Share

Kabanata 918

Noong sila pa, nakita niya ang lahat ng parte ng katawan ni Elliot at sigurado siya na wala itong kahit anong peklat sa ulo. Ibig sabihin, yung doktor na kwinento ni Mrs. Cooper ay hindi ito inoperahan. Pero paano gumaling si Elliot? May ininom siyang espesyal na gamot?

Lahat ng yun ay kontra sa siyensya kaya litong-lito siya.

Habang nasa kalagitnaan ng pag iisip, biglang nag ring ang kanyang phone. Nang makita niya ang pangalan ng tumatawag, bigla siyang nahimasmasan.

“Adrian.” Hindi niya inaasahan na tatawagan siya ni Adrian.

“Avery, kailan mo ako bibisitahin ulit?” Iba sa nakasanayan, medyo malungkot ang boses ni Adrian ngayon.

“Anong nangyari? May masakit ba sayo?” Nag aalalang tanong ni Avery.

Medyo matagal bago sumagot si Adrian, “Sa tingin ko, ayaw nila sa akin. Ikaw lang naman ang mabait sa akin eh.”

“Anong nangyari?” Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Avery. “Adrian, may sinabi ba sila sayo? O may ginawa ba sila sayo?”

“Wala… pakiramdam ko lang…” Malungkot na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status