 2023-02-22
  • Nefarious Love    Chapter 11

    Blind date?Narinig ko ang booth na 'yan pero hindi ko alam kung ano ang gagawin at sino ang makakaharap ko. Ang sabi ng mga taong dumakip sa akin, hindi raw nila sasabihin kung sino ang aking pair dahil blind date nga raw, nakadepende na raw sa amin ng date ko kung irereveal ba namin ang identity ng bawat isa.Dahan-dahan ko nang naririnig ang magiliw na awitin mula sa loob ng tinaguriang booth, dagdag pa ng mga facilitator sa akin ay naka locate raw sila sa classroom para may privacy kami ng kung sino mang pair na ito. She said it'll only take five minutes and I don't have to worry. Tumango nalang ako at ramdam ko ang pag alalay nila sa akin paupo sa upuan na naka assign sa amin ng blind date ko. Akala ko ay tatanggalin na ang aking piring nang sabihin nilang iyon ang twist, hindi raw p'wede dahil nakalagay iyon sa rules. Hindi naman gaano kalakas ang musika ngunit naririnig ko ang lyrics nito, at mukhang love song nga.“Hey..”Napaigtad ako nang makarinig ako ng boses sa aking har

    Last Updated : 2023-02-23
  • Nefarious Love    Chapter 12

    Walang pasok pero heto ako, nag iisip ng paraan kung paano ko mapapasok ang school na hindi napapansin. Ang sabi ni Grant kahapon sa akin ay kinuha raw ang footage sa campus mula umaga hanggang sa oras ng insidente. Noong silipin ko ang CCTV kahapon, naka off ito. Siguro ay pagkakataon ko na iyon para makapasok. Sabado na ngayon at magaling na ang mga sugat ko. Dating gawi, nilinisan ko ulit ang bahay namin at pinagluto ang aking sarili. Sa sobrang swerte ko ay nadiskubre kong may google map pala ang aking cellphone, kaya't naisipan kong i-search ang location ng aming school at tignan iyon. Hindi ganoon katayog ang mga gates ng campus, p'wede akyatin pero delikado dahil matinik. Hindi rin naman ako p'wedeng dumaan sa entrance at exit dahil may mga bantay doon. Nang tignan ko mula sa likod ang paaralan namin ay napansin kong higit na mas maliit at maikli ang bakod sa likod ng school kaysa sa front. Mag a-alas otso na ng gabi nang maisipan kong umalis dala ang aking bag. Hindi nama

    Last Updated : 2023-03-04

Latest chapter

  • Nefarious Love    Special Chapter

    Henriesh Cedie Xenia's Point of ViewFirst born of the Xenia. Malamang marami silang aasahan sa akin. I don't want to disappoint my mom nor my dad because of my illness, that's why everyday, I try harder and always do my best to make them happy. Simula pa noong pagkabata, nahiligan ko na talaga ang musika. I am eager to learn it, that's why I always ask my parents to buy me different kinds of instruments everytime I achieved something they wanted me to have. Pero sa lahat ng instrumentong nasa bandroom ko, isa lang talaga nag umakit ng puso ko, iyon ay ang piano. Naglalakad ako papasok ng school's bandroom nang mabangga ko ang isang babae na mas maliit sa akin. Nang mag angat ito ng tingin sa akin ay napansin kong may iilang butil ng luha ang pumapatak sa kaniyang mga mata. And me, Henriesh Cedie, being the cognitive empath Henriesh Cedie, malamang ay dadamayan ko siya sa nararamdaman niyang sakit sa oras na ito. “Are you okay, miss?” I asked. She nodded her head. I

  • Nefarious Love    Special Chapter

    Asheia Dian's Point of View“Henriesh! Henrietta!” nagmamadali akong tumakbo papasok ng kaniyang kwarto nang makauwi ako galing fashion show. Hindi kasi nila sinasagot ang telepono at nag aalala ako sa kalagayan ng mga anak ko. “Where on earth are you?!” My voice thundered the whole house.Noong makapasok ako sa kwarto ng aking panganay na anak na si Henriesh Cedie ay kaagad kong namataan na nag pi-pinta ito sa isang malaking canvas. May hawak pa itong palette sa kaniyang kaliwang kamay at brush. Punong-puno ang kaniyang apron ng mga pintura at may iilan din na natapon sa kaniyang mukha. Kaagad ko siyang nilapitan at niyakap. “Mommy! I painted this on my own! May magic pa nga ‘yan e, wait!” humiwalay siya mula sa pagkakayakap sa akin at pinindot ang switch ng ilaw sa kaniyang kwarto. Noong ginawa niya iyon ay nag iba ang mukha ng painting. “Look!”Mabilis na bumaba ang lahat ng dugo ko sa aking katawan nang makita ko ang kaniyang painting. At the age of seven, napa

  • Nefarious Love    Epilogue

    Heins Cyan's Point of View“Babae ang anak ko!”As a six year old kid, I clapped my hands like a proud brother to let my Tito Russell Fuente know that I was glad with his news. My mom, Creshian Xenia, kissed my cheeks at giggled. Pati ang mga nakababatang kapatid ko ay tuwang-tuwa. “May naisip na ba kayong pangalan para sa kaniya, Russ?” My dad, the intimidating Henderson Xenia asked. Tito Russell just shrugged his shoulders and told my dad that Tita Bernice, her wife, will be the one to decide that. May iilang bisita na bumati sa akin, of course, it is my party, after all. Pakiramdam ko nga ay may excited pa akong makita at mahawakan ang anak nila Tito Russell kaysa buksan ang mga regalo nila para sa akin. Hindi ba't nakakatuwa na may kasabay na akong mag birthday taon-taon? Hindi lang ako mag-iisa sa mahabang mesa sa kusina, may kasama na ako!Tinawag na ako ng aking mga magulang upang pumunta sa labas para tignan ang fireworks display na inihanda nila sa aki

  • Nefarious Love    Chapter 30

    Noong lumabas ako sa aking kwarto ay wala na siya sa unit ko. Dali-dali akong nagluto ng hapunan para sa sarili ko dahil gutom na gutom na ako. Ilang oras na akong nakakulong sa kwarto at pinipigilan ang sarili na lumabas upang hindi makausap o makaharap ang taong iyon. Napagdesisyunan kong magluto ng fried chicken buti naman ay may stock ang refrigerator dito, siguro ay namili siya o kung ano mang ginawa niya. Ang pinagtataka ko lang ay kung condo unit ko ito, bakit may access siya sa pagmamay-ari ko? After all these years, why is he doing this to me? Playing pretend na parang walang nangyari?Baka naman nanalo na siya sa dare at kailangan niya akong paibigin ng ilang buwan para manalo sa pustahan?Erase, erase! Kakanood ko na ito ng telebisyon, nagiging madumi na ang utak ko at hindi na ako ang dating Asheia Dian Travosco ng mga magulang ko. Umupo ako sa counter ng kusina at nagsimulang papakin ang manok habang nag aalab pa ito. Sa sobrang init nga nito ay muntik na akong mapaso!

  • Nefarious Love    Chapter 29

    “Tita Ashe!”Napangiti ako nang makita ang aking pamangkin na si Hannah Nira na kinakaway ang kaniyang maliliit na daliri sa akin. I smiled and waved back too, kahit na sa malayo ay nasisilayan ko pa rin siya kasama sila Ate Miranda.It was the launching day of my company. My parent's company. Ilang taon ang ginugol ko para maibalik ito sa dating ayos. Nag-aral ako nang mabuti para lang matutuhan paano ang pamamalakad nito. Of course, hindi ko ito magagawa kung wala ang tulong ni Heins. Hindi niya ipinull out ang kaniyang shares dito sa nagdaang taon, dahil alam niyang balang araw ay magagamit din iyon sa larangang ito. Wearing the only gown my parents left me, I held my head high and gracefully made my way to the stage. May iilang palakpakan pa akong narinig mula sa madla, may hiyawan at syempre, hindi mawawala ang mga photographers. “Ano po ang suot niyo?” Tanong ng isang reporter.Napangiwi ako sa kaniyang tanong. “Damit.”Nagtawanan ang ibang reporters sa aking sagot, hindi nagt

  • Nefarious Love    Chapter 28

    Naguguluhan ko siyang tinitignan. Ang mga kamay niyang nakahawak sa aking pulso ay nakapirmi pa rin doon, magkalapit pa rin ang aming katawan. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang mainit na hininga. Hinanap ko ang tamang salita na maari kong sabihin ng ilang segundo.“What do you mean, Heins?” Naguguluhan kong tanong. “Of course, hindi mo alam.” he scoffed. “The day I left for another country was the day I almost lost you, Ninety Nine. Iyon ang araw na nalaman kong hindi sila ang mga magulang na nag alaga sa akin. They're after you but I beg them not to.”Uminit ang magkabilang sulok ng mata ko. I remember that day! Iyon ang araw na pinangako niyang babalik siya sa akin! Na babalik siya upang i-celebrate ang birthday namin ng sabay! “Pero nandoon ka para itaguyod ang kompanya niyo–”“Yes!” tinaasan niya ako ng boses. “That was for your own damn good! Pinalago ko ang kompanyang hindi sa’kin para lang hindi ka nila saktan, Ninety Nine! I suffered from everything! I was homesick! I wanted

  • Nefarious Love    Chapter 27

    Tahimik ako habang nagmamaneho si Harrison pauwi sa mansyon.Iniisip ko tuloy. Ano ang madadatnan ko pagdating ko roon? Nandoon pa ba sila Madam Clarita kasama ang mga malditang maids na palaging nang bu-bully sa’kin noon? Nandoon ba sila Lady Cesca? O alam ba niya ang mga pangyayaring ito?Umayos ako ng upo noong mamataan ko ang pamilyar na liko. Ito ang direksyon papasok sa lupa ng mga Xenia, isang beses lang ako nakalabas sa mansyon ngunit alalang-alala ko pa ito. Sino bang makakalimot e bigyan ka ba naman ng fifteen minutes mamalengke tapos ilang putahe ang bibilhin sa merkado?Ini-parking ni Harrison ang kaniyang gamit na kotse sa harap mismo ng mansyon. Napansin ko na walang maid na nagbukas ng kanilang matayog na gates at naging automatic na ito. Ganoon na ba talaga katagal noong umalis ako? Dalawang buwan lang naman akong wala pero ang dami nang nagbago. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. “Tara na?” anyaya pa niya at lumabas na ako. “For sure maninibago ka, same here, wala na k

  • Nefarious Love    Chapter 26

    Hindi ko alam anong mararamdaman ko. Nakatayo ako ngayon sa railings ng isang tulay habang tinitignan ang tubig na dahan-dahang umaagos sa ilog na malapit sa daan pauwi ng aming bahay. Noong ipikit ko ang aking mga mata ay unti-unti ko na namang naalala lahat-lahat ng mga nangyari kanina sa school.“What is she doing here?” Sa sobrang lamig ng boses ni Heins ay alam ko na kaagad na galit s’ya sa akin. Hindi ko alam bakit siya pa ang may ganang magalit sa akin matapos lahat ng nangyari.Hindi naman tumatakbo si Nehemiah pero hingal ito noong sumagot kay Heins. “We thought she left the campus–” “No, let her be, boys.” Miss Paulette Cruella's voice stopped them from talking. Mas lalo pang lumawak ang ngiti nito sa akin at lalo pang lumapit sa katawan ni Heins. “I want her to watch us. Watch Heins and I kiss each other. Ano kayang ir-react niya?” Mapaglaro niyang tanong kaya't mabilis kong ikinuyom ang aking kamao. This bitch! Kung akala niya ay hindi ko alam kung ano ang ginawa niya k

  • Nefarious Love    Chapter 25

    When I woke up, I was inside my tent.Madilim pa ang paligid at narinig ko na may nag zip ng aking tent mula sa labas. Ang anino nito ay dahan-dahang nawala matapos ang iilang yapak. Doon ko lang napagtanto na kakalapag lang nila sa akin dito mismo sa aking tent. Sa sobrang sakit ng tyan ko ay halos masuka ko sa aking nararamdaman. Napakapit ako sa aking unan at doon ko inibaon ang aking ulo upang isigaw lahat ng nararamdaman ko. Nasaan si Francesca? Is she okay? Lalabas na sana ako ng tent nang makarinig ako ng boses kalapit ng aking tent. Mabilis akong nagpanggap na tulog at walang kamalay-malay.“Nagawa ko na, Ma'am Lette. Ang bilis naman paiyakin no’ng babae, sabi niya hindi niya raw lalayuan. Kung hindi lang dumating mga facilitators, baka napatay ko na siya.”Lette? Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid. Muli itong nagsalita at nakarinig ako ng taong naglalakad papalayo sa kinahihigaan ko. Buti nalang at hindi niya napansin na gising ako o may malay na ako, baka

DMCA.com Protection Status