Share

Nang Namulat Ang Kanyang Mata
Nang Namulat Ang Kanyang Mata
Penulis: Simple Silence

Kabanata 1

Penulis: Simple Silence
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56
Ngayon ang araw ng kasl ng Avonsville socialite na si Avery Tate, ngunit walang groom na nagpaparamdam.

Hanggang ngayon, ang groom na si Elliot Foster ay parang gulay pa rin simula nang mangyari ang aksidente at ayaw na ring mangako ng mga doktor at paasahin pa ang pamilya nito, kaya idiniklera ng mga ito na imposibleng makaabot pa siya hanggang sa matapos ang taon.

Kaya naman sa naisipan kanyang nagluluksang ina na ipakasal siya bago pa siya tuluyang mawala.

Isa ang mga Foster sa mga kilalang mayayamang pamilya sa Avonsville, pero wala naman sigurong dalaga mula sa isang socialite na pamilya at nasa tamang pag-iisip ang nanaising magpakasal sa isang taong naghihintay nalang ng kamatayan.

……

Nakaupo sakanyang vanity, suot ni Avery ang isang napaka gandang puting wedding gown na sinabayan pa ng napaka eleganteng makeup, at kahit sinong makakita sakanya ay talagang mapapanganga dahil sobrang ganda niya.

Ngunit sa kabila nito, mababakas sakanyang mapupungay na mga mata ang pagka-aligaga.

20 minutes nalang bago mag umpisa ang ceremony pero hindi mapakaling paulit-ulit na nagsslide sakanyanng phone si Avery dahil sa isang text message na kanina niya pa hinihintay ngunit hindi dumarating.

Bago siya piliting magpakasal kay Elliot, mayroon siyang boyfriend, ngunit ang mas masaklap ay nagkataong pamangkin pa ito ni Elliot, si Cole Foster.

Ngunit ni minsan hindi nila sinabi sa kahit kanino ang tungkol sakanilang relasyon.

Kagabi, tinext niya si Cole na kung maari bang itanan na siya nito at umalis na sila ng Avonsville ngunit kahit na buong magdamag siyang naghintay, walang Cole Foster ang nagparamdam.

Hindi niya na kayang maghintay..

Habang inaayusan, bigla siyang tumayo at hindi mapakaling nagpaalam na lalabas muna sandali.

Mabilisan siyang naglakad sa corridor ngunit bigla siyang natigilan nang madaanan ang isang kwarto.

Nakarinig si Avery ng isang pamilyar na tawa at nang sumilip siya mula sa bahagyang nakabukas na pintuan, nakumpirma niyang ang kanya ngang kapatid ito na si Cassandra.

“Pustahan tayo! Hanggang ngayon, naghihintay pa rin sayo Cole ang bobo kong kapatid. Ano kaya kung puntahan mo siya at paasahing tutulungan mo siya. Patay tayo kapag biglang nagbago ang isip niya at umatras sa kasal!”

“Sa tingin mo ba makakaatras pa siya ngayon?” Niyakap ni Cole si Cassandra mula sa likuran nito at hinalikan ang leeg nito. “Kahit pa tumakas siya ngayon, siguradong kakaladkarin lang siya pabalik ng mga guard at ingungudngod sa altar!”

“Sigurado akong mababaliw yang Avery na yan kapag nalaman niya na sa akin ka umuuwi tuwing gabi!” Tumatawang sagot ni Cassandra.

Sa sobrang bigat sa puso ng mga narinig ni Avery, pakiramdam niya ay para bang mahihimatay na siya.

Napahawak siya ng mahigpit sakanyang wedding gown habang pinipigilan ang sarili niyang umiyak.

Dahil sa pagbagsak ng kanilang kumpanya, hindi kinaya ng kanyang tatay at hanggang ngayon ay bedridden ito sa ospital.

Ito ang nakitang pagkakataon ng kanyang stepmother, na si Wanda Tate, na iarrange marriage siya kay Elliot para sa yaman. Noong mga panahong kinukumbinsi siya nito, pinapalabas nito na gusto lang siya nitong magkaroon ng kinabukasan ngunit hindi tanga si Avery at alam niyang paraan laman ‘yun ni Wanda para umalis na siya sa bahay nila.

Sobrang sakit na ng mga nangyayari kay Avery pero ang pinaka hindi niya matanggap sa lahat ay ang taong minahal at pinagkatiwalaan niya ng sobra ay malalaman niyang ginago at pinagtaksilan pala siya.

Ngayon lang naging malinaw sakanya ang lahat kung bakit ganun-ganun nalang na pumayag si Cole na magpakasal siya. Nangako pa ito sakanya na sa oras na mamatay si Elliot, papakasalan siya nito…

Nang oras na ‘yun, lahat ng pag-asa at pangarap na pinanghahawakan niya ay biglang naglaho. Hindi niya alam kung anong gagawin niya, parang may sumasakal sa leeg niya at hindi siya makahinga.

Habang walang kaide-ideya ang mga tao sa loob ng kwarto na narirnig niya ang lahat, ang kanyang maamong mga mata ay biglang napuno ng puot.

Ilang taon siyang nagtiis sa pang-aapi ng kanyang stepmother at stepsister dahil sinasaalang-alang niya ang kapakanan ng kanyang tatay. Ilang pagmamaltrato ang tiniis niya para lang sa pamilya na kahit kailan ay hindi siya naging parte.

Tama… masyado siyang nagpaka tanga at nagpakamanhid…

Pero ngayon? Wala ng kahit sino ang pwedeng magpaikot at mang’maliit sakanya!

Oras na para bawiin niya ang totoong kanya!

Hindi nagtagal, nagumpisa na ang seremonya.

Suot ang kanyang wedding gown at hawak ang isang bouquet ng bulaklak, dahan-dahang naglakad si Avery sa aisle kasabay ng isang napaka romantic na kanta.

Sinabi niya ang kanyang vow at isinuot ang wedding ring sakanyang sariling daliri.

Halata sa itsura ng mga tao na naguguluhan sila, pero wala siyang pakielam.

Mula ngayon, siya na si Mrs. Foster, at wala ni isa ang kakayaning bumangga sakanya.

Ngunit, ang kanyang asawa, na pinapaikot lamang ang buong Avonsville sa palad nito, ay kaunting araw nalang ang nalalabi sa mundong ibabaw.

……

Noong gabing yun, sa mansyon ni Elliot na umuwi si Avery.

Ito ay nakatirik sa pinaka mayamang district ng siyudad at nasa tinatayang 150 milyung dolyar ang halaga nito.

Bago pa man malibot ng mga mata ni Avery ang layout ng mansyon, bigla siyang kinaladkad ni Mrs. Cooper sa master’s bedroom.

Agad niyang nakita ang isang lalaki na nakahiga sa mala-higanteng kama. Dahan-dahan siyang naglakad at pinagmasdan ang mukha nito.

Tila ba inukit ang mukha nito sa sobrang pagka perpekto, at awra palang nito, halatang mayaman at sobrang taas na tao na.

Marahil sa tagal na rin nitong hindi naarawan, sobrang puti nito, kaya hindi matagal ni Avery ang kanyang pagkatitig dito.

Kung wala itong sakit, sino ba naman siya para mapangasawa nito?

Bago ito ma’bed-ridden dahil sa aksidente, si Elliot ay isang makapangyarihang personalidad ng bansang Arydelle dahil ang pagmamay-ari nitong Sterling Group ay isa sa top ten corporation sa buong bansa.

Ang bali-balita ay masama at matapobre raw ang ugali nito at bukod sa mga legal nitong negosyo, marami rin itong ilegal kaya wala talagang kahit sino ang maaring bumangga rito.

Kahit kailan hindi dumampi sa isip ni Avery na makakapag asawa siya ng isang taong katulad ni Elliot.

Sa kalagitnaan ng kanyang malalim na pag-iisip, biglang bumukas ang pinto.

Si Cole!

“Avery, patawarin mo ako kung ngayon lang kita napuntahan. Sobrang naging busy lang talaga ako.” bungad ni Cole na may mukhang para talagang sobrang nag-aala para kay Avery.

“Asawa na ako ng uncle mo.” Walang emosyong sagot ni Avery. “Kailangan ko pa bang ituro sayo kung paano mo ako dapat tawagin?”

“Alam kong galit ka. Hindi ko kinunsinti ang gusto mo dahil ayokong lalo kang maghirap sa buhay. Aminin man natin o hindi, parang patay na rin si Uncle Elliot, kaya hindi ka na mahihirapan maging asawa niya. At kapag tuluyan na siyang mamatay, ikukuha kita ng isang magaling na lawyer para makuha mo ng buo ang lahat ng iiwanan niya.

Dali-daling kinuha ni Cole ang mga kamay ni Avery at nagpatuloy, At kapag nangyari yun, lahat ng kanya at magiging atin!”

Habang pinapakinggan si Cole, hindi maalis sa isip niya ang mga narinig niya kaya lalo siyang nagalit.

“Bitawan mo nga ako!” Galit na galit na sabi ni Avery habang inaalis ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Cole.

Hindi inaasahan ni Cole na ganun ang magiging reaksyon ni Avery. ‘Bakit parang ibang Avery ang nakilala ko?’

Nasanay siya sa isang Avery na napaka bait at malumanay at ang Avery na ‘yun kahit kailan at hinding hindi siya sisigawan.

Hin… hindi kaya may nalaman ito?

Noong oras na yun, ramdam na ramdam ni Cole ang pagkakonsensya kaya lumapit siya kay Avery para sana magpaliwanag.

Ngunit may biglang nangyari… Napalingon si Cole sa taong nakahiga sa tabi ni Avery at biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa sobrang pagkagulat.

“I…I….Ikaw…” Pautal-utal na sabi Cole.

At hindi nagtagal, ang Elliot, na nakahiga pa rin sa kama, ay dahan-dahang iminulat ang mga mata nito.

Komen (6)
goodnovel comment avatar
Rosalinda Miao
grabi Ang haba nmn ,
goodnovel comment avatar
Cris Esguerra
please paopen po ng lock ...️...️...️
goodnovel comment avatar
Angel Baja
Grabe ang haba 1k plus
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 2

    Nakatitig si Elliot sa mamahaling chandelier na nakasabit sa kisame - isang titig na sobrang nakakatakot at nakakapanaas balahibo. Nang sandaling makita ni Cole ang nangyari sa kalagitnaan ng kanyang pagdadrama, bigla siyang namutla at napaatras sa sobrang kaba.“Avery…ah ang ibig kong sabihin, Auntie Avery… malalim na ang gabi kaya…kaya hindi ko na kayo iistorbohin pa ni Uncle Elliot. Mauuna na ako!”Nangangatal at ga-butil ang pawis ni Cole habang nagsasalita at walang anu-ano, kumaripas siya ng takbo palabas ng silid. Maging si Avery ay hindi rin alam kung anong gagawin niya - sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso at nanginginig ang kanyang buong katawan sa kaba. Gi…gising si Elliot? Hindi ba… mamatay na siya?Gusto sana ni Avery na kausapin si Elliot, pero hindi niya rin alam kung bakit walang boses na lumalabas mula sa lalamunan niya. Gustuhin niya mang lapitan ito para tignan kung totoo ba ang nakikita niya, pero hindi siya makagalaw. Nangibabaw ang takot kay Aver

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3

    Hindi mapakali si Avery. “Estudyante ka pa, Avery, diba? Siguradong maapektuhan ang pag-aaral mo kung magkaka’anak ka ngayon,” nag-aalalang sabi ng asawa ni Henry. “Oo, naniniwala din ako na masyado ka pang bata, Avery at sigurado ako na hindi niya gugustuhing mahinto ng pag’aaral para mag-alaga ng bata!” Pagsang-ayon ni Henry. Alam ni Rosalie kung ano eksakto ang tumatakbo sa isip ng anak at daughter-in-law niya, kaya nga ganun nalang din siya kadeterminado na bigyan ng tagapagmana si Elliot. “Gusto mo bang maging nanay ng anak ni Elliot, Avery?” Tanong ni Rosalie. At hindi pa man din ito nakakasagot ay nagpatuloy siya, “Siguro naman alam mong ikaw at ang magiging anak niyo ang magmamana ng lahat-lahat ng ari-arian ni Elliot balang araw, kaya sa tingin ko hindi ka na lugi kung magkaka’anak kayong dalawa.”“Gagawin ko,” Walang pag-aalinlangang sagot ni Avery. Oo…handa siyang magka’anak kung yun ang magiging paraan para walang makuha si Cole ni isang kusing mula sa kayama

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 4

    “Mahirap magsalita sa ngayon. Kung suswertihin tayo, siguro nasa tatlo hanggang apat na buwan. Pero kung hindi, baka talagang wala ng pag-asa,” sabi ng doktor. Natigilan ng ilang sandali ang doktor at nang makita niya ang reaksyon ng dalawa, nagmamadali siyang nagpatuloy, “Bata ka pa naman, Avery. Sigurado ako na magiging smooth ang lahat.”Mabilis na lumipas ang panahon. Hindi nila namalayan na maguumpisa na ang tag lagas sa Avonsville. Pagkatapos maligo ni Avery, umupo siya sa vanity at inilabas ang bagong face cream na kabibili niya lang kanina at maingat itong pinahid sakanyang mukha. “Elliot, gusto mo bang lagyan kita nito? Sobrang dry ng panahon,” Sabi ni Avery habang naglalakad papunta kay Elliot. Umupo siya sa gilid ng kama kung nasaan ito at maingat na pinahiran ang mukha ni Elliot. Nang sandaling dumampi ang ang mga daliri ni Avery sa mukha ni Elliot, gulat na gulat itong dumilat, at sumalubong sakanya ang sobrang ganda nitong mga mata. Maging si Avery ay nagula

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 5

    Sa sobrang gulat ni Avery, bigla siyang napaatras. Si Elliot ay parang isang mabangis na halimaw na kagigising lang mula sa isang napaka himbing na pamamahinga. Para itong isang maamong tupa noong natutulog ito, pero ngayong gising na ito… sobrang nakakatakot. Lumabas si Mrs. Cooper ng kwarto at dahan-dahang sinarado ang pintuan. Nang makita niya si Avery, na halatang takot na takot, sinubukan niyang oakalmahin ito, “Wag kang matakot, Madam. Kagigising lang ni Master Elliot kaya nagulat siya sa balita. Siguro sa guest room ka muna matulog ngayong gabi at bukas nalang tayo mag-usap. Gusto ka Madam Rosalie kaya sigurado akong hindi ka niya pababayaan. Gulong gulo ang isipan ni Avery. Ang buong akala niya ay mamatay na talaga si Elliot at kahit kailan hindi sumagi sa isipan niya na magigising pa ito. “Mrs. Cooper, yung mga gamit ko… nasa kwarto pa…” Takot na takot na sabi ni Avery habang nakatingin sa pintuan ng master’s bedroom, na para bang gusto niyang sabihin na kung maari a

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 6

    Ang pagdurugo niya ay senyales na nagdedelikado ang buhay ng baby nila, kaya may mga procedure na kailangan nilang gawin para mailigtas ang baby. Nang marinig ito ni Avery, para siyang sinakluban ng langit at lupa - sobrang natakot siya. “Doc, paano kung huwag ko nalang kayang ituloy ang baby na ‘to?” Magdidivorce na rin naman sila ni Elliot kaya ano bang saysay ngayon ng baby na dinadala niya?Nakakunot ang noo ng doktor na tumitig sakanya sa mga mata, “Bakit ayaw mong buhayin ang bata? Alam mo ba na may mga babaeng gustong gusto na magkaroon ng baby pero hindi sila makabuo? Tapos ito ikaw, gusto mong ipalaglag ang bata?” Napayuko si Avery at hindi na nakasagot.“Bakit hindi mo kasama ang asawa mo? Kung talagang ayaw mo ng baby na yan, karapatan pa rin ng tatay niyan na malaman ang plano mo.”Kumunot ang noo ni Avery. Nang makita ng doktor ang reaksyon niya, kinuha nito ang kanyang medical record, at muli siyang tinignan. “21 ka palang? So, hindi ka pa kasal?”“O…o

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 7.

    Hindi password protected ang computer kaya walang kahirap-hirap itong nagbukas. Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Avery. Huminga siya ng malalim at nagmamadali niyang isinaksak ang USB drive at nag log in sakanyang email. Pagka logged in niya, wala na siyang sinayang na oras pa at sinend kaagad ang file sa classmate niya. Hindi niya rin alam kung bakit, pero sobrang bilis ng lahat kaya bago pa man mag’tanghali ay tapos na siya. Wala ng balak pang manatili ng mas matagal si Avery sa study room, kaya dali-dali niyang pinindot ang shut down, pero sa sobrang pagmamadali ay may isang file siyang nabuksan…Bigla siyang natigilan at nang sandaling magbukas ang file, biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita niya. …Pagkalipas ng limang minuto, lumabas si Avery ng study room. Nakahinga ng maluwag si Mrs. Cooper at sinabi, “O diba? Sabi ko naman sayo hindi babalik si Master Elliot kaagad eh.”Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ni Avery. Pakiramdam niya ay nalaman niy

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 8

    Nakatayo at napasilip si Rosalie sa silid mula sa nakabukas na pinto.Nakita niya nakapulupot si Avery naparang isang bola at nagiisip habang nakasandal sa dingding.Nakalugay at magulo ang kanyang buhok.Napatingin siya nang marinig at tumawag sa kanya sa pinto."Avery! Anong nangyari sayo?" tanong ni Rosalie. Nang makita niya ang mukha ni Avery, na parang puting papel, na talaga naman ikinataas ng kanyang altapresyon."Paano nangyari to? Si... Elliot ba? Inaabuso ka ba niya?"Sa puntong ito, bahagyang nginginig sa boses ni Rosalie.Punayat ng husto si Avery.Putlang putla ang kanyang mukha, at makikitang tuyot at bitak-bitak sa kanyang labi.Makikitang hindi normal ang paghinga niya. Gusto niyang magsalita, ngunit sobrang paos na niya at wala nasiyang mailabas na boses.Lumapit si Mrs. Cooper na may dalang baso ng maligamgam na gatas at iniabot ito kay Avery."Uminom ka muna ng isang baso ng gatas, Madam. Huwag kang matakot. Ngayong nandito na si Madam Rosalie, makakain ka

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 9

    Sa huling pagsusuri, wala naman senyales na magkakaroon ng kambal.Kaya naman hindi makapaniwala si Avery na may dalawang sanggol sa loob tiyan niya makalipas ilan lamang na linggo.Hawak hawak niya ang ultrasound scan sa kanyang kamay habang tahimik na nakaupo sa isa bangko sa gilid ng corridor ng ospital.Sinabi sa kanya ng doktor na ang posibilidad na mabuntis ng kambal ay napakababa.Na kung magpapa-abort siya ngayon, maaari hindi na siya muling magkaroon ng kambal.Mapait man ay napapataw na lamang si Avery. Ang lahat ng ito ay gawa ng mga pribadong doktor ng Fosters.Nang maitanim na nila ilagay na sa kaya ang mga isang fertilized egg, hindi nila binanggit na magkakaroon pala siya ng kambal.Siguro para sa kanila, siya ay walang iba kundi isang kasangkapan sa panganganak para sa mga Fosters mula pa man.Nang magsimula siyang duguin noong nakaraang linggo, naisip niya na dumating na ang kanyang regla. Nang malaman ito ng mga doktor ng Fosters, naisip nilang nabigo sila. Na

Bab terbaru

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3177

    Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3176

    Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3175

    "Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3174

    Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3173

    Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3172

    Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3171

    Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3170

    Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3169

    Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan

DMCA.com Protection Status