Sumigaw ang babae. Natatakot siya sa lalaking nasa harapan niya, kung kaya gusto na niyang umalis. Marami namang isda sa dagat! “Siguro… siguro ay aalis na ako…” ngumiti ang babae at gusto nang umalis“Sandali…” sigaw ni Ling Yiran, na parang medyo naiinis.‘Sandali? Sa tingin nila maghihintay ako!’ Walang balak tumigil ang babae.Tapos, ang malamig na boses ni Yi Jinli ay narinig rin “Sandali.”'Ha?’ Nagulat ang babae, ngunit bago pa man siya bumalik sa kanyang wisyo, pinigilan siya ng dalawang malakas na lalaki na nanggaling kung saan. Pinuwersa siyang bumalik sa mesa.Nagsisisi ang babae ngayon, Bakit pa kasi siya lumapit upang makipaglandian kay Yi Jinli? Habang tinitingnan ang sitwasyon, ang lalaking ito ay ang tipong hindi dapat ginugulo.‘Sino ang nakakaalam kung anong mangyayari sa akin mamaya!’“Pag-usapan natin ito. Kung may sinabi o ginawa man akong masama, humihingi… humihingi ako ng tawad sa inyong dalawa!” Nag-iingat na sabi ng babae. Hindi siya pinansin ni Yi
"Sa akin ba talaga ang lalaking ito?"Nang hindi niya namamalayan, nabitawan niya ang tanong.Pagkatapos, narinig niya ang kanyang tinig na nagsasabing, "Oo, ako ay sa iyo."Napakaganda ng tunog na halos mahiwaga ito.Dumikit ang labi niya sa labi nito habang hinahalikan siya! 'Kung siya ay sa akin, kung gayon ... Maaari ko siyang mahalikan sa kung paanong gusto ko!'...Sa bar, ang babae ay mukhang natroma pa rin dahil sa kung anong nangyari sa kanya.'Sino ba sa impyerno ... Ang lalaking iyon? Tila hindi siya sanay sa mga bodyguard na nagpoprotekta sa kanya. ' Nang tuluyang umalis ang lalaking nagngangalang Jin habang hawak ang lasing na babae sa kanyang mga braso, nakita niya ang relo na kanyang suot. Ito ay isang limitadong edisyon ng relo ng isang sikat na tatak na nakita niya sa internet dati.Tila tatlo lamang sa mundo at nagkakahalaga ng daan-daang milyong dolyar!Siguro siya ay nagkamali, o baka naman ang lalaki ay nakasuot ng peke lamang.'Gayunpaman ... Paano kung
Palalim ng palalim ang halik. Siya ay tulad ng isang malikot na bata kapag lasing, hinahalikan siya habang ang kanyang mga kamay ay abala sa pagpukaw ng apoy sa kanyang katawan.Nararamdaman ni Yi Jinli na nawawalan siya ng kontrol.Bigla, hinawakan niya ang mga kamay nito at hinihingal na sinabi, "Tama na ... Tama na ... Yiran."Kung mapupunta ito ng ganito, baka mahuka niya ang gusto niya sa sasakyan.Si Ling Yiran ay kumurap tulad ng isang maliit na hayop, walang muwang ang pagkalito sa kanyang mga mata.'Tama na? Bakit ba sa hindi ito sapat ... Hindi naging sapat?'Gusto ko siya! Gusto kong lagi siyang nandiyan para sa akin. Para bang kapag nasa paligid niya, hindi ako matatakot! '"Jin ..." sabi niya, ang mga kamay niya ay dumarampi ng hindi kalmado sa pisngi nito. Ang mga mata niyang lasing ay nasa harap mukha nito matapos makapagpokus ng saglit. "Ikaw ay ... Sin ... Napaka-gwapo," bulong niya, habang siya ay nasisinok paAng mga kilay niya ay maayos at ang kaniyang mata
"Patawarin mo ako, Yiran. Patawarin mo ako kahit ano man, sige na?"Gayunpaman, kaya lamang niya magmakaawa kapag siya ay natutulog dahil wala siynang lakas ng loob na sabihin ito sa presensya niya.Nang matapos niyang palitan ang damit nito, tinakpan niya siya ng isang manipis na kumot at babangon na sana nang hawakan ng mga daliri nito ang kaniyang manggas. Pagkatapos, ang mga mata nito biglang bumukas. "Pinapatawad kita, Jin ..."Nagulat siya. Ang mga malalim niyang mata ay biglang na napatingin sa kanya. 'Alam ba niya kung ano ang kanyang mga sinasabi?'Ang mga gilid ng labi nito ay nakangiwi na para bang nakangiti, at ang mga mata niya ay namumula pa mula sa pag-iyak kanina. Ito ay bumuo ng di maipaliwanag na pagkakaiba. "Ako ... Hindi ko alam kung bakit mo hinihiling na patawarin ka, ngunit patatawarin kita. Patatawarin kita ... Kasi ... Ikaw si Jin ..."Nang matapos siyang magsalita, siya ay pagod na napapikit at nakatulog muli.Titig na titig i Yi Jinli sa kanya, saka yum
Dali dali siyang nagmumog ng kanyang bibig, pagkatapos ay tiningnan niya ito habang namumula ang mukha. "Talaga?""Sa palagay mo nagsisinungaling ako?" tanong niya.Nag-alangan siya, sinusubukan na alalahanin kung ano ang mga nangyari sa bar kahapon. 'Ay oo, parang may interes sa kanya ang di makilalang babae.'Kung gayon, nagalit ako dahil hindi ko gusto na may ibang mga babaeng nagnanasa sa kanya ng ganon, kaya akoů Um ... baka, hindi ko matandaan, pero tila hindi niya ito gawa gawa lang.'Natatakot siya na nagawa niya talaga ang lahat ng iyon."Masaya naman ako. Sobrang bihira mangyari sa akin na makita kang inaangkin ako kahapon. Gustung-gusto ko noong inihayag mo sa ibang mga kababaihan na ako ay iyo," sabi ni Yi Jinli.Ang gilid ng kanyang labi ay nakakurba paitaas, kahit ang mga magagandang mata nito ay nakangiti rin.Napatitig si Ling Yiran sa kanyang ngiti, biglang medyo nawala ang kanyang hiya.Matapos maligo, si Ling Yiran ay kumain ng sabaw para sa hangover at medyo
Noong siya ay bata pa, kailangan niyang maging maingat sa bawat hakbang na kanyang ginagawa habang ang matandang nasa harapan niya ang siyang kumokontrol sa kanyang kapalaran.Sa wakas, ito ang araw nang makontrol niya ang kapalaran nito, napagtanto niya na siya ay talagang matanda na.Ito ang lolo at siya ang apo, ngunit maliban sa ugnayan ng kanilang dugo, wala silang gaanong pagmamahal sa bawat isa."Ikakasal ako kay Ling Yiran." Isang malamig na boses ang tumapos sa katahimikan sa silid. Nagsalita si Yi Jinli na para bang binabalita lang niya ito."Kasal?" Napangisi ang matandang Master Yi. "Ang babaeng iyon ay hindi nararapat sa pamilyang Yi.""Nasa akin na ang desisyon kung karapat-dapat siya," malamig na sinabi ni Yi Jinli.Sagot ni matandang Master Yi. "Naririnig kong tumutulong ka upang baligtarin ang kaso ng babaeng iyon?"Tinikom ni Yi Jinli ang bibig niya. Alam niya na may mga taong mapagtatanungan ang kanyang lolo tungkol sa mga bagay na ito. Bagaman matagal na siya
Natahimik ang Matandang Master Yi. Siya mismo ang nagpalaki sa bata, ngunit hindi pa rin niya ito mapigilan.Siya ay tumatanda habang ang bata ay lumalakas."Ikaw talaga ay ... Nagiging mas katulad ng iyong ama." Tumingin sa apo ang matandang Master Yi na may halo-halong pakiramdam. Naalala pa niya na sinabi rin sa kanya ng kanyang anak na dapat niyang pakasalan ang babaeng iyon. Hindi mahalaga kahit na kailangan niyang isuko ang kanyang katayuan bilang batang master ng pamilya Yi.Ito ay parang ang lahat ng mayroon ang pamilya Yi ay walang saysay.Tinikom ni Yi Jinli ang kanyang labi at walang sinagotPagkatapos ay idinagdag ni Old Master Yi, "Pagsisisihan mo ito balang araw, tulad sa nangyari sa iyong ama ..." Gayunpaman, huli na ang lahat at pumanaw na ang ama ni Yi Jinli."Hindi ako magsisisi. Ang pag-ibig sa kanya at pagpapakasal sa kanya ang huling bagay na pagsisisihan ko," sabi ni Yi Jinli na may kasiguruhan."Ganun ba? Haha ..." Biglang tumawa ang Matandang Master Yi.
"Ano iyon?" Tanong niya habang nakataas ang kilay."Marami akong mga peklat sa aking katawan, kaya ang aking damit pangkasal ay dapat idisenyo nang konserbatibo. Kung masyadong lantad, makikita ang aking mga peklat," sabi niya nanahihiya.Nakaramdam siya ng kumakabog na sakit sa kanyang puso. "Ang isang konserbatibo ay maganda rin naman. Ayoko ng ideya na ang aking nobya ay maggsusuot ng damit na masyadong lantad." Ang gilid ng bibig ni Yi Jinli ay napataas ng bahagya habang inakap niya ang mga bisig kay Ling Yiran bago sinabing, "Sana ang iyong damit-pangkasal ay matakpan ka mula ulo hanggang paa. Alam mo ba? Ako ay isang madamot na tao, kaya hindi ko kakayanin na makita ng iba ang isa pang pulgada ng iyong balat. "Bagaman siya ay nahihiya pa noong una tungkol dito, ang mga salita nito ay madaling napagaan ang kanyang loob."Salamat, Jin," ibinulong niya."Hindi ako nagbibiro, hindi rin kita niloloko," sabi ni Yi Jinli habang marahang dinampi ang labi sa pisngi ni Ling Yiran. "K
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at