Hindi magkukulang ng mga magagandang babae sa entertainment industry!Kahit ang mga babae na iniisip na maganda sila ay sinusubukan ngayon magpose dahil baka makuha nila ang atensyon ni Yi Jinli.Pero, kailanman ay hindi naalis ang tingin ni Yi Jinli kay Ling Yiran.Pagkatapos, kumuha pa ng ilan pang pictures si Gao JIngshan kasama si Lil Yan.Pagkatapos ng ilang sandali, nagsabi si Lil Yan kay Ling Yiran, “Ihi… Ihi...”Naintindihan ni Ling Yiran na gusto pumunta ng bata sa CR, pero wala silang hiwalay na restrooms. Ang mga toilets ay nasa dulo ng corridor sa bawat floor.Gusto ni Ling Yiran na siya mismo ang sumama kay Lil Yan, pero sabi ni Yi Jinli, “HIndi ka rin pwede pumunta sa CR. Hayaan mo ang staff na samahan si Lil Yan.”Sinabihan ni Yi Jinli ang isang lalaking staff na samahan si Lil Yan sa CR.Sinabi naman ito ni Ling Yiran kay Lil Yan gamit ang sign language. Sinabihan niya si Lil Yan na sundin ang sinasabi ng staff.Tumango ang bata para ipakita na magiging masunur
Naalala ni Ling Yiran ang mga balita at kaso ng mga child abduction na nakita niya dati. Biglang mas naguluhan tuloy ang utak niya.Kung nakidnap si Lil Yan, hindi niya mapapatawad ang sarili niya!Pero, habang mas nag-aalala siya, mas nagiging blanko ang utak niya. Gusto niya mahanap kaagad si Lil Yan, pero hindi niya alam kung saan magsisimula.Nang biglang, may humila sa kamay niya at may pamilyar siyang boses na narinig. “Kumalma ka.”Ang dalawang simpleng mga salita na ito ang nagpakalma kay Ling Yiran.“Anong magagawa ko? Wala na si Lil Yan!” Halos mabilaukan siya sa boses niya at basa na ang mga mata niya. “Kasalanan ko ito. Dapat ako nalang ang sumama kay Lil Yan. Kapag sinamahan ko siya, hindi siya mawawala.”“Kasalanan ko ito. Ako ang nagsabi sa staff na samahan siya, pero makakasigurado ka na mahahanap natin siya. Ipapasara ko ang buong building ngayon at hahanapin natin siya maigi.”“Pero… paano kung kinuha na ng human trafficker si Lil Yan paalis at nasa kabilang bu
Pinanuod ni Ling Yiran ang bata dahil tumahimik ito at gumawa ng isa pang sign language. Ipinakita nito ang kamay habang ang cochlear implant nito ay nasa palad niya, o mas eksakto, isa itong parte ng cochlear implant na dapat ay nakalagay sa outer ear niya.‘Nawala ni Lil Yan ang cochlear implant niya?’ Isip ni Ling Yiran. Nagsimula siya makipag-usap kay Lil Yan gamit ang sign language.Pagkatapos ng kaunting pag-uusap, nalaman na rin ni Ling Yiran ang nangyayari. Siguradong nawala ni Lil Yan ang cochlear implant niya. Pagkatapos, nung pabalik na sila, narealize nito na wala siyang marinig nung sinagot ng staff ang phone niya. Kaya naman, bumalik siya sa CR para hanapin ang cochlear implant niya.Pagkatapos, sa loob ng CR, nakasalubong ng bata ang isang uncle, pero hindi niya ito makausap dahil hindi nito alam mag sign language.Pero, matalino si Lil Yan. Isinawsaw niya ang daliri niya sa tubig at nagsulat sa counter, sinabi niya sa uncle na gusto niya makabalik sa room at may han
“Ang batang ito ay...” tanong ni Ye Wenming.“Siya ay… anak ng isang kaibigan,” sabi ni Ling Yiran, ayaw niyang ma-expose ang identity ni Zhuo Qianyun. “Salamat sa pagdala sa bata dito.”“Walang anuman,” sabi ni Yen Wenming, pero hindi niya mapigilan na tumingin sa batang nakakapit sa legs ni Ling Yiran.Sa CR, ang tanging nakikita niya lang ay isang bata na desperado mahanap ang isang bagay. Ang maliit nitong mukha ay puno ng kaba, pag-aalala at takot. Hindi tuloy mapigilan ni Ye Wenming na mapatigil.Ang kakaiba pa rito, hindi siya pakialamerong tao, pero nung nakita niya ang bata, hindi niya mapigilan ang sarili na alamin kung bakit ito kinakabahan.Doon niya lang narealize na hindi makarinig ang bata. May hearing disability ito. Hirap na nagsalita ang bata, pero hindi niya ito maintindihan.Nung napansin niya na hindi sila magkaintindihan ng bata, sinorpresa na naman siya nito. Wala siyang ideya na marunong pala ang bata magsulat.Hindi lang siya basta sumulat ng mga simplen
Ngumiti si Kong Ziyin at sinabi, “Hello, ako si Kong Ziyin, ang fiancee ni Wenming.”“Sige, Mr. Yi. May kailangan pa ako gawin kaya kailangan ko na umalis. Magkita tayo ulit sa susunod,” sabi ni Ye Wenming.“Sure,” sagot ni Yi Jinli habang may pilit na smile.Nung nakaalis na si Ye Wenming at ang partner nito, humarap si Yi Jinli kay Ling Yiran at sinabi, “Ngayong nahanap na natin si Lil Yan, bakit mukha ka pa ring nag-aalala?”“Ang lalaking yun ay si Ye Wenming,” sabi ni Ling Yiran.“Ano naman?” Walang bahalang tanong ni Yi Jinli.“Si Lil Yan ay anak niya, pero wala siyang alam na ang batang nasa harap niya ay laman at dugo niya,” sabi ni Ling yiran na may hindi maipaliwanag na lungkot sa kanyang boses.Pinagkumpara niya ang itsura ni Lil Yan at Ye Wenming ngayon at medyo hawig nga sila.“Okay, huwag kang maging emosyonal sa business ng ibang tao. Ito ay sa pagitan nila Ye Wenming at Zhuo Qianyun. Hindi natin kailangan mangialam dito,” sabi ni Yi Jinli.Tumango si Ling Yiran
Sinunod ni Ling Yiran ang mga rekomendasyon sa internet at in-order ang kanilang pagkain. Nang dumating ang kanilang pagkain, hindi lamang ang mga pagkain ng mga bata ang gawa sa lahat ng uri ng mga cute na cartoon characters, kundi pati na rin ang pagkain ng mga matatanda. Gayunpaman... Sumulyap si Ling Yiran kay Yi Jinli sa kanyang tabi. Suot niya ang kanyang terno at kurbata habang ang buhok ay nakasuklay paatras. Mukha siyang isang tipikal na piling tao sa lipunan na handang pumunta lahat ng uri ng pagdiriwang at pagpupulong. Gayunpaman, nasa harapan ngayon ni Yi Jinli ang mga pagkain na gawa sa cartoon characters. Kitang-kita ang kaibahan nito sa suot ni Yi Jinli kaya’t hindi mapigilan ni Ling Yiran na matawa. “Anong nakakatawa?” tanong ni Yi Jinli. “Wala, ano... Uh, hindi pa kita nakikitang kumain ng cartoon meal noon, at tsaka ‘yong pink na baboy sa cartoon meal na kinakain mo ay si Peppa Pig.” Paliwanag ni Ling Yiran. Tumawa ng marahan si Yi Jinli, pero kung tutuusi
Gayunpaman, ang lahat ng iyon ay labis lamang ng kanyang inaasahan. Pagkatapos maglaro ng halos kalahating oras, sinulyapan ni Ling Yiran ang oras at nakita niyang oras na pala upang ibalik na si Lil Yan. Kinarga niya ito at bumalik kay Yi Jinli. “Tapos na kayo?” tanong ni Yi Jinli nang nakataas ang kilay. “Medyo nasobrahan. Kung hindi natin ibabalik si Lil Yan ngayon ay mag-aalala na si Sis Zhuo.” Sabi ni Ling Yiran. Pagkatapos, tumingin siya sa namumulang mukha ni Lil Yan. Sumenyas siya at nagsalita, “Nagustuhan ba ni Lil Yan dito?” Agad-agad namang tumango si Lil Yan. “Kung ganoon, dadalhin ulit kita rito sa susunod.” Ani Ling Yiran. Tumango ulit si Lil Yan. Napangisi ito kay Ling Yiran, binalot ng kanyang mga braso ang baywang ni Ling Yiran habang ang maliit na ulo nito ay kumikiskis sa tiyan upang magpakita ng giliw. Hindi napigilan ni Yi Jinli ang pagsimangot. Tinaas niya ang kanyang kamay at kinarga si Lil Yan patungo sa tabi ni Ling Yiran. Pinuwesto niya si Lil Ya
Gayunpaman, si Zhuo Qianyun ay natauhan din kalaunan. Humakbang siya upang kunin ang kanyang anak mula kay Yi Jinli at sinabi, “Salamat. Dalhin ko muna si Lil Yan sa silid.” Pagkatapos, kinuha ni Zhuo Qianyun si Lil Yan sa kanyang mga bisig at tumungo sa silid sa likod ng maliit na restaurant. Nakita ito ni Ling Yiran at sinabi kay Yi Jinli, “May sasabihin lang ako kay Sis Zhuo. Bigyan mo ako ng isang minuto.” Pagkatapos, sumunod si Ling Yiran sa kung saan pumunta si Zhuo Qianyun at Lil Yan. Nang pumasok si Ling Yiran sa silid, inilagay ni Zhuo Qianyun si Lil Yan sa kama. Hinila niya ang kubrekama at marahang tinakpan ang kanyang anak. “Salamat sa pag-aalaga kay Lil Yan ngayon, Yiran.” Pinasalamatan ni Zhuo Qianyun si Ling Yiran. Kinagat ni Ling Yiran ng marahan ang kanyang labi at tumingin ng diretso kay Zhuo Qianyun, at sabay sabi, “Nagkita kami ni Ye Wenming ngayon, Sis Zhuo.” Nanigas ng bahagya si Zhuo Qinayun nang narinig ang pangalang ‘Ye Wenming,’ at namutla ang kany