“Hoy, Lil ke. Huwag kang ganyan magsalita!” sabi ng isa.“Sinasabi ko lang naman yung totoo.” sabi ni Zhao Keke. “Totoong kakababa niya lang ng BMW,” sabi ng isa pa.“Siguro ay hinatid siya ng isang big boss. May mga tao talagang wala masyadong skills, pero alam nila kung paano mapansin at sumipsip sa mga boss,” sabi ni Zhao Keke na may naiinis na tono.Nung nakaraang shooting, inisip niya na malas si Ling Yiran at nabully pa ito ng second female lead. Sinong nakakaalam na ang crown prince mismo ang magbubuhat kay Ling Yiran sa lounge pagkatapos ng ilang sandali.Dahil dito, sobra siyang nainggit. Pinapantasya niya ang mga oportunidad na katulad nun. Pinagsisihan pa nga ito ni Zhao Keke ng maraming beses pagkatapos.Kung alam niya lang sana, siya na mismo ang gagawa ng inutos ni Ling Luoyin kay Ling Yiran na lumuhod at magmakaawa. Kahit na ang pangit tingnan ni Ling Yiran nung mga oras na yun, sulit naman dahil nakuha niya ang atensyon ni Gu Lichen.Iniisip nga ngayon ni Zhao K
Ang buong crew ay kailangan sumunod sa gusto niya. Kahit na sinagip ni Lichen si Ling Yiran ng isang beses, isa lang itong minor incident. Wala naman sa crew ang magagalit para sa isang extrang katulad niya.Iniayos muna ng direktor ang lahat sa kanilang mga pwesto bago sila magsimulang magshooting.Nung ififilm na nila yung scene kung saan lahat ay luluhod, isang production assistant ang nagmamadaling tumakbo papunta sa direktor at may sinabi ito. Biglang nagbago ang mukha ng direktor. Kaagad ito tumayo at pumunta sa kabilang side.Ang lahat maliban sa mga nagfifilm ay curious na tumingin sa direksyong pinuntahan ng director, nagtataka kung ano ang nangyari kaya napaalis ito kaagad.Ang tanging nakita lang nila ay may nilapitan ang direktor na isang lalaki na nakasuot ng beige na trench coat. Nakayuko ito na para bang may sinasabi. Pagkakita sa kilos ng direktor, maraming may hinala na hindi lang ito simpleng tao.Dahil ang direktor na may kilalang reputasyon sa industry at kaila
Hindi narinig ng karamihan ang sinasabi ni Yi Jinli sa director. Pinanuod lang nila si Yi Jinli na maglakad papunta sa mga extras. Hindi mapigilan ng lahat sa set na magchismisan at manghula.Maraming babaeng extras ang kinilig dahil papalapit si Yi Jinli sa kanila. Kaagad naman nilang binida ang pinakamaganda nilang mga ngiti.Lalo na si Zhao Keke, gusto nitong makahanap ng chance na mayakap si Yi Jinli.Iniisip niya kung magkukunwari ba siyang nahimatay, o madadapa at mababangga niya si Yi Jinli para makapag-usap sila. Sa ganung paraan, pwede siyang makipagkaibigan dito.Kasi syempre, si Yi Jinli kasi ang lalaking namumuno sa Shen City.At kung magkakagusto sa kanya si Yi Jinli, kahit bilang isang secret lover lang, ito pa rin ay pangarap ng karamihan.Maliban pa rito, kailanman ay hindi naging malapit si Yi Jinli sa kahit anong babae. Ang kaisa-isang fiancee nito ay namatay sa isang banggaan three years ago. Kaya kung maakit niya ngayon si Yi Jinli, baka magkaroon siya ng chan
Ang tanging hiling lang ni Zhao Keke ay mapunta sa posisyon ni Ling Yiran sa mga oras na ito.Nang biglang, sumandal si Yi Jinli papalapit sa tenga ni Ling Yiran. Bumulong ito sa tenga na siya lang ang makakarinig, “HIndi ba’t pinahirapan ka nila noong last shooting? Paano kung tulungan kita na ipakita sa kanila kung sino ang boss?”Nagulat si Ling Yiran. Tumingin ito sa mga mata ni Yi Jinli.Ang mga extras na nakapalibot kay Ling Yiran ay sunod sunod na nakaranas ng shock dahil sa mga nakikita nila. Kahit ang isang walang alam ay makikita na close sila Ling Yiran at Yi Jinli. Napaisip tuloy sila kung ano ang background ni Ling Yiran.Anak ba ito ng isang mayamang pamilya? Andito ba siya bilang extra para pampalipas oras?Para naman sa iba na nakakaalam kung sino si Yi Jinli, parang isang malaking hampas ng alon ito sa kanila. Kung may magkakalat ng nangyari ngayon, parang magkakaroon ng field day ang gossip industry ng Shen City.Ang big boss mula sa Shen City ay malapit sa is
Saglit na natulala ang director, hindi niya alam ang kanyang sasabihin.Hindi soft ang boses ni Yi JInli, kaya maraming tao ang nakarinig nito. Kaagad naman napatingin lahat kay Ling Luoyin.Nagulat nalang si Ling Luoyin nung narinig niyang sinasabi ito ni Yi Jinli, “Dahil hindi ito pasok sa standard ng taong ito, ipademonstrate natin ito sa kanya.”Sabi ni Yi Jinli habang nakatingin kay Ling Luoyin. Para bang settled na ito.Gusto sumigaw ni Ling Luoyin. Ano ang ibig sabihin nito? Kailangan niya bang lumuhod at gumapang? Siya ang second female lead! Siya rin ay girlfriend ni Gu Lichen kaya bakit siya luluhod at gagapang sa harap ng maraming tao kung trabaho ito ng isang extra?Halatang ipinaghihiganti ni Yi JInli si Ling Yiran at ibinubunton sa kanya ang sisi!Nanigas at namutla si Ling Luoyin. Tumingin ang director kay Yi Jinli bago ito tumingin ulit kay Ling Luoyin. Inisip niya ito ng ilang sandali, pagkatapos, mabilis itong naglakad papunta kay Ling Luoyin at nginitian ito.
“Ano?” HIndi makapaniwala si Ling Luoyin. Ang ibig sabihin ni Yi Jinli ay… “Gusto mo akong lumuhod sa harap niya?”“May problema ba?” Tanong ni Yi Jinli habang nakataas ang kilay.Nasamid si Ling Luoyin at pulang pula ang mukha nito. Pero, hindi siya makapagsalita ng kahit isang salita.Pinanuod ni Ling Yiran si Ling Luoyin na masamid. Ipinagtatanggol ba siya ni Yi Jinli? O sinasabi nito na kahit si Gu Lichen ang backer ni Ling Luoyin, kaya pa rin niya itong paluhurin kung gugustuhin niya?Nang biglang, may isa pang commotion sa entrance ng shooting site.Tiningnan ito ng director, hindi niya alam kung kakabahan ba siya o makakahinga ng maluwag.Sino makaka-isip na dalawang VIPs pala ang pupunta ngayong araw? Anong meron?Nakita niyang papalapit ang isang matangkad na figure. Nakasuot ito ng dark grey overcoat na bagay sa gwapo at kakaiba nitong mukha. Kung hindi ito si Gu Lichen, sino pa?Nagulat si Ling Yiran. Hindi niya inaasahan na magpapakita ngayon si Gu Lichen.Napataas
Kung aalis siya, hindi ba masasayang lahat oras niya para sa film na ito?Ayaw na niyang maging starlet. Gusto na niya sumikat. Gusto niya maging best actress!Tumingin si Gu Lichen kay Ling Luoyin bago tanungin si Yi Jini, “Naiirita ka ba niya?”“Oo nakakairita siya,” walang bahalang sabi ni Yi Jinli.Sinabi niya ito nang hindi hinihinaan ang boses niya masyado, kaya ang mga tao na nakapalibot sa kanya ay narinig ito. Marami sa kanila, kahit ang mga taong ayaw kay Ling Luoyin, ay naawang tumingin sa kanya.Kaunting tao lang kasi ang kayang makonsidera na nakakairita ng boss ng Shen City.“Kung gayon, magquit ka na,” walang bahalang sabi ni Gu Lichen na para bang wala lang ito.Pero, ang mga salitang ito ay parang kulog sa tenga ni Ling Luoyin.Quit? Talaga bang aalis na sya sa show?! Nang dahil lang sa dalawang statements na sinabi niya? Paano ito naging imposible?!Nagsilakihan ang mga mata ni Ling Luoyin dahil hindi ito makapaniwala, “Lichen… Ikaw… sinasabi mo bang magquit
Ngayon, ang tanging nagagawa lang ni Ling Luoyin ay ibunton lahat ng hinanakit niya kay Ling Yiran. Kung hindi dahil sa kanya, hindi siya mapapahiya ngayong araw“Sorry, Director. Natatakot ako na baka hindi ako makasali sa scene ngayong araw. Hindi niyo na ako kailangan bayaran. Aalis na ako.”“Sige...” nanginginig na sagot ng director. Dumiretso si Ling Yiran sa dressing room, handa na siya magpalit. Sinundan siya ni Yi Jinli.Habang nakatingin si Gu Lichen kay Yi Jinli at