"Ang lugar na ito ay may kagandahan. Maganda ito para sa health at wellness. Ang pagtira rito ng mahabang panahon ay magkakaroon ng adjuvant treatment effects sa iba't ibang chronic diseases.""Young lady, ang villa ba rito ay mahal? Kung mura lang ito, bibili rin ako!"Ngumiti si Oskar Armstrong.Agad na sumagot si Mandy, sinabi, "Senior Armstrong, kakalaunch lang namin ng sampung villas na special offers dito. Pwede mong tignan. Ang mga presyo ay lahat talagang kanais-nais!""Kung makakapag desisyon ka ngayong araw, bibigyan kita ng malaking discount!"Naintindihan 'yun ni Mandy, ibigay na ang karakter ni Oskar, hindi kailanman ay tatanggapin niya kapag binigyan mo siya ng villa sa libreng halaga.Sa sandaling ito si Oskar ay kagaya ng kahit sinong matanda, pumipili at tumitingin sa mga pagpipilian ng may matinding pag-iingat.. Nang matapos sa wakas ay pumili siya ng medium-sized na villa na may magandang feng shui. "Edi, ito ang gusto ko."Tinignan ito ni Mandy. Nagngitngit a
Tinitigan ni Harvey ang antigong Rolex na relos na nasa kanyang pulso at sumimangot.“Hindi iyon pwede. Halos malapit na ang oras para sa appointment ni Senior Armstrong, kaya kailangan ko na siyang maihatid sa lokasyon sa lalong madaling panahon.” Ang totoo, naghahanap lang ng dahilan si Harvey. Nahihiya na nga siya na utusan si Senior Oskar Armstrong na suriin ang construction site ng Silver Nimbus Mountain Resort project. Para dalhin si Senior Armstrong sa mismong tirahan ng mga Yates?Sa buong katapatan, para kay Harvey, balewala ang Yates family. Kung hindi dahil kay Mandy, ang mga Yates ay walang karapatan para titigan si Harvey sa mata. Makalipas ang ilang oras, tahimik na pinaalis ni Harvey si Senior Armstrong. Nakakahiya sa matanda na paghintayin ito g walang ginagawa. Bagama't inayos ni Harvey na magpa-check-up si Senior Armstrong sa Sword Camp site, pinili pa rin nito na pumunta sa Buckwood People's Hospital nang mag-isa. Hindi siya tumawag ng isang espesyalis
Pagdating ng hapon, nagpunta si Harvey sa Buckwood People’s Hospital para yayain si Oskar Armstrong na kumain ng hapunan. Sa buong buhay niya, kaunti lang ang mga bagay na gusto ni Oskar. Pero, ang hilig niya sa lokal na pagkain ay malaki. Sadyang dinaanan ni Harvey ang isang luma at sira-sirang van para doon yayain si Oskar na kumain. Kaswal na kinausap ni Harvey si Oskar; bihira para sa isang matandang lalake na maging palagay ang loob. “Head Coach, dapat ay samahan mo ako na uminom kahit na ilang bote lang ngayong gabi!” Hindi tinanggihan ni Harvey ang alok ni Oskar dahil sa ilang taon na rin nilang kilala ang isa’t isa. Ang turingan nila ay magkakampi na karapat-dapat pagbuwisan ng buhay. Normal lang na mag-inuman sila. Kung hindi dahil dito, hindi sana iinom kahit na isang patak ng alak si Harvey. …At sa parehong oras, sa may Garden Residence. Nandoon sila Mandy at ang kanyang pamilya, pati si Xynthia, ay nandoon sa loob. Ng bigla, ilang mga sanggano ang nangh
Bang!May sumipa sa sikmura ni Simon. Kaagad siyang namilipit sa lapag, at nanginginig. Nung sinubukan na mangialam ni Lilian, pinagsasampal siya ng maraming beses.Ang mga lalake ay dinala si Mandy at saka umalis. Ang mga security guard na nagtatrabaho sa Garden Residence ay kumilos sa sitwasyon at sinubukang pigilan ang mga gangster, pero nabugbog lamang silang lahat.Si Tara Lewis, ang sales manager ng Garden Residences at dating kaklase ni Harvey, ay natanggap ang balita tungkol sa insidente pagkalipas ng sampung minuto. Nawalan ng kulay ang kanyang mukha. Kaagad niyang tinawagan si Harvey. “Harvey, masama ito! Isang grupo ng mga hindi kilalang kalalakihan ang umatake sa mga parent-in-law mo at tinangay ang asawa mo!” “Ano?!” Si Harvey, na masayang kumakain kasama si Oskar Armstrong, ay napatayo sa galit. Ang mukha niya ay nagbago at naging nakakatakot. ‘Ang lakas ng loob nila para dakpin si Mandy habang nakatalikod ako?!’Sa sumunod na sandali, tinawagan niya
Humalakhak si Zack.“Master. Meron nga siyang katayuan, pero mahina lang ito kung ikukumpara sa pagkatao niyo. Walang kompetisyon dito!” May napansin si Grey at nagtanong siya, “Kaya…?” “Kaya, nagdesisyon ako na magpadala ng ilang tauhan doon para dalhin siya dito.” Sabi ni Zack habang nakangiti.Si Quinn, na nakatayo sa tabi, ay nagpakita ng isang ngiti. “Master Jean, ang babaeng ito ay masyadong mayabang. Iniisip niya na mas mataas siya sa lahat. Dahil lang sa mukha siyang disente, kaya palaging malamig ang pakikisama niya sa mga tao!” “Ang totoo, isa lang siyang mapagmanipulang tao na nagpapanggap na inosente!” Sinampal ni Grey si Quinn sa mukha at suminghal, “Huwag kang magsasalita ng walang pahintulot ko! Paano ang isang babae na katulad mo na dumaan na sa kamay ng maraming lalake ang may karapatan na husgahan siya?” Tumayo siya at nagpaikot-ikot ng dalawang beses, saka sumimangot. “Kapag nangyari ito bago ngayon, pwede ko pa itong palampasin.” “Pero ang pagkat
Plak!Awtomatikong sinampal ni Mandy si Jean, habang sinisigaw, “Bastardo! Bastos!” Nanigas ang hangin sa kanilang paligid ng umalingawngaw ang malutong na tunog ng sampal. “Ang lakas ng loob mong sampalin ako?”Tinakpan ni Grey ang kanyang mukha, hindi makapaniwala sa nangyari, na para bang nakakita siya ng hindi kapani-paniwalang bagay. “Kahit ang ama ko ay hindi ako nagawang sampalin! Ang lakas ng loob mo na sampalin ako?!” “Ang lakas ng loob mo?!” Habang sinisigaw niya ito, tinaas niya ang kanyang paa at sinipa si Mandy sa sikmura. Sa sobrang layo ng tinalsik nito ay tumama si Mandy sa pader. Pagkatapos ay sinugod ni Grey si Mandy at malakas itong sinampal hanggang sa mamaga ang ang mukha nito na katulad sa isang baboy. Dumugo ang gilid ng kanyang labi. Ngunit, hindi bumigay si Mandy. Tumingala siya at tinignan ng masama si Grey. “At may lakas ka pa ng loob na tignan ako ng masama?! Naniniwala ka ba kapag sinabi kong bubulagin kita?!” Pinakitaan siya ni Grey n
"Ang sabi mo ay mapapahamak ako? Ako, si Grey Jean, ay gustong makita kung anong klase ng gulo ang madadala ko pagkatapos kitang paglaruan," malamig na sabi ni Grey. Sanay siya sa pagiging mayabang at madalas niyang ginagawa ng kahit na anong gusto niya sa Mordu. Para sa kanyang mga mata, ang pagiging palaban ni Mandy at parang pampalasa, isang mabangis na kabayo; na nagpapalakas sa kanyang interes na angkinin siya. Huminga nang malalim si Mandy at pinilit ang kanyang sarili na kumalma. "Sir, wala akong pakialam kung sinabihan ka nina Zack at Quinn na gawin to." "Pero gusto ko ihatid mo ko pabalik. Kung hindi, magkakaroon ng malaking gulo!" "Kapag nangyari yun, kahit ako ay hindi ko na makokontrol kung anong mangyayari sa susunod!" Si Prince York ang tinutukoy ni Mandy. Sa kanyang mga mata, ang tanging lalaki na may kakayahang iligtas siya ay dapat na si Prince York mismo. Ngunit sa sandaling masangkot si Prince York, tanging Diyos lang ang makakaalam kung anong susunod
Nakalipas ang kalahating oras… Masusing nag-imbestiga ang lahat ng malalaking pamilya at negosyo sa Buckwood. Nakakulong si Mandy Zimmer sa loob ng Manor Nine sa Gold Coast, sa labas ng siyudad. Malamang na ang lalaking dumukot sa kanya ay isang tao mula sa Jean family ng Mordu! Nagulat ang madaming tao sa balitang ito. Ang mga Jean mula sa Mordu ay isang presensya na hindi pwedeng labanan ng mga ordinaryong tao. Buti na lang, ang mga pamilya at negosyong ito ay wala sa Mordu. Pagkatapos ng pagdadalawang-isip nila, nagpasya ang ilan sa kanila na umatras sa isyu. Samantala, sa tirahan ng mga Yates… Nagpalit ng damit si Keith Yates sabay tahimik na nagsabi, "Tara, pumunta tayo sa Gold Coast." *Hindi ako makapaniwala na lilitaw nang kusa ang pagkakataon nang wala tayong ginagawa! Kung maililigtas natin si Mandy, kailangan niyang ipasa ang rights ng kumpanya niya sa mga Yates nang libre bilang kabayaran!" Hindi nagtagal, dumating ang kotse ng Yates family sa Gold Coast.