Share

Kabanata 796

Author: GU Family's Little Bamboo
Walang hintong dumaan ang sasakyan sa kanyang harapan.

‘Normal lamang ito, hindi ba? Hiwalay na kami, at simula ngayon, maghihiwalay na kami ng landas at wala nang pakialaman sa isa’t-isa!’ bulong ni Ling Yiran sa kanyang sarili.

“Yiran, anong problema? Ano ang tinitingnan mo riyan?” muling umalingawngaw ang tinig ni Guo Xinli sa kanyang mga tainga.

Bumitiw ng titig si Ling Yiran at muling sumulyap kay Guo Xinli, at sinabi, “Wala. May kailangan pa akong gawin, kaya alis na ako!”

“Sandali! Ihahatid na kita sa pupuntahan mo. Nandiyan lang sa tabi ang sasakyan ko,” nagmamadaling sinabi ni Guo Xinli.

“Hindi na, salamat. Magbu-bus na lang ako. Mas madali kasi ‘yon.”

“Mabuti...” nag-alangan pa siya ng ilang sandali, pagkatapos ay nilabas niya ang business card sa kanyang bulsa at nilahad ito kay Ling Yiran. “Ito ang business card ko, nandiyan nakalagay ang kontak ko at kasalukuyang address kung saan ako nagttrabaho ngayon. Pwede kang pumunta sa akin kung kailangan mo ng kahit anong
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 797

    Tumingin si Gao Congming sa kanyang tahimik na boss sa loob ng sasakyan. Nagbibigay siya ng isang malamig na aura, sobra kaya’t mukhang mas bumaba pa ang temperatura ng sasakyan. Dumiretso ang sasakyan sa gusali ng kompanya, at lumabas si Yi Jinli sa kotse. May lumayo bigla mula sa gilid at sinubukang magmadali patungo kay Yi Jinli. Pero, sa sumunod na sandali, ang mga sekyu sa bungad ng gusali ay madaling nasupil ang lalaki. Siya ay halos trenta anyos na lalaki, nakasuot siya ng ordinaryong damit. Matapos siyang mawalan ng lakas, sumigaw siya kay Yi Jinli, “Ikaw ‘yon, hindi ba? Narinig ko na ikaw ang nag-blacklist sa diyosang Yimeng namin! Sino ka para i-blacklist siya? Ano bang ginawa niya sa’yo? Diba ay kapatid siya ng dating fiancée mo?”Ito ay parang kumukuha siya ng hustisya para sa diyosa sa kanyang puso at gustong makipag-away kay Yi Jinli!Sikretong natakot si Gao Congming habang nakikinig. Si Ling Yiran ay may kinalaman sa pag-blacklist kay Hao Yimeng. Ngayon na nag

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 798

    Gayunpaman, hindi inaasahang tumigil si Yi Jinli. Napanganga si Gao Congming. ‘Sobra bang nakatulong... ang sinabi ko?’Pero, yumuko lang si Yi Jinli at tiningnan ang mga kamay niya na may bahid ng dugo. Naalala niya si Ling Yiran na sinasabing maganda at malinis ang kanyang mga kamay. ‘Ito lang ay... hindi niya alam kung ilang dugo at ilang kadiliman ng mundo ang bumalot sa aking mga kamay.’“Oo, madudumihan nito ang mga kamay ko...” bulong ni Yi Jinli. “Young Master Yi, ang mga kamay mo...” agad agad na nilahad ni Gao Congming ang malinis na panyo. Kinuha ni Yi Jinli ang panyo at pinunasan ang dugo sa kanyang mga kamay. Tapos, ‘tila parang wala na siyang pakialam sa lalaking nakahandusay sa lupa, dire-diretso niya itong nilagpasan at pumunta sa gusali. Mabilis na nagbigay ng ilang utos si Gao Congming at lumakad din papunta sa gusali. Ang mga nakakita sa eksena ay hindi mapigilang manlamig. Sino ang mag-aakala na si Young Master Yi, na karaniwang malamig at marangal,

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 799

    Ngayon na nabaliktad niya ang kanyang kaso, maari na niyang ipagpatuloy ang pagsasanay bilang isang abogado. Pero, alam niya kung gaano kahirap para sa kanya na ipagpatuloy ang karera niya bilang isang abogado. Kahit na napatunayan ng batas na wala siyang kasalanan, ang kanyang pagkakulong ay mananatili pa ring hindi nakikitang balakid sa kanya. Sa lahat ng iyon, ilang kliyente kaya ang maniniwala sa kakayahan ng isang abogado na maaring maligtas ang kanyang sarili sa hindi makatarungang pagkakulong sa loob ng tatlong taon? Tulad na lamang sa mga oras na ito, nagpasa siya ng napakaraming resume sa internet, pero sa huli, ang law firm lamang na ito ang tumawag sa kanya ngayon para sa isang interview. ‘Kailangan ko pa ring ibigay ang lahat ng makakaya ko kahit anong mangyari!’ sabi ni Ling Yiran sa kanyang sarili. Tsaka, matagal na niyang pangarap ang maging abogado, at pinagsusumikapan niya ito buong magdamag. Nang naglakad siya ng pasilyo, sinabi ni Ling Yiran sa tanggapan, “

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 800

    Sumigla ang mga mata ni Guan Lili at agad siyang nasabik. Nang lumabas si Ling Yiran mula sa isang interview, naaninag niya si Guan Lili sa unahan. “Yiran, bakit ka nandito para sa isang interview? Alam ba ito ng boyfriend mo? Kung gusto mong maging abogado ulit, kayang ibigay ng boyfriend mo ang isang law firm para sa’yo sa isang pitik lang, hindi ba?” sabi ni Guan Lili nang may pekeng ngiti. Ang kasamahan na nasa tabi niya ay nabigla matapos marinig ang mga sinabi ni Guan Lili. Tumingin siya kay Ling Yiran ay sinabi, “Lili, pinagloloko mo ba ako? Basta basta na lang maibibigay ng boyfriend niya ang isang law firm sa kanya?”“Bakit kita lolokohin tungkol dito?” bukal sa loob na nilinaw ito ni Guan Lili, “Ang boyfriend niya ay si Yi Jinli. Madali lang para kay Yi Jinli na bigyan siya ng isang law firm sa siyudad ng Shen.”Gayunpaman, nang sinabi niya ito, nagbigay lang ito ng katatawanan sa mga tao sa kanyang paligid. “Lili, sigurado ka ba? Boyfriend niya si Yi Jinli?”“Kahi

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 801

    Mukhang gusto pa rin ng babaeng iyon sumali sa industriya sa pamamagitan ng prinsipe! Marami ang nagsasabi na kahit siya ay isang kinahig na baboy, basta ay bukal sa kalooban ng prinsipe na tulungan siya, kaya niya maging batikan na artista.‘Kung titingnan mo si Ling Yiran, malamang ay nakalimutan na ni Gu Lichen ang tungkol sa kanya!’Hindi mapigilan ni Guan Lili na matawa habang iniisip ang mga ito. Gusto niyang makita kung gaano kayabang si Ling Yiran nang wala sina Yi Jinli at Gu Lichen!...Sa isang hotel’s presidential suite, pinandilatan ni Zhuo Qianyun si Ye Wenming na nakaupo sa isang sofa na hindi kalayuan kasama ang laptop sa kanyang kandungan. Gumagawa siya ng ilang huling minuto na trabaho. Hinawakan siya nito mula pa kagabi.Kung magpapatuloy pa ito, didilim muli sa lalong madaling panahon.Ayon sa kasalukuyang sitwasyon, walang nakakaalam hangga’t sa tinago siya ni Ye Wenming dito. Tulad nang sa maliit na restaurant, kailangan niyang tawagan ang mga empleyado

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 802

    Walang alinlangan na kaakit-akit si Ye Wenming sa mga babae!Iniisip ni Zhuo Qianyun ang oras nang gusto niyang uminom mula sa bote ng mineral na tubig na ininuman ni Ye Wenming. Kung titingnan mabuti, ito ay isang hindi direktang halik. Ngayon na iniisip niya ang tugkol dito, mas lalo siyang nawalan ng imik. Humugot siya ng malalim na hininga, at sinabi, “Ye Wenming, alam ko na alam mong wala kang karapatan na itago ako rito. Malaya na akong babae ngayon.” “Malaya?” Humalakhak si Ye Wenming. “Kung ganoon ay magkano kaya sa tingin mo ang gugulin ko upang hindi ka makalaya?”Halos tunog pagbabanta ito!Bumagsak ang kanyang puso, alam niyang sinasabi ni Ye Wenming ito sa kanya dahil may kakayahan siyang kontrolin ang kalayaan niya at kaya niya ring hanapan siya ng ibang rason para ipadala ulit siya sa bilangguan kung gugustuhin niya!Sa pag-iisip niya ng kanyang oras sa bilangguan, hindi mapigilan ni Zhuo Qianyun ang konting panginginig ng kanyang katawan. Ang mukha niya ay pap

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 803

    ‘Masyado niyang pinoprotektahan si Kong Ziyin. Iniisip niya rin ang tungkol sa sanggol para sa kapakanan ni Kong Ziyin, pero...’ “Sinabi mo na may utang akong buhay sayo at kay Kong Ziyin, hindi ba?” bigla niyang tanong. Tumitig si Ye Wenming kay Zhuo Qianyun. Hindi niya alam kung bakit pero nababalisa siya sa pagiging kalmado niya. Tumayo si Zhuo Qianyun at naglakad sa malapit na bar. Kumuha siya ng isang bote ng alak at isang walang laman na baso bago ibuhos ang kanyang sarili ng inumin. Kailangan niya siguro ng inumin para bigyang ang kanyang sarili ng kahit lakas ng loob. Ang red wine ay bumuhos sa kanyang bibig nang may matamis at mapait na pakiramdam... ‘Ang sarap nito.‘Bakit ba hindi pa ako nakakahanap ng ganitong kasarap na wine noon?’Matapos uminom ng isang baso ng wine, binasag ni Zhuo Qianyun ang baso sa gilid ng bar. Agad na nabasag sa kalahati ang baso. Hinawakan niya ang kalahating basag na baso sa kanyang kamay, at ang gilid ng baso ay puno ng matutulis na ti

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 804

    Ito ay kahit na natuklasan niya sa kauna-unahang pagkakataon na mas determinado siya kumpara sa dati niyang inaakala. Kaya niyang kaswal na saktan ang sarili niya, pero nang nakita niya ang dugo na dumadaloy mula sa kanyang katawan, ay nanlamig siya. Ang bawat nerbiyos sa kanyang katawan at tila ngumingilig. ‘Na para bang sinaksak niya ang basag na baso sa katawan ko!‘Masakit ito!’Gayunpaman, ang sakit at galit niya ang nagpatawa kay Zhuo Qianyun. Nang tumawa siya, mas lalong bumilis ang daloy ng dugo sa kanyang katawan!“Huwag kang tumawa!” nabalisa siya, natatakot na mas bumilis at labis siyang magdugo.Tumawa siya na parang inaasar niya ang pagkabalisa ni Ye Wenming ngayon. “Sa ganito ba, mababayaran na kita ng buhay?” tanong ni Zhuo Qianyun nang may kahirapan. Nararamdaman niya na rin ang dugo na lumalabas sa kanya, pero maaring hindi siya mamatay. Labis ang dinanas niyang hirap sa loob ng kulungan. Humarap na siya sa labis na pinsala na siyang nagpahirap rin sa dokto

Pinakabagong kabanata

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 909

    Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 908

    May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 907

    Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 906

    Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 905

    Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 904

    "Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 903

    "Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 902

    Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 901

    Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status