Share

Kabanata 17

Author: GU Family's Little Bamboo
last update Huling Na-update: 2021-04-27 16:00:31
Pakiramdam ni Ling Yiran ay para bang mag-aapoy ang dulo ng diliri niya. Hindi niya rin alam kung bakit, pero parang biglang sobrang init ng pakiramdam niya at parang sasabog na ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok nito.

“Nako! Ano bang nangyayari sa’kin?!”

Dali-dali niyang hinila ang kamay niya mula kay Ying Jinli. Nang sandalling ‘yun, para na siyang mansanas sa sobrang pula ng kanyang mukha. “ Ah… sige… kumain na tayo… lalamig na ang pagkain.” At pagkatapos niya itong sabihin, nagmamadali siyang yumuko at kumain.

Samantalang si Yi Jinli naman ay abot-tenga ang ngiti habang pinagmamasdan si Ling Yiran na halos sumubsob na sa kinakain nito ang mukha. “Ate, may gusto ka ba sakin?”

“Gusto kita, “ Walang pag-aalinlangang sagot ni Ling Yiran.

“Gusto rin kita, Ate. Sobra,” Nakangiting sagot ni Yi Jinli. Hindi na niya maalala kung kailan, pero matagal na rin noong huling beses na may nakakuha ng atensyon at interes niya.

...

Pagkatapos ng inspeksyon ng Urban Management Bureau, pinuntahan ni Miao Jiayu si Ling Yiran, “Yiran, kakain kami ng mga high school classmate natin sa weekend. Tara, sama ka.”

“Kakain?” Natatawang sagot ni Ling Yiran. Sa sitwasyon niya ngayon, sigurado siya na ibubully lang siya ng mga ito kapag sumama siya. “Hindi. May lakad ako kaya hindi ako pwede.”

“Bihira lang tayo magkita-kita ng mga high school classmate natin eh! Saan ka ba pupunta? Sumama ka na kasi!” Bakas sa mukha ni Miao Jiayu ang pagka’disappoint nang marinig ang sagot ni Ling Yiran.

Kung ang dating pinaka matalino at pinaka maganda nilang kaklase ay magpapakita sa mga high school classmate nila ng may ganitong estado, siguradong pagtatawanan ng lahat si Ling Yiran, at ‘yun ang eksaktong gustong makita ni Miao Jiayu.

“Kailangan kong magtrabaho sa weekend. Tingin mo ba ang ganitong klase ng trabaho ay nagpapahinga ng weekends?” Tanong ni Ling Yiran.

Hindi nakapag-salita si Miao Jiayu, na para bang nakalimutan niya lang ang kinatatayuan ni Ling Yiran at maganda talaga ang intensyon niya sa pagyaya.

“Pero…”

“Naglilinis pa ako. Sa susunod nalang tayo mag-usap ulit.” Sabat ni Ling Yiran bago pa man matapos si Miao Jiayu ang sinasabi nito, sabay talikod at lakad palayo.

Hindi siya tanga at alam niya kung anong eksaktong gustong mangyari ni Miao Jiayu.

Pero kahit anong iwas niya… Para bang niloloko siya ng tadhana dahil pagsapit ng weekend, mismong araw na magkita-kita sana sila ng mga high school classmate niya, ay inutusan siya ng vice director nila na magdeliver ng isang dokumento sa isang mamahaling club sa Shen City.

Sa mga normal na araw, hindi pwedeng pumasok ang mga oridnaryong sanitation worker gaya ni Ling Yiran sa mga ganung klaseng club, pero dahil may isang staff member, na inutusan rin ng Urban Management Bureau, ang naghihintay sakanya sa labas, wala ng tanong-tanong at pinapasok siya kaagad.

Pagkabukas ng staff ng pintuan ng isang private room, sumalubong sakanya ang grupo ng mga tao.

At pagkapasok na pagkapasok niya ay may narinig siyang pamilyar na boses, “Tignan mo nga naman kung sinong nandito ngayon!”

Nang tignan niya kung sino ang nagsasalita, nakita niya si Miao Jiayu, Zhao Mantian, at iba pa nilang mga highschool classmate. Si Miao Jiayu ang nagsalita.

Noong sandalling ‘yun, naintindihan na kaagad ni Ling Yiran ang nangyayari… Si Miao Jiayu ang nagplano ng lahat. Alam nito na gustong magpasikat ng mga supervisors niya rito dahil galing si Miao jiayu sa Urban Management Bureau at malamang noong sinabi nito na kailangan nito ng dokumento at may specific na tao itong gustong maghatid, ay walang pagdadalawang isip na sumunod ang vice director nila.

“Sabi sainyo eh! Hindi ako nagsisinungaling diba? Ang pinaka maganda sa klase natin noon ay sanitation worker nalang ngayon!” Nagyayabang na sabi ni Zhao Mantian.

Noong sandalling yun, agaw pansin talaga nag uniporme ni Ling Yiran.

“Hindi ba siya ang maganda nating scholar noon? Tatlong taon ka ring nakulong kaya siguro halos hindi na kita makilala. Diba matagal din kayo ni Xiao Zigi noon? Ano bang nangyari? Bakit naman hinayaan ka niyang maging isang sanitation worker nalang ngayon? Wala na ba talaga siyang pake sayo?”

Biglang nanigas si Ling Yiran. Sa tuwing naririnig niya ang pangalan ni Xiao Zigi, pakiramdam niya ay parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso niya.

Lumapit ang lalaking nagsasalita kay Ling Yiran, at nakilala niya na si Shen Wanhao pala ito. Galing ito sa isang mayaman at mataas ang reputasyon sa Shen City, at minsan din nitong sinubukang manligaw sakanya.

Habang sila ni Xiao Zigi, ilang beses siyang sinubukang molestyahin ni Shen Wanhao at tumigil lang ito sa panggulo sakanya nang minsang binugbog ito ni Xiao Zigi.

Hindi ito pinansin ni Ling Yiran, na para bang wala itong nakikita at naririnig, at naglakad papunta kay Miao Jiayu para iabot ang dokumentong hawak niya. “Ito na yung dokumentong hinihingi mo.”

“Sorry kung pinapunta pa kita dito ha.” Nakangising sagot ni Miao Jiayu.

Hindi na sumagot si Ling Yiran at tumalikod kaagad para sana lumabas na ng private room, nang bigla siyang hawakan ni Shen Wanhao sa braso, “Bakit ba nagmamadali kang umalis. Minsan lang ‘to. Makipagkwentuhan ka naman muna.”

Pagkatapos magsalita, kumuha si Shen Wanhao ng baso ng alak at tinapat sa mga labi ni Ling Yiran. “Sige na, inumin mo muna ‘to. Diba nakulong ka dati kasi nagdrive ka ng lasing kaya hindi mo ako pwedeng tanggihan dahil alam kong umiinom ka!”

Iniwas ni Ling Yiran ang mga labi niya sa baso, at tinulak ng malakas si Shen Wanhao.

Nawalan ng balanse si Shen Wanhao kaya natapon nito ang alak sa sarili nito, at dahil dito galit na galit nitong sinampal ng malakas si Ling Yiran at sumigaw, “Ano! Sa tingin mo ba kayo pa rin ni Xiao Zigi? Sanitation worker ka nalang ngayon. Wala ka ng binatbat!”

At hindi pa nakuntento, habang nagsasalita ay kumuha rin si Shen Wanhao ng isang bote ng alak at binuhos ito sa ulo ni Ling Yiran ang laman nito.

Kaya para siyang isang basang sisiw na pinagtatawanan ng lahat.

“Ling Yiran, magsorry ka na kay Shen Wanhao. Papatawarin ka naman niyan.” Nag-aasar na singit ni Miao Jiayu.

“Mag’sorry?” Natatawang sagot ni Ling Yiran. Siya na nga ang pinahiya at inabala, siya pa ang magsosorry kay Shen Wanhao? Nakakatawa!

Nanatili lang si Ling Yiran sa kinatatayuan niya habang nanlilisik ang kanyang mga mata na nakatitig kay Shen Wanhao, na para bang hindi siya naapektuhan ng pangpapahiya nito.

Pero dahil dito, lalong nagalit si Shen Wanhao, “Ling Yiran, ano bang tingin mo sa sarili mo? Girlfriend ka pa rin ni Xiao Zigi? Binibigyan kita ng pagkakataon na mag’sorry sa akin. Kahit gahasain kita dito, walang magtatanggol sayo!”

Biglang tinulak ni Shen Wanhao si Ling Yiran kaya napaupo siya sa sahig, at doon na nito inumpisahang pagpupunitin ang damit niya.

“Wag!” Sigaw ni Ling Yiran.

Pero wala ni isa sa mga dati niyang kaklase na nasa loob ng private room ang tumayo para sakanya.

Mula noong makulong siya, tatlong taon na ang nakakaraan, hindi na siya masyadong naarawan kaya sobrang puti ng balat niya, pero sa kabila nito ay sobrang dami niya ring peklat.

Marami sa mga peklat na ito ay hindi na nawala, mukhang nakakatakot at nakakadiri…

Ito ang mga palatandaan ng paghihirap niya sa kulungan.

Pinilit ni Ling Yiran na takpan ang katawan niya, pero noong tatayo na sana siya, bigla siyang natigilan dahil naramdaman niya ang sobrang sakit mula sa kamay niya, kaya dali-dali siyang lumingon at doon niya nakita na inaapakan ni Zhao Mantian ang kanan niyang kamay gamit ang takong nito.

“Ano ba yan, Yiran. Bakit ba kasi nagmamadali kang umalis? Hindi ka pa nga nagsosorry kay Young Master Shen oh,” Nang-aasar na gatong ni Zhao Mantian. Base sa itsura nito, sobrang saya nito sa nangyayari kay Ling Yiran at lalo pa nitong diniinan ang pag-apak.

Ang sakit na naramdaman ni Ling Yiran noong sandaling ‘yun ay parehong-pareho sa sakit na naramdaman niya sa kulungan noong walang awang pinagpupukpok ang mga daliri niya.

Noon, hindi naipagtanggol ni Ling Yiran ang sarili niya at sapilitan nalang na tinanggap ang lahat ng paghihirap na binato sakanya.

Pero ngayong araw…Buong lakas niyang ipagtatanggol ang sarili niya… Dali-dali, pinilit niyang pumiglas kay Shen Wanhao at ginamit ang kaliwa niyang kamay itinulak niya si Zhao Mantian, saka siya kumaripas ng takbo papalabas.

Gusto niyang umalis sa lugar na ‘to agad-agad… kailangan niyang makaalis agad-agad…

Pinilit niyang takpan ang katawan niya gamit ang mga pilas-pilas na tela ng kanyang damit at tumakbo ng mabilis sa abot ng kanyang makakaya, pero bago pa man siya makalabas ay may biglang humila sakanya ng malakas kaya nabalibag siya sa sahig, at noong sandal ring ‘yun ay may naramdaman niya na parang may nakaapak sa isa niyang paa.

“Array… sobrang sakit!”

Halos maiyak si Ling Yiran sa sa sobrang sakit…

“Sinusubukan mo bang tumakas? Hindi mo ba alam na isa ang pamilya ko sa mga shareholder ng club na to….” Sigaw ni Shen Wanhao sa tenga ni Ling Yiran.

Pero biglang natigilan si Shen Wanhao.

Hindi nagtagal, may isa nanamang pamilyar na boses na narinig si Ling Yiran, “Shen Wanhao, anong ginagawa mo?”

At ang boses na ito ay…. Kay Xiao Zigi….

Noon, palagi niyang iniisip na mayroon siyang Xiao Zigi na magpprotekta sakanya, pero bandang huli ay iniwan rin siya nito sa ere at harap-harapan pa siyang pinanuod habang humahalik siya sa lupa.

Biglang nanginig ang buong katawan ni Ling Yiran, dahil mula noong makalabas siya sa kulungan, ni minsan ay hindi niya pinangarap na magkita ulit sila ni Xiao Zigi… lalo na ngayon…sa ganitong sitwasyon niya…

“Bakit? Kakain ba kayo dito ng fiancé mo? Coincidence nga naman oh! Kasama ko rin yung ex-girlfriend mo. Pero mukhang hindi ata niya alam kung sino ako kaya medyo nagalit ako sakanya. Bakit? Ipagtatanggol mo ba ‘tong ex mo?”

Habang nagsasalita si Shen Wanhao, pwersado niyang sinabunutan si Ling Yiran para iharap kay Xiao Zigi.

Kitang-kita agad ni Ling Yiran ang mukha ni Xiao Zigi.

Yung taong lagi niyang kakampi noon sa tuwing masasaktan siya, ngayon ay nakatingin lang habang binababoy siya ng iba.

Noong nasa kulungan siya, tinignan lang din siya nito kagaya ng pagtingin nito sakanya ngayon.

At sa tabi nito ay si Hao Himeng na abot hanggang tenga ang ngiti, ito rin ang mga ngiting nakita niya mula rito habang tinatanggalan siya ng kuko at binabalian ang daliri noong nasa kulungan pa siya…

“Yung sakit… parang mas lalong tumindi…”

Dahil dito, lalo pang nanginig ang katawan ni Ling Yiran.

Para sakanya, sina Xiao Zigi at Hao Yimeng ang mga demonyong pinipilit niyang takbuhan sa mga panaginip niya… at ngayon… nasa harap niya ang mga ito…

“Shen Wanhao, gawin mo sakanya kung anong gusto mong gawin. Wala na akong pakielam sakanya,” Naiiritang sagot ni Xiao Zigi.

Sigurado si Ling Yiran na naka move on na siya, pero hindi niya maiwasang masaktan muli ngayong narinig nanaman niya ang mga parehong salitang sinabi nito…. At sa tuwing naririnig niya ang mga salitang ito ay lalo niya lang pinagsisihan kung bakit minahal niya pa si Xiao Zigi noon…

“Ling Yiran, ano ba kasing iniisip mo? Nahihibang ka na ba? Akala mo ba may darating kang superhero para iligtas ka?” Natatawang sabi ni Ling Yiran sa sarili niya.

Tandaan mo, mag-isa ka lang at wala kang ibang maasahan kundi ang sarili mo lang!”

“Ganun naman pala eh! So pwde kong gawin lahat ng gusto kong gawin sakanya?” Kinaladkad ni Shen Wanhao si Ling Yiran sa isang artificial pond na nasa loob din ng club para ingudngod ang mulha ni Ling Yiran sa tubig.

Hindi makahinga si Ling Yiran dahil sa malamig na tubig na tuloy- tuloy na pumapasok sa bibig at ilong niya.

Matindi ang pinanghuhugutang galit ni Shen Wanhao kay Ling Yiran dahil siya ang dahilan kung bakit ito binugbog ni Xiao Zigi noon kaya ngayong may pagkakataon na ito ay ibubuhos niya ang lahat. Paulit-ulit nitong nginudngod ang walang kalaban-labang Ling Yiran habang tuwang-tuwang sinasabi, “Ling Yiran, tignan natin kung sinong magliligtas sayo ngayon!”

“Zigi, hinihintay na tayo ni Yi Jinli. Wag natin siyang paghintayin ng matagal.” Sabi ng boses ni Hao Yimeng na narinig ni Ling Yiran.

“Sige,” Sagot ni Xiao Zigi.

‘Sige’…. Ito ang parehong ‘Sige’ na narinig niya na sinabi ni Xiao Zigi kay Hao Yimeng noong gusto nitong balian siya ng mga kamay… ‘Sige’….

Isang salita, pero mas grabe pa sa kutsilyo ang sakit kung sumaksak sa puso niya.

Hindi nagtagal, tuluyan ng naubos ang lakas at hininga ni Ling Yiran kaya hindi na siya makalaban.

“Mamatay na ba ako? Hindi ako namatay sa kulungan, pero dito pala ako mamatay?!”

“Sino bang inaasahan kong magliligtas sa akin? Walang…mag…”

Paulit-ulit na nararamdaman ni Ling Yiran ang paglublob ng kanyang mukha sa tubig, pero wala ni isang lumapit sakanila para pigilan si Shen Wanhao….

Hinawakan ni Hao Yimeng ang kamay ni Xiao Zigi at sabay silang naglakad papalayo. Isa na ata ito sa pinaka masayang araw ng buhay niya…. Ang makitang pinapahirapan at binababoy ng mga tao si Ling Yiran…

Walang magliligtas kay Ling Yiran, at kung sakali mang mabuhay siya, sigurado hindi na niya mapapakinabangan ang buong katawan niya.

“Tama na yan! Dalhin niyo yang babaeng yan sakin!” Isang boses, na mula sa second floor, ang umagaw sa atensyon ng lahat.

“Ang boses na ‘yun ay…”Hindi makapaniwalang tumingin si Hao Yimeng sa second floor at isang lalaking may magandang katawan ang nakita niyang nakatayo doon. Sobrang gwapo ng itsura nito, pero bakit… mukhang galit na galit ito…

“Si…. Yi Jinli yun diba? At… nakatingin siya kay Ling Yiran!”

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Sanaan A. Tanog
please a unlock po thank you
goodnovel comment avatar
Von C. Gonzales
please pa unlock po thanks ...️
goodnovel comment avatar
Cynthia Tabuyan-Ferreras
please pa unlock po. Salamat
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 18

    Hindi maipinta ang itsura ni Hao Yimeng sa sobrang gulat. “A…a…ano? Gustong makita ni Yi Jinli si Ling Yiran?” Bilang miyembro ng Hao family, alam niya na wala naman talagang malalim na namagitan kay Yi Jinli at sa kapatid niya, at kaya lang naman ito pinili ay dahil para sa dalawang pamilya, ang kapatid niya lang ang pinaka swak na maging asawa ng mga Yi. Kaya noong lamay ng kapatid niya, kalmado lang ang itsura nito na para bang normal na kakilala lang nito ang namatay. Kaya nga mula noon, sa tuwing sumasagi sa utak niya si Yi Jinli ay iniisip niya kung ano ba eksakto ang mga nagpapalungkot, nagpapagalit, o nagpapasaya sa taong ‘to. Pero ngayon…kitang kita niya ang galit sa mukha nito, na ngayon niya lang nakita sa tanang buhay niya. At dahil yun….Kay Ling Yiran?! Yung babaeng mas maliit pa ang tingin ng lipunan kaysa sa langgam?! Hindi siya makapaniwalang tumingin kay Xiao Zigi para sana tanungin kung anong nangyayari, pero kagaya niya, halatang gulat na gulat din ito.

    Huling Na-update : 2021-04-27
  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 19

    Hindi nagtagal, may isa nanamang tao ang dumating na lalo pang gumulat sa mga tao. Si Gao Congming-ang personal secretary ni Yi Jinli. "Secretary Gao!" Nagmamadaling bati ni Manager Wang. Tinignan ni Gao Congmin si Shen Wanhao mula ulo hanggang paa, na para bang nakatingin siya sa isang patay na nasa loob ng kabaong. "Itong walang hiyang lalaking 'to. Sa lahat ba naman ng taong kakalabanin mo, yung gusto pa ni Young Master ang napili mo." Nagkataon lang na noong araw na 'yun, saktong nandun din si Young Master Yi kaya nakita nito ang nangyari kay Ling Yiran. "Kung anong ginawa niya sa babae, gawin niyo rin sakanya." Utos ni Gao Congmin sa security guard na nakatayo sa tabi niya. Nagmamadaling tumungo ang security guard, at noong sandali ring iyon, may dalawang malalakas at malalaking katawan na mga security guard ang kumaladkad kay Shen Wanhao papunta sa artificial fishpond, at kagaya ng ginawa nito kay Ling Yiran, paulit-ulit na nilublob ang mukha nito sa tubig. Habang

    Huling Na-update : 2021-04-28
  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 20

    Napatingin si Ling Yiran sa likod ng kanang kamay niya. Ang namumulang sinasabi ni 'Jin' ay yung inapakan ni Zhao Mantian kanina. "Ah.. ito? May nasanggi lang ako kanina habang nagwawalis, " nakangiting sagot ni Ling Yiran dahil ayaw niyang mag-alala si 'Jin'. "Ah, ganun ba?" Tinignan ni Yi Jinli ng diretso sa mga mata si Ling Yiran, "Ate, kapag may nangbubully sayo, sabihin mo lang sakin ha! Ipagtatanggol kita." Seryoso siyang ipagtatanggol niya si Ling Yiran at tuturuan ng leksyon ang mga taong nang-aapi rito, hanggang balang araw, lahat ay matatakot ng saktan at apihin ito. Noong sandaling 'yun, biglang bumilis ang tibok ng puso ni Ling Yiran. Bakit pakiramdam niya ay alam na alam ni 'Jin' ang nangyari sakanya? "Kaya kong protektahan ang sarili ko," Sagot ni Ling Yiran "Paano kung hindi?" Tanong ni Yi Jinli Paano kung hindi? Alam niyang wala rin namang magagawa si 'Jin' kaya bakit niya pa sasabihin? Ngumiti nalang si Ling Yiran dahil ayaw niyang masaktan at bumaba ang ku

    Huling Na-update : 2021-04-28
  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 21

    "Kung gusto yan ng ate ko para sakin, gusto ko na rin niyan," sagot ni Yi Jinli. "Ano ka ba. Wag yung gusto ko, dapat yung gusto mo talaga. Kung ayaw mo nito, maghahanap pa ako ng ibang style," "Wag na, maganda talaga yan. Yan yung gusto ko." "Talaga? Osige, bilhin na natin 'to." Nakangiting sagot ni Ling Yiran habang chinicheck out ang sweater. Tumingin si Yi Jinli kay Ying Liran, at biglang naging seryoso ang boses niya, "Ate, bakit sobrang bait mo sakin?" Ilang damit na ang binili nito para sakanya at binigyan rin siya nito ng cellphone, pero mula noong magkakilala sila ay hindi niya pa nakitang may binili ito para sa sarili nito. "Diba nga magkapatid tayo? Kaya mabait ako sayo," Sagot ni Ling Yiran na para bang normal na magkapatid lang talaga sila. Sa totoo lang, sa tuwing naririnig ni Yi Jinli ang ang salitang "kapatid" o "magkapatid" ay medyo naiilang siya. 'Nakalimutan na ba talaga niya na lalaki din ako?' — Pagkatapos mapahiya sa club, ginulpi rin si Shen Wanha

    Huling Na-update : 2021-04-29
  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 22

    Sa puntong ito, halos isumpa na ni Miao Jiayu si Zhao Mantian sa sobrang galit niya rito. Mayroon siyang kaibigan galing sa personnel department na naichismis sakanya na mayroon daw isang mataas na tao sa Sanitation Service Center na abusado sa posisyon. Kaya ginamit niya 'yun para mai'set-up si Ling Yiran, pero si Zhao Mantian pa rin ang mastermind! "Hindi kita pinilit na gawin yun. Diba gusto mo rin namang makitang napapahiya si Ling Yiran? Bigyan lang kita ng ideya, pero ikaw pa rin ang gumawa 'nun. Wala akong kinalaman jan, Jiayu, " Naiiritang sagot ni Zhao Mantian. Ang dating sanggang dikit ay ngayo'y parang mga asong nauulol na inaatake ang bawat isa. Matapos tanggihan ni Zhao Mantian, hindi pa siya tinigilan ng karma dahil pagkauwi niya sa bahay nila ay halos itakwil siya ng buong pamilya niya sa sobrang galit ng mga ito. Pero bandang huli ay nagkasundo-sundo rin naman sila, at nagdesisyon ang mga ito na manulsol nalang ng kahit sino para lang makabalik siya sa trabaho n

    Huling Na-update : 2021-04-29
  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 23

    "Pero... pero dahil sakin kaya ka napahiya sa lahat, lalo na yung kay Shen Wanhao.." "Sila ang may gawa 'nun. Wala ka namang kinalaman dun, diba?" "Siyempre ako pa rin yun!" Parang batang umiiyak si Miao Jiayu sa harap ni Ling Yiran. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya na umako siya ng kasalanan na hindi lang naman siya ang may gawa. "Ah.. Okay. Kung wala ka ng ibang sasabihin, mauna na ako kasi marami pa akong trabaho." Sagot ni Ying Liran, na parang hindi apektado sa mala-basang sisiw na itsura ni Miao Jiayu. Nilampasan niya lang ito at naglakad papunta sa wawalisan niya. Kahit na walang ideya si Ling Yiran kung bakit pinuntahan siya ngayon ni Miao Jiayu para magmakaawa sa harapan niya, ay wala siyang balak na patawarin ito at basta-basta nalang kalimutan ang mga nangyari sakanya noong araw na yun. Habang nagwawalis, may biglang sumulpot sa harapan niya at nang tignan niya ito, nakita niya si Guo Xinli na nakatayo at nakatingin sakanya. Medyo namumula

    Huling Na-update : 2021-04-30
  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 24

    'Ahhh. baka malisyoso lang ako!' Sobrang naiilang na si Guo Xinli sa nakikita niya kaya nang makita niyang bumalik na si Ling Yiran sa pagwawalis ay nagmamadali siyang nagpaalam, "Yiran... sige mukhang marami kang ginagawa. Mauna na ako." Nang makita ni Yi Jinli na medyo nakalayo na si Guo Xinli, bigla siyang tumingin kay Ling Yiran at hinawakan ang baba nito, "Ayokong makakita na may ibang lalaking kausap ang ate ko." "Ano bang sinasabi mo jan? Wala akong gusto sakanya no!" Sagot ni Ling Yiran, na halos maiyak na sa sobrang tawa. "Pero ibig sabihin ba 'nun, wala na rin siyang gusto sa ate ko?" Tanong ni Yi Jinli. Hindi alam ni Ling Yiran kung isasagot niya. "May gusto ba yung lalaking yun sa ate ko?" "Hmm... Oo. Pero nagpatulong na ako kay Manang Xu na ibasted siya, kaya hindi ko alam na pupuntahan niya pala ako ngayon dito." "Hindi bagay yung lalaking 'yun sayo. Kung ayaw mo sakanya, dapat sabihin mo sakanya ng diretso," naiinis na sagot ni Yi Jinli. At dahil sa rea

    Huling Na-update : 2021-04-30
  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 25

    Habang naglalakad pauwi, biglang nagtanong si Ling Yiran, "Jin, kilala mo ba si Xiao Zigi?" "Yung president ng Xiao Group?" Sagot ni Yi Jinli. "Kilala mo pala siya... Sabagay nasa balita kasi siya palagi kasi ikakasal na sila ni Hao Yimeng. Siya kasi yung...."Ilang segundo rin siyang natigilan bago siya nag-aalangang nagpatuloy, "Ex ko." Dahil dito, biglang napahinto si Yi Jinli sa paglalakad at tinitigan si Ling Yiran. Siguro dahil wala siyang napaglalabasan at kinikimkim niya lang ang lahat, kaya noong naramdaman niya may taong handang makinig sakanya ay hindi niya na napigilan ang sarili niya. "Nakakatawa no, sobrang taas niyang tao pero kagaya ko lang ang naging girlfriend niya." "Pagkatapos kong grumaduate at naging abogado na ako, akala ko talaga ikakasal na kami. Pero hindi ko naman akalain na masasangkot ako sa isang aksidente. Pinagbintangan nila akong nagdadrive ng lasing kaya raw ako nakapatay ng tao. Tapos noong mabalitaan niya 'yun, atat na atat siyang nakipag

    Huling Na-update : 2021-05-01

Pinakabagong kabanata

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 909

    Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 908

    May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 907

    Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 906

    Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 905

    Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 904

    "Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 903

    "Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 902

    Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 901

    Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at

DMCA.com Protection Status