Share

Kabanata 286

Paglabas ni Avery ng kwarto niya, sabay-sabay na nagtinginan sakanya ang lahat pero wala ni isa ang nagsalita.

“Sobra ba yung nagawa ko kanina?” Naglakad si Avery papunta sa sala at umupo sa sofa. “Hindi ko dapat yun sinabi kay Shea.”

“Wala kang kasalanan! Yung g*g*ng Elliot na yun ang sumugod dito. Alam kong gusto mong magpaliwanag pero anong ginawa niya? Pinatigil ka niya diba? Sa tingin ko nga masyado ka pang mabait eh! Kung ako yun, baka hindi lang si Shea ang nasabihan kong baliw! Baka sinumpa ko na ang buong angkan niya!” Pampalubag loob ni Mike.

Medyo nagulat si Avery sa mga sinabi ni Mike.

Pati si Laura ay hindi rin napigilang makisawsaw, “Avery, galit ka lang. Kung nagiisip talaga siya, alam niyang hindi mo yun sinasadya.”

“Wala akong pakielam sa iisipin ni Elliot, ang inaalala ko ay baka damdamin yun ni Shea.” Huminga ng malalim si Avery at malungkot na napayuko.

“Hindi naman galit sayo si Shea. Diba nga siya pa mismo ang nagsabing baliw siya.” Pagpapatuloy ni Mike.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status