Share

Kabanata 4

Author: GU Family's Little Bamboo
Biglang kumunot ang noo ni Ling Luoyin, at bigla namang dumampi ang malakas na sampal ni Ling Guozhi sa mukha ni Ling Yiran.

“Anong pinagsasabi mo jan! Nagmaneho ka at bumangga ng tao kaya ka nakulong. Nang dahil sayo, napuno ng kahihiyan ang pamilya natin. Wala ka ng mapupuntahan. Gusto mo bang masira na rin ang kinabukasan ng kapatid mo kagaya mo?” Galit nag alit na sambit ni Ling Guohzi.

Pandidiri at pagkasuklam sa anak ang makikita sa mga mata ni Ling Guohzi. Sa tuwing naiisip niya ang mga panahon na sobrang lakas nila sa pamilyang Xiao, at kung gaano siya respetuhin ng mga kamag anak at mga kaibigan niya noong mga panahon nay un, lalo lang siyang nagagalit sa anak niya.

Sobrang sakit ng pisngi ni Ling Yiran nang dahil sa sampal ng tatay niya, pero pinilit niya pa ring magpanggap na kalmado, na para bang walang nangyari.

“Gusto ko lang naman talagang mag alay ng insenso sa nanay ko, pero ngayon, wala na akong dahilan para manatili dito. Hinding hindi niyo na ako makikita sa pamamahay na ito, kahit kalian.”

Pagkatapos magsalita, walang anu-anong tumalikod si Ling Yiran at naglakad papalabas sa lugar, na minsan niyang itinuring na tahanan.

Wala siyang lugar sa “papamahay” na ito.

Pagkauwi ni Ling Yiran sakanyang apartment, sobrang dilim ng paligid dahil nakapatay ang lahat ng mga ilaw, at pagkabukas ng mga ilaw, sinalubong siya ng nakakalungkot na katahimikan.

Alam niya na mag-isa nanaman siya.

Umalis na ba si Jin? Dahil dito, lalo siyang nalungkot kasi bandang huli, mag-isa nanaman siya.

Natawa nalang si Ling Yiran sa sarili niya, pero pagkatalikod niya para sana isarado ang pintuan, laking gulat niya nang may nakitang lalaki na dahan-dahang naglalakad papunta sakanya.

Si Jin!

Suot pa rin nito ang sira-sira nitong damit habang may hawak na bag sa isa nitong kamay. Halos matakpan na ng makapal nitong buhok ang buong mukha nito, kaya mahihirapan talaga ang kahit sino na makilala ito sa unang tingin, pero siya, alam na alam niya na sa likod ng makapal nitong buhok ay isang napaka gwapong mukha na makakabihag sa kahit kaninong puso.

Ang taong to… pulubi ba talaga ‘to?

Wala siyang kaide-ideya kung sino ba talaga si “Jin”, at alam niya na dahil sa pabigla-bigla niyang desisyon na patirahin ito sa apartment niya ay pwedeng siyang mapahamak, pero….hindi niya talaga mapigilan ang sarili niya.

Siguro dahil tao lang din siya… na kailangan ng kasama sa buhay.

“Nandito na ako.” Walang emosyong sabi ni “Jin”, pero para sakanya ay isa itong magandang musika.

Bigla siyang napanatag at halos hindi makapag salita dahil sa magkakahalong emosyon na nararamdaman niya. “A… akala ko hindi ka na babalik.”

“May binili lang ako.” Sagot ni “Jin” habang nakatitig sakanyang mga mata.

Dali-daling hinila ni Ling Yiran si “Jiran” papasok at isinarado ang pintuan. Nakita niya na may dalawa itong mainit na siopao.

Kaya bigla siyang ngumiti at sobrang panatag ng pakiramdam niya kumpara sa kanina.

“Sabay na tayong kumain, pero bago yan, hmm… mag-aalay muna ako ng insenso na nanay ko. Ngayon kasi ang death anniversary niya,” masayang sabi ni Ling Yiran. Naglabas siya mula sakanyang bag ng ilang pirasong pulang kandila at insenso na binili niya kanina sa labas, at larawan nan aka frame.

Isa itong black and white na litrato ng isang babae. Base sa itsira nito, siguro nasa 30 years old palang ito, maganda at mukhang maamo.

Sinindihan niya ang mga kandila at insenso. Hinawakan niya ang mga insenso at yumuko ng tatlong beses upang magbigay galang sa litrato.

“Ma, nagsimula na ako ng bagong buhay ngayon. Okay naman ako, Ma. May trabaho ako na sinuswelduhan naman ako ng spat para makakain. Sinisigurado ko sayo na magiging maayos ang buhay ko…”

Habang nakatayo sa isang tabi, hindi napigilang mapangiti ni Yi Jinli habang pinagmamasdan si Ling Yiran. Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito .

Maganda ang mga kilay nito, matangos ang ilong, at mala-rosas ang mga labi. Maganda naman Ling Yiran, pero marami ng nakita si Yi Jinli na di hamak na mas maganda dito. Kumpara sa dati niyang fiancé niya na si Hao Meiyu, sobrang ordinaryo lang ng itsura ni Ling Yiran.

Pinakuha niya lahat ng impormasyon patungkol kay Ling Yiran kaya alam niya na ngayong araw ang death anniversary ng nanay nito. Kalalabas lang nito sa kulungan at pagwawalis lang ng kalsada ang hanap buhay nito, pero bakit sinasabi nito ngayon sa harap ng litrato ng yumao nitong nanay na mabuti ang lagay nito?

“Isa pa, may kasama din ako ngayon,” pabulong na pagpapatuloy ni Ling Yiran. Lumingon siya kay “Jin” at tinignan ito ng diretso sa mga mata nito. Tahimik at seryoso si Ling Yiran habang ginagawa ang ritwal, pero ramdam ang say anito.

Para bang sapat na ang presensya ni “Jin” para kumalma at sumaya siya. Hindi nagtagal, muli siyang tumingin sa babaeng nasa litrato at nagpatuloy, “Kaya okay lang, Ma. Makakapagpahinga ka na ng mapayapa.”

Matapos niya itong sabihin, muli siyang yumuko ng tatlong beses, at pagkatapos, itinusok niya ang mga insenso sa kahon. Pagkatayo niya, ilang sandali pa siyang nanatili na nakatitig lang sa litrato.

Makalipas ng halos labinlimang minute, naubos na ang mga insenso. Hinipan ni Ling Yiran ang mga kandila at sinabi kay Yi Jinli, “Okay. Liligpitin ko lang ‘to at gagawa ako ng sabaw. Kakain na tayo.”

“Sige.” Sagot ni ‘Jin’.

Masaya niyang inayos ang mga gagamitin niya at naglabas ng itlog at kamatis mula sa kanyang refrigerator para magluto ng egg and tomato soup. Pagkaluto, sabay nilang kinain ang niluto niya at ang siopao na binili ni ‘Jin’.

“Jin, ano palang trabaho mo dati?” Tanong ni Ling Yiran habang kumakain.

“Marami. Kahit ano basta kapag may pwede akong gawin, ginagawa ko. At kung wala naman, naghahanap lang ako ng lugar na pwede kong pagpahingahan,” sagot ni ‘Jin’.

Pahinga? Iniisip ni Ling Yiran kung ang pahinga ba na tinutukoy ni ‘Jin’ ay kagaya ng ginawa nito kahapon na nakaupo sa gilid ng kalsada. Siguro ang dami rin nitong pinagdaanang masasakit sa buhay… kasi kung hindi, paano nito matitiis na umupo sa gilid ng kalsada na sobrang lamig?

“Ilang taon ka na?” Muling tanong ni Ling Yiran.

“Twenty-seven,” sagot ni ‘Jin’.

“Magka-edad pala tayo,” gulat na gulat na sagot ni Ling Yiran. “Anong buwan ka pinanganak?”

"November."

Ako naman July. Kung ganon, mas matanda pala ako sayo ng ilang buwan,” masayang pagpapatuloy ni Ling Yiran. “Wala ka ng pamilya diba? Ako din eh. Bakit hindi mo nalang akong ituring na parang ate mom ula ngayon? Ituturing din kita bilang nakababata kong kapatid.”

“Ate?” Natatawang tanong ni “Jinli”. Sa buong buhay niya, wala pa ni-isang tao na naglakas loob na tanungin siya na maging kapatid ng mga ito, samantalang ang babaeng nasa harapan niya ngayon ay walang pagdadalawang isip na inaalok siyang maging kapatid nito.

Kung alam lang nito kung sino talaga siya, ganito pa rin kaya kalakas ang loob nito na tanungin siya ng ganitong bagay?

Pero, ito nga ang gusto niya… yung walang kalam-alam si Ling Yiran kung sino ba talaga siya.

“Ayaw mo?” Tanong ni Ling Yiran na biglang kumunot ang noo.

Tatlong taong gulang palang siya noong mamatay ang nanay niya. Ang alam niya lang namatay ito dahil nakunan ito. Ayon sa mga narinig niyang kwento ng mga nakakatanda niyang kamag-anak, anim na buwan na raw ang kapatid niya. Lalaki raw sana ito pero sa kasamaang palad, sampung minuto lang itong nabuhay matapos nitong maipanganak.

Kung nabuhay sana yung sanggol, mayroon na siyang nakababatang kapatid, at siguro hindi siya ganito kalungkot ngayon!

“Sigurado ka ba na gusto mong maging ate ko?” Sagot ni ‘Jin’.

Masayang iniangat ni Ling Yiran ang kanyang ulo at tumingin sa magandang mga mat ani ‘Jin’, na natatakpan ng buhok nito. Walang emosyon ang mga mat anito, pero para kay Ling Yiran, halos maiyak siya sa sobrang saya.

“Mm,” sagot niya.

“Pero wala akong permanenteng bahay at matinong trabaho. Hindi ko kayang buhayin ang sarili ko. Bakit gusto mom aging ate ko?”

Related chapters

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 5

    “Kasi…” Nilunok ni Ling Yiran ang natitirang siopao na nasa kamay niya habang hinihintay si ‘Jin’ na matapos sa sinasabi nito. Hindi ganun kasarap ang siopao na dala ni ‘Jin’. Siguro kung ang dating Ling Yiran ang tatanungin, hindi niya talaga ito magugustuhan, pero ngayon, pwede ng pagtiyagaan. Ang importante sakanya ngayon ay ang malamanan ang kanyang sikmura. “Marami kasi tayong pagkakapareha. Pareho tayong inabanduna at ang mga kabuhayan natin ay mas mababa pa sa pinaka mababa sa lipunan. Wala ng gugusto at magaaruga sa atin, pero ngayon kapag kasama na natin ang isa’t-isa, maalagaan kita at maalagaan mo rin ako, tama?” Magkakahalong pag-asa, pangungumbinsi, at pag-aalangan ang mababakas sa ngiti ni Ling Yiran kay ‘Jin’. “Ah ganun ba? Marami pala tayong pagkakaparehas….” Pabulong na sabi ni *Jinli* Habang nakatitig kay Ling Yiran, napangiti siya na para bang isang tigre na nagaantay na malaglag sa bunganga niya ang kanyang biktima nang marinig niya ang sinabi ni Ling Yiran

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 6 & 7

    “Hindi ko kailangan ng kahit anong galing sayo,” sagot ni Ling Yiran. Dahil sa impluwensya ng alak, walang anu-anong lumapit si Assistant Director He kay Ling Yiran at sinampal ng malakas ang mukha nito. “Kapag sinabi kong uminom ka, uminom ka. Bakit ba napaka taas ng tingin mo sa sarili mo eh talunan ka naman?!” Habang nagsasalita, kinuha niya ang bote ng alak at pinilit ipalaklak sa bibig ni Ling Yiran. Gusto sanang pumalag ni Ling Yiran, pero masyadong malakas ang lalaking nasa harapan niya, dagdag pa na tinutulungan ni Ling Luoyin ang lalaki. Natuwa si Assistant Director He sa pagtulong ni Ling Luoyin kaya muli itong nagsalita, “Luoyin, ang talion mo talaga. Kakausapin ko ang director para bigyan ka ng mas maraming screen time.” Malamang dahil sa magandang balita na narinig ni Luoyin, lalo pa siyang ginanahan na itulak si Ling Yiran. “Maraming Salamat po Assistant Director He. Bobo po kasi yung ate ko, pagpasensyahan niyo na po.” Medyo marami rin ang alak na pwersadong

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 8

    Alas nuebe na ng gabi pero hindi pa rin umuuwi si ‘Jin’, kaya sobrang nag-alala si Ling Yiran na baka may nangyari na dito, lalo na wala itong cellphone para matawagan man lang ito. Kaya nag-aalalang lumabas su Ling Yiran sa kanayang apartment at naglakad-lakad hanggang sa makarating siya sa may entrance sa pagbabakasakaling makasalubong niya si ‘Jin’. Pero pagkalipas ng ilang oras, sa wakas naaninag na niyang naglalakad papalapit sakanya ang taong kanina niya pa inaantay. “Jin!’ Sa wakas makakahinga na siya ng maluwag. Samantalang si Yi Jinli naman ay biglang natigilan sa paglalakad at hindi makapaniwalang napatingin nalamang sa babaeng tumatakbo papalapit sakanya. Hingal na hingal at namumula ang buong mukha ni Ling Yiran dahil sa sobrang lamig, ngunit bakas sa mga mata nito ang saya na nararamdaman nito. “Buti naman at nakauwi ka na,” hingal na hingal na salubong ni Ling Yiran. “Ate…. Hinihintay mo ba ako?” Hindi makapaniwalang tanong ni Yi Jinli. Hinimas niya ang pi

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 9

    Pagkalabas nila ng ospital, nagtanong si Gao Congming, “Young Master Yi, gusto niyo po bang dumiretso na sa mansyon, o…?” “Sa Western District tayo.” Sagot ni Yi Jinli. Western District ang lugar kung saan nakatira si Ling Yiran. Walang ideya si Gao Congmin kung hanggang kalian balak ng amo niya na tumira maliit na apartment na ‘yun. Habang nasa byahe papunta sa Western District, biglang may napansin si Gao Congming sa intersection sa may bandang traffic light. “Young Master Yi, si Miss Ling Yiran yung nasa kabilang kalsada na yun, diba?” Tumingin si Yi Jinli sa direksyong tinuturo ni Gao Congmin at nakita niya ang isang payat na babae na nagwawalis sa gilid ng kalsada. Nakasuot ito ng isang reflectorized vest at nakatali ng simple ang buhok nito. Dahil sa lamig ng panahon, sa tuwing humihinga ito ay may lumalabas na usok mula sa bibig nito. Noong oras din na ‘yun, nasaktuhan niya na may isang electric bike ang nagmamadaling hinahabol ang green light at sa sobrang bilis nit

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 10

    “Wala ka namang ginagawang ilegal, diba?” Pagpapatuloy ni Ling Yiran habang nagsusuot ng medyas at sapatos. Pagkatapos, tumayo siya at naglakad pabalik sa kusina. Napangiti nalang si Yi Jinli habang pinagmamasdan si Ling Yiran na maglakad, sabay bulong sa sarili, “Hay.. Sana nga Ate, hindi kita mabigo balang araw.” — Simula noong gabing nagkagulo sa club, hindi na mapalagay si Ling Luoyin dahil mula noon, hindi niya maintindihan kung anong nangyari kay Assistant Director He. Kinabukasan, hindi ito na pumasok, at noong sumunod na araw, maging ang direktor ay pinalitan din. Wala ni isa sa mga crew members ang may ideya kung anong nangyayari. Pero malakas ang kutob ni Ling Luoyin na konektado ang nangyari kay Assistant Director He sa pagbabago ng direktor, kaya habang iniisip niya kung ano ba talagang naging dahilan, hindi niya maiwasang maikonekta ito kay Ling Yiran. Hindi dito nagtatapos ang lahat… Matapos ang ilang araw, nabalitan nalang niya na kaya pala hindi nagpapakita si

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 11

    Wala ng nagawa sina Ling Guozhi, Fang Cuie, at Ling Luoyin, kundi ang magkatinginan nalang dahil hindi sila makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Gusto pa sanang magwala ni Fang Cuie, pero bigla siyang pinigilan ni Ling Guozhi. “Halika na. Siguro ex-convict din ang lalaking yan! Marami talagang klase ng tao sa kulungan. Malay ba natin kung nakulong din yang lalaking yan?” Nang marinig ito ni Fang Cuie, dismayado nitong sinabi, “So, papalampasin nalang natin ‘to?” “Maghintay nalang tayo. Kapag pinag’initan nalang ni assistant Director He si Luoyin, tsaka nalang tayo mag-isip ng susunod na hakbang.” Pangungumbinsi ni Ling Guozhi dahil sa totoo lang, wala siyang lakas ng loob na hamunin ang lalaking naka engkwentro. Biglang kumunot ang noo ni Ling Luoyin, at pabulong na sinabi, “Talaga bang….ex-convict din ang lalaking yun?” Kahit na hindi niya masyadong naaninag ang itsura ng lalaki dahil natatakpan ang mukha nito ng mahaba nitong bangs, sigurado siyang gwapo ito nang masilip

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 12

    Noong nasa kulungan pa siya, wala ni isang naging kaibigan si Ling Yiran at tanging si Lianyi lang ang dumadalaw sakanya. Ito rin ang umasikaso ng kaso niya, at kung hindi siguro dahil dito, hindi siya makakalabas ng buhay sa kulungan. Si Lianyi ang nagiisang taong nagbigay sakanya ng suporta sa nakalipas na tatlong taon na tinuturing niyang pinaka madilim na yugto ng buhay niya. “Ang life-saving straw…?” Naramdaman ni Yi Jinli na mahalaga si Qin Lianyi sa buhay ni Ling Yiran kaya interesado siyang nagtanong, “Pero, hindi ba parang nakakatawa namang ituring ang isang tao na life-saving straw? Paano kung yung life-saving straw na yun ay bigla ka nalang iniwan, hindi ka malulungkot?” “Hindi yun gagawin ni Lianyi,” puno ng tiwalang sagot ni Ling Yiran kay Qin Lianyi. Hindi maintindihan ni Yi Jinli kung bakit siya biglang nailang sa kalagitnaan ng paguusap nila siguro dahil hindi niya gusto yung pakiramdam na may iba pang pinagkakatiwalaang tao si Ling Yiran, na para bang handa rin

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 13

    “Gusto ko ‘to!” Sabi ni Yi Jinli habang nagsasalita si Ling Yiran pagkatapos yumuko siya para tignan ng malapitan ang cellphone na napili. Hindi nagtagal, may biglang nagsalita galing sa likod nila, “Oh, Yiran!” Paglingon ni Ling Yiran nakita niya si Miao Jiayu na may kasamang babae. Naglalakad ang mga ito papalapit sakanila at mukhang nasa kalagitnaan ito ng pagshoshopping. Pagkalapit ng dalawa, naalala ni Ling Yiran kung sino ang babaeng kasama ni Miao Jiayu, si Zhao Mantian, isa rin sa mga naging kaklase niya noong high school. “Nagkita nanaman tayo! Boyfriend mo ba yang kasama mo?” Tanong ni Miao Jiayu habang tinitignan si Yi Jinli mula ulo hanggang paa. Noong hindi sumagot si Ling Yiran, biglang sumingit si Zhao Mantian, “Huy, Jiayu, ano ba yang pinagsasabi mo? Ang balita ko mayaman daw ang boyfriend ni Yiran. Eh hindi naman mukhang mayaman ‘tong lalaking ‘to eh.” “Ang gusgusin!” Pagkatapos magsalita ni Zhao Mantian, tinaasan nito ng kilay sina Ling Yiran at Yi Jinli

Latest chapter

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 909

    Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 908

    May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 907

    Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 906

    Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 905

    Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 904

    "Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 903

    "Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 902

    Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 901

    Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status