Malamig na nagsalita si Harvey, "Sasabihin mo ba na wag kong iligtas ang asawa ko?" Umiling si Oskar. "Hindi!" "Pero ang first-in-command ng militar ng South Light ay nagpapadala ng depensa. Minamatyagan ng mga tao sa loob at labas ng bansa ang Buckwood." "Sa ilalim ng ganitong sitwasyon, masama para sa'tin na gumawa malalaking hakbang. Kapag nilantad mo ang pagkatao mo ngayon, baka masaktan mo ang asawa mo sa hinaharap." "Pagdating ng oras na yon, baka hindi lang ang Jean family, maski ibang panlabas na awtoridad…" "Iyon ang dahilan kung bakit kailangan nating ayusin ang isyu ngayon nang tahimik at payapa." "Hindi maganda na makipag-away." Sumagot si Harvey. "Ibig mo bang sabihin ay…" "Narinig ko na mayroong isang lalaking tinatawag na hari ng kalye sa South Light. Ryan Gotti ang pangalan niya. Kasamahan siya ng Jean family. Papuntahin mo siya at sabihin kay Grey Jean na ibalik ang asawa mo at humingi ng tawad. Ayos ba yun?" Tanong ni Oskar. Malalim na nag-isip si
Nagulat si Grey sa nakita niya. "Sir Gotti, bakit mo ginagawa to?" Nanghina ang mga binti ni Ryan habang lumuhod siya sa lapag. Hindi siya nagtangkang tumingin kay Mandy sa sandaling ito. Nagsalita siya nang nanginginig, "Master Jean, nandito ako para humingi ng pabor. Para sa ngalan ng relasyon natin noon, gusto kong tanggapin mo ang kahit na anong hilingin ko sa'yo, kahit na ano pa ito!" "Ano yun? Gagawin ko ang makakaya ko." Iniisip pa rin ni Grey na si Ryan ang hari ng kalye ng South Light. Kung kaya't hindi niya isusuko ang pagakakataong bigyan ng pabor si Ryan. Nagtataka ring tinignan ni Zack at Quin si Ryan. Paanong matatakot sa kahit na ano ang isang maalamat na lalaking kagaya niya? Sumagot si Ryan nang nanginginig pa rin, "Master Jean, may nag-utos sa'kin na magpadala ng salita." "Sinabi niya sa'yo na ibalik si Mandy Zimmer, pagkatapos ay lumuhod at humingi ng tawad doon." "At gusto niyang putulin mo ang mga kamay ng mga umatake kina Mandy at sa mga magulang
”Sir Gotti, pakipasa ang mensaheng ito para sa akin.”“Kahit na ang taong iyon ay King, kapag hindi siya lumuhod at humingi ng tawad sa akin…”“Gusto kong mamatay siya nang walang libingan!” Sigaw ni Grey, habang tumatawa nang malakas. Lumapit siya kay Mandy at sinampal ito. “Ito ba ang mga taong sinasabi mong magbibigay ng problema sa akin?”“Hindi ko alam kung anong klaseng lalaki siya pero paluluhurin ko pa rin siya sa harapan ko at ipapanood ko sa kanya kung paano kita paglalaruan!”Nagsimulang tumulo ang dugo mula sa sulok ng labi ni Mandy, ngunit nanatiling seryoso ang kanyang mukha. Nang makita ang ginawa ni Grey, nanginig si Ryan sa takot. Gustong mamatay ni Grey Jean! Naglakas-loob pa rin siyang sampalin ang kasintahan ng halimaw na ‘yun! Ang nagawa na lang ni Ryan ay sumigaw, “Master Jean, nauunawaan ko na. Pakiusap wag mo na siyang saktan! Babawiin ko na agad ang sinabi ko!” Kaagad siyang gumapang palayo pagkatapos niyang magsalita. Napuno ng takot ang ka
Nagkalat ang mga guwardiya sa labas ng manor. Ang mga guwardiyang naatasang magbantay sa tapat ng pinto ay nakaramdam na may kakaiba. Medyo maraming tao ang pumapasok at lumalabas sa lugar na ito, pero ngayon biglang tumahimik dito. Tapos nakita nila si Ryan. Ilang lalaki ang sumunod kay Ryan. “Pakiusap umalis ka muna, Senior Gotii. Kakabigay lang sa amin ng utos ni Master Jean. Sabi niya isa ka lamang utot sa hangin at wala ka nang karapatang makita siya!”Bago umalis si Ryan, nagpadala si Grey ng tao para mag-imbestiga. Nalaman niyang nagbago ang kalye ng South Light nitong nakaraang mga araw. Si Ryan ay isa na lamang ordinaryong matanda, hindi na ang hari ng kalye. Paanong magiging karapat-dapat ang isang taong tulad niya na makita si Grey?Naisip ni Grey na nabigyan na niya ng sapat na paggalang si Ryan noong hindi niya ito binugbog. Tinignan ng mga guwardiya nang mapanghamak si Ryan. Paano nagagawa ng isang matandang walang kapangyarihan na magyabang sa harap
Mga sundalong nakasuot ng uniporme, habang may mga spada sa kanilang baywang ay bumaba ng mga armadong sasakyan. Mukha silang sasabak sa giyera habang ang mga mata nila ay kasintalas ng isang lawin. Matatakot ang lahat sa isang tingin lang nila. Halos isang libong mga sundalo mula sa Sword Camp ang nagtatago sa dilim. Ang ilan ay naharangan na ang likod na pintuan ng Manor Nine, habang ang ilan ay lumayo para bantayan ang nangyayari mula sa malayo. Ang bawat galaw ay malinis, para bang natural na nila ito ginagawa. Daan-daang lalaki ang bumuo ng ilan pang hanay at nagsimulang maglakad paharap. Ang pinuno ng mga guwardiya, na kanina pang arogante, ay natulala na ngayon. Medyo may alam siya at nakilala niya kung sino ang mga taong ito. Isa ito sa pinakamalakas na hukbo ng Country H, ang Sword Camp! Hindi na siya nakipaglokohan. Nanghina ang tuhod niya at kaagad siyang lumuhod sa sahig. Bam, bam, bam! Kaagad na sumunod ang ibang mga guwardiya. Binato nila ang kanilang
Walang-bahalang tumawa si Grey. “Sinong naglalakas-loob na gumawa ng gulo sa teritoryo ng Jean family?”“Maging ang first-in-command ng South Light, si Sheldon Xavier ay kailangang maging magalang tuwing magpupunta dito!”“Ito ang mga batas na gawa ng Jean family!”“Dati mayroong mga sumuway, at lahat sila ay pinakain sa mga isda!”“Sa totoo lang, umasa akong may pupunta para galitin ang Jean family. Kung hindi, hindi magiging masaya ang pagpunta sa Buckwood ngayon diba?”Tinignan ni Quinn si Grey nang may paghanga sa loob niya. ‘Ito ang isang tunay na super rich heir! Isang tunay na playboy!’‘Sinong mayaman na tigapagmana mula sa Buckwood ang maglalakas-loob na magsabi ng ganitong bagay?’Pakiramdam ni Quinn parang nahuhulog siya kay Grey, kahit ano pa ang pagkatao niya. Sa sulok, nanginginig nang bahagya si Mandy dahil sa abusong kinailangan niyang tiisin. Boom!Tapos biglang sinipa ang pinto ng attic hallway. Kasunod nito, ilang dosenang mga sundalo ang kaagad na
Nakita na ni Grey kung paano tumakbo ang mundo. Sa kabila ng pagpapawis ng kanyang katawan, habang nababasa ng malamig na pawis ang likod niya, nagngitngitan pa rin ang ngipin niya at nagtanong, “Ikaw… sino ka?!”“Sino ako?”Kasinlamig ng yelo ang mukha ni Harvey York. “Ako ang asawa ni Mandy. At kasabay nito, ako ang Prince York na minamaliit mo.”“Diba gusto mong mamatay ako nang walang libingan?”“Ano?!”Nanginig nang sobra si Grey nang marinig niya ang sinabi ni Harvey. ‘Si Prince York pala ang live-in husband ni Mandy Zimmer?’‘Ito… paano… paano ito nangyari?’ Nahimasmasan na sa wakas si Quinn. Nanghihina siya habang pilit siyang ngumiti. Ngayon nauunawaan na niya. Bakit si Mandy lamang ang napapansin ng Sky Corporation. Kung bakit ang napili ni Prince York na bigyan ng proposal ay isang babaeng may asawa na. Si Harvey York ay si Prince York! Totoo ang lahat ng sinabi niya! Ngunit hindi naniwala sa kanya ang mga Zimmer! Kapag nalaman ng mga Zimmer ang t
Ang security captain ay hindi naglakas loob na lumaban sa kanya.Sa sandaling iyon, kaya niya lang kunin ang watermelon knife ng nanginginig at sinabi na may nanginginig na boses, “Master, pasensya na!”Ang kasunod na nalaman ng lahat, nilagyan niya ng pwersa ang kanyang watermelon knife at ang kanang kamay ni Grey Jean ay naputol na may tunog ng nabaling mga buto.“Argh!!!”Sumigaw si Grey na parang baboy na kinatay habang gumulong siya sa lapag sa sakit.Nangungutyang utos ni Harvey York, “Ipakain sa aso ang bagay na ito!”Ang security captain ay walang lakas ng loob na lumaban at tapos dinala ang putol na kamay sa bakuran.Hindi nagtagal, ang tunog ng wolfdog ni Grey na ngumunguya sa isang bagay at umaalulong ay narinig.Si Grey, na gumugulong pa din sa lapag, ay nawalan ng pagasa.Walang awa!Si Harvey ay talagang walang awa!Siya ngayon ay talagang wala ng pagasa. Kahit na kung mahanap niya ang pinaka magaling na doktor sa mundo pagkatapos, sino ang kukuha ng putol niya