Kung aalis siya, hindi ba masasayang lahat oras niya para sa film na ito?Ayaw na niyang maging starlet. Gusto na niya sumikat. Gusto niya maging best actress!Tumingin si Gu Lichen kay Ling Luoyin bago tanungin si Yi Jini, “Naiirita ka ba niya?”“Oo nakakairita siya,” walang bahalang sabi ni Yi Jinli.Sinabi niya ito nang hindi hinihinaan ang boses niya masyado, kaya ang mga tao na nakapalibot sa kanya ay narinig ito. Marami sa kanila, kahit ang mga taong ayaw kay Ling Luoyin, ay naawang tumingin sa kanya.Kaunting tao lang kasi ang kayang makonsidera na nakakairita ng boss ng Shen City.“Kung gayon, magquit ka na,” walang bahalang sabi ni Gu Lichen na para bang wala lang ito.Pero, ang mga salitang ito ay parang kulog sa tenga ni Ling Luoyin.Quit? Talaga bang aalis na sya sa show?! Nang dahil lang sa dalawang statements na sinabi niya? Paano ito naging imposible?!Nagsilakihan ang mga mata ni Ling Luoyin dahil hindi ito makapaniwala, “Lichen… Ikaw… sinasabi mo bang magquit
Ngayon, ang tanging nagagawa lang ni Ling Luoyin ay ibunton lahat ng hinanakit niya kay Ling Yiran. Kung hindi dahil sa kanya, hindi siya mapapahiya ngayong araw“Sorry, Director. Natatakot ako na baka hindi ako makasali sa scene ngayong araw. Hindi niyo na ako kailangan bayaran. Aalis na ako.”“Sige...” nanginginig na sagot ng director. Dumiretso si Ling Yiran sa dressing room, handa na siya magpalit. Sinundan siya ni Yi Jinli.Habang nakatingin si Gu Lichen kay Yi Jinli at
Nung magkasama sila ni Xiao Ziqi, lagi siyang ipinagtatanggol nito kapag may problema.Ang resulta, akala niya ay kaya niyang dumepende dito habang buhay pero nung kailangan siya kampihan nito, narealize niya na ang tinatawag nitong feelings para sa kanya ay pwedeng bawiin kahit anong oras.Nung wala na siyang kakampi, ang lungkot na naramdaman niya ay kayang patayin ang kahit sino.Habang natotorture siya sa kulungan, madalas ay deperada na siyang magpakamatay.Kung, kung di lang siya binisita ni Lianyi at pinakalakas ang loob niya, baka… patay na siya ngayon.Puno ng pasasalamat ang puso niya kapag naiisip niya ang kanyang bestfriend.Napabuntong hininga si Li Yiran, pahubad na siya ng costume nang may marinig siyang yabag ng paa sa likod niya.Nagulat siya dahil pagkatingin niya, pumasok si Yi Jinli sa dressing room.Walang tao sa dressing room dahil nagfifilm pa sila sa labas, pero… “Ito ay dressing room ng mga babae, umalis ka,” sabi ni Ling Yiran habang namumula.Pero,
“Takot ako na baka maging habit ko ito,” nahihiyang sabi ni Ling Yiran. “May mga bagay na nagiging habit pagkatapos ng maraming beses. Kapag hindi ka na makakaasa doon baka mapalitan lang ito ng kawalan ng pag-asa.”“Bakit naging desperado ka ba noon?” tanong niya.Huminga siya ng malalim, tumingin sa mga mata niya at tumigil na sa pagtago, “Oo, naging desperado ako. ”Napatigil ang pupils niya at nawala ang ngiti sa mukha ni Yi Jinli.“Makakalabas ka na ba? Gusto ko na magpalit.” sabi ni Ling Yiran.Pero, hindi nagpatalo si Yi Jinli. Ang mga mata nito ay nakatitig pa rin sa kanya, at ang mga daliri nito ay ipinapadaan sa pisngi niya habang nag-iisip ito.Pagkatapos ng ilang sandali, nagsalita ito, “Matatakot ka ba kung sasabihin ko sayo na habit na ito at kailanman hindi magbabago?”Nakatingin lang si Li Yiran sa mukha nito habang papalapit, hindi niya alam ang sasabihin sa mga oras na yun. Pakiramdam niya ay kumakabog ng malakas ang dibdib niya ngayon.Sa loob ng dressing roo
“Sige, hindi ko siya gagalawin,” sabi ni Gu Lichen. “Hindi naman siya ang hinahanap ko.”Pero, ang hirap ideny na kamukha ni Ling Yiran ang babaeng hinahanap niya. Minsan, kapag tinitingnan niya ito, naiimagine niya na kamukha siya nung taong yun kapag lumaki.Pero kahit na, kamukha niya lang naman ito. Hindi naman siya ito.“Paano kung siya ang hinahanap mo? May gagawin ka ba?” Tanong ni Yi Jinli, nakataas ang mga kilay nito.Poker face lang si Gu Lichen pero mukhang may pinagpipiraso ang mga mata nitong mala-phoenix na hindi nakikita ng iba. “Kung siya man yun, hindi ko siya papakawalan kahit na makipagkompetensya ako sayo.”Naningkit ang mga mata ni Yi Jinli. “Mabuti nalang na hindi siya to, tama?”“Oo. Buti nalang at hindi siya to,” sabi ni Gu Lichen habang papalayo.Buti nalang talaga, at hindi siya yun. Dahil kung siya yun, magiging mahirap ang sitwasyon.Napaisip si Gu Lichen at unconsciously na napakapa sa bulsa niya para pakiramdaman ang bracelet. Gaano katagal ang aab
Pero, ayaw niyang makinig. Sa halip, hinila niya siya papalapit at tiningnan ang pawalang pasa nito sa likod ng kamay niyaPagkatapos, inilapit niya ang likod ng kamay niya sa labi niya at hinipan ito.Nagulat si Ling Yiran, ang tanging nakikita niya lang ay seryosong hinihipan ito ni Yi Jinli.“Pagkatapos ko ito hipan, hindi na ito sasakit,” sabi niya. Pagkatapos, marahan niyang kinuskos ang pasa nito gamit ang daliri niya, hinihipan at kinukuskos ito ng sobrang focus.Nung oras na yun, sobrang lakas ng kabog ng puso ni Ling Yiran, at mukhang nastuck ang lalamunan niya dahil wala siyang masabi na kahit na ano.Kung si Jin ang gumawa nito, iisipin niya na isa itong maalagang kapatid pero ito ay si Yi Jinli… Para naman sa bodyguard ni Yi Jinli na nakatayo sa likod niya, nanlaki ang mata nito pagkakita rito. Kailanman… hindi niya pa nakikita si Young Master Yi na tumrato ng babae ng ganito?Siguro nga ay hindi na magtatagal bago malaman ng buong Shen City ang pangalan niya!“Mas
May lamang gentleness ang mga mata nito na parang sinasabi ng mga ito na kaya niyang tapatan ang kahit anong gawin ni Ling Yiran.Ang kislap sa kanyang mga mata at ngiti ay sobrang gandang tingnan.Biglang narealize ni Ling Yiran na para siyang tanga. Kahit orderin niya kasi ang lahat ng putahe sa menu, wala lang ito kay Yi Jinli.Anong mali sa kanya? Para siyang hangal para lang malabas ang galit niya.Inis na binalik ni Ling Yiran ang menu sa waiter at sinabing, “Yun lang.”“Yun lang?” Nakangiting sabi ni Yi Jinli.Napakagat labi si Ling Yiran ng ilang sandali bago sabihin, “Yun lang lahat.”“Matatapos niyo ba yan lahat? Sapat ito sa pito hanggang walong katao. Hindi ba ito sobra para sa inyong dalawa?” Prangkang sabi ng walter.Walang bahalang sabi ni Yi Jinloi, “Yan lang lahat muna.”Kinuha ng waiter ang menu at umalis.Tumingin si Yi Jinli kay Ling Yiran at sinabing, “Kung sa tingin ni Ate ay hinid pa ito sapat, pwede ka pang magorder ng iba pa mamaya.”Kumabog ulit a
Sobra ito makatitig kaya hindi mapigilang tumingin ni Ling Yiran kay Yi Jinli, Tinanong niya ito, “Hindi ka ba kakain?”“Kakain. Gusto lang kitang panuorin kumain muna. Mas gaganahan kasi ako kumain kapag pinanuod kita,” sabi nito.“...” Bigla siyang walang masabi. Ano ang ibig sabihin niya rito?“Tuwing pinapanuod kita kumain, mas sumasarap ang pagkain,” sabi niya.“Iyan ay dahil hindi ka pa nagutom kahit kailan,” sabi ni Ling Yiran. “Kung hindi ka makakakain ng ilang araw, masasarapan ka na kahit sa isang simpleng lugaw.”Napatigil ang mata ni Yi Jinli “Nagutom ka na ba?”“Oo,” walang bahalang sabi niya. Parang casual na topic nalang ang naranasan niyang nasa pagitan siya ng kabuhayan at kamatayan noon.“Noong nasa kulungan ka ba nito?” “Oo,” sagot niya.Pagkatapos, wala na sa kanila ang nagsalita. Yumuko nalang si Ling Yiran at nagpatuloy kumain habang nakatingin pa rin sa kanya si Yi Jinli.Suot pa rin nito ang mumurahin niyang damit ngayong araw. Yumuko ito at ang ilang