NAKALUHOD ako sa harap ng imahe ng holy family na wallpaper ko sa laptop. Idinowload ko ito no‘ng araw na pinagbantaan ako ni Shaun. Simula noon, routine ko na ang taimtim na manalangin at humingi ng guidance sa may kapal. Kung makapagbanta kasi ‘to si Shaun, akala mo kung sino! Hindi tuloy ako makatulog ng maayos.
Sinimulan ko na ang pagdarasal.“Jesus, Mama Mary, Papa Joseph, nawa'y gabayan niyo po ako sa paglabas ko ng bahay. Ilayo niyo po ako sa mga masasamang elemento lalo na sa taong nagngangalang Shaun. Nawa‘y matisod, mabagok at magka-amnesia siya, para makalimutan niya pangalan ko. Amen—ay, may pahabol pa po pala ako. Sana maraming pudding sa canteen ngayon. Amen ulit.” nag sign of the cross ako at tumayo na mula sa pagkakaluhod.
Humarap ako sa salamin at sinuklay ang buhok ko, para magmukha akong tao sa first day of school. Muli kong naisip si Shaun. Kumusta na kaya ‘yon? Pinahanap niya kaya talaga ako? He’s suspiciously silent.
Tatlong araw na ang lumipas mula no’ng araw ng pagbabanta niya, pero wala akong napapansin na kahinahinala sa paligid ko. Tahimik ang cellphone ko dahil bi-nlock ko siya—siya lang nagpapaingay no’n. Hinanda ko na ang sarili ko sa posibilidad na makikitawag siya o makikitext sa iba para guluhin ako, ngunit wala akong narinig sakanya. Hindi ko nalang din pinalitan ang number ko.
Napagod na siguro siya o di kaya’y bati na sila ng girlfriend niya. Napangiti ako sa ideyang ‘yon. Sana tama ang hinala ko. I shrugged my shoulders nonchalantly and continued brushing my hair.
Kahit nananahimik na siya, nag-aalala parin ako dahil alam n’ya ang full name ko. Pa’no kung mahanap niya talaga ako? Pa’no kung nasa tabi-tabi lang siya’t naghihintay ng tyempo. Oh, my God. Baka bukas nasa f******k na ang beauty ko na duguan. Nabura ang mga ngiti ko sa naisip.
No, hindi ako pweding mamatay ng gano’n!
Kinatok ko ng tatlong beses ang ulo ko na hindi napapagod kaka-overthink. Umiling-iling ako para burahin ang mga naisip. Kung ano man ang rason ng pananahimik niya, sana’y magpatuloy ‘yon. Isinilid ko sa bag ang isang taser na binili ko kahapon. Panangga kung sakaling umatake siya.
Nabawasan ang pangamba ko nang maalalang mali ang spelling ng Xenica na alam niya.
“I am not Cenica, I am Xenica with an X Montel.” taas noong sabi ko sa harap ng salamin, “Hindi lang ako ang nag iisang Xenica sa mundo. Goodluck nalang kamo sa pag hahanap niya.” confident na sabi ko. Matapos kong maipungko ang buhok ko, isinukbit ko na ang backpack sa likod ko at lumabas na ng silid.
***
PAGKARATING ko sa school, hindi ko maitago ang matamis kong ngiti. Sino ba naman ang hindi ma e-excite sa first day of school? Another year for crush hunt!
Nakakalungkot isipin na huling taon ko na ‘to sa Armani High. Senior year is real na talaga. Dahil huli na ‘to, sisiguraduhin ko na magiging memorable ang taon ko.
I swiped my ID para makapasok sa gate ng campus. Nilakad ko ang pathway at iginala ang mata sa paligid. Napahinto ako sa naisip.Pa’no kung school mate ko pala si Shaun o di kaya’y ka-klase?
Kinatok ko ang ulo ko para sitahin ang utak na ayaw mag paawat kakaisip ng kung ano-ano. Stop thinking what-ifs, brain.
I took a deep breath, until sweet air extinguished the burn of worries in me. I got interrupted by the familiar voices shouting in a distance.
“BALIW!” tawag nila. Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinanap sila. “Lumingon ka sa likod mo.” utos nila. Sinunod ko ‘yon at nakita ko na nga ang hinahanap ko. Itinaas ko ang kamay ko at kinawayan sina Lex at Nisha, na nakatayo sa tapat ng seniors building.
They’re my close friends, whom I share the same mental disorder—kaya baliw tawagan namin. I run towards them in a frenzy.
“Kanina pa ba kayo?” bungad na tanong ko nang makalapit sa kanila,“Mas nauna ako ng sampung minuto sa’yo. Si Lex, magkasunod lang kayo ng dating.” sagot ni Nisha.
“Mas maaga pa sana ako kung ‘di lang na flat ang taxi na sinasakyan ko.” sabi ni Lex na nakatingala at pinagmamasdan ang kabuohan ng seniors building, “Oh, my gosh. Seniors na talaga tayo.” she added.
“Time flies so fast.”
Parang kahapon lang ‘yong unang araw na tumungtong ako sa school na‘to. Palihim akong napaismid nang maalala ang nangyaring sagutan namin ni papa noon, na nag-udyok sakanya para ipadala ako dito sa Santiago. Sariwa pa sa alaala ko ang naramdaman no’ng araw na ‘yon—my thirteen year old self felt devastated, empty and lonely.
Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko, na hanggang ngayo’y gutom parin sa kasagutan. Maraming bakit? I silently sighed bitterly.
My thoughts were interrupted when Nisha clung her arms on mine, “Sana klasmeyt na tayo this year.” she said shaking my arm.
“There’s only one way to find out.” Nginuso ni Lex ang bulletin board sa di kalayuan, na dinudumog ng mga studyante ng Armani.
Nagsilapit kami roon at agad ako sumuksok sa nagkukumpulang studyante,“Excuse me.” pasintabi ko. Nagsitabi nga sila pero hindi ‘yon dahil sa sinabi ko, kundi dahil sa reyna na pinagbigyan nila ng daan—si Lex.
Lex's crowning glory as a student was her being chosen as Armani’s queen; she’s the epitome of beauty and brains. Kaya marami ang humahanga sakanya. So much for that...
“Did you find our names?” Lex asked, scanning the list with her eyes. Umiling ako bilang tugon. “Nalista ba nila talaga tayo? Hindi ko makita ang pangalan natin. Mukhang nakaligtaan na tayo.” daing ko. Kunot-noong inulit ko ng tingin ang mga senior section, para masiguro.
“Tatlong section para sa HUMSS, pero wala ang mga pangalan natin.” nagtatakang tanong ni Nisha.
“Nasa planetang earth pa ba tayo? Kakaiba kasi. Feeling ko talaga nasa ibang mundo na tayo, at ang rason kung bakit wala ang mga pangalan natin sa listahan ay... ” napasinghap ako at napatakip ng bibig, “... we’re not supposed to be here—”
“Excuse me! Excuse me! May ididikit lang.”
Napaatras ako nang sumingit ang dalawang babaeng myembro ng student council, na may dala-dalang bondpapers. Isa-isa nila itong idinikit sa bulletin board, “Hindi kayo nakaligtaan. Naubusan lang kami ng ink kaya hindi namin agad na print ang iba.” anunsyo ng taga student coucil na tila sinagot ang tanong ko kanina.
“Kaya pala wala.” rinig kong sabi ng ilang studyante. Nang magsialis na ang student council members, narinig ko ang mapang asar na tawa nila Lex at Nisha.
“Tuwang tuwa kayo? Sige,tawa pa.” sarkastik na sabi ko sa kanilang dalawa. Di nila ako pinansin at ipinagpatuloy na nila ulit ang paghahanap sa mga pangalan namin mula sa mga bagong listahan na ipinaskil.“Kung ano-ano kasi ang sinasabi.” bulong ni Nisha na narinig ko naman.
“Baliw, tigilan mo na ang kakapanood ng k-drama.” Lex said, then they mockingly laughed at me again. I rolled my eyes heavenwards.
“Other world.” pang-aasar ni Lex. Itinaas ko ang kamay ko at inabot ang tagiliran ni Lex. Natatawang napahiyaw siya sa nang sundutin ko ito, “Stop it!” sita niya.
Natigilan kami sa pag haharutan nang marinig ang matinis na tili ni Nisha,“KYAAH! Classmates tayong tatlo!” she excitedly announced, “Weh? ‘Di nga?” ‘di kombinsidong tanong ko.
“Oo, nga. Look!” hinala niya palapit sa board. Dahil hindi ako katangkaran katulad nilang dalawa, tumingkayad ako para tingnan ang listahan.
“Finally!” Lex exclaimed. Nagliwanag ang mukha ko nang makita ang mga pangalan namin sa iisang papel—nasa iisang section nga kami!
“KYAAAAH!” we let out an uncontainable squeal, and hopped like a toddler out of joy. Lahat napatingin sa amin, na tila nawi-wirdohan. Sa wakas, mag kaklase na ulit kami!
Grade 9 pa kami nong huli kaming naging magka-klase. ‘Yon ang panahon na nagsimula ang pagkakaibigan namin,“This will definitely be our year!” Lex exclaimed.
Napapalakpak ako na parang seal at sinabing, “Sana may ka klase tayong gwapo tapos makatabi ko—”
“Shaun, classmate tayo. Ayon pangalan natin oh, sa section Einstein.” sabi ng lalaki sa likod ko. Natigilan ako sa narinig na pangalan. SHAUN. SHAUN TALAGA ‘YONG NARINIG KO.
Ramdam ko ang panlalamig at rinig ko na rin ang nakakabinging tibok ng puso ko. Hindi ko na narinig ang paulit-ulit na pagtawag ni Lex sa pangalan ko nang tila nawala ako sa sarili.
“Hoy, earth to Xena? Nasa 'other world' mo ka ba?” iwinagayway ni Nisha ang kamay niya sa mukha kaya natauhan ako.
“H—Ha? May sinasabi ka.”
“Natatae ka ba?” walang prenong tanong ni Nisha.
“H—Hindi no!” tumingin ako sa pangalan ko sa listahan at tumikhim,“B—Binibilang ko lang ang mga paa ng langaw na dumapo sa pangalan ko.” pagsisinungaling ko.
“Nilalangaw na pangalan mo, baliw.” tumatawang sabi ni Nisha, “Atleast, ako pangalan lang nilalangaw. Eh Ikaw? Tatlo-tatlo langaw mo oh!” nginuso ko ang blouse niya na may langaw talaga. Nagsiliparan rin ito nang hipan ko. Nilibang ko ang sarili at nakipag kulitan sa dalawa.
Umalis na kami sa harap ng bulletin board. Habang abala sa pag kukwentuhan sina Lex at Nisha, palihim kong sinusulyapan ang dalawang lalaki na nag kukuwentuhan sa harap ng bulletin board. Isa sa kanila ay Shaun ang pangalan. ‘Yong simple guy ba o ‘yong naka glasses? They look harmless. Hindi ko namalayan na nasambit ko na ang tinatanong ko sa isip ko.
“Sino sa kanila si Shaun.”
Narinig ng mga baliw ang nasambit ko kaya sa akin nanaman nakatuon ang atensyon nila, “Oy, prospect mo ba ‘yong Shaun?” mabilis na tinakpan ko ang talapindas na bibig ni Nisha, at pinandilatan ko rin siya ng mata dahil sa sinabi, “Shuta ka. Bibig mo!”
“Nagdadalaga na siya!” sinundot sundot ako ni Lex sa tagiliran kaya nabitawan ko si Nisha. Napamura ako ng mahina nang sumali rin ito sa pagsundot sa tagiliran ko.
“T—Tantanan niyo nga ako!” sita ko sakanila. Hinihingal na ako kakatawa dahil sa ginawa nila, “Hindi kami titigil pag hindi ka aamin.” sabi ni Lex.
“Nagtatanong lang naman kasi ako.” paglilinaw ko sakanila, “Nerd pala tipo mo? ‘Yong naka glasses. Siya ‘yong Shaun.” sabi ni Nisha. Tinigilan na nila ang pangingiliti sa akin at pinagpatuloy ang paglalakad.
“Ikaw ata ang may crush ‘don, Nish. Ba’t kilala mo?” balik tanong ko sakanya, “Siyempre, magaling ako mang hula!” humagalpak pa siya ng tawa na ikinalingon ng damaan.
“Gagou.” nanggigigil na sabi ko.
“Pero tama ka Nish. Shaun nga pangalan niya. Nakasama ko siya sa Math decathlon nong grade 10.” pagkokompirma ni Lex sa sinabi ni Nish.
“See? Naniniwala ka na na magaling ako manghula?” proud pa sa sarili niya si Nisha. Tumango ako sa nalaman.
He looks harmless. Hindi siya tugma sa imagination ko na mala gangster na maraming tattoo. I took a deep breath and sighed. Inaatake nanaman ako ng paranoia ko. Maraming Shaun sa mundo, Xen, kaya kumalma ka!
“Wag na nga natin siya pag usapan. Baka matisod pa ‘yong tao. Hindi ko ‘yon crush, mga malisyosa. Kapangalan lang niya si Shaun...” huminto ako at napaisip. Wala nga pala silang alam sa kasalanan nagawa ko sa taong ‘yon.
“...‘Y—Yong si P’Shon ng crazy little thing called love?” palusot ko. Pinitik ni Nisha ang daliri niya at ngumisi ng malapad.“Ay gusto ko ang movie na‘yan!” she exclaimed.
“Hindi nakakasawa. Ang gwapo ni Mario Maurer!” may pahampas hampas pa sa braso ko si Lex dala ng nararamdamang kilig, “Aray ha.” alma ko.
Nakinig lang ako sa pinag-uusapan nila. Gustohin ko mang i-share ‘yong fail prank ko, hindi ko na ginawa. Mas okay na siguro na hindi nila alam dahil paniguradong aasarin lang nila ako tungkol do’n. Mas madaling maibabaon sa limot ang isang pangyayari pag hindi na napaguusapan. Tama.
Dinala kami ng mga paa namin sa canteen kung saan ibinebenta ang favorite kong chocolate pudding. Nag order kami at umupo sa bakanteng table.
“Teka, groupie muna tayo para may ma i-my day ako.” itinaas ni Lex ang kamay niya na may hawak ng cellphone at kumuha ng picture. Ngiting-ngiti pa siya, tila satisfied sa itsura niya sa picture.
“Tag mo ko ah.” remind ni Nisha, “Of course. Kelan ko na kayo hindi iti-nag.” sagot ni Lex na nakatutuk ang mga mata sa screen ng phone niya.
Bahagyang kumunot ang noo ni Lex na tila may malaking problema,“Xen, ba’t hindi kita ma-tag?”
“Nag deactivate ako.” huli na nang mapagtanto ko ang naisagot. Nagsitigil silang dalawa sa mga ginagawa at tumitig sa’kin.
“Ano’ng tini-tingin tingin niyo? Nag deactivate ako dahil gusto ko ng—peace of mind.” nag iwas ako ng tingin at sumubo ng pudding.
“Wala. Naisip ko lang, baka may tinataguan kang tao.” nasamid ako sa sinabi ni Lex, “May utang ka nanaman ba?” dagdag tanong ni Nisha.
Dali dali akong uminom ng tubig at pinagtuturo silang dalawa,“M—Masyado niyong bini-big deal ang bagay na ganito. Walang problema at nag deactivate lang talaga ako para sa mental health ko. Masakit sa puso ang mga nakikitang kong mga masasamang balita sa social media kaya naisipan kong magpahinga muna.”
“Ahh~” tumango sila ng sabay at sabay ring sumubo ng pudding. “Pahiram ako ng cellphone mo, baliw.” inilahad ni Nisha ang palad niya’t inilagay ko roon ang hinihiram niyang phone.
“Aanhin mo?”
“Kunin ko lang ‘yong number ni Pedro.” sagot ni Nisha, “Ayie. Muling ibalik na ba kayo?” nakangising tanong ni Lex.
“Asa! May pakay lang ako sakanya. Hindi niya parin kasi isinasauli ‘yong singsing ko na hiniram niya noon.” may himig na pang gigigil na sabi ni Nisha, “It happened na nakita ko sa my day ng new girlfriend niya ‘yong sing-sing ko with a hashtag BESTBOYFRIENDEVER.”
“Oh, my gosh. Talaga?” hindi makapaniwalang sabi ni Lex, “Kapal ng mukha.” komento ko.
Pedro or Peter was Nisha’s ex-boyfriend, obviously. Naghiwalay sila dahil napakamanloloko ni Pedro. Naturingan paman din siyang kapangalan ng bantay sa langit. Gusto niya daw kasi ng babaeng nagsu-suot ng revealing clothes. Dahil hindi mahilig sa gano’n si Nish, naghanap siya ng iba. Tang’na niya kamo.
Maganda si Nisha at mas lalo ‘yang gaganda pag nag ayos. Napailing nalang ako sa naiisip at sumubo ng pudding. Napansin ko ang malalapad na ngiti ni Lex habang abala sa ka-chat niya.
“Sino nanaman ka chat mo?” nagtatakang tanong ko,“Aaron.” tipid na sagot niya at bi*lang umagik-i* na parang kinikili*.
“Bagong baby boy niya. Taga ibang school ‘yan.” kwento ni Nisha, “Ba’t ngayon ko lang ‘yan nalaman?”
“Malamang, nag deactivate ka. Topic namin yan sa group chat kagabi.” tumango ako bilang tugon sa sagot ni Nisha.
“Sa tingin mo, siya na ba ang 'the one' Lexi Park?” huminga ng malalim si Lex, inilapag ang phone at tumingin sakin bago sagutin ang tanong ko.
“Xen, boys are toys. Tandaan mo ‘yan. Walang the one.” umiling pa ito at sumubo ng pudding. Dinampot niya ulit ang cellphone niya nang tumunog ito.
“Bitter naman.” bulong ko.
Katulad ni Nisha, nabiktima rin si Lex ng isang lalaking manloloko. Partida, ang ganda na nga, niloko pa. Dahil sa trauma na gawa ng masakit na karanasan, tuluyan ng nagbago si Lex. Hindi na siya nag seseryoso sa relasyon at ayaw na niya commitment. Isang taon na rin pala ang lumipas simula no’n.
Sa mga nasaksihan ko sa buhay pag-ibig nila, natatakot na akong mag boyfriend. He-he!
“Binura mo ba ang number ng hudas na’yon?” tanong ni Nisha. Sinagot ko siya bago isubo ang huling kutsara ng pudding, “Nasa blocked list ko ang number niya. Check mo sa contact settings.” utos ko sakanya.
“Unblock ko ‘tong number ng hudas ha. Ayoko siyang i-text sa cellphone ko. Nandidiri ako. Block mo nalang siya ulit pagkatapos.” paalam ni Nisha. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Tumunog na ang bell, hudyat na mag sisimula na ang entrance ceremony. As if on cue, nagsitayo kaming lahat na nasa canteen. Iniabot ni Nisha pabalik sa’kin ang cellphone ko, “Bilis ah. Natext mo na?”
Umiling siya, “Na unblock ko na pero mamaya ko nalang i-tetext. Gusto ko muna mag focus sa entrance ceremony. Alam mo na, first day of school. Maraming bago. I don’t want to miss the new faces, lalo na ‘yong mga cute at gwapo!” Nisha said excitedly.
Isinilid ko sa bulsa ng palda ang cellphone at tumakbo ako palabas ng canteen para habulin ang dalawa na iniwan na pala ako. Muntik pa ako madapa—Buset!
Lakad-takbo ang ginawa ko para maabutan sila. Gusto ko silang unahan sa gym, kaya para magtagumpay sa binabalak, lumiko ako sa bahagi ng school na walang masyadong dumadaan. Walang traffic kaya pwedi ako tumakbo ng mabilis. Yumuko ako saglit para ayosin ang lock ng sapatos ko. Natigilan ako sa ginagawa nang maramdaman kong may nakamasid sa’kin.
Iginala ko ang mga mata ko sa paligid, wala namang tao. Pero di ko namalayan ang taong nakatayo sa likoran ko. Gano’n nalang ang panlalaki ng mata ko nang may kamay na dumapo sa balikat ko.
“Saan ka pupunta?”
***
SECTION Newton. ‘Yan ang pangalan ng section namin ngayong taon. Hindi pa rin ako makapaniwala na ka klase ko na ang mga sinto-sinto kong kaibigan. Hindi nga lang kami magkakatabi ng upuan dahil may seatplan na palang hinanda ang adviser namin.Kasalukuyang nasa harapan si Lex at nagpakilala sa buong klase. Nang matapos, bumalik siya sa upuan niya na animo’y model na rumarampa sa runway.Pinunasan ko ang mangilan-ngilan na luha na lumabas sa mata ko gawa ng paghikab. Tumingin ako sa bakanteng upuan sa kaliwa ko. Maganda ang pwesto dahil malapit sa bintana. Gustohin ko mang lumipat, hindi pwedi dahil may naka assign na sa seat na ‘yan.Nakapangalumbabang pinagmasdan ko ang mga ulap sa kalangitan—ang ganda ng panahon. Naalala ko ang nangyari kanina sa shortcut na dinaanan ko. Muntik pa akong mapatili, buti nalang nakilala ko siya agad. Student council member lang pala na nag ro-roving sa campus. Shuta. Akala ko &lsqu
MAKAILANG beses akong napamura sa isip ko. Everything seems so surreal. Nasa panaginip pa rin ba ako o di kaya’y nasa other world? Nababaliw na ba ako? Bakit sa dinamirami ng lalaki sa mundo, siya pa talaga ang lalaking ‘yon, at sa laki ng mundo, dito pa talaga sila sa school namin napadpad. A real definition of sinuwerte na minalas!Hindi ko alam pero bigla nalang napuno ang pantog ng wala sa oras nang malaman kong ang pangalan ng nialalang na ‘yon ay Shaun. Yes, siya si SHAUN!Nagpapasalamat na rin ako na tinawag ako ng kalikasan dahil nagkaroon ako ng rason para matakasan ang mga bagong salta. Hindi rin kasi ako sigurado kung pa’no ko sila haharapin! Kanina pa ako nagtatago rito—sa isa sa mga CR ng Armani, pero hanggang ngayon, wala akong maisip na maayos kung papa’no at ano ang gagawin ko ngayong iisa na ang mundo namin ng taong ‘yon.Napapitlag ako nang nagpatay-sindi ulit ang ilaw na dinaig pa ang
Chapter 4TRAPPED. Nakapamulsang nakatayo ang nilalang sa harap ko na may mga matang sinlamig ng north pole kung makatitig. He wore a blank face—aakalain mo’ng wala siyang pake. But I would prefer a face na may emosyon kaysa sa ganito na hindi mo alam kung galit ba o handa nang pumatay. Walang warning!Hindi ko inalis ang mga mata ko sakanya. Binantayan ko ang bawat galaw niya at hinanda ang sarili sa mga posibleng mangyari. Malay mo, baka yakapin ako nito sa leeg ng mahigpit. Tigok!Tumikhim rin ako, sinisigurong kaya ko pang sumigaw ng malakas kung sakali. Napapitlag ako at mas napapidpid ng humakbang siya, “D—D’yan ka lang. S—Sisigaw ako!” banta ko.Huminto siya mga dalawang ruler ang layo mula sa akin. He bended his knees. Nakatalungko siya sa harap ko, giving me a better view of his unbelievably flawless look. His mild musky masculine scent was calming. Jusmio, ang bango niya.Umangat ng is
MATAPOS bitawan ni Shaun ang mga malalamig na salita, tinalikuran niya ako at iniwan sa tatlo pa niyang kasama. Bumuga ako ng hangin para ilabas man lang ang inis na nararamdaman.“Buti nga sa’yo. Deserve mo ‘yan. Napaka gaspang kasi ng ugali mo. Gwapo lang ang meron ka, oy. Siguro narealize na ng babae na minalas siya sa’yo.” parinig ko. Nilakasan ko ‘yon para marinig ni Shaun, but he didn’t say a word. Sinundan ko siya ng masamang tinging hanggang sa makalabas na siya at mawala sa paningin ko.“He’s unbelievable. Malaki ang problem ng lalaking ‘yon.” mahinang sabi ko. My thoughts were interrupted nang marinig ang usapan ng tatlong lalaki na kasama ko sa loob. Sumusulyap pa ito sa direksyon ko. I arched my eyebrows at them. Hindi ko ibinaba iyon hangga’t hindi sila lumilingon.Nakuha ko rin ang atensyon nila sa wakas matapos ang ilang segundo, “MAY SALTIK SA UTAK KAIBIGAN NIYO!&
HINDI ko alam kung ano na ang itsura ko ngayon pero sigurado ako na sobrang gulo na ng buhok ko. Kakapumiglas ko kanina, ito napala ko. Sinuklay ko ang buhok ko sa may parteng nabuhol gamit ang daliri ko. Palihim kong sinulyapan ang katabi ko na tila x-ray ang mga mata na iginagala sa paligid. Maganda ang mga mata niya na may pagkaarogante at suplado. Maiintimidate ka sa genius straightface look niya. Pero kahit gano’n, sobrang lakas ng karisma niya na kahit ang lady guard do’n sa entrance, panay sulyap parin sakanya. Pati mga dumadaan sa harap namin, napapalingon sakanya. He's a head turner. Bali leeg. Bakas sa mga mata ng kababaihan na dumadaan ang inggit—siyempre, akala siguro nila na may something kami ng isang ‘to. Yeah. Yeah. Lucky unlucky me. Sa totoo lang, gustong-gusto ko nang takasan ang h1nayupak na’to. Panis na ata ang laway ko dahil mag-iisang oras na akong hindi nagsasalita. Hindi niya ako kinausap. Ganito lang kami mula kanina. Parang namamalimus
KINALABIT ko siya para kausapin tungkol sa message na ibinibintang niya sa’kin. Hindi ko tinigilan hangga’t hindi siya lumilingon. Matapos ang sampung sunod-sunod kong kalabit, sa wakas lumingon narin siya na may kasamang nakakamatay na tingin.“Ano nanaman?!” annoyed na tanong niya. Itinaas ko ang dalawang palad ko, “Relax. Masyado kang highblood. Kalma. May itatanong lang ako.” mahinahing sagot ko.“What?” ulit niya pero sa pagkakataong ‘yon, malumanay na. Madali naman pala kausap. Tch.“Tungkol sa text na ipinadidiinan mo na sinend ko no’ng araw na ’yon...” I raised both of my hands and gestured as if making a quote sign, “...na nakapagpalala ng sitwasyon.” dagdag ko habang sumusulat parin ng quote symbol sa hangin.He responded with a straightface, uninterested sa binanggit ko. Nag iwas siya ng tingin at ipinagpatuloy ang paghahanap sa ex-girl
Chapter 8NATALO ako sa tag of war namin at matagumpay niya akong nahatakan papunta sa kinatatayuan ng ex-girlfriend niya. Malapitan na tuloy naming nasaksihan ang paghaharutan nila. Hindi man lang nila kami napansin. Hindi ako bitter, pero to be honest, ako ang nahihiya sa harutang ginagawa nila. Cringey!Kung masaya silang dalawa, itong katabi ko, mukhang manununtok na. Palihim akong napabuntong hininga nang makaramdam ng kunting awa sakanya. Akala ko, pangit lang ang iniiwan. Kung tutuosin, mas lamang sa kagwapohan si Shaun kaysa bago ni girl. Siguro, pasado sa langit ang ugali ng bago, kaysa dito sa katabi ko.“Move on ka nalang...move on to me.” mahinang bulong ko. Ako lang din ang tumawa sa pinagsasabi ko. Napahinto ako sa pagtawa nang makitang may inilabas ang lalaki na maliit na box na may logo ng mamahalin na jewelry brand. Palihim akong namangha nang makita ang laman nito. Isang mamahaling gold necklace!Nasurpresa naman
HINDI parin humuhupa ang issue tungkol sa pagdukot ng mga gwapong h1nayupak kahapon, at kitang-kita ko sa mga mata ng mga students na nakakasalubong ko habang naglalakad patungo sa room namin ang ang katunangan kung bakit ako at hindi sila ang dinukot—charot lang. Pero seryoso, umagang-umaga, na ba-badtrip ako sa mga tingin nila. May nahuli pa ako na pinag-uusapan ako. Hindi ako sikat at hindi nga ata alam ng Armani High ang existence ko, but I got an instant fame nang dahil sa nangyari kahapon.Pag may nahuhuli akong nakatingin sa’kin, agad ko pinanliitan o di kaya’y pinandidilatan ng mata, “Bukas, magdadala na talaga ako ng jolen. Ibabato ko isa-isa sa makikita kong titingin sa’kin.” bulong ko sa sarili.Naikwento ko na kay Lex at Nisha ang totoong nangyari kahapon, mula sa pagtakas ko sa klase hanggang sa airport moment. Proud sila sa pagiging palaban ko pero pinagtawanan naman nila ako sa part na sinabuyan ako ng inum
Chapter 16BUTI nalang talaga to the rescue si Glen nong gabing ‘yon kundi naging piniping Xena talaga ako o di kaya’y pinaglalamayan na panigurado. Childish man ang ginawa ko, deserve niya ‘yon. Hindi ko siya uurungan!Mula ng mangyari ang incident na ‘yon sa café, hindi na ako tinantanan ng mga baliw sa pang-aasar. Kaya daw lumapit si Shaun sa counter ay dahil daw nagselos sa hottie barista. Jusmio, kung alam lang nila ang mga sinabi ni Shaun ng gabing ‘yon. Ayoko maalala. Napahiya ako e!Nag-unat ako bago bumangon sa kama. Sa wakas at biyernes na. Sa kagustohan kong matapos na ang weekdays para makapag day off naman ako sa mga utos ni Shaun, tila nang aasar naman ang oras at bumagal ang takbo.Lumapit ako sa salamin at pinagmasdan ang kawawang kong face. “O my gash,what happened to you eyes? Kawawa ka naman.” may namumuong masamang panahon sa ilalim ng mata ko plus may eyebags pa. Kasalanan talaga to ng hari ng mga h1nayups nayon.Late na kasi akong nakakauwi araw-araw. Shift ko ka
Chapter 15NAGPUMIGLAS ako pero ang siraulo, ayaw talaga akong bitawan. Ngumisi pa ito ng nakakaloko. Nasa ilalim lang ng mga kamay namin ang mga drinks nila Shaun. Makawala lang ako dito, isasaboy ko ‘to sakanya!Huminga ako ng malalim at sinamaan siya ng tingin. Mukhang kailangan ko na gamitin ang vocal chords ko para makahingi ng tulong. Sinubukan kong alisin ang kamay ko sabay banta, “Bitiwan mo po ako while I’m being nice. Kapag sumigaw ako, paniguradong wala ka ng traba—”May mga mabilis na kamay ang walang pasabing tumulong sa akin para makaalis mula sa pagkakahawak ng malanding barista. Hindi ko inasahan ‘yon. Pero laking pasasalamat ko na dumating si Shaun.He didn’t say any word. Hindi niya rin ako binalingan ng tingin. Dinampot niya lang ang mga inumin pero bago siya tumalikod, isang mapagbanta at malamig na tingin ang ibinigay niya sa barista.Sige, Shaun. Saksakin mo siya ng mala stalactites mong titig!Ramdam ko ang tibok ng puso ko dahil sa nangyari. Buset na barista. L
Chapter 14LAHAT ata ng mata sa café nasa kanila. Malalaki o mababae. Kung sila titig na titig, kasalungat naman ang ginawa ko. Tumikhim ako, yumuko at pasimpleng uminom ng inumin ko.“T—Tara na?” pabulong na aya ko sa mga baliw na katulad ng iba’y nakatingin sa apat. Kinalabit ko silang dalawa, “Araw araw niyo ‘yang nakikita sa school. Hindi ba kayo nag sasawa?” dagdag ko.“Nope.” sabay nilang sagot. I rolled my eyes heavenwards.Sa totoo lang, hindi naman talaga sila nakakasawa. I totally agree with the baliws. Kung wala lang talaga akong atraso kay Shaun, sinutsutan ko na ‘yan—nyaha!“Hay,nakakaproud talaga na classmate natin sila.” nakapangalumbaba na sabi ni Lex na tila nag de-daydream.“Mas nakakaproud kung magkakatuloyan si Xena at Shaun. Ship ko sila.” dagdag naman ni Nisha kaya nasamid ako sa iniinom ko.“Hoy,manahimik ka nga! Bibig neto.” sita ko sakanya.Humagikhik si Nisha na parang timang. At dahil medyo may kalakasan ang tawa niya, nakuha niya ang atensyon ng mga h1nayu
Chapter 13IMBES nag re-relax lang sa kwarto dahil week end, andito ako sa labas at nakikipagsapalaran. Naghahanap ako ng trabaho para mabayaran ang cellphone ni Shaun the h1nayups. Gusto ko sana na isumbat sakanya 'yong binayad ko sa taxi no'ng araw na iniwan niya ako sa airport, para naman kahit papano'y makunan ng kunti ang tumatangingting na otsenta mil na 'yon. Alam ko na barya lang 'yong pero sabi nga nila, every barya counts! Pero kahit naman gawin ko 'yon, malaki parin ang kulang~Help me, Lord!Bagsak balikad na nagpatuloy ako sa paglalakad habang naghahanap ng mapapasukan. Until now, hindi parin ako makapaniwala na nangyayari sa'kin 'to. Dinaig pa ng isang cliche w@ttpad story ang buhay ko kung saan kapag may kasalanan ka, agad ka nilang ginagawang alila. Buset na h1nayupak!"ONE TASK IS EQUALS TO ONE PESO." 'Yan ang mga exact words mula sa bibig niya. Sa bawat utos, isang pisong bawas LANG sa otsenta mil. Kumusta naman po 'yon?! Hindi ako magaling sa math pero sa cal
Chapter 12KAGAT-kagat ang kukong paulit-ulit kong pinindot ang refresh F5 sa keyboard ng laptop, nananalangin na sanay mag-iba ang mga numerong nakikita ko sa screen. Nakakapanghina dahil hindi ito nagbago. Nagkanda buhol buhol na ata ang mga internals ko kaba, at tila iniwanan ako ng utak ko dahil wala akong maisip na solusyon! Basta ang alam ko, I’m so freaking triple, triple dead meat sa h1nayupak na’yon.Naiiyak ako sa mga numerong nakikita! Putrag1s.“H-Hindi naman reliable ang site na‘yan. Kalokokohan. Cellphone? Ganyan kamahal?! Try...try na'tin sa shopee baka mas mura.” balisang sabi ko.“Iphone naman kasi ang tinutukoy nating cellphone, baliw.” itinaas ni Nisha ang mga kamay at gumuhit ng quote sign sa hangin gamit ang mga daliri.“Baliw, iphone site na ‘yan baliw. Wag kang baliw. ‘Yan ang latest prices ng mga gadgets nila.” natatawang sagot ni Lex.“How to uns
Chapter 11LAHAT ng kaklase ko’y natahimik, at natigilan sa mga ginagawa nang makita akong pumasok ng classroom. Sobrang kaakit-akit ko kasi sa araw na’to—charot lang. Pero seryoso, awang-awa ang mga mata nilang nakatuon sa akin. Inulan rin nila ako ng mga tanong. Kesyo napa’no raw ako, bakit ganito itsura ko.“Mahabang istorya, guys. Wag kayo mag-alala. Okay lang ako.” malumanay na sagot ko sa kanila.“Hoy, Xenica. Dapat umabsent ka nalang.” worried na suhestyon ng class president namin na awang-awa sa itsura ko, “A—Ayos lang talaga ako, pres.”Hindi ko na pinansin ang ibang tanong ng mga kaklase kong usyosero’t usyusera. Tinungo ko na ang upuan ko. Huminto muna ako saglit para tingnan ang pwesto ng hari ng mga h1nayupak na nakakapagtakang bakante kahit malapit na ang oras ng klase. Mas nauuna kasi ‘yon sa’kin parati.Muli akong humakbang sa patungo sa upuan ko, at
NAKATUON ang mga mata ko sa chocolate pudding na nakalagay sa platito na binili ko mula sa canteen. Ingat na ingat ako kada hakbang para lang hindi mapano ang pinakapaborito kong pudding. Nag-wiwiggle pa ito na tila sumasayaw sa tuwa. Sarap sundutin.Dahil nasa hawak-hawak ko ang aking mata, hindi ko napansin ang mga delubyo—este grupo ng kalalakihan na makakasalubong ko. Kampante ako na kahit hindi ako nakatingin sa daan, madadala ko ng maayos ang pudding sa tambayan namin ng mga baliw.But I was wrong. Nakalimutan ko na may tao nga palang kulang sa aruga na ipinanganak lang sa mundo para inisin ako. Napasinghap, at napapigil hininga ako habang sinundan ng tingin ang dumulas na chocolate pudding mula sa platito nang sagiin ako sa balikat ng anak ni hud@s. Nakaawang ang mga labi ko, at naiiyak sa kalunos-lunos na sinapit ng pudding ko. Nasa sahig na ito at nahati pa sa tatlo.“Watch where you’re going, fruitcake. Bulag ka ba?”
HINDI parin humuhupa ang issue tungkol sa pagdukot ng mga gwapong h1nayupak kahapon, at kitang-kita ko sa mga mata ng mga students na nakakasalubong ko habang naglalakad patungo sa room namin ang ang katunangan kung bakit ako at hindi sila ang dinukot—charot lang. Pero seryoso, umagang-umaga, na ba-badtrip ako sa mga tingin nila. May nahuli pa ako na pinag-uusapan ako. Hindi ako sikat at hindi nga ata alam ng Armani High ang existence ko, but I got an instant fame nang dahil sa nangyari kahapon.Pag may nahuhuli akong nakatingin sa’kin, agad ko pinanliitan o di kaya’y pinandidilatan ng mata, “Bukas, magdadala na talaga ako ng jolen. Ibabato ko isa-isa sa makikita kong titingin sa’kin.” bulong ko sa sarili.Naikwento ko na kay Lex at Nisha ang totoong nangyari kahapon, mula sa pagtakas ko sa klase hanggang sa airport moment. Proud sila sa pagiging palaban ko pero pinagtawanan naman nila ako sa part na sinabuyan ako ng inum
Chapter 8NATALO ako sa tag of war namin at matagumpay niya akong nahatakan papunta sa kinatatayuan ng ex-girlfriend niya. Malapitan na tuloy naming nasaksihan ang paghaharutan nila. Hindi man lang nila kami napansin. Hindi ako bitter, pero to be honest, ako ang nahihiya sa harutang ginagawa nila. Cringey!Kung masaya silang dalawa, itong katabi ko, mukhang manununtok na. Palihim akong napabuntong hininga nang makaramdam ng kunting awa sakanya. Akala ko, pangit lang ang iniiwan. Kung tutuosin, mas lamang sa kagwapohan si Shaun kaysa bago ni girl. Siguro, pasado sa langit ang ugali ng bago, kaysa dito sa katabi ko.“Move on ka nalang...move on to me.” mahinang bulong ko. Ako lang din ang tumawa sa pinagsasabi ko. Napahinto ako sa pagtawa nang makitang may inilabas ang lalaki na maliit na box na may logo ng mamahalin na jewelry brand. Palihim akong namangha nang makita ang laman nito. Isang mamahaling gold necklace!Nasurpresa naman