Ang malaking kwarto ay kasing lamig ng tubig sa gabi. Sa sobrang lamig nito ay pwede ka magkasipon!…Pagkauwi ni Ling Luoyin, narinig niya na napatalsik ang nanay niya sa trabaho at ang tatay niya nademote mula sa pagiging supervisor at naging regular employee nalang ngayon!“Paano nangyari ito?” Gulat na sabi ni Ling Luoyin. Parehas na nagtatrabaho ang magulang niya sa public sector, at dito, hangga’t walang ginagawang pagkakamali ang isang tao, hindi sila madedemote o mapapatanggal.Maliban pa rito, girlfriend pa rin siya ni Gu Lichen! Kahit na gustong patalsikin ng head ang magulang niya, dapat ay kinonsidera muna nila ito!“Hindi niyo ba sinabi sa mga superiors niyo na ako na ang girlfriend ni Gu Lichen?” sabi ni Ling Luotin.“Syempre sinabi namin.” Pagkasabi nito, biglang nagalit si Fang Cuie. Sinabi niya sa boss niya na ang anak niya ang girlfriend ng prince ng entertainment industry at sa hinaharap ay ikakasal ito sa isa isang mayaman at makapangyarihang pamilya.Pero, h
Namutla si Ling Guozhi at galit na sinabi, “Ang anak kong to na walang utang na loob sa pamilya ay nakulong at sinira ang pamilya natin. Ngayon, gusto niya ba ulit sirain ito?”Ang dami niya kasing ginamit na koneksyon at ginastos para lang makuha ang posisyon niyang supervisor!Paano niya matatanggap ang katotohanan na isa nalang siyang regular employee ngayon?Galit din si Fang Cuie. Mukhang lalabas ito at hahanapin si Ling Yiran para pagpira-pirasuhin.“Mom at Dad, huwag kayong magpapadala sa damdamin. May Yi Jinli ngayon si ate. Kailangan muna natin pag-isipan kung ano ang gagawin natin sa kanya. Advise ni Ling Luoyin dahil ang dami niya ring pinagdaanan nung inaway niya si Ling Yiran dati!Pinag-isipan ito nila lIng Guozhi at Fang Cuie at sumang-ayon. Pagkatapos, sinabi nila, “Ano ang dapat nating gawin? Magdusa?”“Pag-iisipan ko pa ito,” sabi ni Ling Luoyin. Kailangan niya pag-isipan maigi kung paano niya haharapin si Ling Yiran at para hindi na rin ito mas lalong isipin ni
Dahil ba sa pinaranas ng buhay sa kanya kaya ngayon ay mas pinapahalagahan na niya ang pera?Pagkatapos makita ang expression niya, bigla siyang niyakap ni Qin Lianyo. “Yiran, ilang taon kong pinagsisisihan na hindi kita tinulungan dati. Alam ko na napagbintangan ka lang pero wala akong makitang kahit na anong pabor na ebidensya sayo nun kaya di kita matulungan,” sabi niya. Ang mga salitang ito ay matagal ng nasa puso niya.“Kahit noong nasa kulungan ka, wala akong magawa kung hindi pagaanin lang ang loob mo ng kaunti. Ayoko ng ganitong feeling at ngayong may nakuha na akong clues, gagawin ko ang lahat para mareverse ang kasong ito. Huwag mo na isipin ang ibang mga bagay at huwag mong isipin na may utang na loob ka sakin.”Ang bawat sinabi ni Qin Lianyi ay dinig na dinig ni Ling Yiran.“Lianyi, baka hindi ako makasurvive sa kulungan kung hindi ka bumibisita. Huwag mong isipin na ang mga salita mo ay walang halaga. Binigyan ako ng nito ng lakas na mabuhay,” sabi ni Ling Yiran haban
Ang tanging naalala niya lang ay ang unang tatlo at huling digits ng license plate number.Kaagad namang nakaramdam si Ling Yiran ng panlalamig. Anong nangyari? SIno ang mga taong yun? Bakit nila kinuha si Lianyi?!Ngayon si Lianyi…Makokonsidera ba itong kidnapping? O… kaagad nilabas ni Ling Yiran ang phone niya para tawagan ang best friend niya pero hindi niya alam kung anong sitwasyon nito ngayon. Baka kapag tumawag siya ngayon, mas maging malala ang kondisyon niya.Nagsimulang manginig ang mga kamay niya hanggang sa hindi na niya kayang hawakan ang phone niya.Hirap niyang dinial ang 110 sa para tumawag sa mga pulis.Pagkatapos mareport ang insidente, kaagad siyang pumunta sa management office ng parking lot. May mga cctv kasi dito kaya baka may footage nung pagkidnap kay Lianyi.Walang dapat mangyari kay Linayi, wala!Yun lang ang tanging nasa isip ni Ling Yiran nung mga oras na yun!...Pagkatanggap ni Yi Jinli ng tawag mula kay Ling Yiran, ang tanging naririnig niya
Nanginig ang buong ktawan niya at daha-dahan niyang inangat ang ulo niya, para tignan ang taong nasa harapan niya.... Halos hindi makatingin ng diretso ang mangiyak-ngiyak niyang mga mata. "Jin, pwede mo ba akong tulungang hanapin si Lianyi? Ang sabi ng mga pulis, nagfile na sila ng kaso at magpapadala sila ng hahanap sakanya, pero hindi daw nila alam kung gaano katagal. Kung naalala ko lang sana yung plate number ng sasakyan... bakit ba kasi masyado akong nagpakampante?" Base sa tono ni Ling Yiran, halatang sinisisi niya ang sarili niya.Samantalang si Yi Jinli ay nakatitig lang kay Ling Yiran. Isang beses niya palang itong nakitang aligaga at yun ay noong may nangyari sa lola nito. Pero kadugo niya ang lola niya, eh Win Lianyi? Hindi naman sila magkadugo pero sobra-sobra siyang magalala.Hindi alam ni Yi Jinli kung bakit pero nakaramdam siya ng selos. Nagseselos at nagaalala siya para kay Qin Lianyi. Paano kaya siya? Kung sakanya 'to mangyari? Mag'aalala rin ba si Ling Yiran
Mukhang nahihirapan siya huminga at hindi niya ito mailabas o malunok pababaDahil ba sa hindi niya kayang makita ang babae niya na mag alala at matakot? Mukhang siya lamang ang may kayang magparamdam nito sa kanya.Hindi mapigilan ni Yi Jinli na mapa buntong hininga at ilabas ang kanyang cellphone at humingi ng tulong. “ Tulungan mo akong hanapin si Qin Lianyi. Siya ay kinidnap kaninang hapon at gusto kong malaman kung nasaan siya at kung ligtas ba siya” Ibinigay ni Yi Junli kay Lin Yiran ang telepono para ito ay makapagsalita. Dali dali namang sumagot si Ling Yiran “ Ang kotse ay isang itim na Maybach, na may plate number na ... “Sinabi nito ang kanyang naalalang numero ng lisensya, ang address ng parking lot, ang oras ng pangyayari at iba pa. Pagkatapos niya magsalita ay binalik niya kay Yi Jinli ang telepono at nagsalita “ Ayan lahat ang alam namin. Sana mahanap niyo agad” Pagkatapos i-end ang tawag. Tiningnan ni Yi Jinli si Ling Yiran at sinabing “ Okay na. Pwede
Wala nang sinabi pa si Yi Jinli. Tumayo siya, isinara ang pintuan ng sasakyan, naglakad papuntang driver’s seat at pinaandar ang sasakyan.Hindi sanay si Ling Yiran makita si Yi Jinli magmaneho kaya nagulat siya noong si Yi Jinli ang nagmaneho. Ang nagmamaneho ng sasakyan madalas ay ang driver ni Yi Jinli.Hindi napigilan ni Ling Yiran na titigan si Yi Jinli habang nagmamaneho at pinagmasdan niya ang mukha ni Yi Jinli nang nakaside view.Habang pinagmamasdan niya ang mukha ni Yi Jinli nang nakaside view, hindi niya napigilang aminin sa sarili niya na ang gwapo ng lalaking ito mula sa matangos niyang iliong hanggang sa manipis at sexy niyang mga labi.Nang dahil sa pagtitig ni Ling Yiran kay Yi Jinli ay napansin nito na medyo magulo ang buhok niya ngayon. May mga kaunting buhok na nakaharang sa noo niya. Sa isip-isip niya, ‘ganito yung itsura ng Jin na kakilala ko noon’Sa kaiisip niya kay Jin ay naguluhan siya at hindi niya napigilang sabihin ang pangalan ni Jin nang paulit ul
Wala siyang ibang gusto na makita ni Ling Yiran kung hindi siya lang.“Kung gusto mo talagang malaman, maghintay ka lang dito kasama ako. Kapag nakita naman ng mga tao ko kung nasaan yung bestfriend mo na si Qin Lianyi, sasabihan naman nila ako agad.” Sabi ni Yi Jinli.Wala namang problema yung paghihintay kay Ling Yiran pero napaisip siya, ‘Teka! Saan ako maghihintay kasama siya?’ Pagkatapos ng limang minuto napaisip ulit siya.‘Sa kwarto ni Yi Jinli?!’Hindi ito ang unang beses na nakapasok siya sa kwarto ni Yi Jinli. Pero, ito ang unang beses na pumasok siya sa front door ng kwarto niya. Noon kasi, pumapasok siya sa pintuan na nagdudugtong sa kwarto nila.Noong pumasok na sila, hinubad ni Yi Jinli ang kanyang coat at kinuha ang kanyang cellphone. Nilagay niya ang cellphone niya sa coffee table.Nagulat si Ling Yiran nung nakita niya yung phone. Katulad na katulad ito nung phone na binili niya sa special price na 1,500 dollars. Mas maraming average na tao ang may mas maga