Pagkadating nila sa VIP area, naghihintay sa kanila ang person-in-charge. Ang tanging kailangan lang ni Ling Yiran ay sundan ang urse.Sinundan ni Ling Yiran ang nurse para kuhaan siya nito ng dugo, x-ray at ultrasound scan kasama ng iba. Naghintay naman si Yi Jinli sa may VIP lounge.Habang sinusundan ni Ling Yiran ang nurse sa iba’t ibang departments, nakita niya na ang iba rito ay may mahahabang pila.Ipinaliwanag ng nurse na ang mga taong yun ay galing sa mga organizations para magpacheck up. Kaya naman, maraming tao.Nung sinusundan ni Ling Yiran ang nurse papunta sa ultrasound room, ang ibang kwarto ay may mahabang pila, pero dinala ng nurse si Ling Yiran sa isa pang punto kung saan walang pila sa labas.“Yiran!” Biglang may tumawag sa pangalan niya.Lumingon si Ling Yiran at nakitang nasa pila si Guan Lili.Nagulat si Ling Yiran. Hindi niya inaasahan na magkikita sila ni Guan Lili rito. ‘Nandito rin ba siya para sa check up? Ang ibig sabihin...’ Nakita ni Ling Yiran ang m
‘HIndi dapat ako nilamangan ni Ling Yiran dati. Lahat sila ay itinuturing siyang hotshot sa law firm habang ako naman ay invisible.’‘Ngayon, ‘pasisikatin’ ko ulit si Ling Yiran.’ Ipapaalam ko sa firm kung paano namumuhay ang best female lawyer nila ngayon.‘Ipapaalam ko sa kanila kung gaano sila nagkamali dati!’Mukhang ito lang ang paraan para maalis ang galit sa puso niya.Nung mga sandaling yun, may nurse na dumaan. Tinanong ng katrabaho niyang yun ang nurse. “Kanina, sabi ng isa sa mga staff niyo, hindi pwedeng pumunta ang mga regular na pasyente sa kwartong yun, pero nakita kong may dinala ang nurse na tao doon. Anong meron?”“Oh, siya ay VIP package customer namin,” sagot ng nurse.“VIP package? Magkano ito?” Nagulat ang katrabaho nito.“Depende sa package na pinili. Ang pinakamura ay ilang libo habang ang mahala naman ay pumapalo ng ilang daang libo. Kung gusto niyo pa ng impormasyon, pumunta kayo sa sixth floor. May special counter doon apra rito.” Pagkatapos, umalis a
Ito ang pinakamadilim na parte ng buhay niya. Pakiramdam niya ay wala na siyang dahilan para mabuhay. Kung hindi dahil kay Lianyi na lagi siyang binibisita, hindi siya buhay ngayon.Bumuntong hininga ang doctor. “Ipapatingin natin sa gynecologist ang report mo at titingnan natin kung magagawan natin ito ng paraan.”“May pag-asa pa ito?” nagulat si Ling Yiran.“May iba pang paraan?”“Bata ka pa. Hindi natin masasabing walang chance ito. Maliban pa rito, sa medicine, walang katiyakan.”Biglang nabuhayan ng loob si Ling yiran. Kahit na gaano kaliit ito, may pag-asa pa rin, tama?Habang iniisip niya ito, biglang lumabas ang mukha ni Yi Jinli sa isip niya.Kung magkakaroon siya na ng anak, ang magiging tatay nito ay si…“Okay, tapos na. Makakatayo ka na.” Naputol ang daydream ni Ling Yiran.Kaagad siyang tumayo at inayos ang damit niya. Naramdaman niyang ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa mga iniisip niya kanina.Gusto niyang… magkaanak kay Yi Jinli?Sinundan ni Ling Yiran
Pagkatapos magsalita ni Ling Yiran, wala siyang intensyon na pahabain pa ang debate nila ni Guan Lili. Sinabihan niya ang nurse na kasama niya, at pumunta sila sa next station.Naiwan si Guan Lili sa parehas na lugar. Sobrang sama nito makatingin sa likod ni Ling Yiran. Pagkatalikod naman niya, nakita niyang nakatitig lahat ng mga katrabaho niya.Nahihiyang ngumiti si Guan Lili at pumila ulit habang pakiramdam niya ay talo siya.Pagkatapos ng gulong yun, hindi pa rin niya alam kung paano nakayang bayaran ni Ling Yira ang VIP package.Pagkatapos ng lahat ng examinations, pumunta si Ling Yiran sa lounge kung nasaan si Yi Jinli.“Tapos ka na?” Tanong ni Yi Jinli.“Oo, pero ang iba sa mga ito ay magagawa lang sa tanghali,” sagot ni Ling Yiran.“Edi, kumain muna tayo ng agahan. Hindi ka pa kumakain simula kaning umaga,” Alok ni Yi Jinli.“Okay.” Pagkatapos, umalis muna silang dalawa sa ospital.“Saan mo gusto kumain?”“Maghanap tayo ng ramdom place na makakainan” 9-ish palang ng
Pinag-isipan ni Ling Yiran ang tungkol dito at mukha naman reasonable ito, kaya naman tumango siya at sinabing, “Okay.”Pagkatapos, kinain niya ang agahan niya habang nakangiting pinapanuod lang siya ni Yi Jinli. Sobrang cute ng bawat pagkain nito.Ang ipit niya, ang malinis niyang noo, ang elegante niyang facial features, ang mga mapupungay niyang mata, ang maliit niyang ilong, at ang mga pinkish lips niya…Perfect ang lahat ng ito sa kanya.Kailanman ay hindi niya naisip na balang araw, mamahalin niya ang isang babaeng katulad niya. Sobrang natural itong dumating sa buhay niya.Habang kumakain si Ling Yiran, nagtagpo ang mga mata nila. Sa panandalian oras na yun, pakiramdam niya ay navaccum ang utak niya ng dahil lang sa mga mata nito.“An.. Anong meron?” sabi niya.“Wala. Nagagandahan lang ako sayo masyado.”Nagulat si Ling Yiran. Paniguradong marami na itong nakitang magagandang babae, pero nasabi pa rin niya ito sa kanya. Dagdag pa rito, ang tagal na niyang walang skin c
“Ang kitchenware at bedding ay pwedeng ibenta sa second-hand shop mamaya pagkadaan natin. Para naman sa mga damit at sapatos, pwede ko pa naman itong suotin kaya dadalhin ko sila pauwi.”Tiningnan ni Yi Jinli ang mga damit at sapatos na gusto iuwi ni Ling Yiran. Ito ay mga lumang damit na. Kahit na okay pa rin ang mga quality nito, laos na ang mga styles nito at kupas na ito.Naintindihan naman kaagad ni Yi Jinli na ang mga damit na ito ay mga pag-aari niya bago siya makulong.Pero, hindi siya umimik. Sa huli kasi, kahit na gusto niya itong bigyan ng pera panggastos at sabihan ito na bumili ng mga bagong gamit, kailangan niya itong gawin ng dahan-dahan.Natatakot siya na baka kapag minadali niya ito, matatakot na naman niya ito. Unti-unti na nga nitong binababa ang depensa niya.“Bakit hindi mo ako hintayin dito? Babalik ako kaagad,” sabi ni Ling Yiran. Pagkatapos, kinuha niyang mga kitchenware at bedding. Pagkatapos, binalot niya ito para dalhin sa second-hand shop.Mas mabilis
Napatigil si Yi Jinli sa paglalakad at tiningnan si Ling Yiran.Naguluhan siya. “Ano yun?”“Paano kung?” Bigla niyang tinanong.Nagulat si Ling Yiran at unti-unting nawala ang ngiti niya. Malungkot siyang utmingin dito. “Jin, ayokong may nagsisinungaling sa akin. Lagi kong iniisip na para magtagal ang isang relasyon, kailangan ay honest kayo sa isa’t isa. Ang pinaka bare minimum ay hindi sila nagsisinungaling sa isa’t isa.”Tahimik lang si Yi Jinli pero nakatitig lang ito sa kanya.“Magsisinungaling ka ba sakin?” Tanong ni Ling Yiran ulit. Kinakabahan siya dahil natatakot siyang umoo ito. Natatakot siya na biglang magiging magkabaliktad ang pinaniniwalaan nila.Kung hindi sila magkakasundo tungkol dito, paano na magpapatuloy ang relasyon nila?Napakuyom ng kamao si Yi Jinli. Pagkatapos, mabagal na gumalaw ang mga labi nito habang sinasabi ang isang salita, “Hindi.”Nung narinig niya ang sagot nito, pakiramdam niya ay naalis na ang nakadagan sa puso niya. Makakahinga na siya.‘
Niluwagan niya ito pero nakayakap pa rin siya. “Ate, huwag mong sasabihin sakin na gusto mo makipaghiwalay, okay?”Yumuko siya. May namumuong lungkot sa mga mata niya na hindi pa nakikita ni Ling Yiran dati.Na para bang ang pagsabi niya ng hiwalayan ay sobrang mapankit na mawawala ito sa sarili.Ganoon ba siya… kaimportante sa kanya? Sa sobrang importante, hindi nito kayang tanggapin kahit hypothetical lang ang scenario na naiisip niya.Parang may tumusok sa puso ni Ling Yiran. Hindi niya mapigilang itaas ang kamay niya at yakapin ito pabalik.“Okay, Jin. Hindi ko na kailanman sasabihin ang salitang ‘hiwalayan’.” Ipinangako niya ito ng ganun lang.Nung mga oras na ito, hindi na niya masyadong inisip ang dahilan at pagbabayaran niya sa pangakong ito. Ngayon, ayaw niyang makita itong ganun.Pakiramdam niya ay napakasama niyang tao.…Pagsapit ng tanghali, bumalik sila Ling Yiran at Yi Jinli sa ospital. Handa na ang mga resulta niya at ang pinakaproblema niya ay mula sa mga dat