~Braylon's POV~Kanina pa niya pinagmamasdan si Avalon na abala sa ginagawa nito. Naging matured na rin ito pagkatapos ng apat na taon nang huli niyang makita ang babae. Civil lamang ito sa kanya at ang pagkakataon na ito, hindi niya ito sasayangin para makausap ito nang masinsinan. Ramdam pa rin niya ang galit nito dahil nang huling magkita sila, umiiyak itong sinisisi siya sa pagloko sa bestfriend nito na si Enya."Avalon." Untag niya rito.Napalingon ang babae sa kanya. Ngumiti ito pero agad itong tumalikod sa kanya dahil nililinisan nito ang bibig ni Asha. Napangiti siya dahil kamukhang-kamukha ni Asher ang anak nito pero girl version lang ito ng kaibigan. Ngumiti ang bata sa kanya kaya natawa siya nang lumabas ang sungki nitong ngipin."Tungkol saan?" pormal na tanong ng babae nang hindi siya tinitingnan. "Kung tungkol kay Enya, matagal na 'yon, Braylon. Hindi ko na maibabalik ang buhay ng kaibigan ko.""Don't look at m-me like that, Tito Braylon. You're like my dad's friends, bu
~Renvie's POV~Nagalit siya sa huling oras na magkasama sila ni Braylon dahil wala itong konsiderasyon sa effort niya. Ngayong araw, balak niyang puntahan ang nanay niya kapag natapos na ang pag-uusap nila ni Evhan. Kanina pa siya nakaupo sa isang sulok ng restaurant na ito para sa pagkikita nila ng kapatid. Napangiti siya nang mamataan itong pumasok ilang minuto lang ng paghihintay niya. It doesn't matter if Braylon and her don't talk much dahil mas marami siyang aayusin sa pamilya niya ngayon."Vie," bati ng lalaki nang makita siya bago ito umupo katapat ng inuupuan niya. "I have good news: we found a house for your mom." May inilatag na papeles ang lalaki mula sa suit case nito. Lumingon din ito sa likod para tawagin ang isang waiter. "Coffee, please. What about you, Vie? Just order anything; I haven't had breakfast yet. After this, pupuntahan natin ang bahay na tinutukoy ko para makita mo or if you want, we can pick them up para mailipat na agad sila do'n," tukoy nito sa biologica
~Renvie's POV~Umalis agad si Bondat nang ibigay niya ang pera rito at nangako itong babalik din kapag naayos na nito ang gusot. Grateful pa rin siyang sinunod nito ang bilin niyang tingnan ang pamilya kapag wala siya."Hoy, Lucio," nakataas ang kilay niya nang tawagin ito. Hinahalukay ng kapatid ang mga damit sa harap nito pero wala itong napipili kahit isa. "Ano'ng tingin mo kay Bondat, mapagkakatiwalaan ba 'yon?""Pinaghahanap siya ng mga pulis, Vie." Balita nito.Inis niyang hinila ang damit nito nang magpanting ang tenga niya sa tawag nito. "Pakiulit nga ng sinabi mo?""Pinaghahanap siya ng mga pulis, 'yon ang narinig ko kanina sa mga kapitbahay," asar na tumingin si Lucio sa kanya bago nito tiningnan ang nakahawak na kamay niya sa balikat nito. "Baka naman gusto mo'kong bitawan?""I hate you, Lucio, ba't ngayon mo lang sinabi? Huwag mo'ko matawag-tawag na Vie, ha? Ate ang itawag mo sa'kin."Takang-taka ang binatilyo nang panlakihan niya ito ng mga mata. "Nagtanong ka ba? Tsismis
~Renvie's POV~Halos maiyak siya nang tuluyang makarating sa presinto. Nagmukha siyang kriminal sa ginawa ng lalaking ito dahil nakalagay ang posas sa kamay niya. Pinigilan pa ng nanay niya ang mga pulis kanina at halos makipag-away din ito sa mga lalaki pero binitbit din siya ng mga ito. Binilin niya sa driver na tawagan ang kapatid niyang si Evhan. Gigil na gigil siya nang tingnan isa-isa ang mga sangkot sa pagdakip sa kanya.Pinakawalan siya ni Brander nang tuluyan siyang makapasok sa loob ng presinto nang sila na lamang dalawa ang magkaharap. Inis niyang pinagbabayo ang dibdib nito nang makabawi siya. Ano'ng karapatan nito na hulihin siya? Isang sampal na naman sana ang padadapuin niya sa mukha nito nang mabilis nitong napigil ang kamay niya."I hate you!" hiyaw niya."Hindi ko tino-tolerate ang pananampal mo sa'kin kaya tumigil ka na, ha? Maraming ebidensiya ang nagtuturo ng involvement mo sa kasong ito kaya wala kang magagawa." Marahas na pinaupo siya ng binata sa upuang kaharap
~Renvie's POV~Kanina pa ito palakad-lakad sa harap niya pero winalang-bahala niya nalang hanggang sa huminto na ito hawak ang ilang litratong nakalap nito sa imbestigasyon na ginawa. Napatingin ito sa kanya kaya matamis na ngiti ang sinukli niya rito pero kumunot lang ang noo nito sa kanya."It's all good, may lead na kami, Ms. Montefalcon, sa grupong may hawak kay Bondat but—" Umupo si Brander katapat niya bago siya nito tinitigan nang matiim. "Ang hindi ko lang maintindihan, kaano-ano mo ang pamilya ni Enya na tinulungan mo? Kilala ko sila dahil nasangkot ang kapatid ko nang mamatay ang anak ni Aling Berta."Nawala bigla ang ngiti niya dahil hindi niya ito inaasahan. Tinaasan niya ng kilay ang lalaki bago inilapit ang mukha rito. Hindi ito natinag kaya muling sumilay ang ngiti niya. Palaban ang isang ito at siguradong hindi siya uubra kung lalampa-lampa siya sa harap nito. Tumigas ang mukha niya nang titigan ang nangangasul nitong mata. Hindi niya lubos maisip kung ba't ito ang nap
~Brander's POV~Pinark niya ang sasakyan nang tuluyang makapasok sa gate. May condo naman siya malapit sa pinagtatrabahuan pero mas pinili ng dad nilang manatili sa bahay ng kapatid kaya dumeretso na siya sa bahay ng Kuya Braylon niya. Maling-mali siya ng approach sa babae kanina. Napasandig siya sa upuan para pagpahingahin ang sarili. Halos ginabi na siya dahil sa rami ng hina-handle niya pero ang kasong iyon, hindi niya maintindihan pero gusto niyang buksan ito.Nang hawakan niya ito noon, ang kaso na nag-uugnay kay Enya, agad namang nadakip ang salarin kaya mabilis na naisara ang kaso pero ang footage na nakuha sa areang iyon, ang labis na nakapagpagulo sa utak niya. Dalawang insidente ang nangyari na may ilang minuto lang ang pagitan. Iyon ang dahilan kung kaya't gusto muli niyang buksan ang kaso pero—napailing siya. Nalugmok ang kapatid niya sa depression noon dahil ito ang naging sentro ng pang-aalipusta nang mamatay si Enya."Fuck!" anas niya nang buksan ang pinto sa gawi niya.
~Brander's POV~"How are you, Ava?" Nakangiti niyang tiningnan ang babae at sa nakikita niya, ibang-iba na ito kumpara noon. "I'm glad to see you kahit pa hindi ako invited dito, kusa na'kong sumama kay kuya."Natawa lang ang babae nang yumakap ito sa kanya. Gusto niyang masolo ang babae dahil may mga katanungan lamang siya ukol sa bestfriend nito noon."Have you met Renvie Montefalcon?" dugtong na tanong niya nang sila na lamang dalawa. Alalay niya ang babae nang maupo ito dahil hirap na ito sa malaking tiyan nito. Nang maiupo ito sa isang upuan sa garden, tumapat siya ng upo rito. "Sinabi niya sa akin na kaibigan niya si Enya kaya tinatanong ko siya sa'yo—she invites me out for coffee," seryosong saad niya. "What do you think, Ava? Dapat ba akong pumayag or better decline her?" Natawa ang babae sa kanya na ikinakunot ng noo niya. "Why are you laughing?" amuse niyang tanong nang hawakan pa ng babae ang tiyan nito bigla."Bran, ang tanda mo na para umakto nang ganyan. Yong anak ko, bi
~Brander's POV~Naiwan sa police station ang sasakyan ng babae at ang pamilya nito, walang kaalam-alam sa mga nangyayari pero grabe ang pagtanggi ng babae na ipaalam ito sa pamilya. Nakahiga na ang dalaga sa kama nito habang siya, pinagmamasdan niya ito. Nakahawak pa rin ang babae sa braso niya hanggang sa makatulog na ito. It's nearly 12 midnight na pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Isang text ang pinadala niya sa kuya niya at sinabing may inaayos siya ngayon. Hindi na niya ito binanggit pa.May dalawang kwarto ang condong ito. Moderno ang kasangkapan sa loob at may pictures din na naka-display sa shelves ng babae. Mga family pictures lamang ito nang suriin niya mula pagkabata ng dalaga hanggang sa magdalaga na ito. Muli siyang napatingin sa babae na mahimbing nang natutulog sa tabi niya. Napakaamo ng mukha nito nang masdan niya pero may ilang pasa sa mukha nito at ilang gasgas na kahit maliit, hindi pa rin siya masayang pagmasdan. Lagi na lang itong nabibiktima ng masasaman
~Renvie's POV~"You're still lucky somehow..." Parinig ni Brander sa kanya. "Hindi ka na makakahanap ng kagaya ko." Madilim ang mukha nito nang balingan siya. "Thank you, sir, I'll go ahead." Pasalamat nito sa pulis bago tumalikod.Napaawang ang labi niya nang tumalikod na si Brander sa kanila. Nagkatinginan lamang sila ng pulis at siya, gusto niyang lumubog sa kahihiyan dahil hindi man lang nito na-appreciate ang pag-o-open up niya. Sabagay, ano ba ang inaasahan niya sa asawa matapos niya itong akusahan as rapist at nananakit pa? Ang sama niya."Iyang pasa mo sa kamay, siya ba ang may gawa niyan?" may pagdududang tanong ng pulis. "Isa pang katanungan, Mrs. Smith, totoo ba ang akusasyon mo sa asawa mo? Baka naman, natatakot ka lang..."Kandahaba ang leeg niya nang sundan ang likod ng asawa pero nagulat siya sa pagtapik ng pulis sa kanya. "Aah, hindi po. Sigurado ho ako na dahil sa galit lang kaya ko 'yon nagawa sa kanya. Pinagsusuntok ko ang pader kanina dahil sa inis ko." Namasa ang
Renvie's POV~"Totoo bang ipapakulong mo ang asawa mo? Hindi na matapos-tapos ang issue sa'yo, what can you say about this, Ms. Renvie Montefalcon?"Renvie Montefalcon? Napangiti siya nang mapait dahil mukhang bumabalik na naman ang kasikatan ng pangalang iyon. Napatingin lang siya sa reporter na nagtanong nito pero wala siyang binitawan na mga salita. Nakakasilaw ang sunod-sunod na kislapan ng mga camera sa mukha niya. Kanino ng mga ito nalaman ang issue? Hindi pa man siya nakakapasok sa police station pero present na ang nakakairitang mga reporter nang makalabas siya ng sasakyan.Maraming mic ang nakaumang sa kanya kasama ang ilan pang reporters na nagkakagulo na sa sunod-sunod na katanungan ng mga ito. Bigla na lang nagsulputan ang press."Can you provide more information about the controversial Renvie Montefalcon case?" tanong ng isa.May mga pulis na humarang sa mga ito nang pumasok siya sa station. Nakita niya ang nakayukong si Brander nang i-assist siya ng isang police kung nas
~Renvie's POV~Nanginig ang kamay niya matapos ang tawag na iyon; sana nga'y hindi niya pagsisihan ito pero may bahagi sa ginawa niyang tutol ang puso niya. Nakabalik na siya sa taas at saglit na lumabas si Brander para instructionan ang chef para ipagluto siya ng gusto niya. Iyon ang paraan niya para panandalian itong mawala sa paningin niya nang humingi siya ng pagkain. Nangako itong babalik kasama sina Akira at Hyanct. Naging kainip-inip ang paghihintay niya hanggang marinig niya ang mga boses na nagmumula sa labas."M-Mommy!" hiyaw ni Hyanct nang tumakbo ito palapit sa kanya matapos bumukas ang pinto.Yakap ang sinalubong niya sa anak. "I'm sorry my Hyanct. Are you still mad at Mommy, baby?"Umiling lang ang bata nang ilang ulit kasabay ng pagngiti nito, "Maybe yes, Mom, but Daddy Brander already explained it."Nawala ang pangamba niya na baka magkimkim ito ng galit sa kanya kanina pero may bumabangong pag-aalala sa kanya nang may maalala. Napatingin siya sa bukana ng pinto nang m
~Renvie's POV~ Sa pangalawang pagkakataon, muli niyang naramdaman ang paglapat ng likod sa malambot na kinahihigaan. "B-Brander! Ilabas mo'ko ritooo, hayoop!" Nanlaki ang mata niya nang maramdaman ang mahigpit nitong pagkakahawak sa palapulsuhan niya. Pilit niyang hinila ang kamay pero may kung anong malamig na bagay ang biglang nilagay nito sa kamay niya. Humantong ang mainit nitong palad sa paa niya at ganun din, may naramdaman siyang lamig nang may ilagay ito na kung ano. Posas! Pinoposasan siya ng asawa. "I hate you!" muli niyang sigaw. Sa paghila niya ng isang kamay, may nakakabit nang posas pero hindi niya ito makita dahil madilim sa loob. Mukhang alam na alam ng lalaki ang ginagawa kahit madilim pa. "I'll sue you for this, idiot! Pagsisisihan mo itong g-ginagawa mo sa'kin ngayon! Ano'ng binabalak mo?" Nasagot ang katanungan niya nang bumaha ang liwanag sa kinaroroonan niya. Mapusyaw lamang ang ilaw sa area nila pero kitang-kita niya ang lalaking nakahubo na sa harap niya. N
~Renvie's POV~ Tanaw niya sa malayo ang mga ito. Full of appreciation ang mga matang iyon but her mind, maraming idinidikta sa kanya para kamuhian ang lalaki. Even though their faces lit up with joy when they saw her, she couldn't smile back. Nang ihakbang niya ang mga paa palabas ng sinakyan, umiyak agad siya dahil nakita na niya si Akira na hawak ni Brander. Kahit kaaya-aya ang nakikita niya sa paligid dahil sa ganda nito, hindi naman maganda ang epekto ng mga taong natatanaw niya sa dalampasigan. Nasa Seacliff Island na siya sa tulong ni Braylon nang tawagan nito ang ilang tauhan para sunduin siya. Welcome to China? Isang malaking banner ang may nakalagay na "WELCOME TO CHINA" ang nakita niya nang tuluyan siyang makababa. Pinagkakaisahan siya kaya heto siya, umiiyak dahil wala siyang kakampi. Napuno siya ng galit nang takbuhin ang kinaroroonan ni Brander. Nang makalapit nang tuluyan, ubod tamis ang ngiti nito sa kanya pero isang malakas na sampal ang agad niyang pinadapo sa mukha
~Renvie's POV~ She could not sleep for three nights. Her stress makes it extremely difficult for her to sleep, and her anxiety worsens every night when she doesn't get to see her child. Hindi siya makatulog nang maayos dahil hindi niya mahagilap ang hinahanap. Labis ang pag-aalala niya kung kumusta na ang anak. Nanginginig ang kamay niya nang muling tunghayan ang iniwang sulat ng lalaki. Puwede naman siyang gisingin at sabihin sa kanya ang problema nito pero ginawa pa ito ni Brander sa kanya. Naiiyak niyang binasa ito nang hindi makuntento. Sa pagod niya at kakulangan ng tulog, hindi na niya namalayang umalis ang mga ito sa kwarto nila. I KIDNAPPED AKIRA AND I WON'T GIVE HER BACK UNTIL YOU SAY YOU LOVE ME—ito ang nakasulat sa papel na iniwan ni Brander. "I hate you, Brander!" Hiyaw niya nang tuluyan nang lamukusin ang hawak. "Alam mo namang maliit pa si Akira at nakadepende sa'kin pero nilayo mo pa." Paano kung maghanap ito ng gatas niya? Paano kung bigla itong magkasakit? Kaya b
~Brander's POV~ "So what, will you accept me again?" yamot niyang tanong nang talikuran siya ng babae. "Renvie... Enya?!" pukaw niya rito. Napatitig na lang siya sa mga dinikit na letters sa pader. Kahit ito, hindi man lang na-appreciate ng babae? Hindi pa ito tapos kung tutuusin dahil may balak pa siyang ayusin ang sinet-up; oras na hindi ito pumayag makipagbalikan sa kanya. "3 days, Brander," tinatamad na sagot nito. "Hindi ko alam pero gusto ko munang wala ka sa tabi ko para mahanap ko pa ang sarili ko. Mahirap ba iyong gawin sa tatlong araw lang na hinihingi ko?" Napabuntong-hininga nang marahas ang babae, "Huwag mo akong kausapin kahit sa 3 araw man lang. After three days, I've made my decision, and it's final. You have to respect it no matter what." "No!" inis niyang pakli. "Don't go anywhere, dito ka lang sa tabi ko, Vie." Nang hindi sumagot ang babae, niyakap niya ito kahit tinalikuran siya nito. He wanted to show her how much he cared. Totoo ang nararamdaman niya sa baba
~Brander's POV~ "Why did you do that?" umiiyak na tanong nito sa kanya. Luhaan ang mukha ng asawa dahil napahiya ito umano. Hawak na rin nito si Akira matapos nilang makabalik sa kwarto pero hindi naging maganda ang resulta ng pagsasalita niya kanina para sa babae. Hiyawan at kantiyawan ang nangyari at pagsabi sa kanila ng congratulations nang ianunsiyo niyang susundan na niya ang bunso nila. Napangisi siya nang titigan ang asawa, "What do you mean?" na-a-amuse niyang tanong. "Kapag malaki na si Akira, saka na lang natin sundan. Huwag mo naman akong gawing tagahabol, napa-absent tuloy ako sa trabaho." "S-sino ba ang nagsabi sa'yo na sundan mo ako rito, Brander?" singhal nito. "Love," inis niyang anas sa tainga nito. Akma niyang yayakapin ang babae pero umiwas ito sa kanya. "I'm your husband, tama na ang dalawang taon na binigyan kita ng oras para maayos mo ang sarili mo at makalimutan mo ang lahat. Oras ko naman para sundin ang puso ko." "Can you stop, Brander?" Napaupo na ito s
~Brander's POV~Galit siyang tumayo nang wala nang makuhang impormasyon, "How come na wala kang alam kung sa'n nagpunta si Renvie? Come on, dude. Maybe you're just hiding them somewhere. My little Akira, I need to see my baby."Parang gumuho ang mundo niya nang mapag-alamang umalis ang babae sa isla ng Seacliff matapos niyang balikan ito sa kwarto nang hindi ito sumulpot sa gathering hall. Dalawang taon. Halos dalawang taon niyang pinaghandaan ang surpresang ito para sa babae pero hindi siya nagtagumpay na muling makuha ang puso nito. Wala siyang ginawang masama para layasan siya nito. He told the woman everything at ang magandang resulta sana ang gusto niyang makita pero bigo siya. Pangarap niya ang buong pamilya; natiis niyang mawalay sa mga ito kaya gagawin niya ang lahat para maayos ang sigalot nila. Hindi siya makapaniwala na kahit si Evhan, hindi rin alam kung nasaan ang mag-ina niya."Brander! Please do not stare at me like that. I had no idea what Renvie had planned." Inabot n