Medyo na-excite si Dawson Surrey matapos marinig ang mga sinabi ni Reign Jackson.Ang patriarch ng mga Surrey, si James Surrey, ay may mas malawak na mga koneksyon. Baka nagpadala siya ng mga mas prominenteng mga tao para sa ganito kaliit na bagay sa pagkakataong ito?Tuwang-tuwa rin sina Stevie Surrey at Yelena Surrey.Kung mas prominente ang tao, mas mayabang sila.Kung madaling madudurog ng taong iyon ang dignidad nina Harvey York at Xynthia Zimmer, mas magiging masaya sila.Maya-maya, isang grupo ng mga tao ang pumasok.Pawang mga opisyal ng gobyerno sila; nakasuot ng puting damit.Isang middle-age na lalaki na may parisukat na mukha ang nanguna sa grupo, ngunit parang hindi normal ang kanyang aura. Hindi magkakaroon ng lakas ng loob ang mga ordinaryong tao na tingnan siya.Sobrang taas ng kanyang espiritu!Ang first-in-command sa Buckwood, si Yoel Graham!Bahagyang nagbago ang mga ekspresyon nila Reign at ng iba pa matapos nilang makikilala ang lalaki!Naglakad si Yoel
Hindi na pinansin pa ni Yoel Graham si Marvin Brown. Binaling niya ang kanyang tingin kay Reign Jackson na may hitsurang kasing lamig ng yelo.Madalas na hindi nagkakasalubong ang kanilang mga mata dahil sa magkaibang pananaw sa pulitika.At ngayong pinukaw ni Reign si Harvey York, puno ng saya si Yoel.Sa ilalim ng mga gulat na tingin ng madla, naglakad si Yoel palapit kay Reign at binigyan din siya ng isang sampal sa kanyang mukha.“Paano nag-alaga ang gobyerno ng Buckwood ng basurang tulad mo?! May balak ka bang ibagsak ang gobyerno kasama mo dahil sa katangahan mo?!”Pow pow pow!Agad na sinuntok ni Yoel at sinipa ang lalaki, walang bakas ng kabutihang-loob ang natira sa kanya.Tumigil lang si Yoel sa pag-gulpi sa lalaki pagkaraan ng mahabang panahon. Nakakakilabot ang hitsura niya.Labis na namamaga ang mukha ni Reign, ngunit hindi siya naglakas-loob na magsalita ng kahit ano sa sandaling iyon.Napakalawak ng karanasan niya bilang isang opisyal ng gobyerno, at naunawaan n
Kahit na si Yoel Graham ang first-in-command ng Buckwood, tumutulo pa rin ang malamig na pawis sa kanyang likod.Mabilis siyang yumuko sa harap ni Harvey York at sinabing, “Kasalanan ko! Kasalanan ko itong lahat!”“Dahil sa kawalan ng kakayahan ko kaya matigas ang ulo ng mga tauhan ko. Hindi ko sila tinuruan nang maayos!”"Pinakamalaking pagkakamali ko na hinayaan ko ang mga taong ito na pukawin ka, Mr. York!”“Humihingi ako ng paumanhin, Mr. York. Tatanggapin ko ang anumang parusang ibibigay mo para sa akin!"“Ano?!”Nagulat ang madla matapos makita ang eksena.Inakala ng lahat na si Yoel ang backbone ni Harvey.Ngunit hindi nila naisip na kailangan niyang maging magalang kay Harvey at yumuko habang humihingi siya ng tawad. Hindi siya mangangahas na pabulaanan ang mga desisyon ni Harvey.Natulala si Dawson Surrey!Nagulat si Reign Jackson!Namangha si Marvin Brown!Nabigla si Yelena Surrey!Natulala ang lahat!Walang sinuman ang naka-isip mangyayari ito at talagang mas m
Thud!Hindi na kinaya pa ni Stevie Surrey ang pagkagulat. Bumigay na ang kanyang mga binti.Thud!Thud!Thud!Sumunod rin ang principal, pati ang mga board of director, puno ng desperasyon ang kanilang mga mukha.Dahil iba-blacklist ang kanilang mga pangalan sa education sector ng Buckwood, ibig sabihin nito ay tuluyan nang natapos ang kanilang mga career sa academia sa buong buhay nila.Hindi nila sukat akalain na hahantong sila sa ganito.“Tungkol naman sa iyo, iyo, iyo! At iyo!”“Bukod sa hindi kayo nag-aaral nang mabuti bilang mga estudyante, nagpakalat pa kayo ng mga tsismis sa paaralan at pinahiya ang kapwa niyo estudyante!”“Kailangan kong i-record ang nakakakilabot demerit na ito. Suspendido kayong lahat sa loob ng isang buong buwan!”Matapos marinig ang mga salita ni Tim Zepeda, bumagsak sina Yelena Surrey at ang kanyang mga tagasunod, nakaupo sa sahig. Namumutla ang mga mukha nila sa sandaling iyon.Bagaman hindi sila expelled, may bad record sila kasabay ng isang
“Hindi!”Malamig na tumawa si Harvey York.“Masyado kayong naging mayabang at bossy, akala niyo umiikot lang ang mundo sa inyo!”“Sa mga mata niyo, mga katulong lang ninyo ang lahat. Kung suwayin nila kaso, dapat silang mamatay!”“Hindi kayo dapat patawarin!”“Dawson Surrey, bumalik ka sa mga Surrey at sabihin sa kanila. Kung hindi niyo kayang magbigay ng pahayag, tatapusin ko mismo ang mga Surrey sa loob ng sampung araw!”“Ngayon, layas!”‘Di nagtagal, parehong tumakbo palayo sina Dawson at Yelena Surrey habang bahag ang kanilang mga buntot.Hindi nila sukat akalain na malaki ang aakuing responsibilidad ng mga Surrey dahil sa maliit na bagay na ito!Kinailangan nilang magmadaling umuwi para i-report ang sitwasyon. Kung hindi, katapusan na ng mga Surrey!***Sa podium.Laking gulat ni Tim Zepeda habang pinanood ang eksena. Tunay ngang hindi dapat pag-tripan si Harvey York.Pasalamat siya at kinampihan niya siya. Kung hindi, wala na sa kanya ang kanyang posisyon.Lumapit s
“Syempre! Mr. Harvey York, huwag kang mag-alala. Hindi kita bibiguin!”Tuwang-tuwa si Tim Zepeda sa sandaling iyon.Hindi niya sukat akalain na ang ikalawang rurok ng kanyang buhay ay mangyayari sa ganitong paraan.***Nang maayos na ang mga bagay-bagay, bumalik din sa klase si Xynthia Zimmer nang maluwag. Sa patnubay ng isang magaling na gurong tulad ni Ms. Yuna, makakahinga rin ng maluwag si Harvey.Nang sasakay na si Harvey sa kanyang kotse, naghahanda nang umalis, narinig niya ang mabilis na mga yabag ng high heels.Nang lumingon siya para tingnan kung sino iyon, nakatuon na sa kanya ang kulay-melon na mga mata ni Ms. Yuna; kahit normal na titig lang iyon, may bahid pa rin ng exoticism.“Anong meron?” Tanong ni Harvey.Lumapit si Ms. Yuna at tahimik na sumagot, “Mr. York, hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan para sa nangyari ngayon, Kung hindi dahil sa iyo, aakuin ni Xynthia ang sisi sa bagay na hindi naman niya ginawa.”Ngumiti si Harvey.“Bahagi ng pamilya ko si Xy
Luke Surrey!Ang binatang nagmamay-ari ng Mercedes Benz G Class ay ang prinsipe ng mga Surrey, isa sa mga first-rated family sa Buckwood.Normal para sa kanya na makipagkita kay Ms. Yuna. Estudyante ni Ms. Yuna si Yelena Surrey, pagkatapos ng lahat.Hindi naman galit si Luke na tinanggihan siya ni Ms. Yuna. Pagkatapos ay nagtataka niyang binaling ang kanyang tingin kay Harvey York na tahimik na nakatayo sa gilid.“Dahil ba sa lalaking ito kaya mo ako tinanggihan?”“Nagmamaneho ng Porsche 718, isang basurang kotse na nagkakahalaga ng ninety thousand dollars. Hindi mo naman siguro naisip na mas maganda ang kotse ng lalaking ito kaysa sa Benz G Class ko, ‘di ba?"Kumunot ang noo ni Ms Yuna.“Luke, wala itong kinalaman sa mga kotse. Ayoko lang kumain kasama ka, iyon lang.”"Kahit na magmaneho siya dito ng kotseng nagkakahalaga ng fifteen thousand dollars, sasama pa rin akong kumain sa kanya!"Ngumiti si Luke.“Ms. Yuna, hindi lang maganda ang trato mo sa akin sa puntong ito!”“P
Napatigil si Luke Surrey matapos marinig ang mga salitang iyon, saka siya ngumiti at napagtanto kung ano ang ibig sabihin ni Harvey York.“Tama ka, bata. Nangangailangan ang tunay na pag-ibig ng mas maraming pera. Magkano pa ang gusto mo?"Nagdilim ang mukha ni Ms. Yuna parang gabi sa sandaling iyon matapos marinig ang mga salitang iyon.Hindi niya sukat akalain na ibebenta siya ni Harvey para sa kaunting pera.Sa sumunod na sandali, nagtaas si Harvey ng isang daliri at ngumiti.Saglit na napatigil si Luke, saka tumawa."Determinado ka rin, 'no?! Humihingi ka ng one hundred thousand dollars?!"Napangisi si Harvey.“Nagkakamali ka, Prince Surrey. Hindi iyon ang ibig kong sabihin."“One million dollars?”Napasimangot si Luke. Kumukulo siya sa galit.Gustong gamitin ng lalaking ito na nanggaling kung saan ang pagkakataong ito para agad na umakyat sa mga ranggo!Puno ng paghamak ang tingin ni Luke kay Ms. Yuna.'Ito ba ang lalaking pinili mo?’‘Pera lang ang nakikita ng lalak