~Renvie's POV~Kinubkob na ng labi nito ang anumang pagpoprotesta niya. Mabagal na gumalaw ito sa taas niya; animo'y nananantiya nang una hanggang naging mabigat na ang pagkilos nito. Nanlalaki ang mata niya nang pakawalan nito ang labi niya. Napasinghap siyang muli para huminga nang mangapos ang kanyang paghinga."B-Brander," pakiusap niya rito. "L-let me go, h-hindi ito tama.""Really?" anas ng lalaki sa punong tenga niya pero humigpit lang ang yakap nito para lalo siyang hindi makawala. "Magiging tama ang lahat kung susundin ko ang tinitibok ng puso ko. M-mahal kita, Vie, please, bigyan mo'ko ng chance na patunayan lahat sa'yo. Ang dami nating sinayang na oras nang talikuran mo'ko."Pilit siyang nagpumiglas pero hindi na ito huminto sa ginagawa. Naglaglagan na lang ang luha niya dahil hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Ipokrita man siya pero talagang minahal niya ang lalaki noon—magpasahanggang ngayon. Buong lakas niyang inilapat ang kamay sa dibdib nito nang magkaro'n ng es
~Renvie's POV~"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Braylon nang umagapay ito sa kanya.Naglakad lamang silang dalawa papunta sa park na halos 5 minutes lang din ang layo sa bahay nila. Walang pinagbago ang mukha ng lalaki nang masdan niya. Pinuyod lang nito ang hanggang balikat nitong buhok at nagmukha na itong sanggano dahil sa balbas nitong mahaba. Mukha rin itong ermitanyo sa paningin niya."I am, hindi pa'ko totally magaling pero look at me, busy ako masyado sa mga anak ko pati na sa pag-aaral ng business namin. 3 weeks lamang kaming tatagal dito dahil may pasok pa ang mga bata sa U.K." Matapos ang insidente ng pagbalita ni Brittany ng pagbubuntis nito, umalis din agad ang dalawang magnobyo. Kumulo na naman ang dugo niya nang maisip si Brander.Ang walanghiya—gusto niyang isigaw ito kay Braylon patungkol sa kapatid nitong bantay salakay. Kung makaangkla ang braso ni Brander kanina kay Brittany, parang walang namagitan sa kanila. Ginamit lang siya ng lalaki."Hayop na 'yon," nai
~Renvie's POV~Hindi niya mapigil ang sariling hindi umiyak sa balitang iyon. Siya lamang ang nasa loob ng sasakyan at ang personal driver nila. Naging kainip-inip ang mahabang biyahe niya. Mas pinili ng nanay niyang manatili sa bahay nila dahil pagabi na lalo't maliit pa si Akira."K-Kuya, malayo pa ba?" Napatakip ang kamay niya sa bunganga para pigilan ang pagbulanghit ng iyak. Naka-receive rin siya ng text mula kay Evhan na nakarating na ang mga ito sa ospital. "Gaano ba kalayo ang ospital?"Inip na inip niyang sinuyod ng tingin ang labas pero hapon na. Papadilim na rin at hindi niya alam kung gaano kalayo ang pinagdalhan ni Braylon sa kanyang anak. Kung alam lang sana niya na dadalhin nito ang mga bata sa Batangas, hindi na sana niya pinayagan ang mga ito. Tuluyan nang lumatag ang dilim nang huminto ang driver nila sa isang liblib na lugar."K-Kuya?" Taka niyang tiningnan ito nang lumingon ito sa kanya. "Nasa'n tayo?" Pawang puno lamang ang nakikita niya sa lugar kaya kinabahan si
~Brander's POV~Nakita niya ang pagkatigagal ng babae kaya napangiti siya nang malawak. Karga si Akira, agad siyang lumapit kay Renvie na takang-taka sa nadatnang tagpo. He was at a loss for words to describe everything to the woman he loved; na walang iba kundi ang babaeng bumihag sa kanyang puso, si Renvie. Two years. It's been two years since he agreed to Evhan's agreement that he may visit the UK but must not show himself to Renvie. This is part to help Renvie's healing process. Tiniis niyang tanawin ang anak kasama ang babaeng pinakamamahal sa malayo. He went back to the UK several times where the woman had stayed, but he never made an effort to speak with her or approach her to respect her privacy. Kung nakadalo lang sana ito sa engagement party kuno nila ni Brittany, ganitong tagpo rin sana ang dadatnan nito pero nagkasakit ito bigla kaya kailangan nilang ulitin ito. Napatingin siya kay Braylon na seryoso lamang ang mukha at agad itong tumango para ipagpatuloy niya ang plano. T
~Renvie's POV~"G-get out!" gigil niyang anas nang itulak ito sa dibdib."But Vie—" pakiusap ni Brander na hinawakan agad ang kamay niya. Napatayo na ito nang hawakan niya nang puwersahan sabay hila rito papunta sa pinto. "I... I'm j-just kidding. Can we talk? Hinihintay nila tayo sa labas."Hindi na nakahuma ang lalaki nang isara niya ang pinto nang dahan-dahan. Tulog si Akira at ayaw niyang mabulahaw ang anak niya. Naririnig pa niya ang sunod-sunod na pagkatok ng lalaki pero dinedma niya ito. Naging tahimik na ang labas nang mawala ito."I h-hate you, Brander," anas niya nang mapaupo sa lapag. "I r-really hate you, idiot!" Bakit ganun na lang kadali para sa mga ito ang lahat? "B-bakit?" Nag-umpisa nang maglaglagan ang luha niya nang maisip ang lahat. Masama ang loob niya kay Evhan dahil sa hindi nito pagsasabi ng totoo. "I can't believe this." Kasabay ng pagluha, hindi niya matanggap ang katotohanan na asawa pa rin niya si Brander.Iyak pa rin siya nang iyak matapos niyang maisip an
~Renvie's POV~Napangiti siya nang mapalingon sa katabing babae. Isa ito sa mga kasamahan niya sa kwartong inokupa sa hostel na iyon kagabi. Nang malaman niya na isa itong worker sa isang wellness center, sumama na siya rito."Maganda rito kung naghahanap ka ng tahimik na environment. Ipapakilala kita sa manager dito para ma-guide ka nila." Nakangiting saad ng babae sa kanya nang makapasok na sila nang tuluyan sa sinasabi nitong Wellness Center. "Tamang-tama lang dahil pwede kang mag-stay ng ilang araw dito kung gugustuhin mo."Napangiti siya nang mapatingin kay Akira. "Salamat, Let, sa tulong mo. May matutuluyan kami pansamantala ng anak ko."Labis ang pagtataka niya na kahit sa'ng lugar siya pumunta, walang nakakakilala sa kanya bilang si Renvie Montefalcon. Tama nga ang sinabi ng Kuya Evhan niya na burado na sa publiko kung sino sila. May hatid itong saya sa kanya dahil makakapamuhay na siya nang normal pero may lungkot din itong hatid sa kabilang banda. Isa na lamang silang pangka
~Brander's POV~Galit siyang tumayo nang wala nang makuhang impormasyon, "How come na wala kang alam kung sa'n nagpunta si Renvie? Come on, dude. Maybe you're just hiding them somewhere. My little Akira, I need to see my baby."Parang gumuho ang mundo niya nang mapag-alamang umalis ang babae sa isla ng Seacliff matapos niyang balikan ito sa kwarto nang hindi ito sumulpot sa gathering hall. Dalawang taon. Halos dalawang taon niyang pinaghandaan ang surpresang ito para sa babae pero hindi siya nagtagumpay na muling makuha ang puso nito. Wala siyang ginawang masama para layasan siya nito. He told the woman everything at ang magandang resulta sana ang gusto niyang makita pero bigo siya. Pangarap niya ang buong pamilya; natiis niyang mawalay sa mga ito kaya gagawin niya ang lahat para maayos ang sigalot nila. Hindi siya makapaniwala na kahit si Evhan, hindi rin alam kung nasaan ang mag-ina niya."Brander! Please do not stare at me like that. I had no idea what Renvie had planned." Inabot n
~Brander's POV~ "Why did you do that?" umiiyak na tanong nito sa kanya. Luhaan ang mukha ng asawa dahil napahiya ito umano. Hawak na rin nito si Akira matapos nilang makabalik sa kwarto pero hindi naging maganda ang resulta ng pagsasalita niya kanina para sa babae. Hiyawan at kantiyawan ang nangyari at pagsabi sa kanila ng congratulations nang ianunsiyo niyang susundan na niya ang bunso nila. Napangisi siya nang titigan ang asawa, "What do you mean?" na-a-amuse niyang tanong. "Kapag malaki na si Akira, saka na lang natin sundan. Huwag mo naman akong gawing tagahabol, napa-absent tuloy ako sa trabaho." "S-sino ba ang nagsabi sa'yo na sundan mo ako rito, Brander?" singhal nito. "Love," inis niyang anas sa tainga nito. Akma niyang yayakapin ang babae pero umiwas ito sa kanya. "I'm your husband, tama na ang dalawang taon na binigyan kita ng oras para maayos mo ang sarili mo at makalimutan mo ang lahat. Oras ko naman para sundin ang puso ko." "Can you stop, Brander?" Napaupo na ito s
~Renvie's POV~"You're still lucky somehow..." Parinig ni Brander sa kanya. "Hindi ka na makakahanap ng kagaya ko." Madilim ang mukha nito nang balingan siya. "Thank you, sir, I'll go ahead." Pasalamat nito sa pulis bago tumalikod.Napaawang ang labi niya nang tumalikod na si Brander sa kanila. Nagkatinginan lamang sila ng pulis at siya, gusto niyang lumubog sa kahihiyan dahil hindi man lang nito na-appreciate ang pag-o-open up niya. Sabagay, ano ba ang inaasahan niya sa asawa matapos niya itong akusahan as rapist at nananakit pa? Ang sama niya."Iyang pasa mo sa kamay, siya ba ang may gawa niyan?" may pagdududang tanong ng pulis. "Isa pang katanungan, Mrs. Smith, totoo ba ang akusasyon mo sa asawa mo? Baka naman, natatakot ka lang..."Kandahaba ang leeg niya nang sundan ang likod ng asawa pero nagulat siya sa pagtapik ng pulis sa kanya. "Aah, hindi po. Sigurado ho ako na dahil sa galit lang kaya ko 'yon nagawa sa kanya. Pinagsusuntok ko ang pader kanina dahil sa inis ko." Namasa ang
Renvie's POV~"Totoo bang ipapakulong mo ang asawa mo? Hindi na matapos-tapos ang issue sa'yo, what can you say about this, Ms. Renvie Montefalcon?"Renvie Montefalcon? Napangiti siya nang mapait dahil mukhang bumabalik na naman ang kasikatan ng pangalang iyon. Napatingin lang siya sa reporter na nagtanong nito pero wala siyang binitawan na mga salita. Nakakasilaw ang sunod-sunod na kislapan ng mga camera sa mukha niya. Kanino ng mga ito nalaman ang issue? Hindi pa man siya nakakapasok sa police station pero present na ang nakakairitang mga reporter nang makalabas siya ng sasakyan.Maraming mic ang nakaumang sa kanya kasama ang ilan pang reporters na nagkakagulo na sa sunod-sunod na katanungan ng mga ito. Bigla na lang nagsulputan ang press."Can you provide more information about the controversial Renvie Montefalcon case?" tanong ng isa.May mga pulis na humarang sa mga ito nang pumasok siya sa station. Nakita niya ang nakayukong si Brander nang i-assist siya ng isang police kung nas
~Renvie's POV~Nanginig ang kamay niya matapos ang tawag na iyon; sana nga'y hindi niya pagsisihan ito pero may bahagi sa ginawa niyang tutol ang puso niya. Nakabalik na siya sa taas at saglit na lumabas si Brander para instructionan ang chef para ipagluto siya ng gusto niya. Iyon ang paraan niya para panandalian itong mawala sa paningin niya nang humingi siya ng pagkain. Nangako itong babalik kasama sina Akira at Hyanct. Naging kainip-inip ang paghihintay niya hanggang marinig niya ang mga boses na nagmumula sa labas."M-Mommy!" hiyaw ni Hyanct nang tumakbo ito palapit sa kanya matapos bumukas ang pinto.Yakap ang sinalubong niya sa anak. "I'm sorry my Hyanct. Are you still mad at Mommy, baby?"Umiling lang ang bata nang ilang ulit kasabay ng pagngiti nito, "Maybe yes, Mom, but Daddy Brander already explained it."Nawala ang pangamba niya na baka magkimkim ito ng galit sa kanya kanina pero may bumabangong pag-aalala sa kanya nang may maalala. Napatingin siya sa bukana ng pinto nang m
~Renvie's POV~ Sa pangalawang pagkakataon, muli niyang naramdaman ang paglapat ng likod sa malambot na kinahihigaan. "B-Brander! Ilabas mo'ko ritooo, hayoop!" Nanlaki ang mata niya nang maramdaman ang mahigpit nitong pagkakahawak sa palapulsuhan niya. Pilit niyang hinila ang kamay pero may kung anong malamig na bagay ang biglang nilagay nito sa kamay niya. Humantong ang mainit nitong palad sa paa niya at ganun din, may naramdaman siyang lamig nang may ilagay ito na kung ano. Posas! Pinoposasan siya ng asawa. "I hate you!" muli niyang sigaw. Sa paghila niya ng isang kamay, may nakakabit nang posas pero hindi niya ito makita dahil madilim sa loob. Mukhang alam na alam ng lalaki ang ginagawa kahit madilim pa. "I'll sue you for this, idiot! Pagsisisihan mo itong g-ginagawa mo sa'kin ngayon! Ano'ng binabalak mo?" Nasagot ang katanungan niya nang bumaha ang liwanag sa kinaroroonan niya. Mapusyaw lamang ang ilaw sa area nila pero kitang-kita niya ang lalaking nakahubo na sa harap niya. N
~Renvie's POV~ Tanaw niya sa malayo ang mga ito. Full of appreciation ang mga matang iyon but her mind, maraming idinidikta sa kanya para kamuhian ang lalaki. Even though their faces lit up with joy when they saw her, she couldn't smile back. Nang ihakbang niya ang mga paa palabas ng sinakyan, umiyak agad siya dahil nakita na niya si Akira na hawak ni Brander. Kahit kaaya-aya ang nakikita niya sa paligid dahil sa ganda nito, hindi naman maganda ang epekto ng mga taong natatanaw niya sa dalampasigan. Nasa Seacliff Island na siya sa tulong ni Braylon nang tawagan nito ang ilang tauhan para sunduin siya. Welcome to China? Isang malaking banner ang may nakalagay na "WELCOME TO CHINA" ang nakita niya nang tuluyan siyang makababa. Pinagkakaisahan siya kaya heto siya, umiiyak dahil wala siyang kakampi. Napuno siya ng galit nang takbuhin ang kinaroroonan ni Brander. Nang makalapit nang tuluyan, ubod tamis ang ngiti nito sa kanya pero isang malakas na sampal ang agad niyang pinadapo sa mukha
~Renvie's POV~ She could not sleep for three nights. Her stress makes it extremely difficult for her to sleep, and her anxiety worsens every night when she doesn't get to see her child. Hindi siya makatulog nang maayos dahil hindi niya mahagilap ang hinahanap. Labis ang pag-aalala niya kung kumusta na ang anak. Nanginginig ang kamay niya nang muling tunghayan ang iniwang sulat ng lalaki. Puwede naman siyang gisingin at sabihin sa kanya ang problema nito pero ginawa pa ito ni Brander sa kanya. Naiiyak niyang binasa ito nang hindi makuntento. Sa pagod niya at kakulangan ng tulog, hindi na niya namalayang umalis ang mga ito sa kwarto nila. I KIDNAPPED AKIRA AND I WON'T GIVE HER BACK UNTIL YOU SAY YOU LOVE ME—ito ang nakasulat sa papel na iniwan ni Brander. "I hate you, Brander!" Hiyaw niya nang tuluyan nang lamukusin ang hawak. "Alam mo namang maliit pa si Akira at nakadepende sa'kin pero nilayo mo pa." Paano kung maghanap ito ng gatas niya? Paano kung bigla itong magkasakit? Kaya b
~Brander's POV~ "So what, will you accept me again?" yamot niyang tanong nang talikuran siya ng babae. "Renvie... Enya?!" pukaw niya rito. Napatitig na lang siya sa mga dinikit na letters sa pader. Kahit ito, hindi man lang na-appreciate ng babae? Hindi pa ito tapos kung tutuusin dahil may balak pa siyang ayusin ang sinet-up; oras na hindi ito pumayag makipagbalikan sa kanya. "3 days, Brander," tinatamad na sagot nito. "Hindi ko alam pero gusto ko munang wala ka sa tabi ko para mahanap ko pa ang sarili ko. Mahirap ba iyong gawin sa tatlong araw lang na hinihingi ko?" Napabuntong-hininga nang marahas ang babae, "Huwag mo akong kausapin kahit sa 3 araw man lang. After three days, I've made my decision, and it's final. You have to respect it no matter what." "No!" inis niyang pakli. "Don't go anywhere, dito ka lang sa tabi ko, Vie." Nang hindi sumagot ang babae, niyakap niya ito kahit tinalikuran siya nito. He wanted to show her how much he cared. Totoo ang nararamdaman niya sa baba
~Brander's POV~ "Why did you do that?" umiiyak na tanong nito sa kanya. Luhaan ang mukha ng asawa dahil napahiya ito umano. Hawak na rin nito si Akira matapos nilang makabalik sa kwarto pero hindi naging maganda ang resulta ng pagsasalita niya kanina para sa babae. Hiyawan at kantiyawan ang nangyari at pagsabi sa kanila ng congratulations nang ianunsiyo niyang susundan na niya ang bunso nila. Napangisi siya nang titigan ang asawa, "What do you mean?" na-a-amuse niyang tanong. "Kapag malaki na si Akira, saka na lang natin sundan. Huwag mo naman akong gawing tagahabol, napa-absent tuloy ako sa trabaho." "S-sino ba ang nagsabi sa'yo na sundan mo ako rito, Brander?" singhal nito. "Love," inis niyang anas sa tainga nito. Akma niyang yayakapin ang babae pero umiwas ito sa kanya. "I'm your husband, tama na ang dalawang taon na binigyan kita ng oras para maayos mo ang sarili mo at makalimutan mo ang lahat. Oras ko naman para sundin ang puso ko." "Can you stop, Brander?" Napaupo na ito s
~Brander's POV~Galit siyang tumayo nang wala nang makuhang impormasyon, "How come na wala kang alam kung sa'n nagpunta si Renvie? Come on, dude. Maybe you're just hiding them somewhere. My little Akira, I need to see my baby."Parang gumuho ang mundo niya nang mapag-alamang umalis ang babae sa isla ng Seacliff matapos niyang balikan ito sa kwarto nang hindi ito sumulpot sa gathering hall. Dalawang taon. Halos dalawang taon niyang pinaghandaan ang surpresang ito para sa babae pero hindi siya nagtagumpay na muling makuha ang puso nito. Wala siyang ginawang masama para layasan siya nito. He told the woman everything at ang magandang resulta sana ang gusto niyang makita pero bigo siya. Pangarap niya ang buong pamilya; natiis niyang mawalay sa mga ito kaya gagawin niya ang lahat para maayos ang sigalot nila. Hindi siya makapaniwala na kahit si Evhan, hindi rin alam kung nasaan ang mag-ina niya."Brander! Please do not stare at me like that. I had no idea what Renvie had planned." Inabot n