Bang!May sumipa sa sikmura ni Simon. Kaagad siyang namilipit sa lapag, at nanginginig. Nung sinubukan na mangialam ni Lilian, pinagsasampal siya ng maraming beses.Ang mga lalake ay dinala si Mandy at saka umalis. Ang mga security guard na nagtatrabaho sa Garden Residence ay kumilos sa sitwasyon at sinubukang pigilan ang mga gangster, pero nabugbog lamang silang lahat.Si Tara Lewis, ang sales manager ng Garden Residences at dating kaklase ni Harvey, ay natanggap ang balita tungkol sa insidente pagkalipas ng sampung minuto. Nawalan ng kulay ang kanyang mukha. Kaagad niyang tinawagan si Harvey. “Harvey, masama ito! Isang grupo ng mga hindi kilalang kalalakihan ang umatake sa mga parent-in-law mo at tinangay ang asawa mo!” “Ano?!” Si Harvey, na masayang kumakain kasama si Oskar Armstrong, ay napatayo sa galit. Ang mukha niya ay nagbago at naging nakakatakot. ‘Ang lakas ng loob nila para dakpin si Mandy habang nakatalikod ako?!’Sa sumunod na sandali, tinawagan niya
Humalakhak si Zack.“Master. Meron nga siyang katayuan, pero mahina lang ito kung ikukumpara sa pagkatao niyo. Walang kompetisyon dito!” May napansin si Grey at nagtanong siya, “Kaya…?” “Kaya, nagdesisyon ako na magpadala ng ilang tauhan doon para dalhin siya dito.” Sabi ni Zack habang nakangiti.Si Quinn, na nakatayo sa tabi, ay nagpakita ng isang ngiti. “Master Jean, ang babaeng ito ay masyadong mayabang. Iniisip niya na mas mataas siya sa lahat. Dahil lang sa mukha siyang disente, kaya palaging malamig ang pakikisama niya sa mga tao!” “Ang totoo, isa lang siyang mapagmanipulang tao na nagpapanggap na inosente!” Sinampal ni Grey si Quinn sa mukha at suminghal, “Huwag kang magsasalita ng walang pahintulot ko! Paano ang isang babae na katulad mo na dumaan na sa kamay ng maraming lalake ang may karapatan na husgahan siya?” Tumayo siya at nagpaikot-ikot ng dalawang beses, saka sumimangot. “Kapag nangyari ito bago ngayon, pwede ko pa itong palampasin.” “Pero ang pagkat
Plak!Awtomatikong sinampal ni Mandy si Jean, habang sinisigaw, “Bastardo! Bastos!” Nanigas ang hangin sa kanilang paligid ng umalingawngaw ang malutong na tunog ng sampal. “Ang lakas ng loob mong sampalin ako?”Tinakpan ni Grey ang kanyang mukha, hindi makapaniwala sa nangyari, na para bang nakakita siya ng hindi kapani-paniwalang bagay. “Kahit ang ama ko ay hindi ako nagawang sampalin! Ang lakas ng loob mo na sampalin ako?!” “Ang lakas ng loob mo?!” Habang sinisigaw niya ito, tinaas niya ang kanyang paa at sinipa si Mandy sa sikmura. Sa sobrang layo ng tinalsik nito ay tumama si Mandy sa pader. Pagkatapos ay sinugod ni Grey si Mandy at malakas itong sinampal hanggang sa mamaga ang ang mukha nito na katulad sa isang baboy. Dumugo ang gilid ng kanyang labi. Ngunit, hindi bumigay si Mandy. Tumingala siya at tinignan ng masama si Grey. “At may lakas ka pa ng loob na tignan ako ng masama?! Naniniwala ka ba kapag sinabi kong bubulagin kita?!” Pinakitaan siya ni Grey n
"Ang sabi mo ay mapapahamak ako? Ako, si Grey Jean, ay gustong makita kung anong klase ng gulo ang madadala ko pagkatapos kitang paglaruan," malamig na sabi ni Grey. Sanay siya sa pagiging mayabang at madalas niyang ginagawa ng kahit na anong gusto niya sa Mordu. Para sa kanyang mga mata, ang pagiging palaban ni Mandy at parang pampalasa, isang mabangis na kabayo; na nagpapalakas sa kanyang interes na angkinin siya. Huminga nang malalim si Mandy at pinilit ang kanyang sarili na kumalma. "Sir, wala akong pakialam kung sinabihan ka nina Zack at Quinn na gawin to." "Pero gusto ko ihatid mo ko pabalik. Kung hindi, magkakaroon ng malaking gulo!" "Kapag nangyari yun, kahit ako ay hindi ko na makokontrol kung anong mangyayari sa susunod!" Si Prince York ang tinutukoy ni Mandy. Sa kanyang mga mata, ang tanging lalaki na may kakayahang iligtas siya ay dapat na si Prince York mismo. Ngunit sa sandaling masangkot si Prince York, tanging Diyos lang ang makakaalam kung anong susunod
Nakalipas ang kalahating oras… Masusing nag-imbestiga ang lahat ng malalaking pamilya at negosyo sa Buckwood. Nakakulong si Mandy Zimmer sa loob ng Manor Nine sa Gold Coast, sa labas ng siyudad. Malamang na ang lalaking dumukot sa kanya ay isang tao mula sa Jean family ng Mordu! Nagulat ang madaming tao sa balitang ito. Ang mga Jean mula sa Mordu ay isang presensya na hindi pwedeng labanan ng mga ordinaryong tao. Buti na lang, ang mga pamilya at negosyong ito ay wala sa Mordu. Pagkatapos ng pagdadalawang-isip nila, nagpasya ang ilan sa kanila na umatras sa isyu. Samantala, sa tirahan ng mga Yates… Nagpalit ng damit si Keith Yates sabay tahimik na nagsabi, "Tara, pumunta tayo sa Gold Coast." *Hindi ako makapaniwala na lilitaw nang kusa ang pagkakataon nang wala tayong ginagawa! Kung maililigtas natin si Mandy, kailangan niyang ipasa ang rights ng kumpanya niya sa mga Yates nang libre bilang kabayaran!" Hindi nagtagal, dumating ang kotse ng Yates family sa Gold Coast.
Bahagyang kumunot ang noo ni Finn. Tinitigan niya nang maigi si Zack at suminghal. "Hindi ba ikaw si Zack Zimmer? Kailan ka pa naging tigapagsilbi ng iba?" Naging kasing lamig ng yelo ang mga mata ni Zack, ngunit hindi siya sumagot. Bago makasabi ng isa pang salita si Finn, tinaas ni Keith ang kanyang kamay. "Zack Zimmer, alam mo dapat kung sino ako! Sabihin mo sa Master Jean mo na nandito ako ngayon para sa isang importanteng bagay!" Sumagot si Zack, "Ang sabi ng master ko, kapag kinalaban mo ang Jean family, mananatili pa rin ba ang trabaho mo?" "Keith Yates! Umangat lang ang mga Yates mula sa isang second-rate family papunta sa isang first-rate family dahil sa posisyon mo!" "Kung wala na ang posisyon mo, alam mo dapat kung anong mangyayari sa pamilya mo!" Kaagad na naging kasing dilim ng sabi ang mukha ni Keith pagkatapos marinig ang mga salita ni Zack. Pero alam niya na hindi nagsisinungaling si Zack. Kapag ginusto ito ng Jean family, mas magiging madali para sa k
Malamig na nagsalita si Harvey, "Sasabihin mo ba na wag kong iligtas ang asawa ko?" Umiling si Oskar. "Hindi!" "Pero ang first-in-command ng militar ng South Light ay nagpapadala ng depensa. Minamatyagan ng mga tao sa loob at labas ng bansa ang Buckwood." "Sa ilalim ng ganitong sitwasyon, masama para sa'tin na gumawa malalaking hakbang. Kapag nilantad mo ang pagkatao mo ngayon, baka masaktan mo ang asawa mo sa hinaharap." "Pagdating ng oras na yon, baka hindi lang ang Jean family, maski ibang panlabas na awtoridad…" "Iyon ang dahilan kung bakit kailangan nating ayusin ang isyu ngayon nang tahimik at payapa." "Hindi maganda na makipag-away." Sumagot si Harvey. "Ibig mo bang sabihin ay…" "Narinig ko na mayroong isang lalaking tinatawag na hari ng kalye sa South Light. Ryan Gotti ang pangalan niya. Kasamahan siya ng Jean family. Papuntahin mo siya at sabihin kay Grey Jean na ibalik ang asawa mo at humingi ng tawad. Ayos ba yun?" Tanong ni Oskar. Malalim na nag-isip si
Nagulat si Grey sa nakita niya. "Sir Gotti, bakit mo ginagawa to?" Nanghina ang mga binti ni Ryan habang lumuhod siya sa lapag. Hindi siya nagtangkang tumingin kay Mandy sa sandaling ito. Nagsalita siya nang nanginginig, "Master Jean, nandito ako para humingi ng pabor. Para sa ngalan ng relasyon natin noon, gusto kong tanggapin mo ang kahit na anong hilingin ko sa'yo, kahit na ano pa ito!" "Ano yun? Gagawin ko ang makakaya ko." Iniisip pa rin ni Grey na si Ryan ang hari ng kalye ng South Light. Kung kaya't hindi niya isusuko ang pagakakataong bigyan ng pabor si Ryan. Nagtataka ring tinignan ni Zack at Quin si Ryan. Paanong matatakot sa kahit na ano ang isang maalamat na lalaking kagaya niya? Sumagot si Ryan nang nanginginig pa rin, "Master Jean, may nag-utos sa'kin na magpadala ng salita." "Sinabi niya sa'yo na ibalik si Mandy Zimmer, pagkatapos ay lumuhod at humingi ng tawad doon." "At gusto niyang putulin mo ang mga kamay ng mga umatake kina Mandy at sa mga magulang