Mabilis na lumipas ang tatlong oras. Nagtipon na si Ryan Gotti at ang mga tauhan ng Surreys sampung milya ang layo mula sa lakeside villa, at pinalibutan ang buong lugar na halos wala nang makalusot. At ng marinig nila ang utos, ang mga fighter at gangster ay mabilis na sinugod ang lakeside villa habang may hawak na mga sandata. Kabilang sa mga sumugod sila Ryan Gotti at James Surrey. Isa sa kanila ang hari ng mga kanto sa South Light. Ang isa naman, ay ang patriarch ng isang first-rate na pamilya, ang Surreys. Mabilis sila, at nasa labas na kaagad sila ng lakeside villa ng wala pa mang tatlong minuto ang lumilipas. Ang mga tao mula sa istasyon ng pulis ay alam din ang tungkol sa sitwasyon dito, pero hindi maglalakas-loob si Greg Finch na gumawa ng kahit na ani bukod sa ibalita ito kay Yannick Bisson. Ang pintuan ng villa ay biglaang bumukas. Saka lumabas ng pinto si Harvey York ng may malamig na ekspresyon habang si Tyson Woods ay nakasunod sa kanya. "Patriarch! God
At nung narinig nila ang utos ni Ryan Gotti, ang kanyang pinakamalakas na fighter, si Cech Gotti, ay sumugod kasama ang ilan sa mga magagaling nitong mga fighter. “Prince!” Sigaw ni Tyson Woods pagkatapos niyang makita ang pangyayari, at walang malay na prinotektahan si Harvey York. Parehong tumawa ng malamig sila Ryan Gotti at James Surrey. Anong silbi ni Tyson, lalo na ang mag-isa? Pero sa sumunod na sandali, isang pangyayari ang gumulat sa lahat. Sa sandaling sumugod sila Cech Gotti at ang kanyang mga tauhan papunta kay Harvey, isang anino ang lumabas mula sa gilid at winasiwas ng patalikod ang espada nito. Ang walang kahirap-hirap na kilos na ito ay sapat na para patalsikin sila Cech at ang mga tauhan nito habang sumusuka ng dugo. “Ano?!” Ang lahat ay nagulat nung nakita ang pangyayaring ito. ‘Paano nangyari ang bagay na ito?’‘Hindi naman ito isang pelikula!’‘Paano ito nagawa ng isang tao na sumulpot lang kung saan at madaling napigilan si Cech at ang kanyang mga
Naglakad si Ethan Hunt papunta kay Harvey York sa sandaling iyon, saka seryosong sumaludo pagkatapos nitong pinagpagan ng maigi ang uniporme nito. “Chief Minister of Sword Camp, Ethan Hunt, reporting for duty!”“Reporting for duty!”“Reporting for duty!”Sa may tabi naman ng villa, ang lahat naman ng mga sundalo mula sa Sword Camp ay napuno ng saya ang kanilang mga mata sa sumunod na sandali. Lahat sila ay seryosong sumaludo at sumigaw. Ang tunog ng kanilang pagsaludo ay umalingawngaw sa buong villa, at maririnig sa kabuuan ng sampung milya na umabot na sa punto na ang mga utak nila James at ng iba pa ay nanginginig hanggang sa nawalan ng lakas ang kanilang mga katawan. At sa ilalim ng matinding gulat mula sa mga tao, dahan dahan na naglakad si Harvey. Ang lahat ng nandoon ay kumabog ang dibdib nung humakbang siya, na halos hindi na nila mapigilan na lumuhod sa harapan nito. Nginitian ni Harvey si James Surrey, na halos mamamatay na sa sobrang takot, at saka kalmadong nag
”Dapat lang siyang mamatay! Dapat lang siyang mamatay!” Sa kalagitnaan ng talumpati ni James Surrey, kaagad siyang gumapang papunta kay Luke Surrey at binigyan ito ng dalawang malakas na sampal sa mukha. Nung natapos siya, nagsimula na siyang maglupasay sa lapag. “Chief instructor, chief instructor, dapat lang siyang mamatay! Bugbugin mo na lang siya hanggang mamatay!“Ang mga Surrey ay hindi magrereklamo tungkol sa bagay na ito…“Hindi, hindi, hindi… Ang mga Surrey ay walang karapatan na magreklamo. Simula ngayon, ang mga Surrey ay iyong mga habag na tagasunod. Kakahol lang kami kapag nais niyo. Mangangagat lang kami kapag sinabihan mo kami kung sino!” Ngumiti lang si Harvey York at tinignan si James. “Karapat dapat ka ba?” “O ang dapat ko bang sabihin ay, ano sa tingin mo ang makakakumbinsi sa akin para gawin kitang tauhan ko?” Nagbigay ng isang malungkot na ngiti si James. Ang kanyang ekspresyon ay miserable ng husto. Alam niya na hindi nagbibiro si Harvey. Ang mga
Nagpakita ng isang nagsusumamo na ekspresyon si James. Isa siyang bayani ng isang henerasyon, pero ayaw niya talagang mamatay. Dahil kapag namatay siya, wala nang matitira sa kanya. Tinignan ni Harvey York si James na puno ng interes, saka tinignan si Ryan Gotti na nakahiga sa lapag ng walang lakas ng loob na ibuka ang bibig at sinabi, “Ryan Gotti, handa si James na ibigay sa akin ang lahat ng ari-arian ng mga Surrey bilang kabayaran ng kanilang mga kasalanan. Ano naman ang inihanda mo para sa akin?” Pakiramdam tulo ng tikom na bibig na si Ryan ay nakaligtas na siya mula sa kamatayan sa mga sandaling iyon. Saka siya nagsalita habang nanginginig, “”Kung ayos lang sa inyo, handa akong ibigay ang lahat ng meron ako na nasa lansangan ng South Light kay Tyson Woods simula sa araw na ito. Siya na ang magiging bagong hari ng lansangan ng South Light.” Natural lang na alam ni Ryan na si Harvey ay walang pakialam sa awtoridad ng lansangan. Pero si Tyson ay tauhan ni Harvey. Kapag hi
Bumalik si Harvey York sa Empire Gardens. Sina Lilian Yates at Simon Zimmer, na nagtatanong ng presyo para sa sementeryo, ay nagulat pagkatapos siyang makita. Nahimasmasan si Lilian Yates pagkatapos nang ilang sandali at malamig na nagtanong, "Anong ginagawa mo at bumalik ka rito? Bakit hindi ka pa patay?"Sinasabi ko sa'yo, hindi ka tanggap sa pamamahay na to!"Ayos lang kung tumambay ka araw-araw! Pero palagi mong ginagalit ang ibang tao kahit saan ka magpunta! "Sino ba sa tingin mo ang patriarch ng mga Surrey? Sa tingin mo ba talaga kaya mo siyang banggain? "Dahil sa'yo, nakahiga pa rin sa kama si Xynthia, at umiiyak pa rin si Mandy ngayon!" Nanggagalaiti sa galit si Lilian habang nagsasalita siya. Pagkatapos ay tumayo siya at sinampal si Harvey sa mukha. Pak! Kasabay ng malakas na tunog, kailangang umatras ni Harvey nang dalawang hakbang pagkatapos niyang masampal. Hindi niya iniwasan ang sampal ngayon at hindi rin siya nagalit. Kahit na saan pa ito tignan ni Lili
Dahil kina Mandy Zimmer at Xynthia Zimmer, kailangang manatili nina Lilian Yates at Simon Zimmer sa The Gardens Residence para alagaan sila. Ngunit pagkatapos nilang mamimili nang maaga, nagtanong si Lilian habang naguguluhan, "Tignan mo. Napakaraming pambihirang tao sa paligid!" Tumingin si Simon sa direksyon kung saan nakatingin si Lilian at nakita niya ang ilang dosenang taong naglalakad papunta sa pintuan ng The Gardens Residence. Kailangan nilang lumuhod nang parehong beses bawat tatlong hakbang nila. Sabay-sabay ang kanilang mga kilos. Nakatawag-pansin sila ng ilang mga tao. Ang ilan pa ay nakilala kung sino ang mga taong iyon. "Mayroon bang maharlika rito sa The Gardens Residence? Kahit ang mga Surrey ay kailangang bumisita nang ganito!" "Oo nga pala, naaalala mo ba? Hindi ba nakasara ang Buckwood Airport kailan lang? Naalala ko na isandaang Rolls Royce ang dumating doon. Ang laking pangyayari nun!" "Baka para yun sa makapangyarihang taong kararating lang ng Hong K
"Maaari ko bang matanong kung sino…" Nakita ni Mandy Zimmer si Luke Surrey sa stretcher. Mukhang masama ang kanyang ekspresyo. Hindi kumilos si Simon Zimmer at Lilian Yates pagkatapos nila itong makita. Hindi nila maintindihan ang nakita nila. May kaunti silang kaalaman para malaman ang tungkol sa patriarch ng mga Surrey, si James Surrey. Pero bakit siya lumuluhod ngayon? Bago sila mahimasmasan, lahat ng iba pang miyembro ng Surrey family ay ibinagsak ang kanilang mga tuhod sa lapag at nagsimulang lumuhod. Sa likod, isang mukhang mapagmataas na lalaki ang naglakad sa harapan at lumuhod din. "Mrs. Zimmer, ako, si James Surrey, ay pinamumunuan ang lahat ng narito ngayon para humingi ng tawad! "Nasaktan kayo at ang buong pamilya ninyo ng mga ginawa ni Luke Surrey. Kasalanan namin itong lahat!" Sabi ni James. Tahimik ring nagsabi si Ryan Gotti, "Ako, si Ryan Gotti, ay narito rin para humingi ng tawad para sa nangyari kahapon. Si Cech Gotti, ang taong dumukot sa dalaga, ay