Biglang nagbago ang itsura ng lahat. "Anong ibig mong sabihin?!!!" "Ang ibig ko pong sabihin ay hindi ko kayo bibigyan ng 200,000 yuan!" Walang emosyong sagot ni Ling Yiran. "Wala akong kilalang mayaman. Ang akin lang ay nanay niyo si Lola kaya dapat lang na alagaan niyo siya. Hindi ba sampal sainyo na yung apo niya yung magbabayad ng lahat ng mga ginastos niyo mula sa pang ospital niya hanggang sa mga pamasahe niyo papunta dito?" "Yiran, hindi mo kami naiintindihhan. Kitang kita ng mga tito mo na buhat-buhat ka ng isang mayamang lalaki noong araw na yun. "Wala po akong alam sa sinasabi niyo, at ang malinaw lang po sa akin ay pinainom nila ako ng gamot." Kalmado ang pagkakasabi ni Ling Yiran pero ramdam na ramdam ang diin. "Pero siguro nga para sa akin din yung ginawa nila. Sadyang mahirap kasing paniwalaan na tataraydurin ng sariling tito ang pamangkin nito. Mga tito, bakit kaya hindi niyo pangalanan kung sino ang mayamang lalaking sinasabi niyong kakilala ko nang mapasalamatan
"Edi wala ng ospi-ospital! Iuwi nalang natin ang mama mo. Tignan natin kung hindi pa rin siya magbigay!" Galit na galit na sagot ni Lolo Lu. "Paano kung talagang kasuhan niya kami?" Nag-aalalang tanong ni isa niyang tito. Kinakabahan ring sumingit ang isa pang tito ni Ling Yiran, "Oo nga... magaling na abogado pa naman siya dati. Isa pa, kung talagang may mayamang bumaback up sakanya ngayon....malamang lalabas yung taong yun kapag kinasuhan niya tayo at kapag nangyari yun, imposibleng manalo tayo." Napakamot nalang ulo si Lolo Lu sa sobrang galit. "Edi pag hatian niyong tatlo yung 150,000 yuan!" "Gusto niyo pong kami ang magbayad?" Hindi mapalagay na tanong ng isang tita ni Ling Yiran. "Eh ano pa bang gagawin natin? Hintayin natin na kasuhan tayo ng batang yun?" Pulang pula na ang mukha ni Lolo Lu sa sobrang galit. "Kapag hindi kayo nag ambag, kalimutan niyo na ang makukuha niyo sa demolition!" Sa pagkakataong ito, hindi na sumagot ang tita ni Ling Yiran. May asawa at mga
"Wala naman. Dahil may mga bagay siyang ginawa na hindi dapat, syempre dapat lang na tanggapin niya ang parusa niya." Sagot ni Gu Lichen na parang maliit na bagay lang ang pinaguusapan nila. Pero nang marinig yun ni Ling Yiran, biglang bumilis ang tibok ng puso niya. 'Ibig sabihin..... pinatahimik niya si Zhong Rongrong? Kung ganun... napatalsik siya sa show business? 'Ibig sabihin... mula ngayon, mawawala na sakanya ang lahat ng mga luho niya at magiging isang ordinaryong tao nalang din siya.... 'Sa mundong ito, ilang tao ba ang gustong mamuhay bilang isang ordinaryo lang? Lalo na yung mga taong nakaranas na ng sarap noon.' Natatakot si Ling Yiran na baka hindi kayanin ni Zhong Rongrong ang ganung klsase ng buhay. "Bakit? Naawa ka ba sakanya? Nakalimutan mo na ba na binastos ka ni Zhong Rongrong?" "Hindi ako naawa sakanya. At sa tingin ko, hindi niya rin naman magugustuhang maawa ako sakanya. Hindi mo na ako kailangang ilibre ulit. Mauna na ako, kailangan ko pang habulin yun
Hindi kaya natatakot siya na mawalan ng koneksyon kay Yi Jinli? Hindi niya makakalimutan na si Yi Jinli ang dahilan ng mga bangungot niya na hanggang ngayon ay ginugulo pa rin siya. Pero.... bakit ba kasi bigla niya nalang naisip kung ililigtas ba siya nito?! "Bakit ka nga pala nasa ospital?" Biglang tanong ni Gu Lichen. "May sakit kasi yung lola ko. Binisita ko lang." Sagot ni Ling Yiran. Kahit naman hindi siya magsabi ng totoo, malalaman at malalaman pa rin nito, sa dami ba naman nitong paraan. "Dito nakatira yung lola mo?" "Oo." "So... ikaw... dito ka rin nakatira noon?" Nag'aalangang tanong ni Gu Lichen. "Oo. Tumira ako dito noong bata ako pero sandali lang kasi bumalik na rin ako sa Shen City noong medyo lumaki na ako." "Ah ganun ba? Noong nandito ka ba noong bata ka, may naalala ka bang kakaibang nangyari?" Biglang napahawak ng mahigpit si Gu Lichen sa manibela habang tinatanong ito. "Paanong kakaiba? Sobrang bata ko pa nun, kaya baka nakalimutan ko na." Hindi n
"Ah ganun ba." Bahagyang lumapit si Ling Yiran dahil naramdaman niya na may dahilan kung bakit sinabi yun saknaya ni Gu Lichen. Mga ilang segundo ring nakatitig si Gu Lichen kay Ling Yiran bago ito muling magsalita, "Kasi noon, nahiwalay ako sa isang mahalagang tao sa ospital na yun at tandang tanda ko na mahilig siyang kumain sa restaurant na 'to, kaya mula noong nawala siya, palagi akong pumupunta dito para kumain." "Kung ganun, ibig sabihin sobrang halaga pala talaga nung taong yun para sayo?" Tanong ni Ling Yiran. Base sa tono ng boses ni Gu Lichen, ramdam niya na namimiss nito ang taong tinutukoy nito. "Oo, sobrang mahalaga. Para sa akin, katumbas na siya ng buhay ko. Sobrang kalmado lang ng pagkakasabi ni Gu Lichen pero hindi inaasahan ni Ling Yiran na maririnig niya ang mga salitang sinabi nito sa isang Gu Lichen. 'Ganito pala maattach ang isang Gu Lichen.... Eh bakit ganun-ganun nalang siyang magpapalit-palit ng mga girlfriend, na para bang wala lang sakanyang halag
Lalo na at sa lugar na to niya rin nakita ang taong hinahanap niya. Pero nang narinig niya ang sagot nito, doon niya lang naisip na baka masyado lang siyang umaasa. "Hindi ikaw."'Tama, hindi nga siya yung hinahanap ko.' 'Ano daw?' Hindi maintindihan ni Ling Yiran kung anong ibig sabihin ni Gu Lichen. Noong oras din na yun, saktong dumating na ang mga pagkain na inorder ni Gu Lichen. "Tara, kumain na tayo. Gusto mo bang mag wine?" Nang maalala ni Ling Yiran kung anong ginawa niya kay Yi Jinli noong nalasing siya, dali-dali siyang umiling. "Hindi na. Magsosoft drinks nalang ako." Kaya umorder si Gu Lichen ng dalawang bote ng softdrinks. "Hindi ka rin umiinom?" Nagtatakang tanong ni Ling Yiran. "Magddrive ako mamaya kaya hindi ako pwedeng uminom." Nang marinig ni Ling Yiran ang sagot ni Gu Lichen, biglang nagbago ang istura niya at naalala niya ang aksidente na naging dahilan ng pagkakulong niya noon. Hinatulan siyang drunk driving, pero ang nakakatawa ay hindi siya u
Ilang araw na tinuon ni Ling Yiran ang oras niya sa pagtatahi ng gloves na hinihingi ni Yi Jinli at kanina, sobrang aga niyang bumyahe at hindi naman siya nakapag pahinga dahil siya ang nagbantay sa lola niya. Kaya hindi niya na namalayan na nakaidlip na siya. Sinilip ni Gu Lichen si Ling Yiran at nang makitang nakatulog na ito, pinahinaan niya ang volume ng kanta. Ngayong natutulog na si Ling Yiran, para kay Gu lichen, mas nagiging kahawig nito ang babaeng nasa isip niya. Sa totoo lang, pati ang mga mata nito ay parehong-pareho, pero sa tuwing nakadilat ito ay wala siyang ibang makita kundi lungkot at ilang, na para bang malayong malayo sa mga mata ng taong hinahanap niya. Dahil yung taong nasa alala niya ay mayroong mga matang masayahin at puno ng pag asa. Pagkagising ni Ling Yiran, nasa tapat na siya ng apartment niya. Kaya hiyang hiya siya at nagmamadali niyang tinanggal ang seatbelt niya. "Matagal ba akong nakatulog?" "Okay lang. Hindi naman ganun katagal." Dali-da
Pagkatapos, narinig niya ulit ang batang babae, na sa kutob niya ay siya, na kumanta ng 'Man Bu Ren Sheng Lu.' "Paano... kapag nakita nila tayo at hindi na tayo makalabas?" Naiiyak na sabi ng batang lalaki. "Tanga ka ba? Kasama mo ako, kaya imposibleng hindi tayo makalabas. Makakalabas tayong dalawa, okayy?! "Kung iiwanan mo ako, makakatakas ka." "Bakit kita iiwanan! Ang sabi ko, poprotektahan kita, kaya wag kang mag-alala, hindi ako takot sa masasamang lalaking yun!" "Bakit ayaw mo akong iwanan?" "Kasi nga magkaibigan tayo!" "Ah!" Gulat na gulat na naalimpungatan si Ling Yiran at hindi niya alam kung bakit ganun ang panaginip niya.... Parang totoo pero nandito naman ako sa apartment ko! Huminga siya ng malalim at tinignan kung anong oras na. Alas tres palang ng madaling araw. 'Na.... nanaginip ba ako?' Tama... napanaginipan niya ang batang siya at isang banatang lalaki. At kumanta siya ng 'Man Bu Ren Sheng Lu ni Teresa Teng. 'Diyos ko! Bakit ganun ang panaginip