Nang makita ni Mike na nainis si Avery, bigla niyang tinakpan ang kanyang bibig. “Grabe, wala ka ng ibang bukambibig kundi Chad.” Nagbuntong hininga si Avery.“Hoy! HIndi ah! Isa pa hindi na siya nagtatanong.” Umirap si Mike. “Mas magaling pa rin akong uminom kaysa sakanya at sa tuwing umiinom kami, tumba siya kaya wala siyang pagkakataon na gisahin ako no!” Hindi naman nagdududa si Avery kay Mike. Ang kinatatakot niya lang ay baka may tinatago sakanya si Mike o baka bandang huli ay madulas ito kay Chad sa sobrang pagka inlove nito kay Chad. “Ikaw… pag nafall ka talaga kay Chad..”Biglang nabakas ang lungkot sa mukha ni Mike. Ayaw na niyang pag’usapan pa si Chad kaya bigla niyang binago ang topic, “Ano bang plano mo? Desidido ka na bang gamutin si Shea palagi ng palihim? Aba! Mukhang nakakatipid naman si Elliot ng sobra niyan!”Umiling si Avery. “Wala ng susunod diot. Hindi ko naman sa ayaw ko siyang tulungan pero medyo malala kasi ang kundisyon niya at siyempre may limita
Parang biglang umikot ang paligid para kay Elliot at halos mahimatay siya. ‘Nagsinungaling ba sa akin si Avery o si Shea ang nagiimagine ng kung anu-ano?’Hindi mapakaling tinawagan ni Elliot si Zoe para pabalikin ito sa ospital.Pati si Zoe ay kinabahan rin nang marinig ang tono ng boses ni Elliot. “Kumalma ka, Elliot. May nangyari ba kay Shea? Kakagising niya lang. Kailangan niya pang mag recover.”Biglang nahimasmasan si Elliot. ‘Pero… hindi naman ‘to nangyari kay Shea noong una nitong surgery…’Pagkatapos ng tawag, binalikan ni Elliot si Shea. “Katatapos lang ng surgery mo, Shea. Wag ka munang mag’isip masyado. Sige ka.. Sasakit ang ulo mo niyan.” Mahinahong sabi ni Elliot habang nakangiti kay Shea. “Nararamdaman ko na parang mas naging okay ka ah.”“Medyo masakit ang ulo ko,” Sagot ni Shea sabay hinga ng malalim. “Papunta na si Doctor Sanford. Tignan natin kung pwede ka niyang bigyan ng painkiller.”“Ayokong makita si Doctor Sanford.” Nakayukong sagot ni Shea na h
Sobrang kapani-paniwala ng drama ni Zoe pero hindi kumbinsido si Shea. Alam niya ang pinagkaiba ng taong nagsasabi ng totoo o ng nagsisinungaling o kapag tinitigan niya ang ito sa mga mata. Kaya alam niyang nagbabait-baitan lang sakanya si Zoe dahil sa kuya niya pero sa totoo lang ay alam niya namang wala talaga itong pakielam sakanya.“Sabi sa akin ng kuya ko, mag’thank you daw ako sayo. Ayoko.” Galit na sabi ni Shea. Nakangiting tinignan ni Zoe si Mrs. Scarlet, “Okay lang ba na iwanan mo muna kami ni Shea? Mag’uusap lang kami sandali.”Medyo nag’aalangan si Mrs. Scarlet dahil sobrang linaw ng bilin sakanya ni Elliot pero malaki rin ang respeto niya kay Zoe. Pagkalabas ni Mrs. Scarlet, naiinis na sinabi ni Zoe kay Shea, “Alam mo Shea, hindi ko maintindihan bakit ang sama sama ng ugali mo sa akin! May ginawa ba akong masama sayo? Mula noong umuwi ako dito, ikaw nalang ang inasikaso ko tapos ngauon kahit simpleng thank you, hindi mo pa maibigay?”Walang paligoy-ligoy na sumag
Nagkaroon ng masamang panaginip so Elliot. Sa panaginip niya, blinock daw ni Avery ang number niya sa phone nito.Hindi na nga niya ito pwedeng makita habang buhay, ngayon hindi niya na rin ito pwedeng tawagan… Para bang habambuhay na talaga silang magkakahiwalay…Parang sinaksak ang puso ni Elliot ng sobrang diin.Takot na takot siyang nagising, basang basa siya ng pawis at mangiyak-ngiyak ang kanyang mga mata. Huminga siya ng malalim at kinuha ang kanyang phone para tawagan si Avery.Alas siyete palang ng gabi. Base sa tantsa niya, kung natulog ito buong araw, malamang nakauwi at gising na ito ngayon!"Sorry, the number you have dialed is unavailable. Please try later."Kagaya kanina, bot nanaman ang sumalubong sakanya. Biglang humigpit ang hawak niya sakanyang phone. Mukhang totoo nga ang masama niyang panaginip!Talagang blinock ni Avery ang number niya!Kung ganun, kahit pa ilang beses niya itong tawagan wala ring mangyayari… Para masigurado ang hinala niya,
Samantalang sina Mike at ang dalawang bata ay halos dumikit na ang mga mukha sa pintuan ng master's bedroom habang nakikinig.Naagaw ang atensyon nila noong sumigaw si Avery.Maya-maya, biglang nagbukas ang pintuan kaya nahulog si Avery kay Mike. Gulat na gulat si Avery, “Anong ginagawa niyo dito?”“Sino pong kaaway niyo, Mommy?” Tanong ni Layla. “Yung walang kwentang tatay namin nanaman ba yan?” “Sino pa ba? Sakanya lang naman nagkakaganyan ang mommy niyo. Sa ibang tao, mala-anghel yan.” Tukso ni Mike.“Ohhh Yung walang kwentang tatay nga namin ang kaaway ni Mommy.”Madaling makaramdam si Layla. Sobrang sumakit ang ulo ni Avery. Paglabas niya ng kwarto, dumirtso siya sa baba. “May dinner na nakahanda jan sa kusina, Avery!” Sigaw ni Mike. "Okay."Tutulungan ko lang na magpalit ‘tong kambal, mag’usap tayo pagkatapos mong kumain,” Pagpapatuloy ni Mike. Biglang napahinto si Avery sa paglalakad at tumingin kay Mike na halatang naguguluhan, “Anong kailangan nating pag’us
Ang Storm Series ay ang drone na minanufacture sa Aryadelle. Base sa review, kung tagal ng baterya ang paguusapan, sobrang maasahan nito pero kung ang camera, sobrang labo ng lens nito. Sa kabila ng pagiging ‘low quality’ nito, sobrang mahal ng pagkakabenta sa masa!Libo-libo ang mga taong galit na galit na nagcomment. [Grabe naman yan! Nakalimutan na ba ni Avery Tate na galing din siya sa Aryadelle? Paano niya nasisikmurang dayain ang mga kababayan niya! Nakakahiya!][Bumagsak sana yang tate Industries na yan!][Alam na ba ‘to ng Sterling Group? Si Elliot Foster ang number one consumer nila ah!]…Umupo si Avery sa sofa at uminom ng tubig. “Tinawagan ko na ang Nycra. Ang sabi nila handa daw nilang ireimburse ang lahat ng napagusapan natin sa kontrata. Isa pa, kinonfirm nila na hindi talaga nila kayang mag produce ng mga high-end na lens.”“Bakit daw hindi?” Nagtatakang tanong ni Avery habang inilalapag ang baso niya sa lamesa. “Dahil ba sa presyo?”Umiling si Mike, “Nagin
Kinabukasan, maagang pumunta si Elliot sa intensive care unit ng Elizabeth Hospital.Pagkatapos kainin ang ang soup na ginawa ni Mrs. Scarlet kagabi, biglang inantok ng sobra si Shea kaya nakatulog siya kaagadPagkagising niya kinaumagahan, walang buhay ang kanyang mga mata hanggang sa dumating si Elliot. “Kamusta ang na ang pakiramdam mo, Shea? Masakit pa ba ang ulo mo?”Sobrang kalmado ng boses ni Elliot kaya napanatag kaagad si Shea.“Kuya, bakit hindi ako binibisita ni Avery?” Malungkot na tanong ni Shea. Biglang kumunot ang noo ni Elliot at naging seryoso ang tono ng kanyang boses. “Hindi ka niya dadalawin, Shea kaya kalimutan mo na siya at ang mga anak niya.”Dahil sa sinabi ni Elliot, lalong nalungkot si Shea. “Bakit ba walang naniniwala sa akin? Si Avery talaga ang kumausap sa akin… sobrang dami niya ngang tanong eh…” Habang pinakikinggan ang kapatid, magkahalong lungkot at awa ang naramdaman ni Elliot para rito. “Hindi naman sa hindi ako naniniwala sayo. Sigu
Walang ideya si Mike kung saan pumunta si Avery, pero naiwanan nito ang phone nito sa lamesa! Ito na ang pagkakataon niya! Nagmamadali niyang kinuha ito at binuksan ang listahan ng mga naka block na number. Huh?!Wala ang pangalan ni Elliot!Bago pa siya maabutan, nagmamadaling binalik ni Mike ang phone sa lamesa at nagpanggap na walang nangyari. Sakto, bumalik na si Avery.“Anong sabi ng Sterling Group?” Tanong niya habang naglalakad papasok. Bago siya bumalik sa lamesa niya, kumuha muna siya ng isang baso ng tubig at uminom. “Hindi daw nila ibabalik ang mga drone.” Sagot ni Mike. “Wala ka rin namang balak pilitin sila na ibalik kung ayaw talaga nila, diba?”Inilapag ni Avery sa lamesa ang basong hawak niya at tinitigan si Mike ng diretso sa mga mata, “Kilalang kilala mo talaga ako. Kung ayaw nila, edi wag. Wala akong panahon para makipag negotiate sakanila.”Nag thumbs up si Mike kay Avery. “Mag’wire ka ng mahigit seven and half million dollars sa account nila!” Pagpa