Naisip ni Elliot na siya nga ang Presidente ng Sterling Group pero sawi ang puso niya dahil sa kaniya. Nagkusa siyang magpadala ng mensahe pero hindi sinagot agad!Ang init ng ulo niya! Tinignan niya ang sagot nito nang may namumulang mata. Madali siyang nagtype sa phone niya. [Masaya ka ba?]Hindi nakapagsalita si Avery. Galit nga sa text.Pero naisip din ni Avery na hindi ito nakatulog magdamag. Kaya normal lang na mainit ang ulo nito.Kinalma ni Avery ang sarili at nagpapasensyang sumagot. [Mag aalas sais na. Matulog ka na! Ako rin matutulog pa ulit.]Matapos ng text na ‘yon, humiga ulit si Avery.Hindi na sumagot si Elliot sa kanya. Natalo siya ngayon! Sa relasyon, kung sino ang nagkukusa, sila ang talo!Alas siete ng umaga, dahan dahang bumukas ang gate ng Mansyon ni Elliot. Dala ni Mrs. Scarlet ang bag niya at paalis na.Tumingin si Shea sa likod nito at hinabol ito. Nang marinig ni Mrs. Scarlet ang mga yabag ng paa mula sa likod niya, lumingon siya. Nang makita niyang si
Ang Tate Industries.Matapos asikasuhin ni Avery ang trabaho, hindi niya natiis at tinignan niya rin ang phone niya.Ilang beses niyang tinitignan ang pag uusap nila ni Elliot sa text.Bakit naisip niyang itext ito sa oras ng gabi?Hinanap niya ito nung isang araw. Dapat alam na niya ‘yun nung araw na ‘yon.Bakit hindi niya ito tinext nung gabing ‘yon?Sumunod niyang tinignan ang kumalat na isyu nilang dalawa ni Eric. Hindi niya maiwasang isipin na nakita ni Elliot ang balita kaya nagkusa itong itext siya?Anong klaseng ugali ang naipakita niya sa kaniya nung oras na ‘yon?Kung galit siya, kahit na makita nito ang balita tungkol sa kaniya, hindi siya magtetext.Pero ginawa niya kagabi, pero hindi niya binanggit ang tungkol sa nakaraan, nakalimutan na ba niya ‘yon?Imposible!Masyado siyang nasaktan, kaya papaanong makalilimutan niya ‘yon?Kumunot ang noo niya at medyo magulo ang isip niya.Kung hindi siya nagtext kagabi, hindi niya ito iisipin.Tumunog ang p
Nahihiyang sumagot si Avery, “Ganun ba? Ilusyon mo lang ‘yan.”Matapos kumain, kinuha niya ang phone niya at tinext si Eric, tinanong niya kung pwede ba siya sa ika-una ng Mayo.Hindi niya inaasahang sasagot ito kaagad.Matapos magpaliwanag kung anong mayroon, mabilis itong sumang-ayon.“Tammy, pupunta raw si Eric saa kasal mo.”Matapos niyang sabihin ‘yon, maririnig ang pagkasabik ng mga kasama!Sabik na sabik sina Tammy, Lisa, at Ellie.Sa isang iglap, sinabi ni Tammy kay Jun ang balita.Sinabi naman ni Jun kay Ben ang balita.“Sabi ng asawa ko si Avery ang nag imbita,” masama ang loob na sabi ni Jun, “Parang ayaw ko na magpakasal. Tagasuporta ng asawa ko si Eric… sobra! Pati ‘yung mga kaibigan niya… O sabihin na nating halos lahat ng babae. Pag dumating ang panahon, sino ang titingin sa akin? Lahat sila titingin kay Eric! Bilang groom, mananakawan ako ng atensyon. Ibang iba ito sa kasal na naisip ko!”Masama ang loob ni Jun, pero hindi niya sinabi kay Tammy.Na
Syempre, hindi sinagot ni Avery ang tanong na 'yon. Hindi rin siya nagpakita ng sobrang pagtanggi, kaya may pahiwatig niyang sabi, "Hindi mo na dapat binanggit ang kahit anong tanong na may kinalaman sa kanya. Natatakot ako na kapag dumating ang oras, hindi na maayos maibabahagi ang magazine."Ang sagot niya ang nagpamulat sa mga nakiki-usyosong staff sa katangahan nila. "Sige, Miss Tate. Nag-aral ka ng medisina. Bakit mo naisipang magsimula ng sariling negosyo pagkatapos magtapos? Ano ang nag-udyok sa'yo para piliin na mag-negosyo?"Kinunot ni Avery ang kanyang kilay ng kaunti sa tanong na iyon. Kung sasagutin niya ito ng seryoso, aabutin siya ng higit isang araw at gabi para tapusin ang istorya niya. Plano niyang harapin sila hangga't maari. Nang ibubuka na niya sana ang bibig niya para magsalita. isang hindi mapigilang nasusukang pakiramdam ang bigla niyang naramdaman. Tinakpan niya ang kanyang bibig gamit ang isang kamay at nagmadali patungo sa labas ng washroom. "M
Tinulak niya ang phone palayo sa kanyang tenga nang sumakit ang balunbunan niya ng konti. "Avery Tate! Huwag ka nang magmaang-maangan! Dali at sabihin mo sa akin! Sinong ama ng pinagbubuntis mo? Ah! Mababaliw na ako! Nasaan ka ngayon! Hahanapin kita! Gusto kong ipaliwanag mo ang lahat sa akin harap-harapan!" Hindi mapigilan ni Avery na matawa sa reaksyon ni Tammy. "Nasa bahay na ako ngayon. Huwag mo na akong hanapin. Magpapahinga ako pagkatapos ng tawag na 'to," tamad na sabi ni Avery, "Kaninong anak pa kaya ang dinadala ko... Sinasabi ko sa'yo ang tungkol dito dahil nagiging malala na ang morning sickness ko. Kahit ang pagkain ay problema rin, pati ang pag-inom... Kung may mag-uudyok lang sa'king uminom sa kasal mo, kailangan kitang guluhin para tulungan akong harangan ang mga 'yon."Napagkasunduan nila noon na magsaya sa bachelorette party ni Tammy sa gabi bago ang kanyang kasal. Sa oras na magtipon tipon ang grupo, siguradong walang tigil ang inuman doon. "Buntis ka kaya ma
Medyo nagulat si Ben sa sagot ni Elliot. "Napag-isipan mo na?" biro ni Ben, "Matagal mo na sanang pinag-isipan. Alam mo ba ang sinabi niya kay Chad? Sinabi niya na dahil binalik mo sa kanyang ang sweater, susuotin niya ito kung kailan niya gusto. Tama siya, pero sinabi niya rin na baka suotin niya ito sa date niyo sa susunod."Pumuti ang mga kamao ni Elliot sa mahigpit na hawak sa mga kubyertos."Sa tingin mo ba may pakialam ako?"Sabi ni Ben, "Sinusubukan ko lang na kalimutan mo siya?""Kung gano'n, bakit mo siya binabanggit?" tinangay niya si Ben sa malamig niyang titig. "Huwag mong banggitin ang tungkol sa kanya ulit. Hindi ako interesado.""Mabuti! Nag-aalala pa rin ako na hindi ka pa tapos sa kanya." Bumuntonghininga si Ben sa ginhawa. "Nakakalungkot na bawal kang uminom. Iinumin ko na lang sila mag-isa."Tumungo si Ben sa maliit na bar at kinuha ang isang bote ng wine. Kalaunan, natapos ni Elliot ang pagkain niya. Binaba niya ang mga kubyertos at iniwan ang kusina.Hawak
Pagkaconnect ng tawag, mabilis na ipinaliwanag ni Elliot ang sitwasyon ni Shea at tinanong, “Totoo ba na gagaling siya ng hindi naooperahan?”Sa kabilang linya, walang lakas ng loob na manigurado ang doktor. “Magandang bagay ito, pero hindi ko masisigurado na patuloy siyang gagaling. Ang isa lang na sigurado ako ay mas makakasama sa kanya ang pagpapa-opera..”Alam ito ni Elliot. Dinala na niya si Shea sa ibang mga doktor pagkatapos ng dalawang craniotomies na ginawa ni Zoe dito. Nakailang opera na rin si Shea simula nun, at si Elliot ay nasa hindi magandang posisyon.“Mr. Foster, nagpakonsulta na ba kayo kay Doctor Stanford?” Tanong ng family doctor.“Hindi pa.”“Oh… kung ayaw mong ipagpatuloy ni Doctor Stanford ang treatment ni Shea, pwede mong tanungin si Avery Tate. Nakita ko ang performance ni Eric Santos pagkatapos niya bumalik mula sa break, at magaling siya… maliban sa hindi na siya ganun kagaling sumayaw katulad ng dati, pero, magaling pa rin siya kumanta, kaya ang ibig sa
Tinulungan ni Tammy si Avery na makapasok sa kotse at sumunod si Mike sa likod nito at lumapit para ipaalala sa kanya, “Gisingin mo siya, Tammy! Ayaw niyang kumain kasi nakadiet siya! Hindi ito tama, pero hindi niya mapansin kung gaanong kalalang issue ito! Tingnan mo kung gaano kalaki ang pinayat niya! Dati ay nakakapaglakad pa siya sa paiko pero ngayon, ni hindi siya nagalaw…”Tinapik ni Tammy ang balikat ni Mike. “Kakausapin ko siya. Huwag kang mag-alala. Gusto niyang magdiet ngayon, pero baka magbago din ang isip niya.”“Oh… bakit hindi niyo rin ako inimbitahan today?” Nainggit si Mike.“Dahil kailangan mo alagaan ang mga bata!” sabi ni Tammy.“...”Pagkapasok ni Tammy sa kotse, kumaway siya kay Mike. Sinara niya ang pinto ng kotse at umalis.Humiga si Avery sa likod at tinanong, “Inimbitahan niyo si Chad?”“Bakit ko naman gagawin yun? Assistant siya ni Elliot… Hindi ako nag-imbita ng kahit sinong may kinalaman kay Elliot, kasama na ang senior ng asawa ko, si Ben…”Hindi ma