Share

Kabanata 6 & 7

Author: GU Family's Little Bamboo
last update Last Updated: 2021-04-27 16:00:30
“Hindi ko kailangan ng kahit anong galing sayo,” sagot ni Ling Yiran.

Dahil sa impluwensya ng alak, walang anu-anong lumapit si Assistant Director He kay Ling Yiran at sinampal ng malakas ang mukha nito. “Kapag sinabi kong uminom ka, uminom ka. Bakit ba napaka taas ng tingin mo sa sarili mo eh talunan ka naman?!”

Habang nagsasalita, kinuha niya ang bote ng alak at pinilit ipalaklak sa bibig ni Ling Yiran.

Gusto sanang pumalag ni Ling Yiran, pero masyadong malakas ang lalaking nasa harapan niya, dagdag pa na tinutulungan ni Ling Luoyin ang lalaki.

Natuwa si Assistant Director He sa pagtulong ni Ling Luoyin kaya muli itong nagsalita, “Luoyin, ang talion mo talaga. Kakausapin ko ang director para bigyan ka ng mas maraming screen time.”

Malamang dahil sa magandang balita na narinig ni Luoyin, lalo pa siyang ginanahan na itulak si Ling Yiran. “Maraming Salamat po Assistant Director He. Bobo po kasi yung ate ko, pagpasensyahan niyo na po.”

Medyo marami rin ang alak na pwersadong ipinainom kay Ling Yiran at medyo mabilis siyang malasing kaya sa puntong ito, tinamaan na siya kaagad ng impluwensya ng alak pero sinubukan niyang labanan ito at magsalita, “Gu… gusto ko ng umuwi….”

“Sige, iuuwi n akita.” Hinawakan ni Assistant Director He ang braso ni Ling Yiran, habang puno ng malisya ang mababakas mula sa mga mat anito.

Sakto lang ang ganda ni Ling Yiran, pero kapag naiisip ni Assistant Director He na naging girlfriend ni Young Matser Xiao ang babaeng ito, bigla siyang ginaganahan.

Pero biglang nagring ang phone ni Assistant Director He.

Noong una, gusto niya sanang ibaba ang tawag pero nang makita niya na ang director ang tumatawag, dali-dali niya itong sinagot.

Kuya niya ang director at sa madaling salita, ito rin ang dahilan kung bakit siya naging Assistant Director.

Pero matapos niyang sagutin ang tawag, biglang nahimasmasan si Assistant Director He, namutla at biglang bumilis ang paghinga.

“Pa…Paano… nangayri yun? Siya, siya ay… taga linis lang siya na galing sa mahirap na pamilya. Kahit na naging boyfriend niya si Xiao Zigi, may iba ng fiancé si Xiao Zigi ngayon, kaya wala na siyang pakielam dapat, kasi kung talagang nag-aalala siya, bakit hinayaan niyang maging taga linis ang ex-girlfriend niya?”

“Basta, wag na wag mong gagalawin ang babaeng yan, at hayaan mo siyang umuwi ng ligtas. Alam mo bang tinawagan ako mismo ng may-ari ng kumpanya para pagbataan ako? Sabi niya kapag may nangyari raw na masama sa babaeng yan ngayong gabi, tatanggalin ang buong production team bukas na bukas mismo. At ikaw, hindi ka na pwedeng manatili dito sa Shen City,” takot na takot na sabi ng Director. Dahil sa pagbabanta ng boss nila, hindi mapalagay ang director.

“Paano nangyari yun? Ilang milyong dolyares na puhunan tapos tatanggalin? Hindi makapaniwalang tanong ni Assistant Director He, “Sino ba tong babaeng to?”

“Anong alam ko? Kaya kahit anong mangyari, wag na wag kang magkakamali. Kapag ginalaw mo kahit isang hibla lang ng buhok niyan, humanda ka sa akin!” Galit na sagot ng Director. “Kamusta na ba siya? Okay lang naman siya, diba?”

Ang pakiramdam ni Director He ay parang gusto niyang umiyak pero walang luhang lumalabas mula sa mga mata niya. Hindi niya masabi na sinampal niya ito ng malakas at pwersadong pinalaklak ng alak.

Hirap na hirap na pinilit ni Ling Yiran na buksan ang pintuan ng private room para lumabas, pero bigla siyang hinila pabalik ni Ling Luoyin dahil hindi talaga ito titigil hanggat hindi nito nakukuha nag gusto nito, na sumikat.

Ang hindi niya inaasahan ay sasalubungin siya ng malakas na sampal ni Assistant Director He, na sa sobrang lakas ay tumilapon at natumba siya.

“Bakit mo siya pinipigilan?” Galit nag alit na sigaw ni Assistant Director He na para bang muhing muhi siya kay Ling Luoyin. Kung hindi dahil sa babaeng ito, hindi sana siya masasangkot sa gusot na ‘to.

Gulat na gulat na napatingin si Ling Luoyin kay Assistant Director He habang tinutulungan nitong makalabas si Ling Yiran ng kwarto. “Assitant Director He, anong…?”

“Siniset up mo ba ako? Sino ba yang kapatid mo? Sino ang taong nasa likod niya?” Gigil na gigil na tanong ni Assistang Director He.

Hindi maipinta ang istura ni Ling Luoyin na halatang walang ideya sa nangyayari. “May mataas na tao bang pumuprotekta kay Ling Yiran? Bakit wala akong alam tungkol dun?!”

Habang nagbabangayan ang dalawa sa loob, hirap na hirap naglakas palabas si Ling Yiran ng kwarto. Nang dahil sa epekto ng alak, pakiramdam niya ay lumilipad siya at habang patagal ng patagal, pakiramdam niya ay lalong lumalabo ang paningin niya.

“Kailangan ko ng umuwi…. Kailangan ko ng umuwi ngayon. Lalo akong mapapahamak kapag hinimatay ako sa kalsada!”

Sinusubukan niyang kumbinsihin ang sarili niya, pero parang sinasabotahe siya ng sarili niyang katawan.

“Saan… Saana ko pupunta?”

Habang nagpapatuloy sa paglalakad, may isang imahe na malabo sa paningin niya ang biglang sumulpot. Kahit na lasing siya… alam niyang pamilyar ang taong ito na siya ring nagbigay sakanya ng hindi maipaliwanag na kapanatagan. Pakiramdam niya na hanggat nasa harapan niya ang imaheng nakikita niya ay ligtas siya.

Dahan-dahang naglakas papalapit si Ling Yiran sa imaheng nakikita niya at matapos ang ilang hakbang, sa wakas nakarating rin siya sa harapan nito. Iniangat niya nag kanyang ulo para tignan ng malapitan ang imahe. Hindi maipalagay ang kanyang mga mata dahil sa sobrang kalasingan pero bigla siyang ngumiti, na para bang sobrang napanatag. “Jin..”

Ang sumunod na nangyari ay tuluyan na siyang nawalan ng malay at natumba.

Sinalo ni Yi Jinli ang lasing na lasing na si Ling Yiran. Napatitig siya sa pisngi nito, at hindi nagtagal ay dahan dahan niyang hinimas ang parte na nasampal at sa hindi maipaliwanag na dahilan, napuno ng galit ang kanyang mga mata.

“Young Master Yi.” Dali-daling ibinaba ni Gao Congming ang hawak nitong phone at nagmamadaling ipinaliwanag ang mga nangyari.” Mukhang sapilitan pong pinainom ng alak si Miss Ling, pagkatapos nasampal din po siya.”

“Ganun ba? Siguraduhin mong mababalian ng kamay ang taong sumampal sakanya,” sagot ni Yi Jinli habang binubuhat si Ling Yiran at isinasakay ito sa kanyang sasakyan.

Hindi makapaniwala si Gao Congming sa naging reaksyon ng kanyang amo. “Pinagtatanggol niyo po ba si Ling Yiran?” Noon, walang ginawang kahit anong paghihiganti ang Master Yi nangmamatay ang fiancé nito, samantalang ngayon, sa taong mismong naging dahilan ng aksidente, siya ay…

Habang nasa loob ng sasakyan, hindi mapigilang mapatingin ni Yi Jinli sab akas ng sampal na nasa pisngi ni Ling Yiran. Malinaw sakanya na laruan niya laman ito, pero bakit nagagalit siya ngayon na sinaktan ito ng ibang tao?

Dahil ba ‘to sa naawa siya? Pero… kahit kalian, hindi siya naawa sa kahit kanino.

Pagkagising ni Ling Yiran, sumalubong sakanya ang kisame ng kanyang apartment at… isang pamilyar na mukha.

“Jin!” Dali-daling bumangon at umupo si Ling Yiran, pero naramdaman niya na halos mabiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Huminga siya ng malalim at makalipas ang ilang sandali, muli siyang nagsalita, “Paano… paano ako nakauwi dito? Ang alam ko lang nasa clubhouse ako….”

Habang inaalala ang nangyari noong nakaraang gabi, napalitan ng lungkot ang kanyang ekspresyon.

“Nakita kita naglalakad palabas ng club, kaya inuwi kita,” sagot ni Yi JInli.

“Pero hindi ko naman sinabi sayo kung saan ako pupunta.”

“Noong sinagot mo yung tawag, narinig ko yung address,” sagot ni ‘Jin’. Gusto mob a ng tubig? Para gumaan pakiramdam mo.”

Binigyan ni *Jinli* ng maligamgam na tubig si Ling Yiran, na agad naman nitong ininom.

“Hmm.. wala naman akong ginawang kahit ano noong lasing ako, diba?” Nahihiyang tanong ni Ling Yiran.

Kabanata 7

“Wala,”sagot ni Yi Jinli. Pero sa totoo lang, pagkarating nila kagabi sa apartment. Inihiga niya kaagad ito, pero bigla siyang hinila nito at tinitigan siya nito sa mga mata.

Noong oras na ‘yun, hindi siya makapaniwala na sobrang lampa niya. Siguro kung mamatay tao yung kaharap niya kagabi, walang kaduda-dudang patay na siguro siya ngayon!

Ang buong akala niya ay lagi siyang alerto kaya hindi siya makapaniwala na walang kahirap-hirap siyang nahila nito.

Noong susubukan n asana niyang tumayo, bigla nitong hinawakan ang mukha niya at hinawi ang makapal niyang bangs at dahan-dahan nitong kinapa ang kanyang mga mata.

“Sobrang ganda talaga ng mga mata mo… Gusto… gustong gusto ko talaga yan…” Bulong ni Ling Yiran.

“Gusto?” Hindi nabago kay Yi Jinli ang mga salitang ito dahil lahat naman ata ng babae ay sinasabing gusto siya ng mga ito at ang ganda ng mga mata niya.

Siguro dahil ang mga mata niya lang ang bukod tanging namana niya sakanyang nanay.

Noon, sa tuwing napapatingin ang tatay niya mga mata niya, natutulala ito at kadalasan sinasabi nito, “Kung titignan kita sa mga mata mo, parang sobrang emosyunal mo, pero sa totoo lang, yang mga matang yan ang pinaka walang pusong matang nakita ko. Hindi ko alam kung magiging ano ka balang araw… emosyunal o walang puso…”

“Hm, kasi… ahhhhh…sobrang puro kasi nila…” Sagot ni Ling Yiran na sinabayan ng malakas na dighay.

“Puro Nakangising sagot ni Yi Jinli. Ngayon niya lang siya nakarinig ng sagot na ‘puro’ ang dahilan kung bakit maganda ang kanyang mata.

“Para bang…Hindi sila nababhiran ng kahit anong kasalanan.. Sobrang puro…” Sa sobrang lasing ni Ling Yiran, hindi na niya namalayan na halos magkadikit na sila ng mukha. “Jin, wag kang matakot… Poprotektahan kita…”

Pagkatapos itong sabihin ni Ling Yiran, dahan-dahan siyang humiga sa dibdib ni Yi Jinli at tuluyan ng nakatulog.

“Poprotektahan ako? Hindi mo nga kayang protektahan ang sarili mo, pero gusto mo akong protektahan? Nagbibiro ka ba!”

Noong oras nay un, muli siyang tinignan si Li Yiran na mahimbing na natutulog sa dibdib niya at sinabi, “Ate, wala ka namang ginawang kahit ano eh. Natulog ka lang.”

Pagkatapos itong marinig, huminga lang ng malalim si Ling Yiran.

Muling napatingin si *Jinli* sa namamagang parte ng pisngi nito. “Masakit ba yang mukha mo?”

Nagulat si Ling YIran sa tanong ni ‘Jin’ pero sumagot siya, “Okay lang.” Sa totoo lang, yun talaga ang nararamdaman niya dahil walang wala ito sa dinanas niya sa sa kulungan.

“Anong nangyari kagabi? Bakit namamaga yung mukha mo at lasing na lasing ka?” tanong ni ‘Jin’ habang nakatitig kay Ling Yiran.

“Wala, may nakaaway lang akong lasing,” pagpapanatag na sagot ni Ling Yiran. Hanggat maari, ayaw niyang sabihin kay ‘Jin’ ang mga hindi magandang nangyari sakanya kagabi.

Para sakanya, sobrang inosente ni ‘Jin’ at kahit na pagala-gala ito sa kalsada, sobrang puro lang ng ugali nito na parang virgin. Sana, hindi ito magbago.

“Ganun ba?” Sagot ni Yi Jinli habang umiiwas ng tingin. “Mas maganda siguro kung dumating ako ng mas maaga, siguro hindi ka nasaktan.”

Sa totoo lang, hindi naman totoo na wala siyang magagawa para hindi na ito malasing at masaktan. Parte ito ng laro niya na nagdadagdag ng kulay sa napaka boring niyang buhay. Inisip niya ng ana may mangyayari talaga sa loob ng private room.

Pero noong makita niya kung anong nangyari, hindi siya naging masaya.

“Okay na yung dumating ka para sunduin ako kasi kung hindi, baka sa kalsada na ako nakatulog,” sagot ni Ling Yiran at hinila ang kamay ni ‘Jin’. “Salamat, Jin. Sobrang laking bagay na kasama kita. At okay lang talaga ako. Sampal lang ‘to. Walang wala ‘to sakin.”

Bakas sa ngiti ni Ling Yiran na abot hanggang tenga ang saya, pero ang hindi maipaliwanag ni Yi Jinli ay kung bakit masaya siyang makita ang ngiti nito.

“Ano? Niloko ka ni Ling Luoyin para makipag inuman sa isang lalaki? Ang kapal talaga ng mukha niya! Humanda siya sakin! Biglang naisip ni Qin Lianyi na dalawin si Ling Yiran noong araw na yun at sakto, nakita niya na namamaga ang mukha nito kaya walang pagdadalawang isip niyang tinanong sa kaibigan kung anong nangyari.

“Ano naman?” Pagpipigil ni Ling Yiran kay Qin Lianyi. “Hindi kasi ako nag-ingat… Akala ko hihingi lang siya ng pera. Hindi naman inasahan na…. pero buti nalang talaga at dumating si ‘Jin’ para sunduin ang noong lasing na lasing na ako.”

"Jin?"

“Siya yung kasama ko ngayon sa bahay. Para kong nakababatang kapatid at ate ang tawag niya sa akin,” Masigasig na sagot ni Ling Yiran. Habang kinukewento niya si ‘Jin’ sa kaibigan, hindi niya napansin na nakangiti na pala siya.

“Nakababatang kapatid? Ilang taon na ba siya?” Pangiintriga ni Qin Lianyi.

“Twenty seven. Ilang buwan lang ang tanda ko skanya.”

Nang marinig ni Qin Lianyi ang sagot ng kaibigan, halos mabilaukan siya siya sa sarili niya laway dahil hindi siya makapaniwala na may kasamang lalaki si Ling Yiran sa apartment nito.

“Ano bang nasa isip mo? Paano kung may masama pala siyang balak? Hindi mob a naisip na nilalagay mo ang sarili mo sa kapahamakan? Nag-aral ka ng batas, diba? Hindi ba napaka ng kaso na nangyari na konektado sa mga babae at lalaking nakatira sa isang bubong? Mas delikado pa yang pinasok mo kumpara sa may kasama kang magrenta ng apartment!”

“Alam ko na nag-aalala ka, pero Lianyi, kapag may kasama ako, hindi ako nalulungkot. Isa pa, mabuting tao si Jin.”

“Anong ibig sabihin mong nalulungkot? Wala baa ko sa tabi mo?!” Nagtatampong tanong ni Qin Lianyi. “Paano kaya kung umalis nalang ako sa samin, tapos samahan nalang kita?”

“Wag mong gawin yan. Lalo lang magagalit sa akin ang mga magulang mo kapag lumayas ka sainyo,” Nagmamadaling pagtanggi ni Ling Yiran.

Mula noong mangyari ang aksidente, hindi talaga siya uminom, pero napaka raming ebidensya na lumabas na talagang lasing siya. Walang naniwala sakanya bukod kay Lianyi.

At sa loob ng tatlong taon niya sa kulungan, si Lianyi lang ang tumutulong sakanya sa kaso niya. BInitawan nito ang pag-aaral nito sa ibang bansa para suportahan siya at ito ang dahilan kung bakit sobrang nagalit ang mga magulang ni Lianyo kay Ling Yiran dahil ang akala ng mga ito, hindi makapaghanap ng trabaho ni Lianyi ng dahil sakanya.

At yun ang katotohanan. Kung hindi dahil sakanya, malamang mas maganda ang buhay ni Lianyi ngayon kaysa sa pagiging isang pipitsuging designer sa isang maliit na architectural firm.

“Isa pa, parang nakababatang kapatid lang talaga ang turing ko kay Jin. Alam mo naman na matagal ko ng gusting magkaroon ng kapatid na lalaki, at sa wakas natupad na ang pangarap ko,” Sagot ni Ling Yiran.

Alam ni Qin Lianyi na walang paraan para makumbinsi niya ang kaibigan niya kaya nagbigay nalang siya ng pangalawang pagpipilian na sa tingin niya papayag ito. “Sige, gusto ko siyang makilala balang araw.” Kapag nakita niya si ‘Jin’, doon lang siya mapapanatag.

“Sige ba,” walang pagdadalawang isip na sagot ni Ling Yiran.

“Siya ng apala, ito pala ang kopya ng kaso mo dati. May ilang impormasyon din ako napag-alaman,” aniya Qin Lianyi habang ibinibigay kay Ling Yiran ang isang tumpok ng dokumento. “Dahil nakalaya ka na ngayon, may plano ka bang buksan ulit ang kaso?”

“Hindi ko alam. Hindi ko alam kung saan ako makkahanap ng witness, at lahat ebidensya na mayroon ay laban sa akin. Hindi ko nagawang baliktarin ang hatol sa nakalipas na tatlong taon. Balang araw…”

“Siguro makakahanap pa tayo ng paraan para baliktarin ang kaso balang araw. Huwag mong kakalimutan na ikaw si Ling Yiran, at ang Ling Yiran na kiilala ko ay hindi sumusuko bsta-basta,” pagpapalakas ng loob na sagot ni Qin Lianyi.

Napangiti nalang si Ling Yiran sa kaibigan. Siguro sinubukan niyang ipaglaban noon ang kaso, pero nang mukulong siya ng tatlong mahabang taon, nawalan na siya ng kumpyansa sa sarili niya at napalitan ito ng sakit.

Dinala ni Ling Yiran ang isnag tumpok ng mga dokumento sakanyang apartment. Pagkauwi niya, wala nanaman si ‘Jin’.

“Siguro nagbibigay nanaman siya ng mga leaflets.. Ilanga raw na niya yung ginagawa ah.”

Nagluto si Ling Yiran ng dalawang mais, nagprito, at gumawa ng sabaw, habang hinihintay si ‘Jin’ na makauwi.

Related chapters

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 8

    Alas nuebe na ng gabi pero hindi pa rin umuuwi si ‘Jin’, kaya sobrang nag-alala si Ling Yiran na baka may nangyari na dito, lalo na wala itong cellphone para matawagan man lang ito. Kaya nag-aalalang lumabas su Ling Yiran sa kanayang apartment at naglakad-lakad hanggang sa makarating siya sa may entrance sa pagbabakasakaling makasalubong niya si ‘Jin’. Pero pagkalipas ng ilang oras, sa wakas naaninag na niyang naglalakad papalapit sakanya ang taong kanina niya pa inaantay. “Jin!’ Sa wakas makakahinga na siya ng maluwag. Samantalang si Yi Jinli naman ay biglang natigilan sa paglalakad at hindi makapaniwalang napatingin nalamang sa babaeng tumatakbo papalapit sakanya. Hingal na hingal at namumula ang buong mukha ni Ling Yiran dahil sa sobrang lamig, ngunit bakas sa mga mata nito ang saya na nararamdaman nito. “Buti naman at nakauwi ka na,” hingal na hingal na salubong ni Ling Yiran. “Ate…. Hinihintay mo ba ako?” Hindi makapaniwalang tanong ni Yi Jinli. Hinimas niya ang pi

    Last Updated : 2021-04-27
  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 9

    Pagkalabas nila ng ospital, nagtanong si Gao Congming, “Young Master Yi, gusto niyo po bang dumiretso na sa mansyon, o…?” “Sa Western District tayo.” Sagot ni Yi Jinli. Western District ang lugar kung saan nakatira si Ling Yiran. Walang ideya si Gao Congmin kung hanggang kalian balak ng amo niya na tumira maliit na apartment na ‘yun. Habang nasa byahe papunta sa Western District, biglang may napansin si Gao Congming sa intersection sa may bandang traffic light. “Young Master Yi, si Miss Ling Yiran yung nasa kabilang kalsada na yun, diba?” Tumingin si Yi Jinli sa direksyong tinuturo ni Gao Congmin at nakita niya ang isang payat na babae na nagwawalis sa gilid ng kalsada. Nakasuot ito ng isang reflectorized vest at nakatali ng simple ang buhok nito. Dahil sa lamig ng panahon, sa tuwing humihinga ito ay may lumalabas na usok mula sa bibig nito. Noong oras din na ‘yun, nasaktuhan niya na may isang electric bike ang nagmamadaling hinahabol ang green light at sa sobrang bilis nit

    Last Updated : 2021-04-27
  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 10

    “Wala ka namang ginagawang ilegal, diba?” Pagpapatuloy ni Ling Yiran habang nagsusuot ng medyas at sapatos. Pagkatapos, tumayo siya at naglakad pabalik sa kusina. Napangiti nalang si Yi Jinli habang pinagmamasdan si Ling Yiran na maglakad, sabay bulong sa sarili, “Hay.. Sana nga Ate, hindi kita mabigo balang araw.” — Simula noong gabing nagkagulo sa club, hindi na mapalagay si Ling Luoyin dahil mula noon, hindi niya maintindihan kung anong nangyari kay Assistant Director He. Kinabukasan, hindi ito na pumasok, at noong sumunod na araw, maging ang direktor ay pinalitan din. Wala ni isa sa mga crew members ang may ideya kung anong nangyayari. Pero malakas ang kutob ni Ling Luoyin na konektado ang nangyari kay Assistant Director He sa pagbabago ng direktor, kaya habang iniisip niya kung ano ba talagang naging dahilan, hindi niya maiwasang maikonekta ito kay Ling Yiran. Hindi dito nagtatapos ang lahat… Matapos ang ilang araw, nabalitan nalang niya na kaya pala hindi nagpapakita si

    Last Updated : 2021-04-27
  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 11

    Wala ng nagawa sina Ling Guozhi, Fang Cuie, at Ling Luoyin, kundi ang magkatinginan nalang dahil hindi sila makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Gusto pa sanang magwala ni Fang Cuie, pero bigla siyang pinigilan ni Ling Guozhi. “Halika na. Siguro ex-convict din ang lalaking yan! Marami talagang klase ng tao sa kulungan. Malay ba natin kung nakulong din yang lalaking yan?” Nang marinig ito ni Fang Cuie, dismayado nitong sinabi, “So, papalampasin nalang natin ‘to?” “Maghintay nalang tayo. Kapag pinag’initan nalang ni assistant Director He si Luoyin, tsaka nalang tayo mag-isip ng susunod na hakbang.” Pangungumbinsi ni Ling Guozhi dahil sa totoo lang, wala siyang lakas ng loob na hamunin ang lalaking naka engkwentro. Biglang kumunot ang noo ni Ling Luoyin, at pabulong na sinabi, “Talaga bang….ex-convict din ang lalaking yun?” Kahit na hindi niya masyadong naaninag ang itsura ng lalaki dahil natatakpan ang mukha nito ng mahaba nitong bangs, sigurado siyang gwapo ito nang masilip

    Last Updated : 2021-04-27
  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 12

    Noong nasa kulungan pa siya, wala ni isang naging kaibigan si Ling Yiran at tanging si Lianyi lang ang dumadalaw sakanya. Ito rin ang umasikaso ng kaso niya, at kung hindi siguro dahil dito, hindi siya makakalabas ng buhay sa kulungan. Si Lianyi ang nagiisang taong nagbigay sakanya ng suporta sa nakalipas na tatlong taon na tinuturing niyang pinaka madilim na yugto ng buhay niya. “Ang life-saving straw…?” Naramdaman ni Yi Jinli na mahalaga si Qin Lianyi sa buhay ni Ling Yiran kaya interesado siyang nagtanong, “Pero, hindi ba parang nakakatawa namang ituring ang isang tao na life-saving straw? Paano kung yung life-saving straw na yun ay bigla ka nalang iniwan, hindi ka malulungkot?” “Hindi yun gagawin ni Lianyi,” puno ng tiwalang sagot ni Ling Yiran kay Qin Lianyi. Hindi maintindihan ni Yi Jinli kung bakit siya biglang nailang sa kalagitnaan ng paguusap nila siguro dahil hindi niya gusto yung pakiramdam na may iba pang pinagkakatiwalaang tao si Ling Yiran, na para bang handa rin

    Last Updated : 2021-04-27
  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 13

    “Gusto ko ‘to!” Sabi ni Yi Jinli habang nagsasalita si Ling Yiran pagkatapos yumuko siya para tignan ng malapitan ang cellphone na napili. Hindi nagtagal, may biglang nagsalita galing sa likod nila, “Oh, Yiran!” Paglingon ni Ling Yiran nakita niya si Miao Jiayu na may kasamang babae. Naglalakad ang mga ito papalapit sakanila at mukhang nasa kalagitnaan ito ng pagshoshopping. Pagkalapit ng dalawa, naalala ni Ling Yiran kung sino ang babaeng kasama ni Miao Jiayu, si Zhao Mantian, isa rin sa mga naging kaklase niya noong high school. “Nagkita nanaman tayo! Boyfriend mo ba yang kasama mo?” Tanong ni Miao Jiayu habang tinitignan si Yi Jinli mula ulo hanggang paa. Noong hindi sumagot si Ling Yiran, biglang sumingit si Zhao Mantian, “Huy, Jiayu, ano ba yang pinagsasabi mo? Ang balita ko mayaman daw ang boyfriend ni Yiran. Eh hindi naman mukhang mayaman ‘tong lalaking ‘to eh.” “Ang gusgusin!” Pagkatapos magsalita ni Zhao Mantian, tinaasan nito ng kilay sina Ling Yiran at Yi Jinli

    Last Updated : 2021-04-27
  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 14

    Sobrang sampal ‘yun para sakanya. Magkahalong galit at hiya ang nararamdaman ni Zhao Mantian, kaya nagmamadali siyang naglakad papalayo, habnag si Miao Jiayu naman ay pahabol na sinundan ang kaibigan. Hindi makapaniwala si Ling Yiran sa nakita niya at pakiramdam niya ay nanunuod siya ng pelikula. Pagkalabas nila ng bazaar kanina, nakakita niya na nagkukumpulan yung mga tao kaya sumilip siya at doon niya nakita na may grupo ng lalaki ang pinagpupukpok na ang sasakyan na sa tingin niya ay kay Zhao Mantian. “Ano kayang nangyari? May nakaaway kaya siya na naghihiganti sakanya?” Nagtatakang tanong ni Ling Yiran. “Pwede!” Sagot ni Yi Jinli. “Pero, hayaan na nga natin sila.” Hinila ni Ling Yiran ang kamay ni Yi Jinli at naglakad sila papunta sa bus stop. Pero biglang huminto si Yi Jinli sa paglalakad kaya napatingin si Ling Yiran dito. Paglingon niya, gulat na gulat siya dhail sobrang putla nito habang nakatitig ito sa bus stop na pupuntahan nila. “Anong nangyari?” Nagaalalan

    Last Updated : 2021-04-27
  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 15

    “Sige sasamahan kita. Dito lang ako matutulog sa sahig sa tabi ng kama kaya makikita mo ako kaagad kapag dumungaw ka,” pagpapanatag ni Ling Yiran. “Kasya naman dalawang tao dito. Ate, pwede bang dito ka nalang din sa kama matulog?” Pabulong na sabi ni Yi Jinli na parang batang nagpapaawa. Hindi makapaniwala si Ling Yiran sa sinabi ni ‘Jin’ kaya ilang segundo din siyang nakatitig lang dito bago siya tumungo, “Sige.” Agad niyang kinuha ang kumot na nilatag niya sa sahig at humiga sa tabi ni ‘Jin’. Sa totoo lang, hindi niya naisip kung bakit siya pumayag na matulog sa tabi ng isang lalaki. Siguro dahil naawa siya nang makita niya ang mukha nito na parang isang babasaging manika na pwedeng mabasag kahit anong oras, kaya para bigla niya itong gustong protektahan. Nang makapwesto na siya sa kama, pinatay niya na ang ilaw, habang si Yi Jinli naman ay hinawakan ang isa niyang kamay. “Jin, kapag may masakit sayo, sabihan mo lang ako ah.” “Sige,” sagot ni Yi Jinli. Dahil ba ‘to sa ga

    Last Updated : 2021-04-27

Latest chapter

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 909

    Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 908

    May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 907

    Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 906

    Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 905

    Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 904

    "Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 903

    "Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 902

    Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 901

    Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at

DMCA.com Protection Status