Bakit ang dami paring ilaw?Ang buong akala ni Ivy ay nagsisisuwian na ang mga tao pag sapit ng alas sais ng gabi. "Robert, anong oras natatapos ang office hours dito sa company ni Daddy?" tanong ni Ivy. "Diba madalas na umuuwi si Daddy ng mga alas sais?"“Si Daddy kasi ang boss kaya pwede siyang umuwi kahit anong oras niya gustuhin, pero siyempre hindi yun pwedeng gawin ng mga empleyado niya. Sa pagkakaalam ko, mayroon silang dalawang shift: Mula nine am hanggang 5 pm, tapos yung sunod naman ay mula 10 am hanggang 7 pm, kaya marami pang tao jan sa loob kasi hindi pa tapos ang mga shift nila. “ Paliwanag ni Robert. Sumunod si Ivy kay Robert papasok ng Sterling Group. Minsan niya ng nakita ang Sterling Group noong minsan silang nag roadtrip bilang pamilya noong summer vacation niya. Kung siya lang siguro ang mag isa, hindi maglalakas loob si Ivy na pumunta sa Sterling Group dahil ayaw niyang malaman ng iba na konektado siya kay Elliot. Isa pa, wala rin siyang nakikitang magand
Alam ni Dean na papunta si Elliot sa Bridgedale, kaya hindi niya na muna ito tinawagan. Naghintay siya sa labas ng opisina ni Elliot ng ilang sandali at nang hindi niya nakitang dumating si Robert, nagtataka niyang tinawagan ang assistant ni Elliot."May number ka ba ni Robert? Pahingi naman ako kung meron ka," sabi ni Dean. "May nagreport kasi sa akin na nandito daw siya saoffice pero hindi ko naman siya mahanap at hindi ko rin alam kung bakit siya nandito.”Agad na nahanap ng assistant ang number ni Robert at sinend kay Dean. "Sigurado ka bang nandito siya sa ooffice?""Yun ang sabi ng administration manager, kaya siguro oo!" sagot ni Dean. "Narinig ko pa nga na kasama niya raw ang girlfriend niya dito. Hindi ko nga alam na may nililigawan siya. Alam mo ba ang tungkol dun?"“Hindi! Noong huling beses kong nakausap si Mr. Foster tungkol kay Robert, ang sinasabi niya ay medyo spoiled nga raw si Robert at hindi pa ito maiwanan ng responsibilidad. Tapos may naikwento rin siya na ma
Gulat na gulat si Robert nang makita ang tatlo na naglalakad papalapit sakanila. Maging si Ivy at nagulat rin kaya hinila niya ang braso ni Robert para mahimasmasan ito. Huminga ng malalim si Robert at nagmamadali niyang ipinakilala si Ivy sa grupo. "Ito ang vice president, si Dean. Itong nasa gitna naman ang assistant ni Daddy at yung nasa kanan naman ay ang manager ng department of administrasyon.”Tumango si Ivy. "Anong itatawag ko sakanila?""Uncle Tawagin mo silang uncle."Huminto ang tatlo sa harap nila at sinabi ni Dean, “Robert, tara kumain tayo sa labas. May nireserve na akong table kaya pwede na tayong pumunta doon agad.” Pagkatapos magsalita, tumingin naman ito kay Ivy, “Ka-classmate mo ba siya?” Medyo mukhang bata pa si Ivy, kaya inakala ni Dean na ka-classmate ito ni Robert.Pero bago pa makasagot si Robert, biglang tinanggal ni Ivy ang kanyang mask at magalang na bumati sa tatlo. "Kumusta po. Ako po si Ivy, ang kapatid na babae ni Robert."Nagulantang ang tatlo
Pagkalipas ng dalawang oras, nakauwi na rin sina Robert at Ivy sa bahay nila. Pareho sina Robert at Ivy na pagod na pagod lalo na at masyado ring madaldal si Dean at ang mga kasama nito. Dumating sila doon na walang kaalam-alam si Ivy sa Sterling Group, pero matapos nag dalawang oras ay para bang kabisado niya na ang lahat ng tungkol dito.“Robert, totoo palang sobrang babait nila nila..” Habang nakatulala si Robert, tumabi skanaya si Ivy. “Mhm. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit pinipilit nilang ipaintindi sa atin yung mga bagay-bagay sa kumpanya. Alam naman nila kung gaano kalayo yung mga edad natin saka nila diba? Sa company kasi ni Hayden, hindi naman ganun eh. Dibale, pag punta natin sa Bridgedale dadalhin din kita sa company niya para maicompare mo.”“Sa totoo lang, ako nag enjoy ako, Robert! Sobrang babait nila at sobrang natutuwa ako na handa talaga nilang ishare yung mga alam nila. Hmm siguro dahil din hindi ako sanay na mabigyan ng pansin habang lumalaki ako
Nakapasok na rin siya noon sa ICU at noong nakita niya palang yung mga tubo at makina, tumaas na agad ang balahibo niya. Kaya nasabi niya sa sarili niya na kung darating man ang araw na magkakasakit siya ng malala, ayaw niyang mapunta sa ICU at pahirapan pa si Avery. Mas gugustuhin niya pang tanggapin nalang ang kapalaran niya dahil lahat naman ng tayo ay doon din pupunta - sa kamatayan.Naiintindihan ni Layla ang gustong iparating ng Daddy niya kaya hindi na siya pumalag pa. Next week ang schedule ng operasyon ni Eric. Kumapara noong mga nakaraang taon. Mas malamig ang panahon ngayon sa Bridgedale at halos araw-araw ding umuulan ng snow, at sa mga araw na hindi umuulan, sobrang lamig pa rin ng hangin. Kaya si Layla at ang iba pa ay palagi lang nasa loob ng kwarto at naka heater, pero habang palapit ng palapit ang araw ng operasyon, mas nararamdaman nila ang stress at kaba. Pagdating ng dinner, napansin ni Avery na halos walang gana ang lahat na kumain kaya sinabi niya, “Nag
”Eh ikaw?” Timingin si Mike kay Elliot. “Alam mo naman kung gaano kahina yang tiyan mo… Kapag nagkasakit ka, sigurado ako na mag aalala ang asawa mo.”Tumingin si Layla kina MIke at Elliot. “Sa tingin ko, mas magandang kumain na tayo!” Naisip niya na baka tumatanggi ang mga kasama niya ay dahil tumanggi rin siya. Kung siya lang, bata pa siya at puwedeng magutom nang hindi wala masyadong magiging epekto sa katawan niya, pero hindi ganun ang sitwasyon ng daddy niya at ng mga magulang ni Eric dahil mas matatanda na ito kumpara sakanya. Pagkatapos nilang mag lunch, ipinagpatuloy nila ang paghihintay sa labas ng operating room. "Relax, magiging maayos ang lahat." Sumandal si Mike sa pader at pinagmasdan ang malulungkot na mukha ng apat. “Ito ang pinaka kilalang ospital dito sa Bridgedale at ang surgeon na nagoopera kay Eric ay ang pinaka mahusay na doktor sa bansa… Isa pa, kung sakali mang hindi mag–”Biglang sumingit si Layla. "Uncle Mike, naiintindihan ko na ngayon kung bakit pa
Hindi siya masyadong kumain kaninang umaga.Palagi kasi siyang nanghihina pagkatapos niyang kumain, kaya kadalasan ay sinasadya niyang magpagutom muna bago kumain."Kumain na ba kayong lahat?" tanong ni Avery."Oo. Ala-una pasado na," sagot ni Elliot. "Layla, magpahinga na muna kayo ng mga magulang ni Eric. Babalitaan naman tayo ng ospital sa mga susunod na mangyayari.”Naisip ng mag-asawang Santos na maghintay nalang sa ospital, dahil nabanggit ng doktor na magigising naman si Eric sa loob ng dalawampu't apat na oras."Huwag na po kayong maghintay dito. Masyadong maraming tao rito. Doon nalang po tayo sa bahay!" sabi ni Layla. "Matulog po muna tayo at baka hindi natin mamalayan, pag gising natin, gising na rin siya.”Nakumbinsi naman ang dalawang matanda na magpahinga muna, at alam nila na sa oras na magising si Eric, magiging sobrang hina nito at kakailanganin nito ng magaalaga rito. ...Dinala ni Elliot si Avery sa canteen ng ospital at kumain sila ng sabay dahil hindi rin
Ah gusto mo ng baby? Madali lang yan! Tara pumunta tayo sa bahay ampunan! Maraming baby dun at ikaw pa ang mamimili kung ilang taon ang gusto mo.” Biro ni Avery.Natawa si Elliot. “Siyempre gusto ko ng apo na kadugo talaga natin.”“Hmm bakit kaya hindi nalang tayo ang gumawa ng anak natin?” "..."“Kailangan pa bang itanong yan? Gawin nalang natin!” Pagsakay ni Elliot. “Joke lang, huwag na natin silang dagdagan.” Matagal ng sinuko ni Elliot ang ideya na magdagdag pa ng anak."Huwag mo nang sabihin sa mga bata ang mga sinabi mo sa akin. Hindi ibig sabihin na gusto mo ng mga apo ay kailangan mo silang pilitin na magkaroon ng mga anak!" Tumingin ng masama si Avery kay Elliot.“Sayo ko lang naman yun sinabi!” Inakbayan ni Elliot si Avery. “Determinado na talagang pakasalan ni Layla si Eric… Wala naman sigurong plano na umatras si Eric no? Ibig sabihin, desidido rin silang magkaanak! Eh di Hayden… sa tingin mo ba kaya kong pwersahing mag asawa ang batang yun?!” “Eh kay Robert? Ka
Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI
Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo
"Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun
Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa
Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko
Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong
Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari
Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m
Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan