“Anong sabi niya?” Umupo si Elliot at kinuha ang isang baso ng gatas para uminom. “Kinamusta niya lang si Avery tapos binaba niya na rin.”Pagkatapos mag umagahan, umakyat si Elliot sa kwarto niya para kunin ang kanyang phone. Sobrang aga ng tawag ni Chad kaya sigurado siya na may nangyari. Pinindot ni Elliot ang power button pero hindi nagbukas ang kanyang phone. Sinubukan niya itong pindutin ng mas matagal, at sa wakas, nagbukas na ito. Biglang kumunot ang noo niya. Sa pagkakatanda niya, hindi niya naman ito inoff kagabi. Tumambad sakanya ang hindi mabilang na missed calls at mga message na galing sa iba’t-ibang tao kaya lalong kumunot ang noo niya.[Mr. Foster, nakita mo na ba ang bagong balita? Nako! Nawalan ng gana ang lahat!][Mr. Foster, ano ba talagang gusto mo kay Eric Santos? Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Nakakagulat naman!][Mr. Foster, hindi mo na ba binoboycott si Erric? Pwede na ba namin siyang kuning ambassador ulit?]…Pagkatapos tignan ang mga mes
Nang narinig ni Avery ang boses ni Elliot, kinalibutan si Avery. Hindi ba pumasok sa trabaho si Elliot, o hinintay niya si Avery magising sa bahay?Wala sa ayos na tumalikod si Avery at tumingin sa kanya. Naka-suit si Elliot, kasama ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. Suminag ang araw sa bintana at nahulog sa kanya, pero mas lalo nitong pinapatingkad ang tindig niya. "Kinuha ko ang phone mo para mag-send out ng email," malinis na dumating si Avery, "Aaminin ko na mali kong kuhain ang phone mo ng walang pahintulot, pero hindi mo ako kinausap bago mo i-boycot si Eric."Inamin ni Avery ang kasalanan niya, pero hindi siya nagsising gawin ang mga 'yon. "Avery...""Bakit mo ako tinatawag? Sinusubukan mo bang maka-score sa akin? Hindi ko sinabi na mananatili ako sa'yo kagabi, gunggong ka!" tinaas ni Avery ang kanyang baba at umismid, "Kung ako ikaw, mananahimik na lang ako at palipasin na lang 'to."Nawalan ng salita si Elliot nang marunong ang sinabi ni Avery. Nakita ni
"Hindi na kailangan." Sobrang pinagsisihan agad ito ni Avery. Hindi na dapat siya nakipag-usap sa kanya. Sa pagkakataong iyon, hindi na rin dapat niya tinuloy ang usapan, pero pakiramdam niya na magiging awkward din ito. "Avery, may kailangan pa tayong pag-usapan. Ihahatid na kita sa bahay. Pwede tayong mag-usap habang nasa biyahe," hindi malaman ang tono ni Elliot. Kinuha ni Avery ang kanyang bag at sinundan siya sa likod. Paglabas ng mansyon, nilahad niya ang kanyang kamay kay Avery. "'Yung susi.""Paano ka makakabalik mamaya?" Pagkatapos tanungin ang tanong na 'to, nakita ni Avery mula sa gilid ng mga mata niya ang bodyguard na nagmamaneho ng isa pang kotse. Pasikretong bumuntonghininga si Avery, kalmadong nagmaneho si Elliot. Kahit saan pumunta si Elliot, susundan siya nito lagi ng bodyguard niya. Bakit kailangan pa niyang mag-alala kay Elliot?Pagkatapos makapasok sa sasakyan, kalmadong nagmaneho si Elliot. Pagkatapos kumain, tumaas ang blood sugar ni Avery, kaya medyo nah
Napahinto si Avery. "Sa katunayan ang lahat ay pribadong pinag-uusapan kung ino ang tatay ng anak mo. Kagabi, biglang pumunta si Elliot. Kahit na walang siyang sinabi, lagi ka niyang tinitingnan. Halata!" Humalakhak ang vice president. Sabi ni Avery, "Tinitingnan din ako ni Eric kagabi.""Magkaiba 'yon. Kung kay Eric 'yan bakit hinahabol ka pa rin ni Elliot? Hindi isang tipo si Elliot na hahayaang matalo ang sarili niya." Hindi matukoy na sabi ng vice president. Binuksan ni Avery ang kanyang laptop. Nagpatuloy ang vice president, "Binoycot ni Elliot si Eric. Kaya maraming malalaking brand ang pinili na i-cancel ang kontrata nila kay Eric dahil hindi nila sinubukan na ipagtanggol siya. Ang kompanya lang natin ang may kaya, bakit? Dahil pinagbubuntis mo ang anak niya."Kagabi habang live stream, marami ang tumawag sa akin para sabihin sa akin na bigyan ka ng advice na huwag magmadali. Sabi nila na siguradong naghahanap lang ng gulo si Elliot. Tingnan mo ang headline ngayon! Taw
"Dahil bobo ka." Lasing si Elliot, kaya hindi niya masala ang mga salita niya. "Binigyan kita ng tatlong daang dolyar. Kahit ano pwede mong gawin doon, pero pinili mo na makihalubilo kay Cole. Iyon ang nagpatunay na kayong dalawa ay mga ibon na may katulad na pakpak."Ang mga salita niya ang brutal na nagpasakit kay Zoe!Matagal na tinangay ni Avery ang 300 million dollars!Kung na kay Zoe pa rin ang 300 million dollars, bakit kailangan niya pang makipagsundo para makuha si Cole kasama siya sa paggamit ng bata sa kanya?Si Cole ang tanging lalaki na may maayos na kundisyon ang maari niyang hanapin sa pagkakataong iyon. Tinulungan ng bodyguard si Elliot sa sasakyan. Kalaunan, nawala ang Rolls-Roice sa madilim na gabi. Inangat ni Zoe ang kanyang kamay para ipalis ang mga luha niya. Hindi kalayuan, nakatago ang dalawang kamay ni Cole sa magkabilang bulsa. Malamig niyang sabi, "Zoe, tingnan mo ang sarili mo! Pinapahiya mo ako! Matagal ka nang tinaboy ni uncle, bakit ang hilig mon
Kayang hulaan ni Chad kung bakit galit si Elliot. Agad na paliwanag niya, "Hindi gusto ni Avery na payagan si Layla sa entertainment. Si Layla ang nagmakaawa at nagpumilit na subukan ito. Alam mo rin 'to. Sobrang adorable ni Layla. Iilan lang ang talagang tatanggihan siya.""Pwedeng immature pa si Layla, pero si Avery? Si Avery ang mommy niya. Dapat niyang gabayan ang anak niya, hindi i-spoil ito!" malupit na sabi ni Elliot. Sabi ni Chad, "Kung pupunta si Layla at magmamakaawa sa'yo, kaya mo bang gawin 'yon nang walang pinapanigan?"Dumilim ang ekspresyon ni Elliot. "Huwag na natin pag-usapan kung kaya kong gawin ito o hindi. Kita ko na nagsisimula nang lumipat ang katapatan mo sa iba!"Agad napatayo si Chad. "Hindi, ah. Nilalagay ko lang ang sarili ko sa mga sapatos ni Avery. Kung pupunta si Layla at magmamakaawa sa akin. Siguradong bibigay ako sa kanya. Tsaka, sobrang adorable niya. Hindi pa ako nakakakita ng mas icu-cute pa sa batang 'yon."Humahalik si Chad sa galit ni Elliot
Papunta sa restaurant, sabi ni Avery sa bodyguard, "Huwag mong sabihin kahit kanino ang schedule ko sa Bridgedale. Kahit kay Mike. Kabilang na siya sa kalahati ng mga tauhan ni Elliot ngayon. Ayokong mino-monitor ako. Kapag may nagtanong sa'yo tungkol sa akin, sabihin mo lang na nagpapahinga ako sa bahay."Tumango ang bodyguard. "Miss Tate, hindi ako magpapabayad."Tumaas ang kilay ni Avery at sabi sa gulat, "May sumubok na bayaran ka?"Ang bodyguard ay napatigil ng ilang sandali bago tumango pa uli. "Sinubukan ng assistant ni Elliot na bayaran ako ng isang beses, pero istrikto akong tumanggi."Suminghap si Avery. Napasuko na ng assistant ni Elliot si Mike, si Chad. Ang lakas naman ng loob niyang subukan na bayaran ang bodyguard niya! Sinusubukan ni Elliot na manghimasok sa buhay niya sa lahat ng anggulo!Buntis lang siya sa anak ni Elliot! Kailangan ba niyang mag-alala ng sobra! Kapag mas lalong ginagawa 'yon ni Elliot, mas lalo niyang ayaw ipaalam kay Elliot kung nasaan siya.
Napaupo si Avery sa gulat. "Pasikreto lang siyang pumunta para tingnan ang program department. Hindi niya ginulo si Layla," dagdag ni Mike, "Sinabi ni Chad sa akin na nasisiguro niya na anak ni Elliot sina Hayden at Layla, pero hindi siya naglakas loob na sabihin sa kanila dahil ayaw ng mga bata kay Elliot. Dagdag pa 'ron, hindi ka handang pakisamahan niya ang mga bata, kaya kinikimkim niya ang sakit sa pagiging malayo sa kanila."Tsaka, hindi niya gustong pumasok si Layla sa entertainment industry," pagpatuloy ni Mike, "Kaya pakiusap na bumalik ka na agad para mabaling ang atensyon niya. Kung gagawa siya ng eksena sa program department isang araw, hindi ko na mako-kontrol ang sitwasyon."Sumakit ang ulo ni Avery, dahil sa kaibahan ng oras, hindi siya makatulog ng maayos kagabi. Talagang ayaw niyang kumuha ng isa pang flight sa pagkakataong 'yon. "Hindi ko kayang bumalik ngayon." Humugot ng malalim na hininga si Avery. "Sumasakit ang ulo ko. Plano kong manatili lang sa bahay at m
Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI
Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo
"Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun
Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa
Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko
Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong
Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari
Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m
Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan