Share

Kabanata 437

Nahihiyang sumagot si Avery, “Ganun ba? Ilusyon mo lang ‘yan.”

Matapos kumain, kinuha niya ang phone niya at tinext si Eric, tinanong niya kung pwede ba siya sa ika-una ng Mayo.

Hindi niya inaasahang sasagot ito kaagad.

Matapos magpaliwanag kung anong mayroon, mabilis itong sumang-ayon.

“Tammy, pupunta raw si Eric saa kasal mo.”

Matapos niyang sabihin ‘yon, maririnig ang pagkasabik ng mga kasama!

Sabik na sabik sina Tammy, Lisa, at Ellie.

Sa isang iglap, sinabi ni Tammy kay Jun ang balita.

Sinabi naman ni Jun kay Ben ang balita.

“Sabi ng asawa ko si Avery ang nag imbita,” masama ang loob na sabi ni Jun, “Parang ayaw ko na magpakasal. Tagasuporta ng asawa ko si Eric… sobra! Pati ‘yung mga kaibigan niya… O sabihin na nating halos lahat ng babae. Pag dumating ang panahon, sino ang titingin sa akin? Lahat sila titingin kay Eric! Bilang groom, mananakawan ako ng atensyon. Ibang iba ito sa kasal na naisip ko!”

Masama ang loob ni Jun, pero hindi niya sinabi kay Tammy.

Na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status