Pagkapasok ni Yi Jinli sa loob ng kwarto, mayroong lumapit kah Guan Lili mula sa front desk. “Ibigay mo sa akin yung iyong telepono, Lili. Kokopyahin ko ang recording.”“Bakit ko ibibigay sa iyo?” Hinawakan ni Guan Lili ang kanyang telepono ng mahigpit. Hindi siya tanga. Bakit naman niya ibibigay ang ebidensya kontra sa kanya sa ibang tao?Ngunit ang tingin ng nasa fromt desk sa kanya ay parang isang tanga. “Dahil ang taong iyon ay si Yi Jinli. Maswerte ka na nga at ibibigay mo lang ang recording ng iyong telepono. Hangga’t hindi ka magsasalita, hindi gagawa ng anupaman si Ling Yiran, ngunit kung…”Hindi na natapos ng lalaki ang kanyang sasabihin nang nahinto siya dahil sa pag-iyak ni Guan Lili. “Anong sabi mo? Ang lalaking iyon ay si Yi Jinli?”“Oo, nandito si Yi Jinli kasama si Ling Yiran para ibasura ang kanyang kaso!” Sabi ng lalaki.Nagulat si Guan Lili, ang kanyang mga mata ay halos lumuwa na.‘Yi Jinli… paano nangyari na kasintahan ni Ling Yiran si Yi Jinli? Ang babaeng na
Nagulat si Ling Yiran at naintindihan agad ang mga sinabi ni Yi Jinli.Si Hao Meiyu ang panganay sa pamilya Hao at ang presidente ng Hao Group noon. Ang pamilya Hao ay may dalawang anak na babae, ngunit si Hao Yimeng ay mas pinili ang mayapagpag sa industriya ng entertainment habang si Hao Meiyu naman ay hinasa upang maging tagapagmana ng pamilya Hao.At ito pa, si Hao Meiyu ay ang napapangasawa sana ni Ling Yiran noon.Hindi natatakot si Wan Yuming tungkol sa maaaring maging sintensya sa kanya ngunit ang kinakatakot niya ay maaari siyang balikan ng pamilya Hao at Yi. Pagkatapos malaman ni Ling Yiran ang lahat, napagtanto niya kung bakit nagawa ni Wan Yuming iyon.Sa lahat ng ebidensya sa harapan niya, alam ni Ling Yiran na maaaring maiba ang takbo ng kaso kapag umapela sila. Ang problema lamang ay nasa ibang bansa na si Wan Yuming ngayon.Kahit na mabasura ang kaso niya, mahihirapan sila na bigyang hustisya ang nangyari kay Wan Yuming. Sapagkat sa ngayon ay nasa lugar siya kung
Uminom ng sunud-sunod si Ling Yiran, hinayaan niya na pagaanin ang kanyang sarili.Uminom si Yi Jinli kasama niya at nilalagyan ang baso ni Ling Yiran sa tuwing nauubos ang laman nito.“Minsan, sa tingin ko ay nakakatawa ang tadhana, Jin.” Bulong ni Ling Yiran habang iniikot ang baso ng wine.“Anong ibig mong sabihin? Tanong ni Yi Jinli.“Hindi ba, lahat ng ebidensya noon ay nakaturo sa akin, hindi ako pwedeng makipagtalo doon. Sa loob ng tatlong taon ko sa kulungan, araw-araw ay iniisip ko ang katotohanan, kung sino ba ang may gustong magpasok sa akin sa kulungan at kung sino ang gagawa ng paraan para ang mga saksi na iyon ay ituro ako…”Tinawanan ni Ling Yiran ang kanyang sarili at sinabing, “At pinagsuspestahan ko pa talaga lahat ng tao sa paligid ko. Iniisip ko kung sino kaya iyon at sino ang magkakaroon ng ganong kalaking galit sa akin.”Ang mga salita ay isa-isang pumasok sa tenga ni Yi Jinli. Ramdam niya ang bawat salait na parang martilyong pumupukpok sa kanyang puso at k
Maingat niyang hinanda ang pagkain at pinakain si Ling Yiran.Kung makikita ng ibang taong kilala ni Yi Jinli ang pangyayaring ito, tiyak na malalaglag ang kanilang mga panga. Ang Young Master Yi ay nagpapakain ng ganito sa isang tao?Ang pangyayaring ito ay naging atraksyon sa bar ng hindi nila alam.Gabing-gabi na at ang bar ay unti-unting napupuno ng tao. Natural na maraming tao ang nakatingin sa direksyon ni Ling Yiran at Yi Jinli.Dahil si Yi Jinli ay sadyang gwapo. Sa lugar na gaya ng bar, siya ang kauna-unahang pinipili ng mga babaeng gustong lumandi.Noong pinapakain ni Yi Jinli si Ling Yiran ng maigi, maraming babae ang unti-unting nahuhulog sa kanya.Wala nang mas maganda pa sa pakiramdam kung hindi ang pakainin ng isang lalaking itinuturing kang isang kayamanan.Kung kaya kahit nasa tabi ni Yi Jinli si Ling Yiran, maraming babae ang nangangating makalapit sa kanya.Sa ligar tulad ng batmr, marami ang pwedeng mangyari.Ilang minuto ang nakalipas, isang magandang baba
Sumigaw ang babae. Natatakot siya sa lalaking nasa harapan niya, kung kaya gusto na niyang umalis. Marami namang isda sa dagat! “Siguro… siguro ay aalis na ako…” ngumiti ang babae at gusto nang umalis“Sandali…” sigaw ni Ling Yiran, na parang medyo naiinis.‘Sandali? Sa tingin nila maghihintay ako!’ Walang balak tumigil ang babae.Tapos, ang malamig na boses ni Yi Jinli ay narinig rin “Sandali.”'Ha?’ Nagulat ang babae, ngunit bago pa man siya bumalik sa kanyang wisyo, pinigilan siya ng dalawang malakas na lalaki na nanggaling kung saan. Pinuwersa siyang bumalik sa mesa.Nagsisisi ang babae ngayon, Bakit pa kasi siya lumapit upang makipaglandian kay Yi Jinli? Habang tinitingnan ang sitwasyon, ang lalaking ito ay ang tipong hindi dapat ginugulo.‘Sino ang nakakaalam kung anong mangyayari sa akin mamaya!’“Pag-usapan natin ito. Kung may sinabi o ginawa man akong masama, humihingi… humihingi ako ng tawad sa inyong dalawa!” Nag-iingat na sabi ng babae. Hindi siya pinansin ni Yi
"Sa akin ba talaga ang lalaking ito?"Nang hindi niya namamalayan, nabitawan niya ang tanong.Pagkatapos, narinig niya ang kanyang tinig na nagsasabing, "Oo, ako ay sa iyo."Napakaganda ng tunog na halos mahiwaga ito.Dumikit ang labi niya sa labi nito habang hinahalikan siya! 'Kung siya ay sa akin, kung gayon ... Maaari ko siyang mahalikan sa kung paanong gusto ko!'...Sa bar, ang babae ay mukhang natroma pa rin dahil sa kung anong nangyari sa kanya.'Sino ba sa impyerno ... Ang lalaking iyon? Tila hindi siya sanay sa mga bodyguard na nagpoprotekta sa kanya. ' Nang tuluyang umalis ang lalaking nagngangalang Jin habang hawak ang lasing na babae sa kanyang mga braso, nakita niya ang relo na kanyang suot. Ito ay isang limitadong edisyon ng relo ng isang sikat na tatak na nakita niya sa internet dati.Tila tatlo lamang sa mundo at nagkakahalaga ng daan-daang milyong dolyar!Siguro siya ay nagkamali, o baka naman ang lalaki ay nakasuot ng peke lamang.'Gayunpaman ... Paano kung
Palalim ng palalim ang halik. Siya ay tulad ng isang malikot na bata kapag lasing, hinahalikan siya habang ang kanyang mga kamay ay abala sa pagpukaw ng apoy sa kanyang katawan.Nararamdaman ni Yi Jinli na nawawalan siya ng kontrol.Bigla, hinawakan niya ang mga kamay nito at hinihingal na sinabi, "Tama na ... Tama na ... Yiran."Kung mapupunta ito ng ganito, baka mahuka niya ang gusto niya sa sasakyan.Si Ling Yiran ay kumurap tulad ng isang maliit na hayop, walang muwang ang pagkalito sa kanyang mga mata.'Tama na? Bakit ba sa hindi ito sapat ... Hindi naging sapat?'Gusto ko siya! Gusto kong lagi siyang nandiyan para sa akin. Para bang kapag nasa paligid niya, hindi ako matatakot! '"Jin ..." sabi niya, ang mga kamay niya ay dumarampi ng hindi kalmado sa pisngi nito. Ang mga mata niyang lasing ay nasa harap mukha nito matapos makapagpokus ng saglit. "Ikaw ay ... Sin ... Napaka-gwapo," bulong niya, habang siya ay nasisinok paAng mga kilay niya ay maayos at ang kaniyang mata
"Patawarin mo ako, Yiran. Patawarin mo ako kahit ano man, sige na?"Gayunpaman, kaya lamang niya magmakaawa kapag siya ay natutulog dahil wala siynang lakas ng loob na sabihin ito sa presensya niya.Nang matapos niyang palitan ang damit nito, tinakpan niya siya ng isang manipis na kumot at babangon na sana nang hawakan ng mga daliri nito ang kaniyang manggas. Pagkatapos, ang mga mata nito biglang bumukas. "Pinapatawad kita, Jin ..."Nagulat siya. Ang mga malalim niyang mata ay biglang na napatingin sa kanya. 'Alam ba niya kung ano ang kanyang mga sinasabi?'Ang mga gilid ng labi nito ay nakangiwi na para bang nakangiti, at ang mga mata niya ay namumula pa mula sa pag-iyak kanina. Ito ay bumuo ng di maipaliwanag na pagkakaiba. "Ako ... Hindi ko alam kung bakit mo hinihiling na patawarin ka, ngunit patatawarin kita. Patatawarin kita ... Kasi ... Ikaw si Jin ..."Nang matapos siyang magsalita, siya ay pagod na napapikit at nakatulog muli.Titig na titig i Yi Jinli sa kanya, saka yum