Ehem! Nasamid siya sa sarili niyang laway. ‘Ang… tinawagan niya ay ang traffic police chief? Sa tingin ko ay hindi ito kayang gawin ng karamihan sa Shen CIty.’Pagka-green ng traffic light, nagpatuloy si Yi Jinli sa pagmamaneho. Sa sandaling yun, napansin na rin ni Ling Yiran ang kotseng sinabi ni Yi Jinli sa rearview mirror.Kahit na may kaunting mga kotse sa pagitan nila, halatang isnusundan sila nito.Nang biglang, nakita ni Ling Yiran na may police car na papalapit. Pinahinto nila ito sa gilid. Pagkatapos, bumaba ang dalawang pulis sa kotse… Wala nang makita si Ling Yiran pagkatapos nito.‘Ang mga police car na yun ay ipinadala ng chief police?’ Kinilabutan si Ling Yiran. Naiintindihan na niya ang impluwansya ni Yi Jinli sa Shen City.Habang tinititigan ng mga traffic police, nag-aalinlangan na binigay ni Yan Fangfang ang identity card niya at lisensya. Iniisip niya kung bakit ang malas niya.Wala siyang nilabag na kahit anong traffic rules, kaya bakit siya pinahinto ng mga p
Kahit na hindi mo pa alam kung sino siya, sapat na ang itsura niya para pumila ang mga babae.Pero, mukhang hindi ito satisfied sa sagot niya. “Hindi ka ba nagseselos?”“Nagseselos?” Nagulat siya.Nakatingin si Yi Jinli sa kanya na para bang gusto nito mabasa ang nasa loob niya. Pagkatapos ng ilang sandali, tinanggap na nito ang realidad at bumuntong hininga. “Wala kang puso. Magiging masaya ako kung magseselos ka.”Napakagat labi si Ling Yiran. ‘Magseselos?... Kanina kasi may babaeng nagnganagalan na Yan Fangfang ang lumapit kay Yi Jinli. Mukhang wala itong problema na makuha si Yi Jinli, nagselos ba ako? Ang babapa nga ng tingin nito sakin…HIndi niya alam ang isasagot niya. Na para bang sa mga sandaling yun, hindi niya naisip magselos dahil alam naman niyang tatanggihan ni Yi Jinli ang babaeng yun.Dahl ba naniniwala siyang… sa kanya lang si Yi Jinli? Ang pagtitiwala niya kay Yi Jinli ay… sobrang lumaki ng ganito?Habang iniisip ito, nashock si Ling Yiran.“Yiran, kailan ka
Ngayon, kapag naiisip niya ito, puro work attire lang at ang gustong damit lang ni Xiao Ziqi ang laman ng closet niya. Halos wala siyang damit dito na gusto niya talaga.Mukhang ang daming bagay na hindi niya ginawa para sa sarili niya dati. Kadalasan kasi, busy siya sa pagplease ng ibang tao.“Sana mas maaga pa kitang nakilala,” sabi ni Yi Jinli.Kung nakilala niya lang ito ng mas maaga, paniguradong mas maganda ang naging simula nila. HIndi na nito kailangan makulong ng tatlong taon at hindi na siya matatakot na malaman nito ang katotohanan.Pakiram ni Ling Yiran ay puno ng maraming emosyon ang tingin ni Yi Jinli. Hindi niya ito maintindihan.“Sige, alis na tayo,” hinawakan niya ang kamay nito at bumaba. Siya ay may health checkup kaya naka-fasting ito hanggang sa matapos ito sa ospital.Pumunta na sila sa kotse. Napansin ni Yi Jinli na gamit niya ang ipit na binili niya para rito kahapon. Ito ay simple lang pero mas okay ito kaysa sa ginagamit niya kahapon.Mas naging at ease
Pagkadating nila sa VIP area, naghihintay sa kanila ang person-in-charge. Ang tanging kailangan lang ni Ling Yiran ay sundan ang urse.Sinundan ni Ling Yiran ang nurse para kuhaan siya nito ng dugo, x-ray at ultrasound scan kasama ng iba. Naghintay naman si Yi Jinli sa may VIP lounge.Habang sinusundan ni Ling Yiran ang nurse sa iba’t ibang departments, nakita niya na ang iba rito ay may mahahabang pila.Ipinaliwanag ng nurse na ang mga taong yun ay galing sa mga organizations para magpacheck up. Kaya naman, maraming tao.Nung sinusundan ni Ling Yiran ang nurse papunta sa ultrasound room, ang ibang kwarto ay may mahabang pila, pero dinala ng nurse si Ling Yiran sa isa pang punto kung saan walang pila sa labas.“Yiran!” Biglang may tumawag sa pangalan niya.Lumingon si Ling Yiran at nakitang nasa pila si Guan Lili.Nagulat si Ling Yiran. Hindi niya inaasahan na magkikita sila ni Guan Lili rito. ‘Nandito rin ba siya para sa check up? Ang ibig sabihin...’ Nakita ni Ling Yiran ang m
‘HIndi dapat ako nilamangan ni Ling Yiran dati. Lahat sila ay itinuturing siyang hotshot sa law firm habang ako naman ay invisible.’‘Ngayon, ‘pasisikatin’ ko ulit si Ling Yiran.’ Ipapaalam ko sa firm kung paano namumuhay ang best female lawyer nila ngayon.‘Ipapaalam ko sa kanila kung gaano sila nagkamali dati!’Mukhang ito lang ang paraan para maalis ang galit sa puso niya.Nung mga sandaling yun, may nurse na dumaan. Tinanong ng katrabaho niyang yun ang nurse. “Kanina, sabi ng isa sa mga staff niyo, hindi pwedeng pumunta ang mga regular na pasyente sa kwartong yun, pero nakita kong may dinala ang nurse na tao doon. Anong meron?”“Oh, siya ay VIP package customer namin,” sagot ng nurse.“VIP package? Magkano ito?” Nagulat ang katrabaho nito.“Depende sa package na pinili. Ang pinakamura ay ilang libo habang ang mahala naman ay pumapalo ng ilang daang libo. Kung gusto niyo pa ng impormasyon, pumunta kayo sa sixth floor. May special counter doon apra rito.” Pagkatapos, umalis a
Ito ang pinakamadilim na parte ng buhay niya. Pakiramdam niya ay wala na siyang dahilan para mabuhay. Kung hindi dahil kay Lianyi na lagi siyang binibisita, hindi siya buhay ngayon.Bumuntong hininga ang doctor. “Ipapatingin natin sa gynecologist ang report mo at titingnan natin kung magagawan natin ito ng paraan.”“May pag-asa pa ito?” nagulat si Ling Yiran.“May iba pang paraan?”“Bata ka pa. Hindi natin masasabing walang chance ito. Maliban pa rito, sa medicine, walang katiyakan.”Biglang nabuhayan ng loob si Ling yiran. Kahit na gaano kaliit ito, may pag-asa pa rin, tama?Habang iniisip niya ito, biglang lumabas ang mukha ni Yi Jinli sa isip niya.Kung magkakaroon siya na ng anak, ang magiging tatay nito ay si…“Okay, tapos na. Makakatayo ka na.” Naputol ang daydream ni Ling Yiran.Kaagad siyang tumayo at inayos ang damit niya. Naramdaman niyang ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa mga iniisip niya kanina.Gusto niyang… magkaanak kay Yi Jinli?Sinundan ni Ling Yiran
Pagkatapos magsalita ni Ling Yiran, wala siyang intensyon na pahabain pa ang debate nila ni Guan Lili. Sinabihan niya ang nurse na kasama niya, at pumunta sila sa next station.Naiwan si Guan Lili sa parehas na lugar. Sobrang sama nito makatingin sa likod ni Ling Yiran. Pagkatalikod naman niya, nakita niyang nakatitig lahat ng mga katrabaho niya.Nahihiyang ngumiti si Guan Lili at pumila ulit habang pakiramdam niya ay talo siya.Pagkatapos ng gulong yun, hindi pa rin niya alam kung paano nakayang bayaran ni Ling Yira ang VIP package.Pagkatapos ng lahat ng examinations, pumunta si Ling Yiran sa lounge kung nasaan si Yi Jinli.“Tapos ka na?” Tanong ni Yi Jinli.“Oo, pero ang iba sa mga ito ay magagawa lang sa tanghali,” sagot ni Ling Yiran.“Edi, kumain muna tayo ng agahan. Hindi ka pa kumakain simula kaning umaga,” Alok ni Yi Jinli.“Okay.” Pagkatapos, umalis muna silang dalawa sa ospital.“Saan mo gusto kumain?”“Maghanap tayo ng ramdom place na makakainan” 9-ish palang ng
Pinag-isipan ni Ling Yiran ang tungkol dito at mukha naman reasonable ito, kaya naman tumango siya at sinabing, “Okay.”Pagkatapos, kinain niya ang agahan niya habang nakangiting pinapanuod lang siya ni Yi Jinli. Sobrang cute ng bawat pagkain nito.Ang ipit niya, ang malinis niyang noo, ang elegante niyang facial features, ang mga mapupungay niyang mata, ang maliit niyang ilong, at ang mga pinkish lips niya…Perfect ang lahat ng ito sa kanya.Kailanman ay hindi niya naisip na balang araw, mamahalin niya ang isang babaeng katulad niya. Sobrang natural itong dumating sa buhay niya.Habang kumakain si Ling Yiran, nagtagpo ang mga mata nila. Sa panandalian oras na yun, pakiramdam niya ay navaccum ang utak niya ng dahil lang sa mga mata nito.“An.. Anong meron?” sabi niya.“Wala. Nagagandahan lang ako sayo masyado.”Nagulat si Ling Yiran. Paniguradong marami na itong nakitang magagandang babae, pero nasabi pa rin niya ito sa kanya. Dagdag pa rito, ang tagal na niyang walang skin c