Inalis ni Avery ang kanyang gardening gloves at kinuha ang cell phone.Ang tumatawag ay si Tammy.Sinagot niya ang telepono at narinig ang nagmamadaling boses ni Tammy. "Tammy! Sumosobra na si Ben! Sinusumpa ka niya! Sinend niya yung mga messages na yun sa group chat nila at binura pagkatapos, pero nabasa ni Jun lahat at sinabi sa akin dahil sa tingin niya ay sumosobra na si Ben."Natigilan si Avery. "Nilalait niya ako?""Yeah! Ang sakit ng mga sinabi niya! Hindi ko nabasa yung mga message, pero sabi ni Jun ay hindi ito maganda. Kahit nag-away kayo ni Elliot, ito ay dapat namamagitan sa inyong dalawa lamang. Walang karapatan si ben para sabihin iyon !" Galit na galit si Tammy na para bang siya ang sinusumpa. "Binura niya ang mga mensahe pagkatapos siyang kastiguhin nina Jun at Chad sa group chat, ngunit hindi ibig sabihin na hindi ito nangyari." Nagpatuloy si Tammy. "Huwag mo nalang siya pansinin kahit kailan, Avery. Malamang iritable siya dahil nagkakaroon siya ng mid-life crisis
"Wala naman. Gusto ko lang makipagusap sa’iyo," bulong ni Mike."Kung ganoon ay dito na lang tayo mag-usap!" Dinala siya ni Avery sa bakuran. "Sige, anong meron?""Ano pa ba? Hindi mo ba alam?" Ipinatong ni Mike ang kanyang mga kamay sa kanyang balakang. "Alam kong espesyal si Adrian kumpara sa ibang tao, pero hindi mo pwedeng unahin si Adrian kaysa kay Elliot!""Hindi ko ginawa yun!" sabi ni Avery."Ngunit iyon ang iniisip ng lahat ngayon." Napabuntong hininga si Mike. "Avery, kung hindi payag si Elliot na i-fork out ang pera niya para iligtas si Adrian, hindi mo dapat siya pilitin!""Hindi ko pa siya nakakausap tungkol dito!" Kumunot ang noo ni Avery. "Sa tingin mo ba pipilitin ko siya kapag napag-usapan ko siya at halatang ayaw niyang tulungan ako?""Hindi mo pa siya nakakausap?" Medyo nagulat si Mike."Hindi! Feeling ko may nag-leak nito sa kanya." Napatitig si Avery sa mukha niya. "Mike...""Ang pangunahing tanong ngayon ay paano mo lulutasin ang problema?" Iniba agad ni M
Nawala kaagad ang nakakulong kalungkutan ni Mike matapos marinig ang kanyang mga sinabi.Totoo ang sinabi niya.Mabilis magalit sii Elliot, at halos masisiraan na siya ng bait kapag nalaman niyang buhay pa si Shea. Dadalhin pa niya si Adrian at itali sa operating table para lang makuha ni Shea ang kidney transplant.Kung sakaling nabigo ang operasyon at nakita niyang namamatay si Shea sa harap ng kanyang mga mata, paano pa niya haharapin ang matinding suntok na iyon?"May isang solusiyon sa problema na sinasabi mo," sabi ni Mike matapos kumalma, "Dalhin si Shea sakanya pagkatapos ng surgery."Tumango si Avery. "Alam ko. Ayun ang plano ko simula pa lang. Matutuwa si Elliot na makita siya.""Pero na-misunderstood niya ang intensyon mo ngayon!" Umungol si Mike. "Hindi lang siya ang galit sa iyo ngayon. Ang mga tao sa paligid niya ay galit din sa iyo, pati sina Ben at Chad...""Sinabi sa akin ni Tammy." Bagama't medyo heartbroken si Avery, hindi siya nababahala sa pagtingin ng mga i
"Bakit mo iyon nasabi sa kanila?" Hindi masyadong natuwa si Mike. "Parang pinapahiwatig mo na iiwan mo kami. May binabalak ka ba?""Hindi. Nararamdaman ko lang na karapat-dapat ka sa kredito," paliwanag niya. "Hindi mo talaga nagustuhan ang pagtatrabaho nang husto, ngunit kinaladkad kita at ginawa kang isang mahusay na negosyante.""Sa mga sinabi mo, ako dapat ang nagpapasalamat sa’iyo. Huwag masiyadong isipin ito, okay? Kung mabenta man ang kumpaniya, magtatayo ulit tayo ng simula! Isipin na lang nating na maganda ang mangyayari at mabubuhay si Shea!""Sinabi mo ba kay Chad ang tungkol dito?" Umupo siya sa office chair niya."Hindi." Mike tinuloy niya iti+o, "Anong dapat kong sabihin? Kung successful ang operation ni Shea, ibabalik na lang natin siya at ma-stun sila.""Anong gusto mong tanghalian? Ako na ang magbabayad.""Nag-iisip ka na ng tanghalian kahit kaka-breakfast mo pa lang? Akalain mo na ang iyong kabutihang-loob at pag-iisipan ng mabuti ang tanghalian! Sasabihin ko sa
"Magsesend ako sa’iyo ng location. Maari ka ng pumunta kung kailan mo gusto!" sabi ni Cole. "Pagusapan natin ang ibang bagay pagkapunta mo."Ibinaba ni Cole ang tawag pagkatapos niyang magsalita.Nanlamig ang katawan ni Avery at sobrang bilis ng tibok ng puso niya.Iniisip niya kung nagawa na ba ni Elliot ang lahat ng iyon nang mawala siya nitong mga nakaraang araw, at ang sagot ay agad na lumitaw sa kanyang isipan pagkatapos ng ideyang iyon.Pagkatapos ng lahat, walang sinuman ang makakakuha ng mga bahagi ni Elliot kung hindi siya tumango.Agad namang lumabo ang kanyang paningin.Sa wakas ay napagtanto niya kung bakit labis na kinasusuklaman siya ng lahat sa paligid ni Elliot—alam na nila ang lahat nang maaga.Paano nila mapipigil ang kanilang sarili na huwag sumigaw sa kanya kung inilipat ni Elliot ang mga bahagi?Pakiramdam niya ay nakagawa siya ng isang hindi mapapatawad na kasalanan!Naramdaman siguro nila na pinilit niya si Elliot na gawin iyon, ngunit ang totoo ay may b
Lumabas si Avery sa restaurant kasama si Adrian at nakatanggap ng tawag sa sandaling iyon.Matapos dalhin si Adrian sa kotse at maupo ay inilabas niya ang kanyang cellphone.Mula kay Mike ang tawag.Nakarating na siya sa restaurant kung saan siya nagpa- reserve ng table para mag- lunch sila, pero wala siya sa kahit saang sulok ng restaurant."Mike, kasama ko si Adrian. Umorder na ako ng pagkain, para may kasama kang kumain." Pinigilan niya ang kanyang kalungkutan at nagkunwaring mahinahong nagsasalita."Kasama mo si Adrian?"Ang tanong niya, gayunpaman, ay naging dahilan ng pagbagsak ng kanyang emosyon sa isang iglap. "Inilipat ni Elliot ang lahat ng share kay Adrian! Lahat sila! Ayaw na niya sa akin, Mike, ayaw na niya sa akin! Kaya naman niya ako pinaparusahan ng ganito!"Gulat na gulat si Mike kaya napabuntong-hininga siya at biglang naging blangko ang isip niya.Sa wakas ay napagtanto niya kung bakit labis na kinasusuklaman nina Ben at Chad si Avery. Ang lahat ay dahil gina
Ang operasyon ni Shea, gayunpaman, ang priyoridad."Adrian, punta tayo sa Bridgedale para makita ang kapatid mo!" Sumakay si Avery sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan patungo sa airport.Tinawag niya si Mrs. Cooper habang naglalakbay."Nagmamadali ako, Mrs. Cooper. Pupunta ako ngayon sa Bridgedale at hindi ko alam kung kailan ako babalik.""Anong ibig mong sabihin na hindi mo alam kung kailan? Diba nangako ka kay Layla na dadalhin siya sa Bridgedale sa summer vacation niya?""Nananatili pa rin ang planong iyon. Si Mike ang magdadala sa kanya sa Bridgedale," sabi niya."Oh... Ano ba kasing urgent? Gustong malaman ni Layla pag-uwi niya ngayong gabi.""Isang operasyon." Saglit na natigilan si Avery at maikling sabi."Okay, naiintindihan ko. Pumunta sa Bridgedale nang may kapayapaan ng isip at huwag mag- alala sa lahat ng bagay sa bahay."Ibinaba ni Mrs Cooper ang kanyang telepono at taimtim na bumaling kay Elliot na nakaupo sa sofa."Master Elliot, si Avery ay—""Huwag m
Labis na nasaktan si Avery nang itanong iyon sa kanya."Inilipat ni Elliot ang lahat ng shares niya kay Adrian."Saglit na natigilan si Wesley. "Mabuti naman at nalipat na sila kay Adrian. Ibalik na lang ni Adrian sa kanya.""Ngunit hindi pumayag sina Henry at Cole," sabi ni Avery. "Nakarehistro na ngayon si Adrian sa kanilang pangangalaga.""Hindi ka sakit ng ulo kung tratuhin mo si Adrian na parang normal na tao," obhetibong sabi ni Wesley. " Sa tingin ko ay hindi sila kailangan ni Adrian bilang guardians niya. Maaari niyang ipasiya ang kanyang kapalaran, tulad ng kung paano siya nagpasya na mag-abuloy ng dugo kay Robert."Ang mga salita ni Wesley ay nagbigay ng matinding lakas ng loob kay Avery."Kahit na wala akong ideya kung ano ang ibinigay sa akin, maibabalik ko ito sa iyo." Sinubukan ni Adrian na tunawin ang kanilang sinabi. "Pakikinggan ko ang sasabihin mo. Ikaw lang ang papakinggan ko."Matapos mamuhay kasama si Nathan, at nang maglaon ay napagtanto ni Adrian na si Ave
Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI
Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo
"Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun
Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa
Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko
Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong
Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari
Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m
Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan