“Ang tanging tinatalak mo lang ay ang iyong nanay! Wala kang pakialam sa mga kapatid mo. Ikaw nga talaga ay butihing anak ng nanay mo!” Galit na sabi ni Ling Guozhi at dumiretso sa isang kwarto. Ilang sandali, lumabas ito ng may dalang photo album.Kinilabutan si Ling Yiran. Ang photo album na ito ay sa… nanay niya. Puno ito ng litrato nila.Nakita niyang naglabas si Ling Guozhi ng lighter at sinunog ang album. “Dahil wala kang pakialam sa kapatid mo, hindi ko ibibigay sayo ang photo album na ito. Hindi gugustuhin ng nanay mo na magkaanak ng katulad mo!”Nasunog ang album at inihagis ito ni Ling Guozhi sa sahig.Napasigaw si Ling Yiran. Itinaas niya ang mga manggas niya at sinubukang patayin ang apoy.Hindi ito pwedeng masunog. Hindi!Ang mga litrato sa loob ay puno ng alaala nilang mag-ina! Hindi pwedeng masunog ito nang ganito!Hindi alam ni Ling Yiran kung gaano katagal siyang sumisigaw. Patuloy siya sa pagpagpag ng apoy kahit na nasusunog na siya.Nung mga oras na yun, pa
Sobrang matutuwa siya kapag nasunog si Ling Yiran hanggang sa hindi na ito makilala. At least hindi na susunod si Lichen sa isang babaeng disfigured.Sayang at hindi ito nangyari!...Hindi alam ni Ling Yiran kung paano siya nakababa ng hagdan. Pakiramdam niya ay ginagamit niya ang buong lakas niya sa bawat hakbang.Ang mga kamay niya ay nakahawak pa rin sa photo album kahit na nanginginig siya sa sobrang galit.Wala naman siyang lakas ng loob na tingnan kung gaano kalala ang damage nito.Nandito lahat ng alaala niya—alaala niya kasama ang nanay niya!Pagkarating niya sa entrance, may lumapit sa kanya.“Anong nangyari sayo?” May narinig siyang nag-aalalang boses.Pakiramdam niya ay binalot siya ng anino. Kaagad namang sinuportahan siya nito.Sino ito? Sino ang sumusuporta sa kanya?Dahan-dahan na tumingala si Ling Yiran, at ang una niyang nakita ay ang magagandang mata nito. Para silang peach blossoms na sa sobrang ganda, kaya nito maghasik ng lagim. Ang mga itim nitong pu
Nanatiling tahimik si Ling Yiran at sa sobrang tahimik nito para siyang nawala sa sarili niyang mundo. Medyo bumalik siya sa wisyo nung kinuha ng doctor yung album sa mga kamay niya. Hinawakan niya ito ng mahigpit at sumigaw ng, “No!“Hindi niya kukunin ito. Gusto niya lang makita ang mga sugat sa mga kamay mo,” mahinang sabi ni Yi Jinli. “Ate, ibigay mo ito sa akin para makita na ng doctor ang mga sugat sa kamay mo, okay?”Pagkarinig sa salitang ‘ate’, sa wakas, tumingin na rin sa kanya ito. “Jin...” bulong nito.“Ako ito,” sagot niya. “Sabihin mo sakin, ano ang nangyari?”Nanginig ang mga labi nito at tumulo na naman ang mga luha nito. “Nasunog... ang photo album na puno ng litrato ni mama… Lahat ng ito ay nasunog.”Hindi ito makapagsalita at patuloy pa rin ito sa pag-iyak.Nagulat si Yi Jinli. Ang sunog na album na ito… ay photo album nilang mag-ina?Dahil matagal din silang nagkasama, alam niya kung gaano kaimportante ang nanay nito sa kanya.Sa wakas, nacheck na rin ng d
Namula ang ilong nito at nagsimula ulit siyang umiyak.“Kung gusto mo umiyak, iiyak mo lang, Ate,” ipinadaan nito ang daliri niya sa mga mata nito.Ang salitang ‘ate’ ay parang naging isang susi, nilabas nito ang lahat ng sakit at pighati na nakatago sa puso niya.Hindi niya kayang pigilan ang nararamdaman niya ngayon kaya napahagulgol si Ling Yiran.Ang tagal na niyang hindi umiiyak nang ganito. Narealize niya na kahit anong lakas at dami ng iyak niya, wala itong kwenta. Wala siyang maasahan kundi ang sarili niya. Walang kwenta ang mga luhang ito.Ngayon, pagkarinig niya ng ‘ate’ naalala niya ang kanyang nanay at ang kapatid niya dapat na lalaki na nasa sinapupunan nito pero hindi ito naipanganak para matawag siyang ‘ate’.Kung hindi namatay ang nanay at kapatid niya, hindi kaya siya magiging ganito kalungkot? Magkakaroon ba siya ng totoong pamilya?Nagulat si Yi JInli dahil sa pag-iyak ni Ling Yiran. Kung nalulungkot siya sa tuwing napapakagat labi ito habang tahimik na umiiy
Nagulat si Qin Lianyi. Hindi niya inaasahan na lalaki ang sasagot. Maliban pa rito, katunog ito ni… “Ikaw ba si… Yi Jinli?” Tanong nito.“Oo,” sagot niya at pinatay ang tawag.Naiwang nakatitig si Qin Lianyi sa phone niya. Kung tulog si Ling Yiran at si Yi Jinli ang sumagot ng phone… Ibig sabihin ba nito si Yi Jinli ang best friend nito ngayon?Tsaka, kung hindi nakatira si Yiran sa paupahan, nasaan na siya ngayon? Tiningnan niya ang paupahan. Baka… nasa iisang bahay sila ngayon?Hindi ba’t ang magical ng buhay?Samantalang, itinabi ni Yi Jinli ang phone ni Ling Yiran. Binuhat niya rin ito at lumabas ng kotse.Tinanggal niya ang coat niya at ibinalot ito sa katawan ni Ling Yiran para hindi ito lamigin.Habang papasok sila, hindi matago ng mga kasambahay ang pagkagulat nila. Kahit na alam nilang special na bisita si Ling Yiran dahil pinatira siya rito sa Yi residence, kailanman ay hindi nila nakita si Master Yi na tratuhin ang babae ng puno ng pag-iingat.Para itong may hawak na
Hindi… Hindi!Gusto niya makasama ang nanay at kapatid niya!Desperado siyang umiyak pero wala man lang siya malabas na tunog.Nang biglang, nag-alarm kaya nagising siya…Mabagal na binuksan ni Ling Yiran ang kanyang mga mata. Nakarinig siya ng malambing na boses, “Gising ka na?”Nagtama ang magandang mukha at ang mga mata niya, puno io ng di maipaliwanag na gentleness.“Oo...” matamlay niyang sagot, hindi pa siya gising masyado.Para kasing naghahalo yung panaginip sa realidad. “Edi ikaw na ang sumagot ng tawag,” sabi nito at inilapit ang phone sa tenga niya.Nanigas si Ling Yiran pagakarinig sa pamilyar na boses. “Yiran? Gising ka na ba, Yiran?”Biglang nagising si Ling Yiran. “Lianyi!”“Oo, nasaan ka ba ngayon? Kasama mo ba si Yi Jinli? Tinawagan kita kagabi pero siya ang sumagot ng phone. Nung tinawagan naman kita ngayon, siya pa rin ang sumagot.”Walang masabi si Qin Lianyi. Sinong magaakala na si Yi Jinli ang sasagot ng mga tawag niya kay Ling Yiran?“Tumawag ka k
Puno ng mahahalagang alaala ang photo album na yun.Napasimangot ng di sadya si Yi Jinli. “Isusuko mo ang buhay mo para lang sa isang photo album? Maswerte ka kahapon at nagkaroon ka lang ng mga pasa sa daliri. Paano kung nasunog mo talaga ang sarili mo?”“Mahalaga sa akin ang album na yan!” Sabi ni Ling Yiran.“Mas importante pa ba ito kaysa sa mga kamay mo? Hahayaan mo bang mawala ang mga kamay mo para lang maprotektahan ito?” Lumalim ang boses nito.“Ito ay sobrang importante sakin. Kahit na masunog pa ang mga kamay ko, gusto ko pa ring nasa akin ito.” Huminga ng malalim si Ling Yiran. Para sa kanya, ito ay isang remembrance at obsession sa puso niya.Ito ang pinakabest family na naranasan niya at sobrang saya niya nung mga panahon na ito.Namutla si Yi Jinli sa sagot nito, at nakaramdam ito ng bugso ng galit dahil hindi nito pinapahalagahan ang sarili niya. Mas may pakialam pa siya sa katawan nito kaysa sa kanya.Sobra ang pag-aalala niya na ayaw na niya itong masaktan kahi
“Walang makakapagpaalis sayo,” siguradong sabi ni Yi JInli. “Basta asikasuhin mo muna ang mga kamay mo. Sa tingin mo ba makakapagbuhat ka at makakawalis kung ganyan ang kamay mo ngayon?”Napayuko si Ling Yiran at walang masabi. Wala talaga siyang kayang gawin sa estado ng kamay niya ngayon.“Alagaan mo muna ang mga kamay mo dahil magagawa mo naman ang kahit anong gusto mo kapag magaling na ito,” sabi ni Yi Jinli. Pagkatapos, habang may parang iniisip ito, sabi niya, “Kikitain mo ba si Qin Lianyi ngayong gabi? Bakit hindi mo ito ilipat sa ibang araw hanggang sa gumaling ang mga kamay mo.”Paniguradong magugulat ang mga taong nakakakilala kay Yi Jinli kapag narinig nila ito.Kailan pa may nag-alala sa injuries ng babae ang pinakamahirap hagilapin na lalaki ng Shen City?Kahit kasi may taong duguan sa harap niya at malapit na ito mamatay, wala itong pakialam.“Kailangan ko umalis,” paniguradong sagot ni Ling Yiran. “Mukhang may balita si Qin Lianyi tungkol sa witness ng kaso ko. K