Lance Mcneil's POV
Magpakatatag. Iyan ang best formula sa lahat ng problema sa life.
Lumipas ang isang buwan pero nanatiling comatose si Stacey. Gaya nang nakagawian ay araw-araw ko pa rin siyang binibisita.
Nakakapagod ang araw-araw na matapos akong pumasok sa trabaho ay didiretso na ako sa hospital.
Kinakaya naman.
Pilit kinakaya dahil mahal ko siya.
Ang struggle lang, hindi ako makapag-focus sa trabaho dahil siya ang laman ng isip ko.
Gusto ko sanang lagi siyang nakikita pero hindi ko naman pwedeng dahil sa hospital ang trabaho ko.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng inuukopa niyang silid.
"You're, Hijo." Bahagyang ngumiti sa'kin si Tito Richardo.Halos nakasalubong kami sa pintuan ng hospital room.
"I want to pay a visit to your daughter, sir."Binuksan nito ang pintuan ng hospital room ni Stacey at magkasunod kaming pumasok sa loob. Na
Lance's POV "Lance, Hijo. Gising na. "Naramdaman ko ang magaang pagtapik sa balikat ko. "Nakatulog ka na diyan." Tuluyan nang nagising ang diwa ko.Napakusot ako ng mata ko bago igala ang paningin ko. Tumigil iyon sa maputing babae na hugis puso ang mukha. Maliwanag ang mukha nito dahil tila nagniningning ang mga mata nito. Tila lalong lumiwanag iyon dahil nakatali ang lahat ng buhok niya."Mom, you're here." Tumayo ako at h*****k sa pisngi niya.Magaan niya akong niyakap."Nandito ako para bisitahin si Stacey at para na rin makita ka. Paano ba naman, ilang buwan ka nang hindi umuuwi." Pinisil niya ako sa balikat at masuyong tinitigan sa mata. "Dalaw ka naman minsan, Hijo. Miss ka na namin."Matapos kasi akong makabili ng tatlong palapag na bahay sa isang private subdivision, nakiusap ako sa magulang ni Stacey na ilipat doon si Stacey. Nag-hire ako ng tatlong doctor na magsasalit-salitan at tatlong nurse na mag-a-
Stacey's POV"Sweetie, hintayin mo ako. Mawawala ako ng ilang araw." Tila boses iyon ng anghel sa aking pandinig. Malumanay at tila sinsero."Sandali lang ako doon, sweetie. Babalikan din kita."Kaninong boses ba iyon? Napakaganda sa pandinig ko, tila musikang nagpapakalma sa isip ko.Sino ba siya? Hindi ko siya makita. Madilim. Pawang kadiliman ang naghahari sa paligid.Para akong naliligaw. Hindi ko alam kung nasaan ako.May narinig pa akong sinabi niya pero parang wala na akong naintindihan. Ngunit malinaw kong narinig ang sumunod niyang sinabi."Gumising ka na kasi para maisama kita."May mga sinabi pa siya ulit pero parang hindi ko na ma-proseso. Para akong nalunod sa dilim.Tok! Tok! Tok!Narinig ko iyon. May kumatok sa pintuan."Sir, aalis na po tayo." Pakinabagong tinig ng lalaki ang narinig ko."Oo. Saglit na lang 'to."Pamilyar ang boses niya. Hindi ko la
Lance Mcneil's POV Gising na raw si Stacey. Nataggap ko ang magandang balita, dalawang oras pagkarating namin sa Japan. I cancelled the meeting with the very important investor.At muli akong nagpa-book ng flight pabalik.Bahala na kung anong mangyari. Nagpaiwan naman si Sam upang personal na humingi ng tawad sa kanila. Kahit kailan ay hindi ako magsisisi na mas pinili ko siya kaysa sa trabaho. Well, lagi namang siya ang pipiliin ko.Compared sa kahit sinuman o anuman, walang alinlangan na siya ang pipiliin ko.Dahil totoong mahal ko siya, mahal na mahal. Kahit pa nanunuhod, naninipa at nagpapadugo ng ilong, ayos lang. Kahit maging bathered na ako sa kanya basta ang importante nakikita ko siyang may malay tao. At kung kailan nagmamadali akong umuwi, tila naman kaybagal ng oras.Kung pwede ko lang hilain ang oras makarating lang agad, kanina ko pa sana gi
Lance Mcneil's POVNagpakawala ako ng buntong-hininga.Sobrang excited akong umuwi pero pag uwi ko, ito pala ang madadatnan ko.Ito na yata 'yong tinatawag na expectation versus reality.Ni sa hinagap ay 'di ko inakalang mangyayari ito. Sobra akong nadurog sa nasaksihan ko. Hindi lang iyon, masakit din na ang alam ni Stacey ay asawa niya si Kuya.Bakit asawa agad? Bakit hindi na lang fiancé muna?Bakit gano'n? Ang infair naman.Ako? Ano kayang naaalala niya sa'kin? Naalala ba niyang tinuhod niya ako, sinipa at pinadugo ang ilong?Hindi ba niya naaalala na naghalikan kami at umabot pa sa kama?Pero kahit nasasaktan ako, ang pinagpapasalamat ko lang ay gising na siya mula sa pagkaka-comatose.Kahit papaano ay mas panatag na ako ngayon."Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Tila bumalik ako sa realidad dahil sa boses ni Daddy."Ok
Lance Mcneil's POV "May bigla akong naalala." Lumakas ang tibok ng puso ko. Tila nanuyo rin ang lalamunan ko. Maya-maya pa ay gumuhit ang gitla sa noo ni Stacey. "Sabihin mo nga sa'kin kung bakit ka nandito?" I cleared my throat. "Just checking you." "Really?" Pinaningkitan niya ako ng tingin. "Hindi dahil sa utang ko?" Kung naaalala niya 'yong fifty million, ibig sabihin, mayroon siyang naaalala sa'kin Bigla tuloy akong naging interesado. Mabilis akong lumapit sa kanya. "Tell me, anong naaalala mo sa'kin?" Umarko ang kilay niya sa'kin. "If you want to talk to me, buksan mo muna 'yong ibang ilaw." Awtomatiko naman akong napatingin sa kisame. Anong problema sa ilaw? Ayos lang naman 'yong liwanag nito. Hindi naman madilim. Nakikita naman namin ang isa't-isa. Sakto lang dahil hindi rin naman masyadong maliwanag. "Gusto ko
Lance Mcneil's POV"I have an offer to make."Awtomatiko akong nag-angat ng tingin. Hindi ko rin naitago ang pagguhit ng gitla sa noo ko."Ibawas mo na lang sa utang ko," sunod niyang saad.Napaayos ako ng upo."Hindi mo ba naaalala, bayad ka na sa utang mo?"Pero para sa'kin walang katumbas na halaga ang namagitan sa'min. Hindi iyon bayad sa pagkakautang. It's love making."Saka lugi yata ako diyan. Ikaw itong may offer tapos ako pa ang magbabayad?" Sunod kong biro sa kanya.Wish ko lang, bumalik na ang alaala niya para maipagpatuloy na namin ang nasimulan namin.Napanguso ito."Sige, ilista mo na lang 'to na bago kong utang."Gumuhit ang pilyong ngiti sa labi ko."Anong kapalit?"Mahina siyang tumikhim bago nagsalita."Stay with me until morning."Napakurap ako. Tama ba ang naririnig ko? She wants me to stay with her?Gusto niy
Lance Mcneil's POV"Where are you, Stacey?"Pumasok ako sa loob ng kwarto ngunit hindi ko siya nakita sa kama. Wala na roon ang oxygen tank. Wala na rin ang heart rate monitor. Maayos ang kama na tila bagong palit ang bedsheet. Wala ring kahit anong gusot na palatandaang walang gumagamit dito."Stacey." tawag ka sa kanya.Tinungo ko ang bathroom ngunit walang bakas na naroon siya.Kumabog ang dibdib ko.Sunod kong tinungo ang walk-in closet ngunit wala rin siya roon."Stacey? Where are you, sweetie?"Lakad-takbo akong lumabas ng kwarto niya.Mabilis kong tinungo ang katabing kwarto at binuksan iyon kaso hindi ko rin siya nakita roon.Nasaan na ba siya?Nagpatuloy ako sa paghahanap. Lahat ng kwarto binuksan ko pero hindi ko siya mahanap."Oh, sir Lance. Nakauwi ka na pala, sir." Tila nagulat ang katulong na makita ako. May hawak i
Lance Mcneil's POV"Lance!"Napalingon ako sa pagtawag ni Stacey.Matamis ang ngiti nito at nagniningning ang kanyang mga mata.Malayong mas masigla at tila mas malakas na ang lagay niya ngayon. Tila bumabalik na rin ang dating kulay ng balat nito.Kasalukuyan siyang nakahawak sa walker. Nasa malapit lang naman si Kuya Zach para alalayan siya."You're here." Hindi nawala ang kanyang ngiti.Sinuklian ko naman siya ng tipid na ngiti."Kailan ka pa dumating?""Kararating ko lang.""She's on her therapy session." Singit ni Kuya Zach.Kaya naman napunta ang tingin ko kay Kuya. Hindi naman siya tunog galit. Gaya ng dati wala akong mabasang emosyon sa mukha niya."Can I assist her today, Kuya?" Lakas-loob kong tanong.Ilang sandali akong pinakatitigan ni Kuya bago niya ibalik ang tingin kay Stacey na nakatingin naman sa'kin."Sure." Walang ka