Nagulat si Qin Lianyi. Hindi niya inaasahan na lalaki ang sasagot. Maliban pa rito, katunog ito ni… “Ikaw ba si… Yi Jinli?” Tanong nito.“Oo,” sagot niya at pinatay ang tawag.Naiwang nakatitig si Qin Lianyi sa phone niya. Kung tulog si Ling Yiran at si Yi Jinli ang sumagot ng phone… Ibig sabihin ba nito si Yi Jinli ang best friend nito ngayon?Tsaka, kung hindi nakatira si Yiran sa paupahan, nasaan na siya ngayon? Tiningnan niya ang paupahan. Baka… nasa iisang bahay sila ngayon?Hindi ba’t ang magical ng buhay?Samantalang, itinabi ni Yi Jinli ang phone ni Ling Yiran. Binuhat niya rin ito at lumabas ng kotse.Tinanggal niya ang coat niya at ibinalot ito sa katawan ni Ling Yiran para hindi ito lamigin.Habang papasok sila, hindi matago ng mga kasambahay ang pagkagulat nila. Kahit na alam nilang special na bisita si Ling Yiran dahil pinatira siya rito sa Yi residence, kailanman ay hindi nila nakita si Master Yi na tratuhin ang babae ng puno ng pag-iingat.Para itong may hawak na
Hindi… Hindi!Gusto niya makasama ang nanay at kapatid niya!Desperado siyang umiyak pero wala man lang siya malabas na tunog.Nang biglang, nag-alarm kaya nagising siya…Mabagal na binuksan ni Ling Yiran ang kanyang mga mata. Nakarinig siya ng malambing na boses, “Gising ka na?”Nagtama ang magandang mukha at ang mga mata niya, puno io ng di maipaliwanag na gentleness.“Oo...” matamlay niyang sagot, hindi pa siya gising masyado.Para kasing naghahalo yung panaginip sa realidad. “Edi ikaw na ang sumagot ng tawag,” sabi nito at inilapit ang phone sa tenga niya.Nanigas si Ling Yiran pagakarinig sa pamilyar na boses. “Yiran? Gising ka na ba, Yiran?”Biglang nagising si Ling Yiran. “Lianyi!”“Oo, nasaan ka ba ngayon? Kasama mo ba si Yi Jinli? Tinawagan kita kagabi pero siya ang sumagot ng phone. Nung tinawagan naman kita ngayon, siya pa rin ang sumagot.”Walang masabi si Qin Lianyi. Sinong magaakala na si Yi Jinli ang sasagot ng mga tawag niya kay Ling Yiran?“Tumawag ka k
Puno ng mahahalagang alaala ang photo album na yun.Napasimangot ng di sadya si Yi Jinli. “Isusuko mo ang buhay mo para lang sa isang photo album? Maswerte ka kahapon at nagkaroon ka lang ng mga pasa sa daliri. Paano kung nasunog mo talaga ang sarili mo?”“Mahalaga sa akin ang album na yan!” Sabi ni Ling Yiran.“Mas importante pa ba ito kaysa sa mga kamay mo? Hahayaan mo bang mawala ang mga kamay mo para lang maprotektahan ito?” Lumalim ang boses nito.“Ito ay sobrang importante sakin. Kahit na masunog pa ang mga kamay ko, gusto ko pa ring nasa akin ito.” Huminga ng malalim si Ling Yiran. Para sa kanya, ito ay isang remembrance at obsession sa puso niya.Ito ang pinakabest family na naranasan niya at sobrang saya niya nung mga panahon na ito.Namutla si Yi Jinli sa sagot nito, at nakaramdam ito ng bugso ng galit dahil hindi nito pinapahalagahan ang sarili niya. Mas may pakialam pa siya sa katawan nito kaysa sa kanya.Sobra ang pag-aalala niya na ayaw na niya itong masaktan kahi
“Walang makakapagpaalis sayo,” siguradong sabi ni Yi JInli. “Basta asikasuhin mo muna ang mga kamay mo. Sa tingin mo ba makakapagbuhat ka at makakawalis kung ganyan ang kamay mo ngayon?”Napayuko si Ling Yiran at walang masabi. Wala talaga siyang kayang gawin sa estado ng kamay niya ngayon.“Alagaan mo muna ang mga kamay mo dahil magagawa mo naman ang kahit anong gusto mo kapag magaling na ito,” sabi ni Yi Jinli. Pagkatapos, habang may parang iniisip ito, sabi niya, “Kikitain mo ba si Qin Lianyi ngayong gabi? Bakit hindi mo ito ilipat sa ibang araw hanggang sa gumaling ang mga kamay mo.”Paniguradong magugulat ang mga taong nakakakilala kay Yi Jinli kapag narinig nila ito.Kailan pa may nag-alala sa injuries ng babae ang pinakamahirap hagilapin na lalaki ng Shen City?Kahit kasi may taong duguan sa harap niya at malapit na ito mamatay, wala itong pakialam.“Kailangan ko umalis,” paniguradong sagot ni Ling Yiran. “Mukhang may balita si Qin Lianyi tungkol sa witness ng kaso ko. K
Sobrang liit niya tingnan sa picture. Ang matatabang pisngi at makapal na itim na buhok ay mukhang cute.Kailanman, hindi inakala ni Yi Jinli na matutuwa siya tumingin ng bata, pero nung mga oras na yun nakaramdam siya ng totoong pagmamahal habang nakatingin sa batang nasa litrato. Iniisip niya nga na kapag nagpakita ito sa harap niya ngayon, baka ikiss at yakapin niya ito.Dahil ba ang batang ito ay siya? Kaya sa tingin niya ay cute ito? Kailanman ay hindi siya nakaramdam ng ganito sa ibang mga bata.Isa-isang nilabas ni Yi Jnli ang mga litrato.Nagsimula ito sa mga litrato ni Ling Yiran at nanay niya pero kalaunan, naging mag-isa nalang si Ling Yiran dito.Sa mga litratong ito, mas mukha na siyang matanda kaysa noong kasama niya ang nanay niya. Mukha siyang five to six years old dito.Hindi ganun kasingrami ng picture nila ng nanay niya ang picture niya mag-isa.“Noong buhay pa ang nanay ko. Gusto niya akong kinukuhaan ng litrato pero ung namatay siya, minsan nalang ako magpi
“Sakit? Nagkasakit ka?” May tension bigla sa boses nito.“Nagkaroon ako ng lagnat mga ilang araw. Kaya antukin ako nun pero buhay pa naman ako at malakas nung gumaling. Pero sa kasamaang palad, nawala na ang dress,” sinabi niya ng may pagsisisi. Pero, pagkatapos nito, pasikreto siyang sinabihan ng lola niya na bibilhan siya nito ng magandang dress kapag siya ang no 1 sa klase sa final exam.Pero, nung naging first place siya, kailangan niya iwan ang lola niya para bumalik sa tatay niya.Bago siya makaalis, siningit ng lola niya ang bago niyang dress sa luggage.Habang nag-iisip siya, may biglang malaking kamay ang humawak sa noo niya. Nagulat si Ling Yiran at tiningnan si Yi Jinli, “Wala akong… lagnat ngayon.”“Alam ko,” bulong nito. “Bibilhan kita ng kahit anong dress na gusto mo sa future.” Nanginig siya sa mga sinabi nito. “Hindi naman na ako bata na laging nag-iisip ng mga dress.” Napakagat labi siya at napayuko.Habang mas matagal siyang nakatingin dito, mas lalong lumal
Pero, ang problema sa mga taong katulad niya, marami siyang nakikitang cute na mga tao. Sobrang cute ba ng picture na yun kaya gusto niya itago ito?Nung mga oras na yun, ang meeting nila ni Qin Lianyi ang pinakamahalagang bagay para sa kanya.Paalis na siya pero inutusan ni Jin ang driver na ihatid siya doon.Alam niya mula sa experience na walang magagawa ang pagtanggi niya. Kung yun na ang desisyon niya, hindi na magbabago ito.Pagkapasok niya sa kotse, sinabi ni Ling Yiran kung saan siya pupunta.Ang resulta ay nakarating siya ng kalahating oras bago ang napag-usapan.Pumasok si Ling Yiran sa loob ng fast food restaurant. Umupo siya at nagorder ng inumin na nagkakahalaga ng 6 dollars. Pinadalhan niya rin ng message si Qin Lianyi.Habang hinihintay niya ang best friend niya, casual siyang tumingin sa transparent French window at pinanuod ang madaming food delivery riders na lumabas pasok ng restaurant dala ang mga order.Food deliveries… Nalungkot si Ling Yiran. Ang lisensy
“Masakit pa ba ang mga kamay mo?” Nag-aalalang tanong ni Qin Lianyi.“Ayos lang ito,” sabi ni Ling Yiran. “Mukha lang itong malala dahil sa gasa pero wala akong naramdaman na kahit anong sakit ngayon at kaya ko na magbuhat ng ako lang.”Nakahinga ng maluwag si Qin Lianyi at nagorder ng pagkain.Habang kumakain at nag-uusap sila, nalaman ni Ling Yiran kung ano ang nangyayari sa witness na nabanggit ng best friend niya sa phone. Ang isang katrabaho niya sa design studio ay nagpost ng video sa groupchat nilang magkakatrabaho. Doon nakita ni Lianyi kung sino ang tumestigo dati.Ang lalaki ay ang kakakasal lang na asawa ng anak ng kamag-anak ng katrabaho ni Lianyi, at ngayon, nakatira ito sa S CIty.Casual na tinanong ni Qin Lianyi ang pangalan nito, kung sakali, pero hindi alam ng katrabaho niya ang pangalan nito. Ang alam lang nito ay You ang apelyido nito.Kaunti lang ang mga taong may apelyido na ‘You’.Tapos pinlay ni Qin Lianyi ang video para kay Ling Yiran.Ito ay video ng b