Ang malamig at simoy ng hangin ng gabi ay pumasok sa sasakyan, dinadala ang buhok ni Avery at kinakalma ang kanyang mga ugat. Sinabi ni Elliot na hindi lang siya ang para sa kanya. Doon pa lang, nakita niya na kapag mas naging masigasig pa siya sa kanilang paghihiwalay, may posibilidad na papayag din siya kalaunan. Ang pagkabalisa na naramdaman niya ay napawi sa ginhawa sa nakakaaliw na pag-iisip. Nang makarating sila sa mansyon, si Mrs. Cooper at ang driver ay tinulungan si Elliot na makalabas sa sasakyan. Nakita ni Avery na inaasikaso naman siya ng maayos kaya tahimik siyang bumalik sa kanyang silid. Hindi ganoon katagal bago magpakita si Mrs. Cooper sa kanyang silid at sinabi, "Hindi pinapayan ni Master Elliot na hawakan siya kahit nino, Madam. Siguro ay subukan niyo po! Kailangan niyo lang po punasan ang kanyang mukha at tulungan siyang palitan ang mga damit niya."Punasan ang mukha niya at palitan ang mga damit?Walang pagtatanggi si Avery kung nasa hindi aktibong ka
"Pwede bang itigil mo na yang pagpapanggap na parang beybi," sabi ni Avery sa mahina at malumanay na boses habang pinupunasan ang mukha ni Elliot. "Sa tingin mo ba gusto kitang alagaan ng ganito? Ang baho mo. Amoy alak ka.. Hindi ba’t sobrang linis mo? Pakitang tao lang ba lahat nang iyon? Hindi ako magsasayang ng oras na tulungan ka kung hindi pa rin gumagaling ang mga paa mo." Ang tunog ng kanyang boses ay nagpakalma sa paghinga ni Elliot, at siya ay dinaig ng isang biglaang bangsakang antok. Parang hypnotic lullaby ang boses niya. Nang matapos na punasan ni Avery si Elliot, hinila niya ang mga saplot sa kanya at isinilid siya. Nang maglinis siya sa banyo at bumalik sa kwarto, mahimbing na ang tulog nito. Sa wakas ay nagpakawala siya ng malaking buntong- hininga. Umupo siya sa gilid ng kama at inilibot ang tingin sa buong kwarto. Ang memorya ng kung paano ang kanyang bawat kilos ay sinusubaybayan at naitala ng mga surveillance camera sa unang tatlong buwan na siya ay
Hawak ni Tammy ang menu. Sumulyap siya kay Jun at sinabing, "Medyo masikip ang suot mo ngayon, ibig sabihin ba niyan gusto mo ang mga lalake. Oo naman, hindi ko naman masabi na hindi mo gusto ang mga lalaki. Nirerespeto ko naman ang sekswal na oryentasyon” Halos mabulunan si Jun sa kanyang tubig. "Masyadong mali ang pagkakaintindi mo, Miss Lynch. Straight ako. Sobrang straight." "At hindi ako promiscuous gaya ng iniisip mo." "Sige! Magsimula tayong muli" sabi ni Jun sabay abot ng kamay niya para makipagkamay. Upang malaman ang tunay niyang intensyon para kay Avery, nakipagkamay si Tammy. Nang maka- order na sila ng kanilang pagkain, nag -usap silang dalawa tungkol sa kung ano- ano at iba pang mga bagay. Makalipas ang isang oras at ilang alak, gumuho ang mga panlaban ni Jun at nagsimula na siyang mag-ramble. "Mayroon akong kaibigan na nagmamadaling nagpakasal. May nararamdaman siya para sa kanyang asawa, ngunit natatakot siyang ipakita ito. Noong nagkaproblema siya kam
"Si Miss Avery Tate ba ito?" Ang mababa at malalim na boses sa kabilang dulo ay mainit at magalang. "Oo, at ikaw?" tanong ni Avery. "Kumusta, ako si Charlie Tierney mula sa Trust Capital. Nakuha ko ang iyong numero mula sa departamento ng HR ng iyong kumpanya. Gusto kong magmungkahi ng pakikipagtulungan," sabi ni Charlie. "Trust Capital?" "Tama. May oras ka bang makipagkita ngayon? Malapit ako sa opisina mo ngayon," sabi ni Charlie sa maalab at sinsero na tono. Matapos ang ilang sandali ng pagsasaalang- alang, tinanggap ni Avery ang kanyang imbitasyon. Sa sandaling nagpasya sila sa isang punto ng pagpupulong, tinawag niya ang HR manager sa Tate Industries. "Kilala mo ba si Charlie Tierney mula sa Trust Capital?" "Siya ay isang magaling na investor. Ang Trust Capital ay isa sa sampung malalaki at magandang investor na bangko , kaya hindi na ako nag atubiling ibigay ang iyong numero noong kinukuha niya kanina,” sagot ng HR manager. "Okay kuha ko," sabi ni Avery. "K
"Nabalitaan ko na hindi ka interesado sa pagbebenta, kaya hindi ko sasabihin iyon," sabi ni Charlie. Nagpasya siyang putulin na at dumiretso na sa kanyang punto at sinabing, "Gusto kong maging shareholder." Agad na nagningning ang mga mata ni Avery. "Seryoso ka ba dito, Mr. Tierney?" tanong niya. "Oo naman, ako pa. Subalit, may dalawang bagay lang ako na kailangan nating pag usapan bago natin lagdaan ang mga kontrata," sabi ni Charlie habang naglalabas ng isang dokumento. "Ito ay isang panukala na pinagsama -sama namin ng aking koponan. Hindi magtatagal ang Tate Industries kung magpapatuloy ito sa kasalukuyang kurso. Nagpapatakbo kami ng isang negosyo, hindi isang kawanggawa. Una, ang kita lamang ang makakasiguro sa pagpapanatili ng isang kumpanya sa katagalan." Inilabas ni Avery ang dokumento mula sa folder at halos sinala ito, at sinabing, "Maaari ko bang ibalik ang panukalang ito at talakayin ito sa aking team, Mr. Tierney?" "Syempre." "Salamat," sabi ni Avery sabay
"Ganun ba kahalaga si Avery?" Tanong ni Jun na bahagyang nabigla. "Ganon siya kahalaga dahil asawa ko siya," sabi ni Elliot habang namumuo ang malamig na lamig sa kanyang mga mata. "Kung hindi siya kasal sa akin, si Charlie Tierney ay hindi mag-aabala sa alinman sa mga ito." Lalong naguluhan si Jun kaysa kanina. "Kung gusto niyang ibigay kay Avery ang pera, hayaan mo siya! Hindi ba't ito lang ang nagbabato sa kanya ng libreng pera?" "Asawa ko siya!" Putol ni Elliot. "Oh, okay okay nakuha ko na... Anong plano mong gawin? Dagdagan ang offer natin? Siguradong sasama siya sa offer ni Tierney kung hindi tayo." "Hindi kinakailangan." "Kung ganoon nga, bakit ka ba nagagalit?" Kitang- kita ni Jun sa tono ni Elliot na kung saan-saan na ang kanyang emosyon. Nais ni Elliot na makuha ang Tate Industries upang si Avery ay makalaya sa utang at problema nito. Nasa kolehiyo pa siya, at kulang siya sa kaalaman at karanasan pagdating sa pagpapatakbo ng isang kumpanya. Mas mabuti
“Oo naman kilalang kilala ko siya! Palaggi kaya kaming nagiinuman nun! Hindi niya ba nabanggit sayo na sobrang close sila ni Chelsea?”Walang planong magpaligoy-ligoy si Ben kaya walang anu-ano niyang sinabi ang pinaka punto niya. Nabakas sa mukha ni Avery ang sobrang pagkagulat. “Pero.. sabi niya kasi hindi sila close.”“Ha? Isa lang ang ibig sabihin nun! Nagsinungaling siya sayo. Nako Avery.. Pag-isipan mo muna ito ng maigi. Naisip mo ba bakit kaya bigla niyang gustong mag invest sa Tate Industries? Anong catch?” “Sinasabi mo bang para ‘tong trap?”Umiling si Ben at nagpatuloy, “Hindi naman.. Ang sinasabi ko lang ay mas magandang tignan mo ang lahat ng anggulo kasi alam mo naman siguro na sa industriya ng negosyo, wala yung tinatawag na free lunch at wag mong kakalimutan na hindi lang basta bastang may nalalaglag na ginto mula sa langit… Lahat ng bagay may kapalit. Diba nag’away kayo ni Chelsea nito lang? Tapos biglang gusto ng kapatid niya na mag invest sa kumpanya niyo? H
Hindi kaya sasabihin nila na nagastos na nila lahat ng mga nalimas nilang pera samin?!Pero…saan naman kaya nila ginamit at naubos ng ganun kabilis?!Sobrang daming pumasok sa isip ni Avery. Pinilit niyang lakasan ang kanyang loob at huminga ng malalim bago sagutin ang tawag. Pero bago pa man din siya makapagsalita, sumalubong na sakanya ang boses ni Cassandra na sumisigaw mula sa kabilang linya, “Avery! Nasayo ba yung Super Brain Program na ginawa ng daddy ko?! Akin na!”Base sa tono ng boses nito, para bang umiiyak ito at halatang takot na takot. Pero imbes na awa ay lalo lang nainis si Avery. “Ang kapal din talaga ng mukha mong tawagan ako no, Cassndra?! Tito mo lang naman ang nagnakaw ng pera ng Daddy ko! Alam mo ba kung gaano kabigat na kaso ‘to?! Iniimbestigahan na kayo ng mga pulis ngayon at hindi magtatagal ay lalabas na ang katotohanan!”“Bakit naman ako nadamay ‘don?! Wala akong kinalaman sa pagkawala ng pera na sinasabi mo! Ang gusto ko lang ngayon ay makuha ang S
Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI
Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo
"Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun
Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa
Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko
Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong
Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari
Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m
Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan