Share

Kabanata 12

Author: GU Family's Little Bamboo
Noong nasa kulungan pa siya, wala ni isang naging kaibigan si Ling Yiran at tanging si Lianyi lang ang dumadalaw sakanya. Ito rin ang umasikaso ng kaso niya, at kung hindi siguro dahil dito, hindi siya makakalabas ng buhay sa kulungan.

Si Lianyi ang nagiisang taong nagbigay sakanya ng suporta sa nakalipas na tatlong taon na tinuturing niyang pinaka madilim na yugto ng buhay niya.

“Ang life-saving straw…?” Naramdaman ni Yi Jinli na mahalaga si Qin Lianyi sa buhay ni Ling Yiran kaya interesado siyang nagtanong, “Pero, hindi ba parang nakakatawa namang ituring ang isang tao na life-saving straw? Paano kung yung life-saving straw na yun ay bigla ka nalang iniwan, hindi ka malulungkot?”

“Hindi yun gagawin ni Lianyi,” puno ng tiwalang sagot ni Ling Yiran kay Qin Lianyi.

Hindi maintindihan ni Yi Jinli kung bakit siya biglang nailang sa kalagitnaan ng paguusap nila siguro dahil hindi niya gusto yung pakiramdam na may iba pang pinagkakatiwalaang tao si Ling Yiran, na para bang handa rin nitong gawin para rito ang lahat, kagaya ng pinaparamdam nito sakanya.

...

Pagkalipas ng ilang araw, biglang bumigat ang trabaho ni Ling Yiran dahil magkakaroon ng inspeksyon ang management staff ng Sanitation Center kaya kailangan nilang mag overtime.

Mabuti nalang, noong uwing uuwi siya, nakapaghanda na ng pagkain si ‘Jin’ at sobrang nakakagaan ng pakiramdam niya na hinintay siya nito.

Nagsasabi rin siya kanian‘Jin’ bago siya umalis na mauna na itong kumain kasi baka gabihin na siya ng sobra, pero pinili pa rin nitong hintayin siya para sabay silang kumain.

Dahil dito, pakiramdam niya ay para talaga silang tunay na magkapatid na nakadepende sa isa’t-isa.

-----

Bago pa man din sumikat ang araw, natapos na ni Ling Yiran na walisin ang naka assign sakanya kaya bumalik na siya sa Sanitation Service Center para ibalik ang mga ginamit niya, at saka siya bumalik sa damuhan para maghintay.

Hindi nagtagal, dumating na ang mga ispektor ng Urban Management Bureau. Lahat ng mga taga linis ay nagkumpulan sa may damuhan para salubungin ang mga inspektor.

Si Ling Yiran lang ang bukod tanging payat sa lahat dahil karamihan sa mga kasama niya ay nasa forties na nag edaran kaya iba na ang hubog ng mga katawan nito.

“Yiran, diba ikaw si Ling Yiran?” Pagkarating ng mga inspektor sa Sanitation Service Center, may isang babaeng nasa 28 years old ang sumigaw nang makita si Ling Yiran.

Agad namang tumingin si Ling Yiran at nakita niya ang isang babaeng nakasuot ng light blue na jacket. Naka pusod ang buhok nito, na may biluging mukha at singkit na singkit na mga mata. Hindi naman ito ganun kaganda pero bagay rito ang make up nito.

Ilang sandali pa ang lumipas, nakilala na ni Ling Yiran ang babae at ito ay si Miao Jiayu, isa sa mga kaklase niya noong high school.

“Ikaw nga!” Gulat na gulat na sabi ni Miao Jiayu. “Bakit nandito ka? Isa ka na bang…. Sanitation worker?”

“Oo, dito ako nagtatrabaho,” walang pagdadalawang isip na sagot ni Ling Yiran habang nakatitig sa mga mata ni Miao Jiayu. Sa buhay, hindi talaga natin maiiwasang may makasalubong tayong kakilala, at kahit gaano man pa man tayo nahihiya, kailangan niyang nating harapin ‘yun.

“Jiayu, magkakilala kayo?” Tanong ng kaibigan ni Miao Jiayu.

“Oo. Dati, siya yung pinaka maganda at pinaka matalino sa klase namin! Lagi siyang top 1, kaya nagkakandarapa ang mga kaklase naming lalaki na manligaw sakanya. Pero wala siyang nagustuhan na kahit sino,” Sagot ni Miao Jiayu sa kaibigan nito, na para bang puring puri kay Ling Yiran.

Sa ginawa ni Miao Jiayu, pakiramdam ni Ling Yiran na lalo lang siyang inapakan nito.

At kagaya ng inaasahan, painsultong sumagot ang isa nitong kaibigan, “Siya ang pinaka magandang babae sa klase niyo? Nagbibiro ka ba!”

Ngumiti lang si Miao Jiayu dahil ito rin naman ang mga eksaktong salitang gusto niyang marinig. Noong nagaaral pa sila, maraming naiinggit kay Ling Yiran, dahil para itong isang swan, samantalang si Miao Jiayu, na parang isang ugly duckling na walang pumapansin.

Pero bandang huli, ang swan na ito, ay naglilinis nalang pala ng kalasada ngayon!

Nang marinig ng mga kasamahan ni Ling Yiran ang sinabi ni Miao Jiayu, lahat sila ay nagtinginan kay Ling Yiran na may iba’t-ibang reaksyon. May ibang nagulat, may iba namang naawa, at may iba ring pinagtawanan siya.

Kinabukasan, pagkatapos maglinis ni Ling Yiran at maibalik ang mga ginamit niya, may isang babae mula sa Department of Tools ang nangusisa sakanya, “Yiran, totoo ba na ikaw ang pinaka maganda at pinaka matalino sa klase niyo noon?”

Hindi sumagot si Ling Yiran. Pero biglang sumabat si Fang Qianqian, isang babae na nagtatrabaho rin sa Department of Tools, “Ano naman kung siya ang pinaka maganda at matalino sa klase nila noon? Kung talagang may potensyal siya, dapat nakakuha siya ng mas magandang trabaho.”

Hiyang hiyang tumingin ang babaeng unang nagtanong kay Ling Yiran, samantalang si Ling Yiran naman ay yumuko nalang. Pagkatapos niyang pumirma sa logistics record book, umalis na rin siya kaagad.

Hinabol siya ng isa niyang kasama at tinapik ang balikat niya, “Wag mo ng intindihin yung mga sinabi ni Fang Qianqian. Binubuntong niya lang sayo ang galit niya kasi may gusto siya kay Guo.”

Hindi maintindihan ni Ling Yiran ang ibig sabihin ng sinabi ng kasamahan niya at anong namang kinalaman niya kay Guo.

“Si Guo, isa yun sa mga driver natin na mukhang may gusto sayo. Diba palagi ka niyang binabati?” Paliwanag ni Manang Xu. Sa dami ng mga kasamahan niya, isa si Manang Xu lang talaga ang nagaalala kay Ling Yiran. “Mabait naman si Guo. Bali-balita nga na mappromote daw siya. Pinamanahan na rin daw siya ng mga magulang niya ng bahay. Tignan mo lang kung magustuhan mo siya.”

“Umiling si Ling Yiran at sumagot, “Salamat nalang po. Pero sa ngayon, wala sa isip kong makipag relasyon.”

“27 ka na. Alam mo ba na habang tumatanda ang babae, pahirap ng pahirap na maghanap ng mapapangasawa.”

“Kung ganun po, hindi nalang po ako nagaasawa,” walang pagdadalawang isip na sagot ni Ling Yiran. Mula nang makalabas siya sa kulungan, kahit kailan hindi na siya nangarap na pumasok muli sa isang relasyon.

Noon, napaka raming pangakong binitawan sakanya ni Xiao Zigi. Pero bandang huli, pinanuod lang siya nito habang isa-isang tinatanggalan ang kuko niya at imbes na awa ‘dapat lang yan sakanya’ ang narinig niya mula rito.

Kaya mula noon, lahat ng pagmamahal niya para kay Xiao Zigi ay napalitan ng galit.

Ilang beses niyang napanaginipan ang nangyari noong araw na yun at sa tuwing mangyayari yu, magigising nalang siyang basang-basa na ng pawis.

At sa tuwing nararamdaman niyang kumikirot ang mga daliri niya, sinasabi niya sa sarili niya na wala talagang kwenta ang pagmamahal.

Kaya matagal ng wala sa isip niyang pumasok sa isang relasyon.

Isa pa, isa siyang ex-convict. Hindi nga siya makahanap ng magandang trabaho, asawa pa kaya! Sino pa ba ang tatanggap sa kagaya niya na isang babaeng may criminal record na nakakabit sa pangalan.

Pero matapos niyang sabihin yun sa sarili niya, bigla niyang naalala si Jin. Kaunti nalang at mabibilhan niya na siya ng cellphone…

“Haaay.. Ikaw…” Napabuntong hininga nalang si Manag Xu at hindi na nagpatuloy.

Noong araw ng sweldo, dinala ni Ling Yiran si Jin sa isang bazaar para bilhan ito ng cellphone.

“Okay lang na wala akong cellphone,” pagtanggi ni Yi Jinli. Kahit kailan, hindi sumagi sa isip ni Yi Jinli na may plano pala si Ling Yiran na bilhan siya ng cellphone.

“Ano ka ba? Sa panahon ngayon, lahat ng tao ay may cellphone na. Isa pa, mas mapapadali para sa mga kumpanya na tawagan ka kapag naghanap ka ng trabaho. Hindi naman pwedeng habang buhay ka nalang mamimigay ng leaflets no,” pagpupumilit ni Ling Yiran. “At kapag may cellphone ka, mas madali rin para satin na sabihan ang isa’t-isa kung gagabihin tayo ng uwi.”

Pumunta sila sa isang stall na nagbebenta ng mga cellphone. Maraming model pero nasa 1,500 lang ang kaya ng pera niya. Kahapon, naghanap na siya sa internet ng mga model ng cellphone na kasya sa budget niya kaya isa-isa niyang pinalabas ito sa nagtitinda para papiliin si ‘Jin’ ng gusto nito.

“Yung mga luma lang yung kaya kong bilhin, pero sabi magaganda raw ‘tong mga model na ‘to. Madadali lang gamitin ang mga yan. Ito muna sa ngayon ha? At kapag nagkapera na ko ng mas marami, bibi…”

Related chapters

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 13

    “Gusto ko ‘to!” Sabi ni Yi Jinli habang nagsasalita si Ling Yiran pagkatapos yumuko siya para tignan ng malapitan ang cellphone na napili. Hindi nagtagal, may biglang nagsalita galing sa likod nila, “Oh, Yiran!” Paglingon ni Ling Yiran nakita niya si Miao Jiayu na may kasamang babae. Naglalakad ang mga ito papalapit sakanila at mukhang nasa kalagitnaan ito ng pagshoshopping. Pagkalapit ng dalawa, naalala ni Ling Yiran kung sino ang babaeng kasama ni Miao Jiayu, si Zhao Mantian, isa rin sa mga naging kaklase niya noong high school. “Nagkita nanaman tayo! Boyfriend mo ba yang kasama mo?” Tanong ni Miao Jiayu habang tinitignan si Yi Jinli mula ulo hanggang paa. Noong hindi sumagot si Ling Yiran, biglang sumingit si Zhao Mantian, “Huy, Jiayu, ano ba yang pinagsasabi mo? Ang balita ko mayaman daw ang boyfriend ni Yiran. Eh hindi naman mukhang mayaman ‘tong lalaking ‘to eh.” “Ang gusgusin!” Pagkatapos magsalita ni Zhao Mantian, tinaasan nito ng kilay sina Ling Yiran at Yi Jinli

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 14

    Sobrang sampal ‘yun para sakanya. Magkahalong galit at hiya ang nararamdaman ni Zhao Mantian, kaya nagmamadali siyang naglakad papalayo, habnag si Miao Jiayu naman ay pahabol na sinundan ang kaibigan. Hindi makapaniwala si Ling Yiran sa nakita niya at pakiramdam niya ay nanunuod siya ng pelikula. Pagkalabas nila ng bazaar kanina, nakakita niya na nagkukumpulan yung mga tao kaya sumilip siya at doon niya nakita na may grupo ng lalaki ang pinagpupukpok na ang sasakyan na sa tingin niya ay kay Zhao Mantian. “Ano kayang nangyari? May nakaaway kaya siya na naghihiganti sakanya?” Nagtatakang tanong ni Ling Yiran. “Pwede!” Sagot ni Yi Jinli. “Pero, hayaan na nga natin sila.” Hinila ni Ling Yiran ang kamay ni Yi Jinli at naglakad sila papunta sa bus stop. Pero biglang huminto si Yi Jinli sa paglalakad kaya napatingin si Ling Yiran dito. Paglingon niya, gulat na gulat siya dhail sobrang putla nito habang nakatitig ito sa bus stop na pupuntahan nila. “Anong nangyari?” Nagaalalan

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 15

    “Sige sasamahan kita. Dito lang ako matutulog sa sahig sa tabi ng kama kaya makikita mo ako kaagad kapag dumungaw ka,” pagpapanatag ni Ling Yiran. “Kasya naman dalawang tao dito. Ate, pwede bang dito ka nalang din sa kama matulog?” Pabulong na sabi ni Yi Jinli na parang batang nagpapaawa. Hindi makapaniwala si Ling Yiran sa sinabi ni ‘Jin’ kaya ilang segundo din siyang nakatitig lang dito bago siya tumungo, “Sige.” Agad niyang kinuha ang kumot na nilatag niya sa sahig at humiga sa tabi ni ‘Jin’. Sa totoo lang, hindi niya naisip kung bakit siya pumayag na matulog sa tabi ng isang lalaki. Siguro dahil naawa siya nang makita niya ang mukha nito na parang isang babasaging manika na pwedeng mabasag kahit anong oras, kaya para bigla niya itong gustong protektahan. Nang makapwesto na siya sa kama, pinatay niya na ang ilaw, habang si Yi Jinli naman ay hinawakan ang isa niyang kamay. “Jin, kapag may masakit sayo, sabihan mo lang ako ah.” “Sige,” sagot ni Yi Jinli. Dahil ba ‘to sa ga

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 16

    Biglang natigilan si Ling Yiran. Sa tuwing naririnig ang ang mga pangalan nina Xiao Zigi at Hao Yimeng ay kinilikabutan siya. Alam niya rin ang tungkol sa six-carat na diamond ring dahil narinig niya na ito sa balita. Sa totoo lang, pinipilit niya naman takagang umiwas sa kahit anong balita na nakaugnay sa dalawa, pero dahil masyadong sikat ang mga ito, nakikita niya ito sa lahat, lalo na sa internet. Tandang tanda niya na noong nagpunta sila ni Xiao Zigi sa isang bilihan ng mga alahas, napatingin siya sa isang diamond na kulay pink at nang makita ito ni Xiao Zigi, bumulong ito sakanya, “Yira, kung gusto mo niyan, bibilhin ko yan bilang wedding ring natin.” Pero… ang diamond ring at Xiao Zigi… ay parehong hindi napasakanya. “Yiran…uuwi ka na ba?” Ginulat si Ling Yiran ng boses ng isang boses ng lalaki. Paglingon ni Ling Yiran, nakita niya ang isang lalaki na nasa thirties. Ngumiti ito sakanya pero halatang nahihiya ito. Hindi talaga personal na kilala ni Ling Yiran ang la

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 17

    Pakiramdam ni Ling Yiran ay para bang mag-aapoy ang dulo ng diliri niya. Hindi niya rin alam kung bakit, pero parang biglang sobrang init ng pakiramdam niya at parang sasabog na ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok nito. “Nako! Ano bang nangyayari sa’kin?!” Dali-dali niyang hinila ang kamay niya mula kay Ying Jinli. Nang sandalling ‘yun, para na siyang mansanas sa sobrang pula ng kanyang mukha. “ Ah… sige… kumain na tayo… lalamig na ang pagkain.” At pagkatapos niya itong sabihin, nagmamadali siyang yumuko at kumain. Samantalang si Yi Jinli naman ay abot-tenga ang ngiti habang pinagmamasdan si Ling Yiran na halos sumubsob na sa kinakain nito ang mukha. “Ate, may gusto ka ba sakin?” “Gusto kita, “ Walang pag-aalinlangang sagot ni Ling Yiran. “Gusto rin kita, Ate. Sobra,” Nakangiting sagot ni Yi Jinli. Hindi na niya maalala kung kailan, pero matagal na rin noong huling beses na may nakakuha ng atensyon at interes niya. ... Pagkatapos ng inspeksyon ng Urban Management Bure

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 18

    Hindi maipinta ang itsura ni Hao Yimeng sa sobrang gulat. “A…a…ano? Gustong makita ni Yi Jinli si Ling Yiran?” Bilang miyembro ng Hao family, alam niya na wala naman talagang malalim na namagitan kay Yi Jinli at sa kapatid niya, at kaya lang naman ito pinili ay dahil para sa dalawang pamilya, ang kapatid niya lang ang pinaka swak na maging asawa ng mga Yi. Kaya noong lamay ng kapatid niya, kalmado lang ang itsura nito na para bang normal na kakilala lang nito ang namatay. Kaya nga mula noon, sa tuwing sumasagi sa utak niya si Yi Jinli ay iniisip niya kung ano ba eksakto ang mga nagpapalungkot, nagpapagalit, o nagpapasaya sa taong ‘to. Pero ngayon…kitang kita niya ang galit sa mukha nito, na ngayon niya lang nakita sa tanang buhay niya. At dahil yun….Kay Ling Yiran?! Yung babaeng mas maliit pa ang tingin ng lipunan kaysa sa langgam?! Hindi siya makapaniwalang tumingin kay Xiao Zigi para sana tanungin kung anong nangyayari, pero kagaya niya, halatang gulat na gulat din ito.

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 19

    Hindi nagtagal, may isa nanamang tao ang dumating na lalo pang gumulat sa mga tao. Si Gao Congming-ang personal secretary ni Yi Jinli. "Secretary Gao!" Nagmamadaling bati ni Manager Wang. Tinignan ni Gao Congmin si Shen Wanhao mula ulo hanggang paa, na para bang nakatingin siya sa isang patay na nasa loob ng kabaong. "Itong walang hiyang lalaking 'to. Sa lahat ba naman ng taong kakalabanin mo, yung gusto pa ni Young Master ang napili mo." Nagkataon lang na noong araw na 'yun, saktong nandun din si Young Master Yi kaya nakita nito ang nangyari kay Ling Yiran. "Kung anong ginawa niya sa babae, gawin niyo rin sakanya." Utos ni Gao Congmin sa security guard na nakatayo sa tabi niya. Nagmamadaling tumungo ang security guard, at noong sandali ring iyon, may dalawang malalakas at malalaking katawan na mga security guard ang kumaladkad kay Shen Wanhao papunta sa artificial fishpond, at kagaya ng ginawa nito kay Ling Yiran, paulit-ulit na nilublob ang mukha nito sa tubig. Habang

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 20

    Napatingin si Ling Yiran sa likod ng kanang kamay niya. Ang namumulang sinasabi ni 'Jin' ay yung inapakan ni Zhao Mantian kanina. "Ah.. ito? May nasanggi lang ako kanina habang nagwawalis, " nakangiting sagot ni Ling Yiran dahil ayaw niyang mag-alala si 'Jin'. "Ah, ganun ba?" Tinignan ni Yi Jinli ng diretso sa mga mata si Ling Yiran, "Ate, kapag may nangbubully sayo, sabihin mo lang sakin ha! Ipagtatanggol kita." Seryoso siyang ipagtatanggol niya si Ling Yiran at tuturuan ng leksyon ang mga taong nang-aapi rito, hanggang balang araw, lahat ay matatakot ng saktan at apihin ito. Noong sandaling 'yun, biglang bumilis ang tibok ng puso ni Ling Yiran. Bakit pakiramdam niya ay alam na alam ni 'Jin' ang nangyari sakanya? "Kaya kong protektahan ang sarili ko," Sagot ni Ling Yiran "Paano kung hindi?" Tanong ni Yi Jinli Paano kung hindi? Alam niyang wala rin namang magagawa si 'Jin' kaya bakit niya pa sasabihin? Ngumiti nalang si Ling Yiran dahil ayaw niyang masaktan at bumaba ang ku

Latest chapter

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 909

    Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 908

    May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 907

    Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 906

    Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 905

    Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 904

    "Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 903

    "Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 902

    Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 901

    Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status