May lamang gentleness ang mga mata nito na parang sinasabi ng mga ito na kaya niyang tapatan ang kahit anong gawin ni Ling Yiran.Ang kislap sa kanyang mga mata at ngiti ay sobrang gandang tingnan.Biglang narealize ni Ling Yiran na para siyang tanga. Kahit orderin niya kasi ang lahat ng putahe sa menu, wala lang ito kay Yi Jinli.Anong mali sa kanya? Para siyang hangal para lang malabas ang galit niya.Inis na binalik ni Ling Yiran ang menu sa waiter at sinabing, “Yun lang.”“Yun lang?” Nakangiting sabi ni Yi Jinli.Napakagat labi si Ling Yiran ng ilang sandali bago sabihin, “Yun lang lahat.”“Matatapos niyo ba yan lahat? Sapat ito sa pito hanggang walong katao. Hindi ba ito sobra para sa inyong dalawa?” Prangkang sabi ng walter.Walang bahalang sabi ni Yi Jinloi, “Yan lang lahat muna.”Kinuha ng waiter ang menu at umalis.Tumingin si Yi Jinli kay Ling Yiran at sinabing, “Kung sa tingin ni Ate ay hinid pa ito sapat, pwede ka pang magorder ng iba pa mamaya.”Kumabog ulit a
Sobra ito makatitig kaya hindi mapigilang tumingin ni Ling Yiran kay Yi Jinli, Tinanong niya ito, “Hindi ka ba kakain?”“Kakain. Gusto lang kitang panuorin kumain muna. Mas gaganahan kasi ako kumain kapag pinanuod kita,” sabi nito.“...” Bigla siyang walang masabi. Ano ang ibig sabihin niya rito?“Tuwing pinapanuod kita kumain, mas sumasarap ang pagkain,” sabi niya.“Iyan ay dahil hindi ka pa nagutom kahit kailan,” sabi ni Ling Yiran. “Kung hindi ka makakakain ng ilang araw, masasarapan ka na kahit sa isang simpleng lugaw.”Napatigil ang mata ni Yi Jinli “Nagutom ka na ba?”“Oo,” walang bahalang sabi niya. Parang casual na topic nalang ang naranasan niyang nasa pagitan siya ng kabuhayan at kamatayan noon.“Noong nasa kulungan ka ba nito?” “Oo,” sagot niya.Pagkatapos, wala na sa kanila ang nagsalita. Yumuko nalang si Ling Yiran at nagpatuloy kumain habang nakatingin pa rin sa kanya si Yi Jinli.Suot pa rin nito ang mumurahin niyang damit ngayong araw. Yumuko ito at ang ilang
Pero, karamihan naman ng mga tao sa Shen CIty ay alam na engage na sila Hao Yimeng at Xiao Ziqi. Malapit na rin silang ikasal. Ang pagbanggit ni Guan Lili kay Xiao Ziqi na ex niya ay parang sinasadya nitong ipaalala sa kanya ang isang bagay.Tiningnan lang ni Ling Yiran si Guan Lili, bigla niyang naintindihan ito.Mas bakas ang di pagkakomportable ang mukha ni Guan Lili habang nakatingin si Ling Yiran sa kaknya. Tiningnan siya ni Ling Yiran na para bang nababasa niya ang nasa loob nito.Pero, sabi niya sa sarili niya, ‘Ano naman kung naintindihan niya ang ibig kong sabihin? Hindi naman na siya isang rising star sa industry.’Noong sabay silang pumasok sa firm dati, kay Ling Yiran lang nakatingin ang lahat.Lagi nilang sinasabi na magiging isang bigating lawyer si Ling Yiran dati dahil maayos ang kanyang career at lovelife.Sa tuwing nagkakamali si Guan Lili, sasabihan siya ng mentor nila na maging katulad ni Ling Yiran. Ikinagalit niya ito pero wala siyang magagawa.Si Ling Yira
“Ayoko,” sabi ni Ling Yiran. “May kaibigan akong naghihintay para sakin sa labas din kaya kailangan ko na umalis kaagad.”“Chill.” Dagdag ni Guan ili. “Wala ka namang boyfriend ngayon, hindi ba? Ang boyfriend ko ay isang professor sa university at marami siyang kilalang tao. Bakit hindi mo hayaan siyang ipakilala ka sa ibang lalaki?”Sabi niya habang sinusundan niya si Ling Yiran palabas.Pagkatapos, tinawag ni Guan Lili ang lalaking may medium build na nakatayo sa labas ng CR. Kaagad naman itong lumapit.Tiningnan ni Ling Yiran ang papalapit na lalaki. Average lang ang itsura nito pero mas matanda ito ng kaunti. Mukha itong ansa late 40s. Halatang ito ang boyfriend ni Guan Lili.“Banghe, ito nga pala ang dati kong katrabaho, si Ling Yiran. Nagkasalubong kami sa CR ngayon lang.” sabi ni Guan Lili. Idinagdag pa nito, “Yiran, ito nga pala ang boyfriend ko, si He Banghe. Siya ay isang professor sa Yuren University.”Tunog nagyayabang si Guan Lili.Kaagad namang kinorrect siya ni He
Pero, hindi niya inakala na sa susunod nilang pagkikita, hindi na siya si Jon, pero siya na ay si Yi Jinli.HIndi niya inaasahan na maaalala nito ang sinabi niya dati.“Yiran… sino siya?” Tanong ni Guan Lili, gulat siyang nakatingin kay Yi Jinli.Ang lalaking mukhang mayaman at elegante at kaibigan ni… Ling Yiran?! Posible pala ito!Bago pa makapagsalita si Ling Yiran, nagsalita si Yi Jinli, “Itong babae ba ang magseset up sayo sa isang blind date? Hindi mo ba sasabihin sa kanya na andito na ako?”Nagulat si Guan Lili.Itong lalaki na to ay… kaibigan ni Ling Yiran? Baka nga...boyfriend niya?!Sa itsura palang nito ay talo na si Xiao Ziqi, pati na rin ang associate professor niyang boyfriend.Habang iniisip ito, napatingin si Guan Lili kay He Banghe. Nung una, kuntento na siya sa boyfriend niya kahit 10 years old ang tanda sa kanya nito dahil associate professor naman ito at magiging professor sa iilang tao nalang.Pero, kung ikukumpara iro sa kaibigan ni… Lig Yiran, biglang n
Pagkatapos umorder yung tatlo ng kape, sinadya ni Guan Lili na magsimula ng usapan tungkol sa trabaho ngayon ni Ling Yiran para mas malaman niyang ang kasalukuyang nangyayari dito at para makita ang reaksyon ni Yi Jinli. Pero, mukhang wala lang ito kay Yi Jinli. Na para bang alam na niya ang isasagot ni Ling Yiran at hindi siya nasorpresa rito.“Yiran, gusto mo ba kausapin ko ang boss sa law firm? Para makabalik ka na at makakuha ng trabaho sa firm. Kahit magtrabaho ka nalang bilang tagalinis sa firm. Mas okay yun kaysa sa pagiging sanitation service worker,” sabi ni Guan Lili, nagkukunwari itong mabait.Tumingin si Ling Yiran ay Guan Lili, pero mas lalong naging cold ang mga mata nito. “Wala akong intensyon na magpalit ng trabaho.“Ganun ba?” Napaismid si Guan Lili. “MAs malaki ang kikitain mo bilang tagalinis sa firm kaysa bilang sanitation service worker. Sigurado ka na bang ayaw mo itong pag-isipan?”“Sa tingin ko alam ko naman ang ginagawa ko.” Mas lalong naging cold ang ton
Nagulat si Ling Yiran. Napatingala siya sa gulat at napatingin sa mapupungay na mata ni Yi Jinli.Namutla ang mata ni Guan Lili habang fake na tumatawa. “Hindi ko alam na sobrang… mahal pala ni Mr. Yi si Yiran. May plano ba kayong ikasal?”“Kung gusto niya akong pakasalan, syempre, papakasalan ko siya,” sabi ni Yi Jinli.Naramdaman ni Ling Yiran na sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Yi Jinli. Para kasing may narinig siyang hindi kapani-paniwala.“Posible ba yun?!” Nasabi ng malakas ni Guan Lili.Tumingin si Yi Jinli kay Guan Lili. “Anong imposible dun?”Ang mga mata nito ay sobrang nakakakilabot kaya hindi mapigilang manginig ni Guan Lili habang napupuno ng takot ang puso nito.“Tara na, Yiran.” Umalis sila habang nakahawak si Yi Jinli sa kamay ni Ling Yiran.Walang angal na sumunod si Ling Yiran sa kanya.Tumingin si He Banghe kay Guan Lili at pinagalitan ito, “Lili, bakit mo binanggit na galing sa kulungan ang kaibigan mo? Mabuti
“Pero, mas okay kung seseryosohin mo ito,” sabi niya.Nagulat si Ling Yiran. Ano ang ibig sabihin niya rito? Seryosohin ito…?Papakasalan siya nito kung gusto niya. Hindi ba niya alam ang ibig sabihin ng sinabi niya?Gulong gulo ang utak ni Ling Yiran pagpasok niya sa kotse. Pagkadating ng kotse sa Yi residence, sinundan niya si Yi Jinli palabas at papasok palang ng bahay pero biglang tumigil ito.“By the way, hindi sa hindi ako nagutom kailanman,” sabi niya. “May mga pagkakataong nagutom ako na akala ko mamamatay na ako.”Noong bata pa siya, namatay ang tatay niya, at ang katawan nito ay nacremate. Naiwan si Yi Jinli sa maliit na bahay habang hawak ang urn na puno ng abo ng tatay niya, Nung mga panahong yun, sobrang gutom siya. Sa sobrang gutom niya, nawalan siya ng lakas at halos muntikan na mamatay.Mabuti nalang, kumatok ang kapitbahay nila at binigyan siya ng makakain. Dahil dito, bumalik ang lakas at sigla niya.Nagulat si Ling Yiran. Pagkatapos nito ito sabihin, nalungko