Sobrang sama ng tingin ni Xiao Ziyi kay Ling Yiran. Samantalang si Yi Jinli naman ay hinihimas ang likod ng isang kamay ni Ling Yiran at sinabi, "Ano namang masama sa paglilinis ng sapatos ng isang street sweeper. Kapag sinabi ko, kahit pa ikaw ang anak ng mayor, kailangan mo pa ring sumunod!" Hindi makapagsalita si Xiao Ziyi.... Alam niya sa sarili niya na malayong malayo siya sa anak ng mayor... "Miss Xiao, pwede po bang paki'bilisan? Baka po mawalan na ng pasensya ang Young Master. Pangtataranta ni Gao Congming. " Kapag po nawalan ng pasensya si Young Master Yi, sigurado ako na hindi lang paglilinis ng sapatos ang kailangan mong gawin." Hindi mapinta ang itsura ni Xiao Ziyi. Kung titignan, para siyang isang batang inagawan ng kendi, pero labag man sa loob niya, paika-ika siyang naglakad papunta kay Ling Yiran at yumuko para linisin ang sapatos nito gamit ang tissue na hawak niya. Hindi makapaniwala si Ling Yiran habang pinagmamasdan si Xiao Ziyi dahil sa buong buhay niya,
Pero ni hindi manlang tumingin si Yi Jinli kay Xiao Ziyi, na para bang hindi niya ito naririnig at muling sinabi kay Ling Yiran. "Ate, ano sa palagay mo? Okay na ba yan?" Sa puntong 'to, kahit pa sobrang kinamumuhian ni Xiao Ziyi si Ling Yiran, wala siyang ibang magawa kundi ang mag'makaawa dito. "Ling Yiran, a.... alam kong nagkamali ako.... Hindi ko dapat ginawa yun sa kaibigan mo. Hi... hihingi ako ng tawad sakanya. Parang awa mo na..." Nakatitig lang si Ling Yiran kay Xiao Ziyi habang umiiyak ito, at hindi siya apektado dahil alam niya na kahit pangalan niya ang sinasabi nito ay hindi talaga ito sakanya nagmamakaawa, kundi kay Yi Jinli. At habang pinagmamasdan niya si Xiao Ziyi, walang katiting na awa siyang nararamdaman, lalo na kapag naiisip niya na ganun ang pinagdaanan ni Qin Lianyi.... nangingibabaw ang galit niya kay Xiao Ziyi, at sa sarili niya... 'Okay lang sana kung ako nalang, pero bakit kailangan pang madamay ni Lianyi?' 'Sobrang dami ng ginawa ni Lianyi para
Kung totoo mang tutulungan ni Yi Jinli na maghiganti si Ling Yiran sa Xiao Family.... sobrang daming mawawala sa mga Xiao at malaki ang posibilidad na ang mga pangalan nila sa mga kilalang pamilya sa buong Shen City. "Young... Young Master Yi, A..." Gusto sanang magmakaawa ni Xiao Zigi. Pero biglang nagsalita si Ling Yiran. "Hindi na kailangan. Wala na akong pakielam sakanya. Mula noong naghiwalay kami, hindi ko na siya kilala, at sa totoo lang, pinagpapasalamat ko pa ang car accident kasi nagising ako sa katotohanan." Nang marinig ni Xiao Zigi ang sinabi ni Ling Yiran, lalo siyang namutla at halos hindi makatingin dito dahil bilang lalaki, malaking insulto ito para sakanya. "Okay," Tumayo si Yi Jinli at naglakad palapit kay Xiao Zigi. Tinapik niya ang balikat nito at sinabi, "Magpasalamat ka sakanya kasi ayaw niyang maghiganti sayo kasi kung nagkataong pumayag siya, sisiguraduhin kong mabubura talaga ang pangalan ng mga Xiao sa business industry next year." Sa sobrang takot
"Hindi ako pwedeng tumanggi, tama?" Biglang kumunot ang noo ni Yi Jinli, at unti-tunting nawala ang ngiti niya. Umayos siya ng tayo at pabulong na sumagot, "Hindi. Pwede ka namang tumanggi. Hindi ako magagalit, pero..." Muli siyang ngumiti kay Ling Yiran. "Ate, sigurado ka bang ayaw mo?" Hindi makasagot si Ling Yiran dahil hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Kung papayag siya, alam niya na totoong magbabago ang buhay niya. At siguro kung ibang tao ang magsasabi nito sakanya, walang pagdadalawang isip siyang papayag. Pero, dahil si Yi Jinli.... Sobrang natatakot siya. Hindi naman talaga siya pinagbuhatan nito ng kamay noon, pero.... sobra sobra na ang isa nitong salita para magdusa siya sa kulungan... Sa tatlong taon niyang nakakulong, sinubukan niyang ilaban ang kaso niya pero palagi siyang natatalo lalo na kapag nalalaman na ang taong napatay niya raw ay fiance ni Yi Jinli. Kaya nga mula 'nun, naisip niya na yung mga pekeng ebidensya at mga witness ay pakana lahat
"Miss Ling, kung papayag po si Mr. Yi, pwede na po kayong makalabas." Magalang na sagot ng doktor. Hindi inaasahan ni Ling Yiran na ganun ang maririnig niya. 'So pati pala paglabas ko ng ospital, kailangan ko pa ring ipaalam sakanya....' "Okay po." Pagkaalis ng doktor at nurse, pumunta siya sa CR para manalamin at pagmasdan ang mukha niya. Mula pagkabata niya, marami ng nagsasabi sakanya na maganda siya at yun na rin ang bumaon sa isip niya, pero para sa mga taong kasing taas ni Yi Jinli, mukha lang siyang ordinaryong babae na walang binatbat. 'Ano ba talagang nagustuhan sakin ni Yi Jinli? Dahil ba sobrang tanga ko na napagbintangan ko siyang pulubi at naenjoy niya naman ang pagpapanggap? Bakit hanggang ngayon gusto niyang magsama pa rin kami?' Hinawakan niya ang mga labi niya at bigla sumagi sa isip niya ang halik ni Yi Jinli. Tanddang tanda niya pa yung sinabi ni Lianyi sakanya noon, "Yiran, alam mo ba na ang ganda ganda ng mga labi mo?" "Maganda?" Hindi niya alam kun
"Sige po." Dali-daling sagot ni Gao Congming. Bilang secretary ng Young Master, nakabuntot lang siya kay Yi Jinli mula noong umalis sila sa mansyon ng mga Yi hanggang sa makarating sila sa ospital. Pagkapasok ni Yi Jinli sa VIP room, naabutan niya si Ling Yiran na nakaupo ng sobrang tuwid. Oo... Sobrang tuwid, na parang isang sundalo. "Gusto mo na bang lumabas ng ospital?" Tanong ni Yi Jinli. "Mm." Sagot ni Ling Yiran. Pero bigla siyang natigalan nang makita ang scarf na naka pulupot sa leeg ni Yi Jinli. Yun ang.... scarf na tinahi niya para rito. Ginawa niya 'yun noon kasi natatakot siya na baka ginawin ito pag dating ng winter. Pero... nakakatawa na hindi naman pala nito kailangan dahil siguradong kaya nitong bumili ng maraming maraming scarf... "Binibigyan ulit kita ng pagkakataong magpalit ng desisyon. Pagisipan mong maigi. Ayaw mo ba talaga akong makasama?" Sa tanang buhay ni Yi Jinli, wala pa siyang naalalang nagbigay siya ng pangalawang pagkakataon sa kahit kanino
Walang magawa si Ling Yiran. 'Tama... Kahit pa anong sigaw ko dito, wala namang maglalakas loob na iligtas ako, diba? 'Dahil kung sinuman ang makakaisip nun ay parang pinain na nila ang mga sarili nila kay Yi Jinli.... Nang mahimasmasan siya, naramdaman niya nalang ang dila ni Yi Jinli na sinusubukan pumasok sa pagitan ng mga ngipin niya. 'Wag! Ayoko!' Sa sobrang taranta, hindi niya sinasadyang makagat ang dila ni Yi Jinli. At hindi nagtagal, nangibabaw na ang lasa ng dugo nito kya bigla siyang napaatras. "Du...dugo ba 'to ni Yi Jinli? Oo.... nakagat ko nga ata talaga siya...' Pero para kay Yi Jinli, balewala ito at nagpatuloy lang siya sa paghalik kay Ling Yiran. Hindi na alam ni Ling Yiran kung gaano katagal na ang lumipas pero nang matapos na sila ay halos hindi niya na maramdaman ang mga labi niya at wala siyang ibang malasahan kundi ang dugo ni Yi Jinli... "Masarap ba?" Pilyong bulong ni Yi Jinli. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng dugo sa bibig niya pero parang wala la
Kahit hanggang pagsuka, nanginginig pa rin ang buong katawan ni Ling Yiran at nang sandaling matapos siya ay pakiramdam niya'y parang mahihimatay siya. Napasalampak siya sa sahig at doon niya tinignan si Yi Jinli na nakatayo sa labas ng pintuan ng CR. Bakas sa mukha nito ang sobrang lungkot. "Sobra ka ba talagang nandidiri sakin?" Walang emosyong tanong ni Yi Jinli. Hindi sumagot si Ling Yiran pero niyakap niya ang tuhod niya habang nanginginig ang kanyang buong katawan, na para bang takot na takot siya kay Yi Jinli. Ito ang unang pagkakataon na naramdaman ni Yi Jinli na may taong nandidiri sakanya at sobrang sama ng loob niya. 'Kailan ko pa hinayaang ganituhin ako ng isang babae? Ako si Yi Jinli at lahat ng babaeng gustuhin ko dito sa Shen City ay pwede kong makuha! 'Pero bakit parang baliw na baliw ako sa ordinaryong babaeng 'to... Oo, masaya akong kasama siya, pero hinding hindi ko ibababa ang sarili ko para sa isang babaeng nandidiri sa akin.' 'O siya, Ling Yiran. Tutal