Lahat ng makakakita ng istura ni Yi Jinli, habang buhat-buhat si Ling Yiran, ay masasabing hindi basta-basta ang babaeng ito, at sobrang importante nito sa Young Master. Pero lahat ng mga nakakaalam ng totoong pagkato ni Yi Jinli ay nagpanggap nalang na walang nakita at narinig. Kasi ano pa ba sa mga tanong nila ang hindi nasasagot, hindi ba? Bakit mag-aaksaya ng oras ang pinaka makapangyarihang tao sa Shen City na pumunta sa isang maliit at masukal na baryo ng madaling araw para lang sa isang babae? At hindi pa dun natapos yun... gumawa rin ito ng sobrang agaw pansin na eksena. Kaya kahit ano pa man ang pagkatao ng babaeng 'to, sigurado na balang araw ay titingalain din ito sa buong Shen City. "Alamin niyo kung sino ang mga nasa likod nito. Lahat sila kailangang magbayad. Walang makakaligtas." Utos ni Yi Jinli. "Opo." Natatarantang sagot ni Gao Congming. Noong oras na yun, wala ng magawa ang mag asawang Feng kundi tignan ang anak nilang sumisigaw sa sakit, sabay tingin sa
"Okay lang." Sagot ni Yi Jinli, na para bang walang naramdamang kahit anong sakit. "Gaano pa ba katagal bago tayo makarating sa ospital?" "Nasa fifteen minutes po siguro." Sa lagay ni Ling Yiran, hindi papayag si Yi Jinli na dalhil ito sa ordinaryong ospital lang, kaya gusto niyang dalhin ito sa pinaka kilalang ospital sa Shen City. Pagkarating nila, may nag'aabang ng mga tao na inutusan ni Gao Congming para ireport ang mga nakuhang impormasyon ng mga ito sa ingredients ng gamot na pinainom kay Ling Yiran. Nag'aabang na rin ang grupo ng mga doktor, na hindi lang sa Shen City kilala kundi sa buong mundo dahil sa husay ng mga ito sa larangan ng medisina. Kaya lahat ng mga pasyente at empleyado sa ospital na nakakita sa eksena ay gulat na gulat dahil implosibleng simpleng kaso at ordinaryong tao lang ang dahilan ng pagdating ng mga doktor na 'to lalo na't dis oras na ng madaling araw. May ilang doktor na natatarantang hinahanap sa listahan ang gamot na nainom ni Ling Yiran, at
"Jin..." Hirap na hirap na sabi ni Ling Yiran.'Jin', pangalang madalas na naririnig ni Yi Jinli. Masaya siya tuwing naririnig niya ito mula sa nag'iisang taong tumatawag sakanya ng pangalang ito, pero ngayon....hindi niya maintindihan kung bakit parang dinurog ang puso niya nang sandaling marinig niya ito... Para bigla siyang naging isang poste na hindi makagalaw, at hinayaan lang si Ling Yiran na yakapin siya ng mahigpit. Hindi nagtagal, dahan-dahan itong bumitaw, ngumiti sakanya, at..... hinalikan siya... Sobrang hindi ito inaasahan, pero....hindi siya umiwas... Kung gugustuhin niya, pwedeng pwede sana siyang umiwas o pumalag, lalo na't alam niyang epekto lang ang lahat ng gamot na nainom nito... Pero....ayaw niyang umiwas....at hinding hindi siya iiwas.... Para bang... hindi niya kayang pigilan ang sarili niya, na sabik na sabik rin sa halik ni Ling Yiran... Habang padiin ng padiin ang halik nito...lalo siyang nag'iinit na para bang may iba pa siyang gustong gawin....
Sunod-sunod ang tanong ni Hao Yimeng, at habang tumatagal ay lalong namumutla ang mukha ni Xiao Zigi. "Pwede bang tama na?! Ano ba yang mga pumapasok sa isip mo. Nagkataon lang ang lahat!" Pasigaw na sagot ni Xiao Zigi. Pero hindi nagpaawat si Hao Yimeng at tuloy-tuloy pa rin siya sa pagsasalita, "Zigi, ano bang nangyayari sayo?! Nakalimutan mo na bang engaged na tayo at ilang araw nalang ay wedding na natin?! Diba dapat lang naman na pagusapan natin to?" Hindi nakasagot si Xiao Zigi. Gusto naman talaga niyang umamin kay Hao Yimeng dahil lalong bumibigat ang pakiramdam niya habang tumatagal. Lalo pa at pinagdidiinan ng mga magulang niya na baka may feelings pa siya kay Ling Yiran. Dahil hindi naman yun totoo... at matagal na siyang naka moved on! Alam niya kung mangyayari sakanya kapag nadulas siya, pero ayaw niya rin namang pagdudahan siya ni Yimeng. Huminga ng malalim si Xiao Zigi at noong mas kalmado na siya, muli siyang nagsalita, "Yimeng, makinig ka... May mga bagay
Halos mahimatay si Xiao Ziyi sa kinatatayuan niya. Dahil kahit kailan, hindi sumagi sa isip niya na may kinalaman si Yi Jinli sa lahat ng nangyari sakanya at ginawa nito lahat ng yun para ipagtanggol si Ling Yiran... 'Pero bakit sa lahat ng babae, si Ling Yiran pa?! 'Kung ikukumpara kay Hao Meiyu, sobrang layo ng ganda nila! Si Ling Yiran naman....oo maganda rin siya pero bukod sa naging ex-convict siya, street sweeper nalang siya ngayon! Kaya aminin man o hindi, sobrang napabayaan niya na ang sarili niya. 'Sa dinami-rami ng magagandang babae Shen City na mayayaman din, bakit bukod tanging si Ling Yiran ang nagustuhan niya?!' "Kaya binabalaan kita Ziyi, wag na wag mo ng guguluhin si Ling Yiran. Isa pa, mas mabuti ng sarilihin mo nalang ang lahat ng narinig mo tungkol dito at wag na wag kang magkakamaling ikwento kahit kanino, kahit pa sa mga magulang natin kasi si Yi Jinli mismo ang nagsabi na ayaw niyang may makaalam na iba. Inaamin ko, hindi ko sinasadyang madulas." Pagbaba
Iniisip niya palang ang mga posibleng mangyari sa pamilya niya, kinikilabutan na si Xiao Zigi. Tumingin siya kay Hao Meiyu, na nakatayo sa tabi niya. 'Ngayon, nasa iisang bangka lang ang Xiao at Hao Family.... pero kahit pa sabihin nating gustong gustong gusto talaga ni Yi Jinli si Ling Yiran, hindi naman siguro niya isusugal ang dalawang makapangyarihang pamilya para lang sa isang babae, diba?" 'Higit sa lahat, totoo namang si Ling Yiran ang nakapatay kay Hao Meiyu, diba?' Pakiramdam ni Ling Yiran ay nasa isang mahabang panaginip siya. Sa panaginip niya, nasa kulungan daw siya ulit at kahit anong pagmamakaawa niya, sinasaktan pa rin siya ng mga tao. Paulit-ulit siyang nilulublob sa malamig na tubig habang sinusuntok at sinisipa ng iba't-ibang... Kasabay rin nito, maraming mga boses din siyang naririnig sa paligid niya... "Tignan niyong lahat! Isang magaling na lawyer, na matalino raw sa klase ha ha ha! Anong pinagkaiba niya sa atin ngayon?! Ay oo nga pala, sa ating lahat, si
"Pero...bakit nakasuot ka ng..." At doon lang narealize ni Yi Jinli na hindi pa pala siya nakapagpalit. Sa sobrang pagmamadali at pag-aalala niya kagabi, nawala na sa isip niya na suot niya pa rin ang suit na ginamit niya noong nagdinner sila ng lolo niya. 'Kung ako yung Jin na kilala niya... isang dating pulubi at taga bigay lang ng leaflets ngayon, siguradong iisipin niya na hindi ko kayang bumili ng mga ganitong klaseng damit. 'Pero, sa lahat ng mga nangyari kagabi, ayoko ng itago pa ang totoong pagkatao ko. Isa pa, Balak ko na rin naman talagang sabihin sakanya ang lahat. Siguro napaaga lang ng konti pero ganun na rin yun... At ayoko naman na sa iba niya pa unang malaman. 'Higit sa lahat, kapag nalaman niya na ang katotohanan, wala na talagang makaka api sakanya.' 'Kahit na ganito yung suot ko, ako pa rin naman si Jin diba?" Nakangiting tanong ni Yi Jinli habang nakatitig sa mga mata ni Ling Yiran. Oo... kahit kailan hindi siya nagtanong, pero matagal ng kinukutuban si
'Alam kong maraming magugulat kapag nalaman nilang pinoprotektahan ko siya. 'Kasi kilala ako ng marami bilang masamang tao, pero wala akong pakielam sa sasabihin ng iba, ang importante maprotektahan ko siya. "Wag kang mag-alala, hindi nangyari yung kinatatakutan mo. Sakto lang yung dating ko kagabi," Sagot ni Yi Jinli. 'Ibig sabihin... siya nga ang naglitas sakin kagabi!' Inangat ni Ling Yiran ang ulo niya para tignan sa mga mata si 'Jin', na kasalukuyang sobrang lapit ng mukha sakanya. "Bakit ka pumunta dun para iligtas ako?"Sa isip ni Ling Yiran: 'Ayaw mo ngang sumama sakin noong niyaya kitang lumuwas diba?!' "Ate, nakalimutan mo na bang tinawagan mo ako para iligtas kita? Buti nalang talaga at sakto lang yung dating ko." Nakangiting sagot ni Yi Jinli. 'Isang tawag ko lang, bumyahe na siya kaagad ng ilang kilometro para iligtas ako?' Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Ling Yiran sa lahat ng nalaman niya. Binuhat siya ni 'Jin' pabalik sa kama at nagpatuloy,
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at