Share

Kabanata 579

Naiwan si Elliot sa may pintuan habang si Avery naman ay mabilis na nag drive paalis.

“Um… Sorry! Akala ko kasi nag away kayo!” Hinila ni Mike si Elliot papunta sa elevator at nahihiyang nagpatuloy, “Tara, uminom nalang tayo. Sabi niya pabayaan natin siya kaya mas mabuti siguro kung bigyan muna natin siya ng oras na mapag isa.”

“Hindi mo ba talaga alam kung anong nangyari sakanya?” Galit na sigaw ni Elliot.

“Hindi! Wala talaga akong alam! Sobrang okay naman siya kanina at wala namang nangyaring kakaiba sa office kaya hindi ko rin alam kung bakit siya umiiyak ng ganun.”

Sinundan ni Elliot si Mike sa elevator.

“Alam mo ba kung paano siya nakakuha ng 300 million?” Tanong ni Elliot. “Nagtransfer siya sa akin kanina ng 300 million at alam kong wala siyang ganung halaga kahit pa pagsamahin niya ang savings niya at ng mga kumpanya niyo.”

“Ah, kaya ka ba nag punta dito para itanong yan sakanya?”

“Oo.”

“Hindi ko alam!” Siyempre kahit iniipit na siya ni Elliot, walang plano si Mike na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status