Ang masamang babaeng 'yon! Ang lakas ng loob niyang dukutin ang mga mata ko!Biglang dumilim ang mundo ni Zoe. Nabulag siya! Hindi na siya makakalabas at makakapag trabaho. Ganap na nasira ang buhay niya!Bigo siya at gusto na lang mamatay. Gayunpaman, sa pagkakataong iyon, wala siyang makita na kahit ano! Kahit ang kamatayan ay naging alahas na!Ang problemang ito ay nakaabot kay Elliot sa gabing 'yon. Tinawagan siya ni Henry at masigasig na pinaliwanag sa kanya ang insidente. Kailangan niyang sabihin kay Elliot dahil may kinalaman dito si Avery. "Sobrang unstable ng sitwasyon ni Zoe. 'Nong natutulog siya, ayos pa naman siya pero nang nagising siya, nagsimula na siyang sumigaw. Lagi niyang sinasabi na si Avery ang dumukot sa mga mata niya..."Matatag na sabi ni Elliot. "Naaawa ako sa sitwasyon niya, pero hindi gagawa ng ganoong bagay si Avery.""Oo, sa tingin ko hindi rin gagawa ng ganoon si Avery, pero nag-aalala ako kay Zoe. Buntis pa rin siya sa anak ni Cole. Kahit hindi n
Umiling si Zoe. "Hindi ko nakita, dahil sa oras na bumalik ang ulirat ko, wala na ang mga mata ko! Sobrang sakit nito na gusto kong mamatay! Narinig ko si Avery na sinasabing ito ang dapat sa akin. Malinaw kong narinig 'yon! Elliot, hindi ako nagsisinungaling sa'yo. Walang wala na ako ngayon! Hindi na ako makakapagsinungaling sa'yo!""Boses niya?" napatigil si Elliot. "Sigurado ka ba na hindi mali ang dinig mo?""Imposible! Hindi ako nagkakamali, dahil sobra ko siyang kinamumuhian!" humigpit ang hawak ni Zoe sa mga kamay ni Elliot na parang lifeboat ang hinahawakan niya. "Elliot, hindi ko susubuking magsinungaling sa'yo, malalaman mo rin naman kaagad kalaunan! Nagmamakaawa ako sa'yo, nagmamakaawa ako. Minsan na rin tayong nagkarelasyon, pakiusap maawa ka sa akin..."Tumingin si Elliot sa nanginginig na mga labi at maputlang mukha ni Zoe. Sobrang bigat ng puso niya. Sinasabi ng sarili niya na hindi nagsisinungaling si Zoe, pero isang boses pa sa isipan niya na nagpapaalala sa kanya
Hindi namamalayang napaatras si Avery. Agad natulala ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala na mangyayari ang ganitong bagay! Siya ay, mas lalo pang, hindi makapaniwala na isisisi ito sa kanya! Dahil lang nagkaroon ng problema sa kanilang dalawa ni Zoe bago ang araw na 'yon, kaya siya na ang may gawa nito? Kalokohan!"Avery!" tiningnan ni Elliot ang pag-atras niya. Nanikip nang sobra ang puso niya. "Sagutin mo ang tanong ko!""Elliot, ayoko sa'yo! Ayoko na naman sa'yo!" mas malakas na sigaw ni Avery kaysa sa kanya, "Sa tuwing nakakaramdam ako ng maayos sa'yo, ipapakita mo sa akin kung gaano ka kasuklam!"Nakatingin si Elliot sa nagliliyab na si Avery. Tumayo siya sa parehong lugar, tulala. Patuloy na tinatamaan ng patak ng ulan ang likod niya. Tumama ang lamig sa kanya. Gayunpaman, ang titig niya kay Avery ay mainit at nagliliyab. Ang halo ng yelo at apoy ang naging dahilan kung bakit nawala na niya ito. Lumapit sa papunta kay Avery. "Hindi mo ginawa 'to, 'di ba?" naglak
Natulala si Elliot habang nakatingin sa paglabas ni Avery. Bago pa siya makapag isip, kumuha na ng hakbang ang katawan niya patungo kay Avery. Binuhat niya si Avery sa mga bisig niya at bumalik sa loob ng bahay. Kahit na ilang segundo lang nanatili si Avery sa ilalim ng ulan, basa na ang mukha niya mula sa ulan... o baka dahil sa luha!"Avery, hindi kita pinagdududahan. Sinabi mo na hindi mo ginawa 'yon, ibig sabihin hindi mo ginawa 'yon." Nilapag ni Elliot si Avery sa sofa. Lumuhod siya at pinaliwanag sa kanya nang mahinahon, "Sigurado si Zoe na ikaw ang nanakit sa kanya. Kapag sinabi niya ito sa mga pulis, siguradong pupunta ang mga pulis para hanapin ka. Hindi ko gustong matanong ka na parang kriminal. Kapag nakahanap tayo ng alibi bago pa lang, hindi na kakailanganin ng mga pulis na hanapin ka."Tumingin si Avery sa basa at habag na itsura ni Elliot. Hindi niya magawang magalit. "Lumabas ako para puntahan si Wesley ngayon," walang emosyon ang boses ni Avery. "Buong araw ako
Ang isang lalaki at babae na nananatili sa bahay buong araw. Sinabi ng babae na pribadong bagay ito, kaya hindi niya masabi kahit kanino ang tungkol dito. Ano kayang relasyon nila?Inisip ni Elliot na hindi simple ang relasyon nila, nasa hangganang pantasya ito. "Alam ko." Narinig ni Elliot ang sariling boses niya. Walang emosyon dito. May pakialam ba siya? Wala. Wala lang siyang magawa. Gustong manatili ni Avery sa bahay ng ibang lalaki buong araw at huwag sabihin sa kanya ang rason, pero anong magagawa niya? Ibuka ang bibig niya? Kahit ipabuka niya ang bibig ni Avery, hindi pa rin niya sasabihin ito kay Elliot. Sa ospital. Sinabi ng police kay Zoe ang tungkol sa alibi ni Avery. Hindi naniwala si Zoe sa kanila pagkatapos marinig ito. "Bulag na ako ngayon. Wala akong makitang kahit ano. Walang kabuluhan yang sinasabi niyo! Hindi ako naniniwala!" balisang sabi ni Zoe. "Miss Sandford, pwede mong tawagan ang pamilya mo para tingnan ang ebidensya." Sabi ng pulis at tumingin ka
"Umuulan kagabi, bakit mo bubuksan ang pinto?" nahulaan na talaga ni Mike ito, hindi niya lang gustong tahasan ito. Kung hindi pa rin gustong pag-usapan ito ni Avery. hindi na niya tatanungin pa si Avery. "Sabi ni Zoe noong nadukot ang mga mata niya, narinig niya ang boses ko." Malamig ang ekspresyon ni Avery, mas lalo pang lumamig ang boses niya. "Nakakatawang kasinungalingan 'yan, pero may naniwala pa rin sa kanya."Sabi ni Mike, "Salamat sa Diyos na si Wesley ang saksi mo. Pero anong ginawa mo kina Wesley kahapon?""May trabaho akong inasikaso," pinagsawalang balikat ito ni Avery at sabi, "Pero kapag sinabi ko sa iba, baka hindi nila ako paniwalaan.""Ano naman ang hindi nila papaniwalaan sa'yo? Na may relasyon ka kay Wesley? Kung iyon ang kaso, matagal na sana kayong dalawang nagsama," panunuya ni Mike, "Pero seryoso, gusto ko talaga ang mga lalaking katulad ni Wesley. Ang mga lalaking katulad niya ang nagugustuhan lang ng mga nakakakilabot na babae."Bawi ni Avery, "Hindi
"Sinasaktan ko siya?" bulong ni Elliot. Biglang tumaas ang boses niya. Malamig niyang sabi, "Wesley, walang hiya ka ba talaga?""Walang hiya ako. Lahat ng ito kasalanan ko, pero pakiusap huwag mong pakitirin ang utak mo para pag-isipan ng masama si Avery," kalmado ang tono ni Wesley, pero nagpapakatotoo siya. "Pinuntahan ako ni Avery kahapon. Una para tingnan ang notes ni Professor Hough na naiwan noong buhay pa siya. Pangalawa, para ipakita sa akin ang treatment proposal niya para mabigyan ko siya ng suhesyon. Kahit hindi kasing galing tulad ng kanya ang medical skills ko, theory-wise, may kakayahan pa rin akong gawin ito."Bumigat ang paghinga ni Elliot. "Kumuha ng operasyon si Avery," pagpapatuloy ni Wesley, "Kung sa tingin mo ginagawa niya ito dahil sa pera, masyado kang mababaw. Kung mahal mo siya, matuto kang respetuhin siya!"Kakaiba kay Wesley na taasan niya ng boses ang ibang tao. Maayos ang galaw niya at alam niya kung paano kontrolin ang sarili. Gayunpaman, kay Elliot,
"Uncle Richard, sa estado na ganito ni Zoe. Sobrang umiinit ang ulo ko. Dalawang araw na akong hindi nakakatulog. Pinaghahawakan niya na gusto niyang mamatay, pero ayoko siyang mamatay."Pinutol ni Richard ang pahabol at sabi, "Nag-aalala ka lang tungkol sa bata, 'di ba? Wala ka talagang nararamdaman kay Zoe.""Ayokong pagbulaanan ka, pero kailangan mong linawin na wala ring nararamdaman si Zoe para sa akin." Mayroong malungkot na ekspresyon si Cole. "Inosente ang anak namin. Ako ang mag-aalaga kay Zoe hanggang sa ipanganak niya ang anak namin. Sa oras na mapanganak ang anak namin, bibigyan kita ng pera at dalhin mo Zoe pabalik sa Bridgedale para magsimula ng bagong buhay. Pangalanan mo lang kung magkano. Susubukan kong itumbas ito. Titiyakin ko na ikaw at si Zoe ay hindi na mag-alala sa buong buhay niyo."Agad sumagot si Richard, mukhang pinag iisipan niya ang tungkol dito. Nakatayo sa pinto ng silid si Zoe. Malinaw na narinig niya ang usapan. Sa pagkakataong iyon, hindi siya nor