Share

Kabanata 464

Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nakatalikod siya kaya wala siyang ideya sa kung anong ginagawa nito sa tabi niya.

‘Anong gagawin ko kapag may ginawa siyang masama sa akin?’ Sari-sari ang pumasok sa isip niya.

Nakiramdam siya ng ilang minuto pero laking gulat niya na hindi ito gumagalaw.

Nararamdaman niya ang mainit nitong hininga na pabagal ng pabagal. Hindi nagtagal, dahan-dahan itong yumakap sakanyang bewang kagaya ng pagyakap nito noong sobrang mahal pa nila ang isa’t-isa.

Dahan-dahan siyang dumilat at nakatulala lang habang inaalala ang maganda nilang naraan. Hindi niya na namalayan kung gaano katagal na siyang nakatulala nang magumpisang tumulo ang luha mula sakanyang mga mata, habang si Elliot ay mahimbing na natutulog sakanyang tabi.

Dahan-dahan niyang inalis ang kamay nito sa pagkakayakap at umupo. Pagkatapos, pinunasan niya ang kanyang mga luha habang nakatitig sa mukha ni Elliot.

Nang mapatitig siya sa dibdib ni Elliot, gusto niya sanang makita ang sugat
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status