“Pero, mas okay kung seseryosohin mo ito,” sabi niya.Nagulat si Ling Yiran. Ano ang ibig sabihin niya rito? Seryosohin ito…?Papakasalan siya nito kung gusto niya. Hindi ba niya alam ang ibig sabihin ng sinabi niya?Gulong gulo ang utak ni Ling Yiran pagpasok niya sa kotse. Pagkadating ng kotse sa Yi residence, sinundan niya si Yi Jinli palabas at papasok palang ng bahay pero biglang tumigil ito.“By the way, hindi sa hindi ako nagutom kailanman,” sabi niya. “May mga pagkakataong nagutom ako na akala ko mamamatay na ako.”Noong bata pa siya, namatay ang tatay niya, at ang katawan nito ay nacremate. Naiwan si Yi Jinli sa maliit na bahay habang hawak ang urn na puno ng abo ng tatay niya, Nung mga panahong yun, sobrang gutom siya. Sa sobrang gutom niya, nawalan siya ng lakas at halos muntikan na mamatay.Mabuti nalang, kumatok ang kapitbahay nila at binigyan siya ng makakain. Dahil dito, bumalik ang lakas at sigla niya.Nagulat si Ling Yiran. Pagkatapos nito ito sabihin, nalungko
“Ngayong walang kahit anong maganda sa buhay niya, ayaw niyang maging masaya rin si Ling Luoyin!” Galit na sabi ni Fang Cuie. “Kapag sinira niya ang relasyon ni Ling Luoyin kay Gu Lichen. Papatayin ko siya!”Pero, sabi ni Ling Guozhi, “May misunderstanding ba rito?” Sa huli kasi, anak niya rin si Ling Yiran. HIndi mahalaga sa kanya kung sinong anak niya ang makakasama ni Gu Lichen.Ang mahalaga ay maging father-in-law siya ni Gu Lichen.“Ano pa bang misunderstanding nandito? Sinusubukan niyang umakyat sa social ladder!” sabi ni Fang Cuie. “Paanong naging malapit siya kay Yi Jinli? Hindi ba niya alam na ex-convict siya? Sino ang seseryoso sa kanya?”HIndi na nagpipigil si Fang Cuie sa paninira sa stepdaughter niya dahil sa takot na nanakawin nito ang magandang kasal ng anak niya sa future.“Kakaiba si Luoyi. Inosente si Luoyin! Siya ay ang seryosong girlfriend ni Gu Lichen. Natural lang naman para sa kanya na maging best actress at ikasal para makasama sa Gu family.” Sa ganitong pa
Pagtalikod niya, napansin niyang nakasandal si Yi Jinli sa may pinto. Nakatitig ito sa kanya.“Sino ang tumawag sayo?” Tanong nito habang papalapit sa kanya.“Tatay ko,” sagot ni Ling Yiran. “Uuwi ako sa bahay bukas ng gabi kaya pwede bang sabihan mo ang driver na wag ako sunduin sa Sanitation Service Center?”Nagkaroon ng pag-aalala sa mga mata niya. “Gusto mo bang samahan kita?”Gulat niyang tiningnan ito. Samahan siya? Bakit siya nito sasamahan? Maliban pa rito, babalik lang siya para sa nanay niya.“Huwag na, kaya kong umuwi mag-isa,”sabi ni Ling Yiran. “Late na, matutulog na ako.”Ang ibig sabihin nito, pinapalis na niya siya.Naningkit ang mata nito at hinawakan ang buhok niya. “Bakit ba ayaw mo sakin?”Hindi makapagbigay ng sagot si Ling Yiran.“Edi sabihin mo sakin ang kailangan kong gawin para tratuhin mo ulit ako katulad nang dati.” Kasing bango ng orchid ang hininga nito.Gusto niyang ngumiti ito ng may pagmamahal at malambing itong magsalita katulad nang dati.
Kung may kilalang bigatin si Yiran, bakit siya magtatrabaho bilang tagawalis sa Sanitation Service Center at nagtrabaho pa ito bilang extra para makakuha ng marami pang pera?“Hindi… wala lang yun,” malabong sagot ni Ling Yiran. “Sis Xu, sa tingin ko ay hindi ako bagay maging extra. Hindi ko na ito gagawin kaya pakiusap, pakisabi nalang kay Old Guo na humihingi ako ng tawad para sa gulo. Aalis na ako sa groupchat mamaya.”Marami kasing nakasaksi ng eksena kahapon at sobrang liit lang ng entertainment industry kaya laging nagkikita ulit ang mga tao. Kung magiging extra siya ulit, awkward ito para sa kanya. Mas okay na tumigil na siya.Sayang nga lang at hindi na niya pwedeng gawin ito para makakuha ng mas maraming pera. Sa ngayon kasi, ang tanging naiisip niya lang ay kung paano kikita ng mas marami.“Okay.” Napansin ni Sis Xu na ayaw pag-usapan ito ni Ling Yiran kaya naman hindi na siya nagtanong. Ang tanging sinabi niya lang, “Kakausapin ko si Old Guo mamaya, pero sabihan mo muna
“Ito, maupo ka muna,” sabi ni Ling Guozhi,Umupo si Ling Yiran at direktang tinaong, “Kailan mo ililipat ang puntod ni Mama?”“Hindi mo kailangan magmadali,” sabi ni Ling Guozhi at kumaway. “Pag-usapan muna natin ang tungkol sa inyo ng kapatid mo. Ako ang magiging peacemaker sa pagitan niyong dalawa ngayong araw. Kahit ano pa ang nangyari sa inyo dati, magkapatid pa rin kayo at bilang nakakatanda, dapat ay alagaan mo ang kapatid mo.”Napasimangot si Ling Yiran. “Gusto ko lang malaman kung saan mo ililipat ang puntod ni mama.”Sumama ang loob ni Ling Guozhi. “HIndi ba’t sinabi ko na sayo na pag-uusapan natin to mamaya? Pag-usapan muna natin ang tungkol sa inyong magkapatid muna.”“Ate, kung may nagawa man akong mali, huwag mong masyadong damdamin ito. Humihingi ako ng tawad.” Mukhang sincere si Ling Luoyin.Pero, defensive si Ling Yiran.Kapag mas matagal na umaaktong ganito si Ling Luoyin, mas problema ito.Paniguradong ang susunod na sasabihin ni Ling Guozhi ang tunay na han
“Ang tanging tinatalak mo lang ay ang iyong nanay! Wala kang pakialam sa mga kapatid mo. Ikaw nga talaga ay butihing anak ng nanay mo!” Galit na sabi ni Ling Guozhi at dumiretso sa isang kwarto. Ilang sandali, lumabas ito ng may dalang photo album.Kinilabutan si Ling Yiran. Ang photo album na ito ay sa… nanay niya. Puno ito ng litrato nila.Nakita niyang naglabas si Ling Guozhi ng lighter at sinunog ang album. “Dahil wala kang pakialam sa kapatid mo, hindi ko ibibigay sayo ang photo album na ito. Hindi gugustuhin ng nanay mo na magkaanak ng katulad mo!”Nasunog ang album at inihagis ito ni Ling Guozhi sa sahig.Napasigaw si Ling Yiran. Itinaas niya ang mga manggas niya at sinubukang patayin ang apoy.Hindi ito pwedeng masunog. Hindi!Ang mga litrato sa loob ay puno ng alaala nilang mag-ina! Hindi pwedeng masunog ito nang ganito!Hindi alam ni Ling Yiran kung gaano katagal siyang sumisigaw. Patuloy siya sa pagpagpag ng apoy kahit na nasusunog na siya.Nung mga oras na yun, pa
Sobrang matutuwa siya kapag nasunog si Ling Yiran hanggang sa hindi na ito makilala. At least hindi na susunod si Lichen sa isang babaeng disfigured.Sayang at hindi ito nangyari!...Hindi alam ni Ling Yiran kung paano siya nakababa ng hagdan. Pakiramdam niya ay ginagamit niya ang buong lakas niya sa bawat hakbang.Ang mga kamay niya ay nakahawak pa rin sa photo album kahit na nanginginig siya sa sobrang galit.Wala naman siyang lakas ng loob na tingnan kung gaano kalala ang damage nito.Nandito lahat ng alaala niya—alaala niya kasama ang nanay niya!Pagkarating niya sa entrance, may lumapit sa kanya.“Anong nangyari sayo?” May narinig siyang nag-aalalang boses.Pakiramdam niya ay binalot siya ng anino. Kaagad namang sinuportahan siya nito.Sino ito? Sino ang sumusuporta sa kanya?Dahan-dahan na tumingala si Ling Yiran, at ang una niyang nakita ay ang magagandang mata nito. Para silang peach blossoms na sa sobrang ganda, kaya nito maghasik ng lagim. Ang mga itim nitong pu
Nanatiling tahimik si Ling Yiran at sa sobrang tahimik nito para siyang nawala sa sarili niyang mundo. Medyo bumalik siya sa wisyo nung kinuha ng doctor yung album sa mga kamay niya. Hinawakan niya ito ng mahigpit at sumigaw ng, “No!“Hindi niya kukunin ito. Gusto niya lang makita ang mga sugat sa mga kamay mo,” mahinang sabi ni Yi Jinli. “Ate, ibigay mo ito sa akin para makita na ng doctor ang mga sugat sa kamay mo, okay?”Pagkarinig sa salitang ‘ate’, sa wakas, tumingin na rin sa kanya ito. “Jin...” bulong nito.“Ako ito,” sagot niya. “Sabihin mo sakin, ano ang nangyari?”Nanginig ang mga labi nito at tumulo na naman ang mga luha nito. “Nasunog... ang photo album na puno ng litrato ni mama… Lahat ng ito ay nasunog.”Hindi ito makapagsalita at patuloy pa rin ito sa pag-iyak.Nagulat si Yi Jinli. Ang sunog na album na ito… ay photo album nilang mag-ina?Dahil matagal din silang nagkasama, alam niya kung gaano kaimportante ang nanay nito sa kanya.Sa wakas, nacheck na rin ng d